***

I had my first kiss three days ago.

Actually, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. It felt like it everything was just a dream. I remembered running away after that because I was too embarrassed to be with him. Hindi pa nga ‘yong kiss ang inalala ko kundi ang kinain ko bago ‘yon.

“Hayan na naman siya.”

“Hello? Earth to Alice?”

“Hulog na hulog siya, oh.”

Pinagtitripan na naman ako ng tatlo pero hindi nawala ang ngiti sa mga labi ko. Tuwing naaalala ko ‘yon ay gusto kong ibalot ang sarili ko sa kumot at magpagulong-gulong sa kama para lang ma-contain ko ang kilig ko. Hindi rin nakatulong sa pagmu-move on ko sa nangyari ang pang-aasar ng mga babaeng ‘to. Naalala ko pa ang mga reaksyon nila nang sinabi ko ‘yon. I ran to them after that and absentmindedly told them what happened. Steff choked on her chocolate cake while Yna spilled her water on the table. On the other hand, Jess kicked me under the table and almost threw her phone at me.

“Oh my gosh,” Yna suddenly muttered.

Napatingin naman kami sa kanya at nang mapansin niya ‘yon ay bigla niyang tinago ang phone niya at ngumiti.

“Nice try but nope. Show me,” sabay lahad ko ng kamay sa harapan niya.

“But . . .”

“Wait, are you on that portal again?” tanong ni Steff at kumunot naman ang noo ni Yna.

“Nope.”

“You’re not a good liar, Yna,” dagdag ni Jess. “Si Alice, oo, ikaw hindi.”

Dahil na-corner na namin siya ay wala na siyang choice kundi ipakita ‘yon sa amin. She hesitantly placed her phone on the table and true enough, she was on the underground site again. Nang makita namin ang article na nakabukas ay doon ko lang na-realize kung bakit ayaw niyang ipakita ‘yon sa amin.

Breaking the Royalty Couple Streak: Kevin Fuentez and a Commoner

Title pa lang ay alam ko na ang gustong iparating ng sumulat ng article na ‘yon at halata namang affected din sina Steff at Jess dahil sa akin.

“Sinong writer?” tanong ni Steff.

“Gewena Zarsa,” sagot naman ni Jess matapos niyang i-scroll ang page na ‘yon.

“Gewena? Ya, isn’t that the girl who begged Kevin to not leave her?” dagdag ni Yna at doon ko lang din na-realize na siya nga ang naabutan namin sa cafeteria last time.

Tumingin naman silang tatlo sa akin at binigyan ko sila ng mabilis na ngiti.

“Anong akala n’yo sa akin, iiyak sa ganyan?” I remarked and they gave me a variety of expressions.

“Malay ba namin kung naging marupok ka na sa ganyan,” Jess retorted. Inirapan ko na lang siya.

“But seriously, just ignore them,” sabi naman ni Steff.

“Agreed,” dagdag pa ni Yna.

“Yes, Mother 1, 2 and 3.”

Pagkatapos no’n ay pinagpatuloy na lang namin ang pagkain namin hanggang sa isa-isa na silang umalis dahil sa kanya-kanya nilang klase. Naiwan naman ako ro’n dahil sinabi ng prof namin last week na wala kaming class for two weeks dahil may international conference siyang a-attend-an.

Hindi naman ako takot tingnan ng mga tao pero iba ang mga mata nila ngayon. It felt like they were looking at me because of Kevin. While most of them gave me curious looks, some students made faces and some eyed me from head to toe. Naisip ko tuloy kung ganito rin ba ang pakiramdam nina Steff at Jess dahil tuwing kasama ko sila ay laging sa kanila nakatingin ang mga nakakasalubong at nasa paligid namin.

I realized being a Campus Prince or Princess isn’t just praises and admirations. They had to deal with tremendous attention from students on a regular basis and at the same time, maintain their grades. The pressure must be really high and and I would’ve have given up if I were them.

“Ate Alice!”

Napalingon naman ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko si Karla na palapit sa table ko. Umupo siya sa tapat ko at bigla naman niya akong binigyan ng isang nakakalokong ngiti.

“Don’t smile at me like that. It’s creepy,” sabi ko sa kanya at natawa naman siya.

“Sorry, I got bored teasing my brother so I decided to tease you instead.”

“Aba. Sorry ka, hindi ako madaling maapektuhan ng ganyang pang-aasar.”

“Really?” sabay lapit niya sa akin.

Napansin ko naman na unti-unting namumula ang pisngi at tenga niya. I waited for her counter but it seemed like she was hesitant to say it. After a few seconds, she cleared her throat and looked me in the eyes.

“I heard you two kissed,” she said, which was supposed to be tease but she was the first one to be embarrassed by it.

Kung siguro si Jess ang nagsabi ay kanina ko pa siya nahampas pero na-cute-an lang ako kay Karla. Parang lahat ng impurity ay napunta kay Kevin kaya masyadong inosente ‘tong kapatid niya. They complement each other as siblings.

Hindi naman na niya narinig ang sagot ko dahil bigla naming naramdaman ang pag-iba ng atmosphere. Students were stealing glances at us and I knew being with her would cause trouble when I heard the murmurs of the students who passed behind us.

“Lahat na lang ng Campus Princess, kinakapitan.”

“Pati Campus Prince.”

“Maybe she also wants to be a Campus Princess but her brain isn’t qualified for that.”

The group of girls snickered. Kunwari pang nagbubulungan kahit na ang totoo ay gusto nilang iparinig sa akin ‘yon. Karla was ready to attack those girls but I held her arm and looked at her as a warning. Ayoko namang pati siya ay madamay sa gulong sinimulan ko.

Umalis kami ro’n at humiwalay na ako sa kanya. Dinahilan ko na lang na may class ako kahit na wala dahil ayaw kong makita pa kami ng iba at gumawa na naman ng kung anong tsismis. Sa huli, tumambay na lang ako sa likod ng building kung saan ko unang nakitang magkasama sina Kevin at Karla. Bigla naman akong napangiti nang maalala ko kung paano ko binato kay Stan ang phone ko para hindi niya ma-harass si Karla. That was the start of everything.

Umupo ako at sumandal sa pader habang kinakain ko ang chocolate bar na binigay ni Steff kanina. This is her way of cheering us up. She’d always give us chocolates whenever we feel down and I appreciate that. Lagi niya man kaming pinupuna sa mga kalokohang pinaggagawa namin, siya rin naman ang unang nakakakita kung may pinagdadaanan kami.

“Oh my gosh!”

Nagulat din ako nang narinig ko ‘yon at pagtingin ko ay may babaeng papunta rin dito sa direksyon ko. Nagkatinginan kami at doon ko lang na-realize kung sino siya.

It was Lalaine.

“Alice? Hoy, ang tagal na kitang ‘di nakikita! Kumusta?” sabay upo niya sa tabi ko.

Hindi mo aakalaing Campus Princess ang isang ‘to dahil sa mga kilos niya. Naging kaklase at seatmate ko siya sa isang subject at lagi kaming tinitingnan ng professor namin dahil sa ingay naming dalawa.

“Ayos naman,” sabi ko habang nakangiti.

“I read that article,” she said and my smile melted.

I actually wanted to talk to someone outside my circle about this. Maybe Lalaine would be the perfect outlet because she also knew I like Kevin since our first year here. I told her what really happened since that article was misleading and written by someone who still loves Kevin.

“Wow, that’s tough,” she commented and I gave her a melancholic smile.

“Kasalanan ko rin naman. Inipit ko si Kevin sa gano’ng sitwasyon. Sa harap ng maraming tao.”

“Ano ka ba, hindi naman sa lahat ng pagkakataon, babae ang dapat mag-adjust.”

“But it’s hard,” sabi ko naman. “People are judging me because of that. Pati sina Steff, Jess at Karla nadadamay dahil Campus Princesses sila. I feel like I’m really a user.”

The tears I was holding back a while ago streamed on my face. Sa aming apat, ako ang hindi iyakin. Ako ang laging nagko-comfort. I couldn’t cry in front of them because I was the strong one. Pero ang hirap kapag ako na ang nasasaktan.

“Do you think that’s how they see you? Sina Steff at Alice?” tanong ni Lalaine at umiling naman ako.

Hindi gano’n kababaw ang friendship namin pero dahil sa mga sinasabi ng mga tao sa paligid ko ay nagi-guilty ako. Alam ko naman sa sarili ko na ang dami ring benefits ng pagiging Campus Princess nila sa akin.

“Alam mo, Alice, itong Campus Princess at Prince titles namin? They just create boundaries. People think we’re some kind of celebrities or saints. We have to act like good public figures because any movements can cause us our reputation.”

I agreed. Sa tuwing gagalaw sina Jess at Steff, alam kong ilang estudyante ang nakatingin, nagbabantay sa bawat galaw nila. Kaya nga kadalasan, sa kani-kaniyang bahay na lang namin kami nakakapag-enjoy na walang mga matang nakamasid sa kanila. I realized having a title was more of a burden than a convenience to them.

“During our first year, I tried to fit in,” Lalaine continued. “I mean, most of the Campus Princess of our batch are princess-like. Steff and Tricia? Wow.”

Natawa naman ako sa kanya. Actually, sa batch namin, silang dalawa lang ni Jess ang hindi mahinhin kaya mabilis ko silang naka-close.

“A lot of students liked me because I was ladylike. But it was tiring and it didn’t make me happy,” saka siya ngumiti. “This is me,” sabay turo niya sa sarili niya. “The real me. I am loud and I don’t really care about my postures. I lose a lot of friends and admirers but at least I am happy. I am free. So don’t let other’s words control your life and happiness.”

Pagkatapos no’n ay nagtawanan na lang kami dahil sa lalim ng napuntahan ng usapan namin pero ang dami kong natutunan sa kanya. She really deserved that Campus Princess title.

Nauna na ako sa kanya at tinext ko kaagad si Kevin. Hindi pa kami nakakapag-usap nang maayos dahil busy siya at umiiwas naman ako sa kanya. I was afraid people would look at him badly if I was with him. Sa klase naman namin ay lumipat ako ng pwesto malayo kina Darryl at Kevin. I was too embarrassed to be in the same space as him because that kiss would always flash in my mind.

But today would be different.

Hindi ko na kailangang hintayin ang reply niya dahil nakita ko siyang naglalakad sa may corridor. Kahit nakatalikod siya ay alam ko na agad na siya ‘yon. Sa tagal ko ba namang crush siya, hindi ko pa ba siya makikilala kahit nakatalikod?

I sneaked behind him and laced my fingers on his. Nagulat siya ro’n at lalo pang nanlaki ang mga mata niya nang makita niya ako.

“Alice?”

Nakita kong namumula ang tenga niya habang pabalik-balik ang tingin sa akin at sa mga kamay namin kaya nahiya na rin ako. I couldn’t stare at him anymore so I just looked in front of us.

Nakatingin na rin ang ilang estudyanteng nadadaanan namin at andoon na naman ang mga mata nilang may hindi magandang iniisip sa amin. I was tempted to let go of his hand but his grip got tighter.

“You’re really something,” he muttered. “I thought you wouldn’t want to be with me in the campus.”

Bigla naman akong na-guilty. Sa nakaraang tatlong araw, kapag may free time siya, lagi niyang tinatanong kung nasaan ako pero gumagawa lang ako ng palusot para hindi niya ako makita. Hindi pa kasi ako nakaka-recover sa ginawa niya at hot item pa kami sa underground website kaya natatakot akong makita kasama siya. But after what Lalaine said a while ago, I realized I was being a coward and unfair to him.

“Nawalan na ako ng paki,” sabi ko at natawa naman siya nang bahagya. “As long as I’m happy, their opinions don’t matter to me anymore.”

Nakita ko naman sa peripheral vision ko na nakatitig siya sa akin. I stole a glance and confirmed he was, indeed, staring at me with a proud smile on his face.

“W-what?” tanong ko dahil nahihiya na ako sa pinaggagawa niya.

“You’re making me fall for you even more.”

I screamed in my mind. Grabe, paano niya nasasabi ‘yon nang hindi man lang nahihiya?! Samantalang ako ay gusto ko nang ibalot ang sarili ko sa kumot sa sobrang hiya at kilig. Gusto ko nang magtago.

Balak ko sanang lumayo nang kaunti sa kanya at bitiwan ang kamay niya pero hinatak niya ako palapit at lalo pang humigpit ang hawak niya sa kamay ko.

“Nope, Princess, you’re staying here,” he said and my heart pounded loudly against my chest.

Princess, huh?



***