***

I didn't sleep a wink last night because I was worrying about our family dinner. Idagdag pa ang pinagsasabi ni Kevin. Pakiramdam ko, sasabog na ang utak ko.

Alam n'yo 'yong feeling na ayaw tanggapin ng isip mo ang katotohanan? 'Yong hindi nagsi-sink in sa'yo kahit anong pilit mo? 'Yong kinukwestyon mo kung nasa reyalidad ka talaga o panaginip lang lahat? Gano'n ang nararamdaman ko magmula nang mapansin ako ni Kevin.

I mean, hello? Me over other girls? After what happened these past few days, I was convinced that I had already used all the luck I had in my entire lifetime.

"So, is it true?"

Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko nang bigla na lang lumitaw si Karla sa tapat ko. She flashed a teasing smile and leaned closer to me.

"I never thought he'd court someone," she said and I remembered his words and expressions yesterday. Pinilit kong maging kalmado pero ang hirap ngayon. "I'm glad it's you."

Nagngitian na lang kaming dalawa dahil wala rin naman akong masabi at paniguradong mang-aasar lang ang isang 'to kapag dineny ko pa. Turned out na aasarin niya rin ako dahil sa pagngiti ko.

After a few minutes, dumating na rin si Yna habang may dala-dalang books kaya nagulat ako.

“Ah, it’s Kevin’s . . . nakakabatang kapatid,” she said while looking at Karla. “Was that the appropriate term?” sabay tingin naman niya sa akin.

“It’s nakababatang kapatid,” I corrected.

“Oohh. Close enough,” bulong naman niya habang nilapag niya ang ilang libro sa lamesa.

Karla gave her a timid smile. They were so awkward and I had to bit my lower lip to prevent myself from laughing.

“Anong meron?” sabay tingin ko sa mga librong dinala niya at bigla naman niyang iginilid sa pwesto niya kaya hindi ko nakita ang mga title.

“Pimiliya,” (It’s a secret,) sabi naman niya.

Sinamaan ko naman siya ng tingin dahil parami na nang parami ang mga hindi sinasabi ng babaeng ‘to sa amin. Lately, laging siya ang nahuhuli sa pagpunta rito.

“Anyway, have you seen this?” sabay lapag niya ng phone niya sa lamesa at halos masamid ako nang makita ko ang mukha ko ro’n.

“Why does he look cool in that? Eww,” Karla commented while looking at the same photo.

“Right? While Alice looks like a panicking fish.”

“Oh. Now that you mention it . . .”

Hindi ko na lang sila pinansin dahil mas nakuha ng picture na ‘yon ang atensyon ko. That was the time when Kevin gave me a rose and asked if he could court me. Hindi ko alam kung may nag-aabang ba talaga para makunan ang moment na ‘yon o nagkataon lang na nandoon ang kumuha ng picture sa tamang lugar at oras.

And I realized I really looked like a panicking fish. Bakit ang pangit ko sa angle na ‘to?!

Nagsimula naman kaming kumain at hindi na rin namin hinintay ‘yong dalawa. For sure ay busy ang mga Campus Prince at Princess ng batch namin dahil malapit na ang qualifying exams, which is, last day of classes just before the Christmas break. Ide-determine kasi no’n kung pwede kang kumuha ng advanced courses pagtungtong namin ng third year. Knowing those two, malamang nasa library na ang mga ‘yon at punung-puno na ng libro ang lamesa nila.

Tiningnan ko naman ang phone ko kung may message ba galing kay Kevin pero wala. Mukhang busy rin siya sa pag-aaral.

Come to think of it, parang hindi ko pa siya nakitang nag-aaral. I started to wonder what kind of expression would be seen on his face when studying. Serious? Solemn? Serene? Hala, gusto kong malaman.

Itatanong ko sana sa dalawa kung may idea sila kung nasaan si Kevin pero naabutan ko silang parehong nagpipindot sa phone nila at may kakaibang expression sa mukha.

“Sino—”

“Sorry, I need to go. See you later,” biglang sabi ni Yna at bigla na lang siyang umalis habang dala-dala ang mga libro niya.

Medyo gulat pa ako sa nangyari nang magpaalam na rin si Karla dahil may klase na raw siya kaya wala na rin akong nagawa kundi umalis. Pumunta na lang ako sa dance studio since wala na rin naman akong klase ngayong araw.

Halos isang linggo rin akong hindi nakapunta rito dahil sa dami ng mga nangyari at pagpasok na pagpasok ko ay ramdam ko na agad na may kakaiba. Dancers were staring at me with curiosity, and some, with spite. They might have already read the articles posted on the portal in addition to the rumors about me and Kevin. Hindi ko rin naman sila masisisi dahil pareho kaming pumupunta rito.

Nilagay ko ang mga gamit ko sa locker at didiretso na sana ako sa dance room dahil hindi ko na kinakaya ang pagsulyap nila sa akin nang biglang may mukha na sa tabi ko pagkatapos kong isara ang locker ko.

“Oh my—!”

“Follow me.”

I flinched and almost yelled when I saw Ate Divine beside me. Pagkasabi niya no’n ay agad siyang naglakad palayo kaya sumunod na rin ako. Naririnig ko pa rin ang mga bulungan nila at kung papaano nila ako tingnan na parang may ginawang masama kaya naman binilisan ko ang paglalakad ko. Pumasok kami sa room na tanging officers lang ang pwede at namangha naman ako sa nakita ko.

There were several trophies and medals displayed in a glassed cabinet. Framed photos filled the wall beside it. The achievements of this organization welcomed me and seeing the smiles on the photos kind of melted the worries I felt earlier.

“Have a sit.”

Umupo naman ako sa couch at pumwesto siya sa tapat ko. It was awkward since I never really had a chance to be with her alone before.

“So, are the rumors true?” tanong niya at totoo ngang nakaka-intimidate ang presence niya.

“U-uhm . . .”

“Don’t be too nervous. ‘Di naman ako nangangain ng tao,” she joked and I think that was the first time I saw her smiling like that.

Hindi ko alam kung ilang segundo akong nakatitig lang sa kanya pero dahil sa sinabi niya ay medyo kumalma na ako.

“Uhm, this may sound funny and unbelievable but . . .” I had to breathe deeply to utter the next words. “Kevin is . . . is uhm . . . courting me.”

We were both silent for a few minutes and I could feel the blood rushing to my cheeks. That was embarrassing and I was starting to regret saying those words.

Nasa kalagitnaan na ako ng pagdadasal na sana ay mag-evaporate na lang ako dahil sa kahihiyan nang narinig ko ang mahinang pagtawa ni Ate Divine.

“I didn’t that kid has the guts to ask someone out,” she said between her chuckles.

Huh? Sa dami ng mga babaeng nakapaligid sa kanya, imposible ‘yon. Tss. Now that I think about it, bakit ba kasi gano’n siya? Nakakainis. I want him to be serious about me. I want to be his girl, not one of his girls.

“Your expressions says you don’t believe what I said,” sabi niya kaya bigla akong kinabahan. “Well, with his playboy image, I guess it would be dubious.”

Naalala ko naman ang sinabi dati ni Patrick. He said Kevin has his reasons.

“People think he doesn’t care about the feelings of the girls he got involved with,” she continued. “but the truth is, he’s too compassionate.”

“W-what do you mean?”

“You’ll understand if you get closer to him.” She smiled. “You know, I became one of his girls, too,” she said while making a quote gesture in the air.

“E-eh?!”

For real?! Si Ate Divine? Wait, seryoso ba?

“Don’t worry, hindi ko type ang lalaking ‘yon. I don’t like the laidback type,” dagdag niya at bigla naman akong may naalala.

“Kuya Jasper?” I blurted out. Bigla naman akong napatakip sa bibig ko dahil hindi ko napigilang sabihin ‘yon. Siya kasi ang una kong naisip na kabaligtaran ng personality ni Kevin. “S-sorry! I didn’t mean to—”

Pareho naman kaming napatigil at napalingon sa pinto dahil narinig namin ang pagbukas no’n. And guess what? It was Kuya Jasper.

“Yeah,” biglang sabi ni Ate Divine kaya napatingin ulit ako sa kanya. “Kind of.”

“Hmm? Is that Diaz?” tanong ni Kuya Jasper nang makita niya ako kaya ngumiti na lang ako sa kanya.

Nagpaalam naman ako sa kanilang dalawa at narinig ko pa ang pagrereklamo ni Ate Divine dahil late si Kuya Jasper. As usual, he looked at him with that blank expression. Napangiti naman ako. They suit each other.

Pagkalabas ko sa office ay didiretso na sana ako sa dance room nang makita ko si Jon na papasok din doon pero mukhang busy na naman siya sa phone niya.

Hooh. This time, I’ll succeed.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa direksyon niya nang bigla siyang napalingon kaya naitaas niya kaagad ang phone niya bago ko pa mahablot. Ugh! I was so close!

“Hey! Hindi ka pa rin ba sumusuko?!”

“No way! Kailangan kong malaman ang weakness mo!”

Pilit kong inaabot ang phone niya pero nakakainis dahil ngayon kitang-kita ang advantage ng height niya. Lagi niya akong inaasar simula nang nalaman niyang crush ko si Kevin pero wala pa rin akong alam tungkol sa lovelife niya kung meron man.

“Teka, Als!”

Paikut-ikot na kami ro’n sa dance room at napapagod na rin ako kakatalon at kakaabot sa phone niya. I was about to do some dirty tricks but we both halted when we noticed someone who was leaning against the door jamb.

He cleared his throat and looked at us with an ambiguous expression.

“Kevin!” sigaw ni Jon. “Passing this to you!” sabay tulak niya sa akin sa direksyon ni Kevin at saka siya tumakas.

“Ah! Teka! Hindi ko pa nalalaman kung sino ‘yan!”

Hindi naman na siya muling lumingon at hinarangan din ni Kevin ang pinto kaya hindi ko na nahabol ang lalaking ‘yon. I failed!

Nagkatinginan kami ni Kevin at bigla kong naalala ang nangyari kahapon pero sumingit naman ang mga sinabi ni Ate Divine kanina. This guy . . .

It got a bit awkward when he continued staring at me with that kind of face. Hindi ko tuloy alam kung seryoso ba siya o ano. I was about to ask him if he was okay when he suddenly pull his phone out of his pocket. He held it in front of him while his eyes didn’t leave mine.

Ilang segundo ko rin siyang tinitigan dahil hindi ko alam ang trip niya ngayon.

“W-what?” tanong ko nang hindi ko na makayanan ang katahimikan namin. However, instead of answering, he just shoved back his phone to his pocket and closed the door.

Okay, seriously, eto ba ang epekto ng pagre-review sa qualifying exam? Or maybe . . . hmm . . . if that was the case, then . . .

“Your smile tells me that you already know how I feel,” sabi naman niya kaya napangiti ako. Bakit ang cute niya?

“You’re acting like baby Sylvester,” I teased.

I was expecting him to get flustered but my plan backfired at me when he got close to me until our faces were just inches apart.

“You’re getting good at teasing me,” bulong niya at pakiramdam ko ay sasabog na ang utak ko dahil nakangiti siya habang ang lapit ng mukha niya sabay sabi ng mga salitang ‘yon.

Buti na lang at umatras din siya pagkatapos no’n dahil muntik na akong madali. Bakit parang mas naging effective ang ganitong tactics niya?!

“Didiretso ka na ba sa dinner mula rito?” tanong niya.

“Uhh, y-yeah?”

Ngumiti pa ang loko. Ano ba, Alice, pull yourself together!

“Sabay na tayo,” he said with a warmer voice.

“O-okay.”

Nagsimula namang pumasok ang members dahil may dance routine na kailangang tapusin ang ilan sa kanila. Sinundan ko naman ng tingin si Kevin habang lumalapit sa kanya ang ibang officers. Nagulat ako nang bigla siyang lumingon sa direksyon ko. He smiled at me and mouthed ‘later.’

Napabuntong-hininga na lang ako. I just hope everything goes well.



***