***

Nasasanay na ako sa kakaibang tingin ng mga tao sa akin. Actually, wala naman talaga akong pakialam dati pero dahil nadadamay ang mga taong malalapit sa akin ay ang bigat sa loob. Sino nga ba naman ang hindi maiinis kung ang isang tulad ko ay napapalibutan ng mga Campus Prince at Princess? Two royalty couples and royalty siblings in the same group as me? Yup, definitely an issue. Kaming dalawa lang ni Yna ang normal. I bet she was also getting spiteful looks from students who couldn't accept the fact that their precious Campus Princes and Princesses have normal friends.

"Kumusta naman ang hot topic ng campus?" bati ni Jess, sabay upo sa tabi ko.

"Excuse me, number two kaya ang article n'yo ng unknown particle mo, Ms. Amazona," I retorted and the smirk on her face was replaced by worry.

"What? Anong article?"

Tinaas ko ang phone ko. "Hindi mo ba nakita ang sinend na link ni Yna sa group?"

Nilabas niya ang phone niya at saka tiningnan ang sinasabi ko. Huh. I'm getting good at diverting topics about me into someone else's.

Nandito kami ngayon sa bahay namin at ito lang yata ang time na nagpapasalamat akong sa wakas ay weekend na. Usually, hindi ko gusto ang weekends dahil lagi lang akong mag-isa. I don't like the feeling of being alone that's why I always pester those three to keep me company. I know it's annoying sometimes but I'm grateful that they understand my struggle with loneliness, being an only child whose parents are always working.

"What the heck? Bakit pati 'to nagiging article?!" reklamo ni Jess nang mabasa niya 'yon.

Natawa naman ako sa reaksyon niya. The scoop was about Patrick annoying Jess with their height difference. Nakataas ang kamay ni Pat habang hawak ang notebook at pilit 'yong inaabot ni Jess. In the end, sinuntok niya sa tiyan at sinipa sa tuhod si Patrick para makuha 'yon pero ginantihan naman siya ng mabilis na halik sa labi.

"Ang landi n'yo," I commented as I watched the video.

"Ako ba ang humalik?" she retaliated but her cheeks were already blushing.

"Kilig ka naman?"

"Hah! As if! Sino bang kumuha ng video na 'to?! Their thirst for stories is downright freaky!"

Nag-agree naman ako ro'n. Grabe rin talaga ang pagkalat ng tsismis sa portal na 'yon at in fairness, bumebenta sa mga estudyante. Pero kasi 'yong ibang articles nila ay masyado nang nang-i-invade ng privacy, lalo na sa case ng mga Campus Prince at Princess. Akala yata nila mga artista ang ginagawan nila ng kwento.

At ang nag-top na story ngayong week? Bagong article tungkol sa amin ni Kevin na sinulat na naman ng pesteng Gewena na 'yon.


Alisson Jane Diaz: A Commoner turned Princess Consort


Naka-feature pa ro'n ang picture naming dalawa na magka-holding hands pati na rin ang walang katapusan kong pagpipigil ng kilig. Minsan napapaisip na lang ako kung may buhay pa ba ang admins ng site na 'to. It seemed like they always have time to stalk everyone.

"How's the Princess Consort?"

Napatingin kaming dalawa ni Jess at sabay na dumating sina Yna at Steff. Inirapan ko na lang si Yna. Ang lakas mang-asar nito porque wala kaming alam sa kung ano ang nangyayari sa kanya ngayon.

Dahil tatlo na sila ngayon ay nagawa na nila akong pagtulungan. Inasar nila ako sa ginawa ko that day at sinabi ko naman sa kanila na wala na akong pakialam sa iniisip ng mga tao.

"That's our Alice," Steff said while stroking my hair. At talagang pinanindigan niya ang pagiging nanay. Parang dati lang, siya pa ang kino-comfort namin noong affected na affected siya sa bebeboy niya.

"Ganda ng friend natin," dagdag ni Jess. "Biruin mo, nanalo against sa lahat ng na-link kay Kevin? Makamandag."

"She used a love potion, for sure," Yna threw in.

"Excuse me?" sabay hawi ko ng buhok ko. "Kasalanan ko bang ganito ako kaganda noong ipinanganak?"

Pagkasabi ko no'n ay nag-gesture sila na nasusuka at lumayo sa akin. Itong si Jess, pinanganak na OA, kaya paluhod-luhod pang ginawa, akala mo maganda.

Pagkatapos no'n ay napag-usapan namin ang araw na 'yon. That day felt surreal. I never thought I'd be able to face him after all those rumors but Lalaine made me realize a lot of things. And she was right. I shouldn't let other people decide what I should do and who I should be.

Napangiti naman ako nang maalala ko si Kevin. He didn't let go of my hand that day. Ang daming mga mapanghusgang mata pero nasa akin lang ang atensyon niya. Muntik pa nga akong maiyak no'n kasi parang hindi ko naman deserve 'yon.

"Pero Alice, kayo na ba?" tanong ni Steff at sasagot pa lang sana ako nang biglang narinig namin ang pagsara ng pinto.

Dad was standing there, intrigued by what he had heard.

"Uh oh," Yna whispered.

"Hello, Tito," bati nilang tatlo nang lumapit si Dad sa amin.

He was usually cheerful around them but not this time. Nakangiti pa rin si Dad pero iba ang tingin niya sa amin ngayon. Lalo lang akong kinabahan nang nakiupo siya sa couch.

"So, tell me, may boyfriend na ba si Alisson?"

And that was the day my best friends betrayed me.


***

"Ngayon na ba 'yong family dinner n'yo with Kevin?" tanong ni Jess habang nakangiti nang nakakaloko kaya inirapan ko siya.

"Kasalanan n'yong tatlo 'to!" sabi ko naman at tinutukan ko sila ng tinidor na hawak ko.

Nandito kami ngayon sa usual naming tambayan dahil vacant period namin. Malapit na kasi ang Christmas break kaya wala nang pakialam ang iba sa classes ngayong week. Sabi ni Mommy, magbabakasyon lang kami sa rest house namin sa Tagaytay kasama ang iba naming relatives.

"Wala naman kaming choice no'n," dagdag ni Steff. "At isa pa, baka paalisin kami ni Tito 'pag 'di namin sinabi 'yong totoo. Sayang naman 'yong chocolate cake na nakahanda."

"Pinagpalit mo ako sa chocolate?!"

"She would choose chocolates even over her bebeboy. No one could get between her and her chocolates or strawberries, Alice. No one," Yna remarked.

Napabuntong-hininga naman ako. Steff needs to sort out her priorities.

Biruin n'yo ba namang binuking nila ako kay Dad? At syempre, natural storytellers ang tatlo kaya may kung anu-ano na ang nadagdag sa kwento. Gusto ko na lang lumubog sa couch noong mga panahon na 'yon dahil sa kahihiyan. Hindi ko nga alam kung naniwala talaga si Dad sa iba, lalo na sa exaggerated na kwento ni Yna tungkol sa nangyari sa cafeteria.

"Pero ngayon nga?" pagpupumilit ni Jess at wala na akong choice kundi sabihin sa kanila dahil kulang na lang ay kuminang ang mga mata nila sa curiosity.

"Bukas pa," I replied. "Hindi ko pa nga nasasabi sa kanya."

"Call him now!" Yna suggested and I rolled my eyes at her.

"Anong sasabihin ko? Uhm, hello, pwede ka bang sumama sa family dinner namin bukas kasi 'yong tatlo kong pahamak na kaibigan ay binuking ako sa tatay ko na boyfriend daw kita kahit hindi pa naman?"

"Exactly," pang-aasar pa niya at nagpipigil namang ng tawa ang dalawa.

"Why not?"

Hindi ko alam kung sumigaw ba muna ako bago muntikang mahulog sa upuan dahil sa pagdating ni Kevin o sabay 'yong nangyari pero ang alam ko lang ay gusto ko nang maglaho na parang bula ngayon.

BAKIT NASA LIKURAN KO SI KEVIN NANG SABIHIN KO 'YON?! BAKIT WALANG MEMO?! BAKIT?!

Halos ibaon ko na ang pagmumukha ko sa pagkaing kinakain ko habang tawang-tawa naman ang tatlo dahil doon. Naramdaman kong tumabi sa akin si Kevin kaya lalo akong nahiya. I could even hear him snickering!

"Pero seryoso ba? Invited ako?" tanong niya pero hindi pa rin ako tumitingin sa kanya. 'Yong pagkain ko lang ang kaya kong tingnan sa oras na 'to.

"Ewan ko sa'yo! Umalis ka nga muna!" sigaw ko pero ang mga bruha, imbes na tulungan ako ay tinawanan lang ako.

"Alice is being a tsundere."

"Ngayon ko lang nakita si Alice na nahiya nang ganyan."

"Right? Madalas, walanghiya siya, eh."

"She's cute," dagdag naman ni Kevin at doon na narating ng hiya ko ang climax.

Umayos ako ng upo at tinitigan nang masama ang tatlo pero walang epekto sa kanila. Palibhasa nandito si Kevin kaya alam nilang wala akong laban. Mga taksil!

"Fine! Oo, sumama ka raw sa dinner," sabi ko na lang pero hindi ko pa rin siya tinitignan.

"Really? Mukhang masasabi ko na ang speech na pinrepare ko dati," he joked.

Bakit parang wala lang sa kanya? Ako lang ba ang kinakabahan para bukas? I mean, unang beses kong magpapakilala sa parents ko ng ibang tao maliban sa tatlong baliw na mga babaeng lagi kong kasama. Oh my god, iniisip ko pa lang ang pwedeng mangyari ay nanlalamig na ako.

Nakita ko namang tumingin siya sa tatlo at bago niya pa masabi ang gusto niyang sabihin ay inunahan na siya ni Steff.

"Fine, but take care of her," sabi niya.

"And we will take care of them," Yna muttered while looking around us.

"Thank you."

Hinawakan naman ni Kevin ang kamay ko at naglakad kami palayo kina Steff. Napalingon naman ako nang may narinig akong sumigaw sa direksyon nila at nakita ko na lang na natapunan ng pineapple juice ang dalawang babaeng mukhang sinusundan kami.

"Omo, I'm so sorry! I . . . I didn't mean it!"

Hinila naman ako ni Kevin kung saan kami nag-usap ni Lalaine noong nakaraan.

"Anong oras pala ang dinner at saan?" tanong niya kaya sinabi ko naman agad sa kanya.

I was still reluctant about the dinner but it seemed like he was already prepared. I guess I just have to with the flow.

Bigla namang naging seryoso ang mukha niya kaya kinabahan ako. He looked troubled. May masama bang nangyari?

"I'm sorry," he suddenly said.

"H-huh? For what?" I asked, confused.

"For kissing you."

Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman nang sabihin niya 'yon. Was he regretting it? Parang lumubog ang puso ko dahil doon.

"I wanted to do everything right but I really don't have any idea how and I was taken over by my selfishness that time," he said and heaved a sigh.

"Teka, a-ano bang sinasabi mo—"

Napatigil ako sa pagsasalita nang may kunin siya sa malaking paper bag na hawak niya at napatakip ako sa bibig ko nang bigyan niya ako ng isang pirasong bulaklak.

"For you," he said. Kinuha ko naman 'yon at hindi ko napigilan ang pagngiti ko.

Steff likes flowers and she would always tell us the meaning of them. Kevin gave me a peach-pink ombre rose that exuded elegance and beauty, just like its namesake—the Princess Diana rose.

"I didn't have the chance to do it before and I didn't think it was necessary but you changed everything."

Habang nakatingin ako sa kanya ay ilang beses akong nagpasalamat sa itaas dahil nakilala ko siya at ilang beses din akong nagtanong kung anong nagawa ko para mangyari sa akin 'to. His next statement made me think if I really deserve this kind of guy.

"Alice, pwede ba akong manligaw?"

For the first time, I really felt like a princess.



***