.

.

Chapter 4

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Wednesday, June 1, 2016

***

"Of course. Paano ko naman siya makakalimutan? Hi, Alice."

Paulit-ulit na nagpeplay ang boses niya sa isip ko at paulit-ulit din akong kinikilig. Pero kailangang magpigil dahil ang dahilan ng kilig ko ay nasa harapan ko lang at may isa pang nang-aasar na nilalang. Ni hindi ko nga alam kung paanong buhay pa ako sa mga oras na 'to.

"Wow. Kilala mo siya? Paano?" tanong ni Jon at nakita ko ang ngiti niyang nakakaloko. Konti na lang talaga, sisipain ko na ulit ang binti niya.

"Ah. Last year," sabay ngiti niya nung sumulyap siya sa akin at kinagat ko ang labi ko para hindi ako mapangiti o mapasigaw. Sige, sige, ngumiti ka pang nilalang ka! Akala mo kasi hindi ako affected, eh no?

"Last year?"
"Yup. Feb Fair, right?"

OH MY GOD. NAAALALA NIYA PA. KALMA, ALICE. KALMA.

"Ah, yes." Ako naman ang ngumiti dahil hindi ko na kayang pigilan, pero ang lalaki, sinuklian din ako ng ngiti. Nakakarami ka na ha! Next time na 'yung iba, baka ma-out of stock!

Tumahimik muna kaming tatlo para kumain at sakto namang nag-vibrate ang phone ko. Patago kong binuksan ang message sa ilalim ng lamesa at nakita kong si Jess pala ang nagtext.

HAHAHA bwisit ka! Muntik na akong palabasin ng prof ko dahil bigla akong natawa sa lapida mo!

Nagreply naman ako kaagad.

KASI DI BA NASA HARAPAN KO LANG SIYA. JESS HELP INUUBOS NIYA OXYGEN SA PALIGID

Binulsa ko ulit ang phone ko para kumain at feeling ko hindi na siya makakapagreply ulit dahil may klase pa siya. Jusko, gusto ko na siyang umalis pero gusto ko rin siyang magstay.

Bigla namang umingay ang paligid kaya napatingin kung saan lumingon ang mga tao sa cafeteria. Pagtingin ko sa pintuan, pumasok si Jane at nilibot niya ang paningin niya hanggang sa mag-end-up siyang nakatingin sa table namin. At aba, ngumiti pa ang gaga. Sampalin kita, eh.

"Andyan na sundo mo," palokong sabi ni Jon sa kanya at napangiwi lang si Kevin.

Lumapit sa table namin si Jane at hindi ko napigilang umirap. Kainis. Panira ng moment. Padabog kong sinubo ang kanin dahil nasira na ang maganda kong mood.

"Hi, hon. Nandito ka lang pala." Umupo si Jane sa tabi ni Kevin kaya naman katapat ko siya. "Tinetext kita kanina pa pero 'di ka naman sumasagot," sabay pout niya. Iurong mo 'yang labi mo, susuntukin ko 'yan!

"Ah. Nakalimutan ko phone ko sa bahay." Tumingin naman siya sa amin ni Jon. "Sige guys, una na ako," sabay tayo niya at sumunod naman sa kanya si Jane.

Tinusok ko ang chicken na nasa plato ko.

"Kawawa naman 'yung chicken," sabi ni Jon at tinignan ko siya nang masama. "O, bakit? Ako ba ang may kasalanan?"

"Alam mo ikaw—!" sabay taas ko ng tinidor ko at napaatras naman siya.

Nagpatuloy na lang kami sa pagkain at hindi ko naman maiwasang marinig ang tsismisan ng ilang estudyante sa paligid namin.

"Sila na ba?"
"Grabe naman, kabebreak lang kaya ni ae Jane at kuya Neil."
"Pero 'di ba ang rumors, ayaw raw ng relationship ni Kevin."
"Nabasa ko pa nga dun sa underground website, wala pa raw siyang nagiging girlfriend ever. Puro landi-landi lang."

I agreed silently. Dahil isa akong dakilang stalker sa social media ay nalaman ko na 'yan dati pa. Idagdag pa ang mga chika ni Yna, eh 'di ayun, busog ako sa kaalaman.

After naming kumain ni Jon ay nagpaalam na siya dahil may class siya, samantalang ako, mamaya pang 3 PM. Gusto ko sanang magstay muna sa garden pero baka mainit doon ngayon at maraming tao kaya naglakad na lang ako papuntang greenfield. Mas presko kasi roon dahil puro shade. Napahinto naman ako pagdating ko dahil nakita ko ang mag-jowang Steff and Darryl. Nako, ayaw kong maging third wheel! Umalis na lang ako at naglakad papunta sa kabilang side na nasa likuran ng buildings kaya naman malilim din.

Umupo muna ako sa damuhan at sumandal sa likod ng building. Haay. Buti pa rito hindi masyadong mainit.

Nilabas ko naman ang phone ko para mag-internet. Chineck ko lang ang social media accounts ko and then after a few minutes ay pumunta na ako sa underground website.

Hottest News

1. Breakup of Campus Princess Jane Tolentino and Campus Prince Neil Guzman shocked the whole campus. Read more...
2. Blind item: Besides the "Campus Royalties," is there another couple from their batch? Read more...
3. Jane Tolentino and Kevin Fuentez, are they together?  Read more...
4. Owen Rodriguez finally made his move! And it's a romantic one! Read more...
5. Blind item: Is this young professor secretly courting "Campus Queen" Felicity Trinidad? Read more...

Napataas naman ang kilay ko sa top 5 stories, lalo na sa 1st and 3rd. Ito namang si Kevin, may dakila ring landi. Crush ko siya pero minsan naiinis ako sa mga ginagawa niya.

"Bakit ba ayaw mo?"
"Please, just stop."

Napatigil naman ako sa pagbabasa nung may narinig akong nag-uusap sa kabilang corner ng building, at dahil may dugong tsismosa ako ay tumayo ako at sumilip. Pero mukhang maling desisyon dahil ang nakita ko ay 'yung babaeng nabangga ko before at may kaharap siyang lalaki.

"C'mon, Karla. Ilang beses na kitang sinusuyo pero—"
"Sabi mo may importante kang sasabihin kaya sumunod ako sa'yo rito. So what the heck is this?"

Ang sungit talaga ng babaeng 'to. Nakita ko naman ang frustration ng lalaki at in fairness, cute siya ha. Kung may lakas siya ng loob na kausapin ang isang Campus Princess, malamang ay Campus Prince 'to. Pero mukha na siyang third year or fourth year. Baka higher batch 'to. Tinext ko naman si Yna dahil siya ang partner ko pagdating sa ganito.

Ya! May nagcoconfess na first year Campus Prince sa isang Campus Princess. Para akong nanonood ng drama. Lol

Binulsa ko kaagad ang phone ko dahil baka makita nila ako.

"Can't you see it? I like you, Karla." Wow! Lakas ni cutie! Nag-confess!

"Are you sure about that?" Ay jusko ano bang problema ng batang 'to?

"Do you think I'll confess to you if I'm not?"

"Why not? Uso naman na ngayon 'yan. Magsasabi ng "I like you" or "I love you" kahit na simpleng attraction lang naman ang nararamdaman. Sorry but I don't want a superficial relationship."

Napanganga naman ako sa narinig ko sa kanya at hindi ko akalaing makakapagsabi siya ng ganung statement. Bigla tuloy akong na-guilty sa mga pinag-iisip ko tungkol sa kanya.

Nagsimula ulit maglakad 'yung Karla pero bigla siyang hinigit nung lalaki at nakita kong seryoso na ang expression niya.

"Ano ba?!"
"Bakit ba ayaw mong maniwala?"

Napalitan na rin ang expression ni Karla ng inis at tinignan niya nang masama 'yung lalaki.

"Tinatanong mo kung bakit? Whoa!" then she exhaled in frustration. "You've been flirting with a lot of girls in your classes and you're expecting me to believe your confession? I am not that stupid, Kuya Stan, so don't group me with those girls who can easily believe every word you say."

Wow. This girl is fierce and straightforward. Unti-unti ko na siyang nagugustuhan. 'Yung Stan naman, parang nabuhusan ng malamig na tubig dahil sa mga sinabi niya. Akala ko bibitiwan na niya si Karla pero nagulat ako nung bigla niya siyang tinulak at napasandal siya sa pader.

Oh my gosh. I smell trouble.

"What did you say?" sabi ni Stan at kinulong niya si Karla sa pagitan ng dalawa niyang braso at pader. Nakita kong nagpipigil lang siya ng galit at natakot ako sa pwedeng mangyari.

Pero Alice! Ano ba, huwag kang makialam! Hindi ka kasali d'yan kaya hayaan mo na lang sila.

"What? Are you going to hit me? Nainsulto ka ba, Kuya Stan?" Takte namang babae 'to! Don't add fuel to the fire!
"You—!"

Nagpanic na ako nung bigla niyang kinuyom ang kamay niya at napapikit si Karla. The next thing I knew, my phone hit him in the head.

"What the hell are you doing?!" sigaw ko habang patakbong lumapit sa kanila. Umiikot na rin ang ulo ko dahil hindi ko akalaing magagawa kong ibato ang phone ko sa ulo niya. Lagot ako kay Dad. Kakabili lang sa akin nun three months ago.

Pumagitna ako sa kanilang dalawa at tinago ko sa likuran ko si Karla. Naramdaman ko ang panginginig ng kamay niya dahil humawak siya sa bewang ko.

"A-anong ginagawa mo rito?" pabulong niyang tanong.
"Ewan ko rin! Bakit nga ba ako nandito? Takte naman!"

God, Alice! Nasaan ang hindi pakikialam? Binato ko rin ba kasabay ng cellphone ko?

"What the fuck?!" Napatalon ako nung sumigaw 'yung Stan habang hawak niya ang parte na natamaan ng phone ko. Tumingin siya sa akin nang masama at sobrang bilis na ng tibok ng puso ko dahil hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Y-you deserve it!" sagot ko naman at lalong kumunot ang noo niya.
"Then you deserve to be hit, too."

Pagkasabi niya nun ay bumwelo siya ng suntok at napapikit na lang ako. Naramdaman ko rin ang paghigpit ng hawak sa akin ni Karla at umatras ako para hindi siya matamaan. Sobrang lakas at bilis ng tibok ng puso ko at nagflash na rin sa utak ko ang memories dahil feeling ko mamamatay na ako. Hinihintay ko ang suntok na sasalubong sa mukha ko pero imbes na ako ang sumigaw ay si Stan ang narinig ko.

"That's for my sister."

Napadilat ako bigla dahil sa narinig ko at hindi ko alam kung totoo ba 'tong nakikita ko o naghahallucinate na ako sa sobrang panic na nararamdaman ko.

Kevin is here. And he just punched Stan in the face.

"Kuya!" sigaw ni Karla sa likuran ko at doon lang nag-sink in sa akin ang sinabi niya. 
That's for my sister. Wait, nahihilo ako. She's...this girl...is his sister?

"You piece of sh—!" Biglang tumayo si Stan at akmang susuntukin niya na si Kevin pero mabilis siyang nakaiwas at siya naman ang bumwelo ng suntok.

"And this is for Alice," he said and his fist met Stan's face.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Did I hear it right? Bigla naman siyang lumingon sa amin nung tumakbo na si Stan palayo at doon ko naramdaman ang panghihina ng tuhod ko.

"Are you two alright?" sabay tingin niya sa mga mata ko.

At tuluyan na akong namatay.
Amen.


***