***

Tahimik lang kaming dalawa habang papunta sa parking lot kung nasaan ang kotse niya. Meydo maaga pa nga pero ayaw niya raw ma-late sa dinner kahit less than thirty minutes lang ang byahe papunta ro'n.

"Sure ka ba?" tanong ko nang makapasok kami sa sasakyan. "Sobrang aga pa."

Halos two hours pa ang hihintayin namin kung pupunta agad kami. Hindi naman siya punctual pagdating sa mga practice. Anong nakain niya ngayon?

"Oh. Maaga pa ba?" he asked back.

Doon ko lang na-realize na wala siyang suot na relo ngayon, which was quite weird. Mukha rin siyang walang tulog. He must be busy, especially that the 50th anniversary and the qualifying exam would happen on the same day—tomorrow.

Umupo siya sa driver's seat at isinandal ang ulo niya sa headrest. He let out a deep breath and closed his eyes for a few seconds.

"Magpahinga ka muna," I said, and he looked at my direction.

"But—"

"Hindi tayo makakarating do'n kung pagod ka at inaantok."

We stared at each other for a few seconds and in the end, he gave in.

"Okay," he muttered. "How about you?"

Nilabas ko naman ang phone ko. "Don't worry, I won't get bored."

He flashed a relieved yet weary smile and after several minutes, he fell asleep. Tinitigan ko siya habang natutulog at napangiti ako dahil ang peaceful ng mukha niya. He looked really tired and I started to wonder if he was getting enough sleep.

"Bakit kahit natutulog ka, para ka pa ring model?" I muttered while staring at his long lashes, high nose bridge and thin lips. "Unfair."

Muli akong napangiti. Parang dati, sa malayo ko lang siya nakikita. I could only steal glances at his direction because he didn't know I exist. Naiinis at naiinggit pa ako sa mga taong nakadikit sa kanya dahil natitingnan mo sila sa mga mata at naririnig nila ang boses mo. You were out of my reach before. Funny how I'm looking at your sleeping face now.

I reached for his face, gently tracing its features. Mukhang mahimbing ang tulog ng lalaking 'to dahil hindi man lang nagising. Dahil wala na rin naman akong magawa ay nag-phone na lang ako hanggang sa thirty minutes na ang lumipas.

"Kevin . . ." mahina kong tawag pero hindi siya nag-react.

Ilang beses ko siyang tinawag at tinapik pero walang epekto. Ang lalim yata ng tulog niya at saglit akong natawa dahil doon. Ang cute. Na-i-imagine ko tuloy si baby Sylvester.

Gusto ko pa sana siyang makapagpahinga kaya naman tinawagan ko si Dad. After three rings, sinagot niya rin.

"Dad, I—"

"I was about to call you." Napahinto naman ako sa pagsasalita dahil parang kakaiba ang tono niya. He seemed out of breath and agitated. "Let's postpone the dinner and go to the hospital near that restaurant."

"Hospital? Why?"

Bigla akong kinabahan. Huwag naman sanang masamang balita.

"Your Mom got into an accident."

I didn't hear what Dad said next. My mind went blank the moment I heard the word accident. Nanlambot ang mga tuhod ko at hindi ako makahinga nang maayos.

"—here. Hello? Alice? Listen to me."

"A-anong nangyari, Dad?"

"Nabangga ang kotse niya habang papunta rito."

"Oh my god," I whimpered. "H-how. . . M-mom . . . i-is she . . ."

"Don't worry, hindi naman gano'n kalala but she's still receiving treatment."

Hindi ko alam kung manlulumo ba ako o makakahinga nang maluwag sa narinig ko. Kung anu-ano na ang pumapasok sa isip ko kaya sinubukan kong kumalma.

"Are you with Diaz's son?" tanong ni Dad kaya napatingin ako kay Kevin na hanggang ngayon ay natutulog pa.

"Y-yeah. Why?"

"Isama mo na rin siya rito." Tumahimik naman si Dad ng ilang segundo habang pigil-hininga kong hinihintay ang mga salita niya. "His mother is here."

"His Mom? Bakit, Dad?"

Narinig ko ang paghinga niya nang malalim. "She's with your Mom and she's in a critical condition."

Halos mabitiwan ko ang phone ko nang marinig ko 'yon at sakto namang nagising si Kevin. He looked at me with a confused expression and I didn't know what to say or react.

"Sorry, napatagal ang tulog ko. Okay ka lang ba?" tanong niya pero hindi ko siya magawang sagutin. Pakiramdam ko, tutulo na lang bigla ang luha ko kapag nagsalita ako. "Alice?"

"Give him your phone," sabi naman ni Dad sa kabilang linya. "Ako na ang kakausap sa kanya."

Wala akong nagawa kundi sundin siya. Mukhang nakutuban na ni Kevin na may nangyari dahil naging seryoso na rin ang mukha niya. Ibinigay ko sa kanya ang phone ko at hinayaan kong si Dad ang magsabi sa kanya.

Umiwas ako ng tingin habang nag-uusap silang dalawa. Hindi ko kayang makita ang mukha niya habang pinag-uusapan ang Mom niya. Isa pa, nagi-guilty ako sa nangyari at hindi ko alam kung bakit. After a few minutes ay natapos siya sa pagsasalita at saka niya ibinalik ang phone ko.

Bigla naman niyang pinaandar ang kotse at natakot ako sa expression niya. That was the same face he made when he saw her mother outside our house. Hindi ko alam kung nag-aalala siya o galit. It felt like the calm before the storm.

Napahawak naman ako sa seatbelt dahil binilisan niya ang pagpapatakbo ng sasakyan. I wanted to call his name but I was afraid. Parang ibang tao ang kasama ko.

Ilang minuto lang ay nakarating agad kami sa ospital at pumunta agad kami sa sinabing room ni Dad kanina. I saw Mom lying on the bed with bandages wrapped around her right arm and head. Nakahinga ako nang maluwag nang nakita ko na conscious siya at nakangiti sa akin.

"Mom!" sigaw ko at akmang yayakapin ko na siya nang pigilan ako ni Dad dahil baka matamaan ko ang injuries niya.

"Sorry for making you worry," she said while smiling apologetically at me.

"Alice," tawag ni Dad. "Samahan mo siya."

Noong una ay akala ko si Mom ang dapat kong samahan niya pero nang makita kong nagbago ang expression nilang pareho ay saka ko na-realize na si Kevin ang tinutukoy niya.

"That boy needs an emotional support right now," Mom said. "Can you do that, Alice?"

"But . . ."

"I'm fine. Your Dad's here."

"Then . . ."

Pagkasabi niya no'n ay lumabas ako at hinanap kung nasaan si Kevin. Matapos ang ilang minutong paglilibot ay nakita ko siyang nakaupo sa may gilid ng Emergency Room. I was about to approach him when I saw a guy and a little girl running toward the closed doors.

"Kristina . . ." the guy muttered while desperately looking through the glass on the door.

Agad namang tumayo si Kevin at naglakad palayo pero natigilan siya nang tawagin siya ng lalaki.

"Ikaw ba si Kevin?" the guy asked and Kevin's jaw clenched. "Thank you for—"

"Don't thank me," he interjected.

"You should stay for a while."

"No." Lumingon naman siya sa lalaki. "That's your job now. You're her family."

Para namang lumubog ang puso ko nang marinig ko 'yon. Sinundan ko siya ng tingin habang papalayo sa bagong pamilya ng Mom niya.

Pumunta ako sa hallway kung saan siya lumiko at naabutan ko siyang nakasandal sa pader habang nakatingin sa kisame. I carefully inched toward him but I halted when his gaze landed on me.

"K-Kevin . . . uhm . . . s-sorry I—"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil bigla siyang naglakad papunta sa akin at natigilan ako sa paggalaw nang isandal niya ang ulo niya sa balikat ko. That moment, I could feel his vulnerability, the burden he chose to carry and his pain.

I gently stroked his head and I felt his arms embracing me. I wanted to comfort him but I didn't know how. Nanatili lang kaming tahimik sa loob ng ilang minuto. It would be easier for me if he'd just cry his troubles and worries but he chose to stay silent and keep them inside him.

"She's going to be okay," I said and he hugged me tighter.

"I know," he whispered.

Kahit na malalim ang galit niya sa Mom niya ay nandoon pa rin ang pag-aalala niya sa kanya. Hindi ko alam kung gaano kasakit ang dinadala niya lalo pa't nandito rin ang bagong pamilya ng Mom niya. Kahit papaano ay gusto kong pagaanin ang dinadala niya. Kahit sa simpleng yakap. Kahit sa ilang minutong pananatili sa tabi niya.

Nang kumalma siya ay humiwalay siya sa akin at naglakad kami palayo roon. Hinatid niya ako papunta sa private room ni Mom at naabutan namin si Dad sa labas.

"How is she?" tanong niya sa amin.

"Nasa ER pa rin," sagot ko naman.

"I see. I hope she rec—"

"Why are they together?" biglang tanong ni Kevin.

Naging seryoso ulit ang mukha niya at gano'n din si Dad. There was an uncomfortable silence between them and it felt like this would end badly.

"Kasama ba dapat siya sa Dinner, Sir?" dagdag ni Kevin. "Bakit? Why do you have to involve her? She has nothing to do with this."

"Kevin . . ." bulong ko pero tiningnan naman ako ni Dad.

"Watch your tone, kid," Dad said.

"My tone isn't the problem here, Sir. It's your lack of civility. I sincerely want to meet you yet you chose to taunt me by inviting her. Now her life is at stake because of you."

"Kevin!" sigaw ko dahil hindi ko na rin nagugustuhan ang mga sinasabi niya.

"Alisson," sabay hawak sa akin ni Dad sa braso. "Let him be."

That was the first time I saw him seething. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman dahil alam kong pareho silang may mali. I wanted to pacify the mood but I was too scared to say anything.

"Thank you for prying into my family problem. You did a good job, Sir."

"Kevin, tumigil ka na," I chimed in. "Dad isn't—"

Hindi ko naman natuloy ang sasabihin ko dahil bigla siyang tumingin nang masama. Tumalikod siya sa amin at nagsimulang maglakad palayo. Gusto kong tawagin ang pangalan niya. Gusto ko siyang pigilan. Pero hindi ko magawa. I just watched his back until I couldn't see him anymore.

And that was the last time I saw him that year.



***