.

.

Chapter 5

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Saturday, June 25, 2016

***

Tahimik lang kaming tatlo rito sa may likod ng building at naloka ako sa tension na bumabalot ngayon sa amin. Sobrang awkward! Pero hindi ko pa rin magawang matignan nang maayos si Kevin kahit na magkaharap lang kami ngayon.

"You didn't need to do that, Kuya," biglang sabi ni Karla kaya napatingin ako sa kanilang dalawa.
"That dumbass was ready to punch the both of you. You think I would let him do that?"
"But still!"
"Um..." Sabay naman silang napatingin sa akin at binigyan ko sila ng isang pilit na ngiti. "Sige, alis na ako."

Alangan namang makisali ako sa kanilang magkapatid, na ngayon ay hindi ko pa rin mapaniwalaan. Tanga ko rin kasi, eh. Bakit ba ako nakialam? Muntik pa tuloy akong masuntok kanina! Humanda sa akin ang lalaking 'yun!


"Wait!" Naramdaman ko ang kamay sa pulsuhan ko at paglingon ko ay nakahawak doon si Kevin. OH MY GOD. Ito na ba ang tinatawag nilang sparks? May kuryente akong naramdaman!


"B-bakit?" Jusko Alice, huwag kang pahalata! Huwag kang tumingin sa kamay niyo!

"Ah, sorry," sabay bitaw niya sa akin. Ayan na nga ba ang sinasabi ko, bakit ka kasi nakatingin sa kamay! "Thank you, for saving her," tapos tumingin siya kay Karla. Napatingin din ako kay Karla at nag-iwas naman siya ng tingin.


"Thanks," mahina niyang sabi.

"Ah, w-wala 'yun. Napadaan lang talaga ako tapos bigla kong nabato 'yung phone ko—oh my gosh, 'yung phone ko!"


Tumakbo agad ako kung saan ko nakitang nalaglag ang phone ko kanina. Hinanap ko sa damuhan pero hindi ko makita. Hala ka, saan napunta 'yun?! Naman o! Bakit ba kasi sa lahat ng pwedeng ibato sa lalaking ‘yun, cellphone ko pa ang naisipan kong gamitin? Paano kung—wait.

“Shet baka kinuha niya,” bulong ko sa sarili ko.
“Tingin mo?”
“AY ANAK KA NG!”

Napaupo ako sa damuhan dahil bigla kong narinig ang boses ni Kevin sa tenga ko. Para akong nakiliti na ewan dahil nasa likuran ko lang pala siya nung nagsalita siya. Jusko naman, balak niya ba talagang patayin ako?

“S-sorry,” mahina kong sabi. “B-but yeah. Mukhang kinuha niya nga.”

Kahit na ‘yun na ang chance ko na makasama ko ng ilang minuto si Kevin ay mabilis akong tumakbo para hanapin ang lalaking ‘yun. Pero wait, saan ko naman siya hahagilapin?

“Alice!” Napalingon naman ako at saktong nakita ko si Yna kaya tumakbo ako papunta sa kanya.
“So how’s the confession—”
“Do you know Stan?” Saglit siyang napatigil at kumunot ang noo niya dahil sa tanong ko.
“What?”

Kinuwento ko sa kanya ‘yung nangyari at buti na lang ay maraming alam ‘tong si Yna pagdating sa Campus Princes and Princesses. After that ay dumating na rin sina Steff at Jess kaya naman inulit ko na naman ang kwento.


“Oh my gosh, Alice. Akalain mong makakikilala mo ang kapatid niya sa ganoong paraan?” sabi ni Steff habang kumakain ng strawberries na baon niya.

“Pero in fairness, pwede ka na sa action movies. Tapos ang weapon mo ay phone,” sabay tawa ni Jess kaya naman tinignan ko siya nang masama.


“Excuse me, 
miss unknown particle, for your information, dahil din sa phone mo kaya kayo nagkamabutihan ni Patrick!” Pagkasabi ko nun, ayun, natahimik siya. Pfft. Akala niya ha! Though ang kaibahan lang namin, si Patrick mismo ang nakasira ng phone niya dahil natapakan niya tapos sinapak siya ni Jess. Natatawa pa rin ako kapag naaalala ko ‘yun.

“Anyway, this is Stan Cantos,” sabay turo ni Yna sa picture na nakuha niya sa net. “He’s a Campus Prince and a year ahead of us. According to some rumors, he’s secretly courting Henzel Barcelino, their batch first Campus Princess.”


“What? Eh bakit nag-confess siya kay Karla?” tanong ko. “Ang labo naman ng lalaking ‘to!”

“Rumors nga lang,” sagot naman ni Steff kaya natahimik ako. Hirap talagang manalo sa mga matatalino. Tss.

“So ang problema natin ngayon ay kung paano mababawi sa kanya ang phone mo,” sabi ni Jess at tumango naman kaming lahat. “But first, kailangan muna nating malaman kung nasaan siya.”


“So let us search for him and call each other if one of us sees him,” dagdag ni Yna.

After that meeting ay nagkanya-kanya sila sa paghahanap habang ako ay kailangan pang umattend ng 3 PM class ko. Buti na lang talaga at wala nang mga klase ang tatlong ‘yun kaya sila na lang daw muna ang maghahanap at iuupdate nila ako through text. Dahil nagpa-seatwork lang si Sir ay agad din kaming nadismiss at dali-dali akong sumali sa paghahanap.

“Shet kang Stan ka, kapag nahanap talaga kita, ihahampas ko ulit sa’yo ‘yang phone ko!” sabi ko sa sarili ko habang nag-iikot sa campus.


“Nakita mo ba si Stan kanina?”
“Oh yeah! I saw his black eye!”
“Ano kayang nangyari sa kanya? Sayang tuloy ang mukha.”
“That’s okay. Gagaling din naman ‘yun.”

Nung narinig ko ang usapan ng dalawang babae ay tumakbo ako papunta sa kanila at mukhang nagulat pa sila nung hinarang ko sila.

“Saan n’yo nakita si Stan?”
“U-um...sa Humanities building.”
“Okay, thanks!”

Nagmadali ako papuntang Humanities at pinanood kong mabuti lahat ng taong lumalabas sa main entrance/exit. Hinabol ko muna ang hininga ko dahil kanina pa ako takbo nang takbo. Chineck ko rin ang phone ko at mukhang walang updates galing kina Steff. Sana nga nandito siya para matapos na ‘tong hanapan na ‘to at makuha ko na ang phone ko.

Napatingin naman ako sa mga tao nung biglang umingay sa loob. Nagpuntahan din ang ilang estudyante papasok at bigla akong nacurious kung anong nangayayari pero pinigilan ko ang sarili ko dahil baka biglang masalisihan ako ng Stan na ‘yun.

“OMG first time ko sila makitang magkasama!”
“Me too! Grabe ang aura nila!”

Kumunot naman ang noo ko nung nakita kong gumigilid ang mga tao sa loob. Tumayo ako mula doon sa bench na kinauupuan ko para tignan kung anong nangyayari pero napatigil ako nung nakita ko sila.

“I told you na ako na ang kukuha.”
“And then what? Mamaya bigla ka na namang anuhin ng lokong ‘yun.”
“Do you think I’m that weak?”
“You hid on her back right?”
“Tss.”

The Fuentez siblings.

Hindi ako nakagalaw nung nakita kong sila ang dahilan ng bulungan at lalo pa akong nanigas nung ngumiti si Kevin na para bang inaasar ang kapatid niya. Palabas na sila sa building nung nakita nila akong nakatayo doon sa labas at napamura ako sa loob-loob ko dahil hindi agad ako nakaalis doon.


Nagkatinginan kami ni Kevin kaya iniwas ko kaagad ang tingin ko sa kanya. Nagpanic naman ako bigla nung lumapit sila sa akin kaya ang daming estudyante ang nakatingin sa amin ngayon.

“Not here,” sabi ni Karla sabay hawak sa braso ko. “Let’s go.”

Hinatak niya ako paalis doon habang nakasunod naman sa likuran namin si Kevin hanggang sa makarating kami sa lugar na walang masyadong tao. Binitiwan ako ni Karla at humarap siya sa akin pero agad din siyang nag-iwas ng tingin.

“H-here.” Nanlaki naman ang mata ko nung makita ko ang phone ko sa kamay niya.

“H-how...”

“We got if from that guy,” sabat ni Kevin at bigla niyang pinatong ang kamay niya sa ulo ni Karla. Nakita ko naman ang inis sa expression niya nung ginawa ‘yun ni Kevin. Ang cute nila! Nakakaloka!

“Thanks again,” mahinang sabi ni Karla pero hindi pa rin siya nakatingin sa akin. “For protecting me a while ago.”

Oh my gosh. Did she just blush? Aba, ang cute pala ng batang ‘to kung hindi nagtataray!

Nagulat naman ako nung bigla niyang nilahad ang kamay niya. “Karla Antonette Fuentez,” sabi niya kaya naman nakipag-handshake kaagad ako sa kanya.


“Alisson Diaz. Alice na lang,” sabi ko naman.
“Nice to meet you, Ate Alice.” Pagkasabi niya nun ay agad siyang tumakbo palayo. Weird naman niya.

Muntik naman akong mapasigaw nung biglang tumawa si Kevin. Oh, God! Hindi ko napansin na nandito pa pala siya! Teka lang, ibig sabihin, kaming dalawa na lang ang nandito?! Shet, anong gagawin ko?

“Sorry for her attitude. She acts like a brat but she’s really a nice person,” sabi niya habang nakatingin sa likod ng kapatid niya. Napaatras naman ako nung tumingin siya sa akin habang nakangiti pero ang hindi ko inaasahan ay ang paglahad din niya ng kamay niya sa harapan ko.

“Pero kilala na kita...” I said in a trance.

“Hmm, let’s say, for formality,” sabay abot niya sa kamay ko at muntik na akong tumili. Buti na lang at nagawa ko pang pigilan ang sarili ko. “Kevin Anthony Fuentez,” he said while shaking my hand.

“A-Allison J-Jane Diaz.”

After that ay binitiwan niya kaagad ang kamay ko at halos sumabog ang dibdib ko nung bigla siyang kumindat sa akin. HOLY GUACAMOLE. KININDATAN NIYA AKO. I REPEAT, KININDATAN AKO NI KEVIN FUENTEZ.

“I kinda like you,” then he laughed again.
“Nilalandi mo ba ako?”

Sa sobrang gulat ko sa sinabi niya ay nasabi ko rin ‘yun kaya naman tinakpan ko kaagad ang bibig ko kahit na alam kong wala na ring sense dahil nasabi ko na. Shet Alice! ‘Yang bibig mo talaga ang magpapahamak sa’yo! Oh my God nakakahiya!

He snickered after I said that and he started walking away. Bigla naman siyang tumigil at lumingon sa akin habang nakangiti.

“Nahuli mo agad ako. But yeah, a bit,” sabay tawa niya ulit. “Bye!” saka siya tuluyang naglakad palayo.

That’s it. That’s really it.
NASAAN NA BA ANG KABAONG KO?


***