.

.

Chapter 6

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Monday, July 25, 2016

***

Hindi ako nakatulog nang maayos for the past three days kaya naman sobrang inaantok na ako ngayon. Ito namang tatlong babaeng 'to, kanina pa ako pinagtatawanan pagkatapos kong ikwento lahat ng nangyari. Kung makatawa, akala mo wala nang bukas!

"Sige, sana mabilaukan kayo!" sigaw ko sa kanila at lalo lang silang natawa.

My God. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari kahapon. Nakasalamuha at nakausap ko si Kevin Anthony Fuentez at sinabihan pa ako ng 'I kinda like you.'

"O, tapos ngingiti-ngiti ka ngayon?" sabi ni Jess.

"You're smiling like an idiot, Alice," sabay tawa naman ni Yna.

"Ay, pinipigilan pa! Halata naman," dagdag ni Steff.

"Che! H'wag nga kayo! Masama bang magreminisce? Malay n'yo 'yun na 'yung last moments namin together," reklamo ko naman. "Pero sobrang gwapo niya sa malapitan. Ang bango pa. Yummy."

Nagkwentuhan pa kami ng kung anu-ano dahil ilang minutes pa bago ang mga klase namin. Napunta rin ang usapan namin sa lovelife at ang sarap i-duct tape ng bibig nina Steff at Jess dahil ang lalawak ng ngiti. Sobrang saya rin nila, ano?

"Oh, look who's going here," sabi ni Steff at bigla siyang tumingin kay Jess so kahit nakatalikod ako ay alam ko na kaagad na si Patrick ang papunta sa amin.

"Ay, ay, ang landi o! Sino kaya ngayon ang nagpipigil ng ngiti?" asar ko kay Jess. Naging ayos na kasi ang lahat after ng welcome party for freshmen nung nakaraang araw at sila ang center of attention that night. Kaya nga ngayon ko lang din nakwento sa kanila ang mga nangyari dahil ayaw kong agawan ng moment ang dalawa.

"Unknown particle and amazona," sabay giggle ni Yna.

Well, nakakakilig naman kasi talaga sila. Bagay rin ang personalities nila pati na ang height. Pfft.

"I think you won't be able to sleep again," biglang sabi ni Yna kaya kumunot ang noo ko.

"Ha?"

"In short, may dalang pasalubong si Pat for you," sabi ni Steff at narinig ko na ang footsteps sa likuran ko.

Kumaway sina Steff at Yna, dahil nakaharap sila sa view, habang kami ni Jess ay hindi pa rin lumilingon sa likuran namin.

"Hi Steff! And . . ." Nanigas na ako nang tuluyan nung narinig ko ang boses na 'yun. It's Kevin's voice. Bakit siya nandito?!

"Yna," sabi ni Yna at ngumiti siya.

"Oh, hi Yna!"

Nakita kong ang lawak ng ngiti ng dalawa kaya naman inipit ko ang paa nila sa ilalim ng table pero nagpanic ako nung biglang kinausap ni Steff si Kevin.

"And this is Alice," sabay turo sa akin ni Steff.
"You know her, right?" gatong naman ni Yna.

Ugh! Humanda kayong dalawa sa akin mamaya!

"Alice?" Lalo akong nagulat nung naglean down siya kaya pagtingin ko sa gilid ko ay sobrang lapit ng mukha niya sa akin. "Hi," sabay ngiti niya at nasipa ko si Yna para pigilan ang pagpapanic ko.

My God! Bakit kailangan mong ngumiti malapit sa pagmumukha ko?!

Umupo sina Patrick at Kevin sa magkabilang gilid ng table kaya naman katabi ko si Kevin sa left side. Hindi tuloy lalo ako makapagfocus at idagdag pa ang mapang-asar na mga mukha nina Steff at Yna. Bigla ko ring naalala lahat ng nangyari kaya lalo akong 'di nakagalaw. Takte namang Kevin 'to, bakit ang lakas ng hatak mo?

Huminga muna ako nang malalim at sumulyap sa direksyon niya pero nagulat ako nung nakita kong nakatingin din siya sa akin. Nung nagkatinginan kami ay bigla siyang nagsmirk at kinagat ko ang labi ko para hindi ako mapangiti. Iniwas ko rin kaagad ang mukha ko sa kabilang side dahil feeling ko ay namumula na ako.

Bakit ba kasi nandito siya?! Hindi tuloy ako makadaldal nang maayos!

Lalo naman akong 'di nakagalaw nung lumapit siya sa tenga ko at nakita ko pa ang nakakabwisit na expressions ng mga kasama ko sa table. Napatigil ako sa paghinga nung naramdaman ko ang hininga niya sa pisngi ko.

"Tinatanong nga pala ni Karla kung okay ka na. She said it's her fault that you was dragged to that mess."

"U-uhm . . ." Napalunok at huminga ako nang malalim para kalmahin ang sarili ko. Jusko, Alice, huwag kang magpahalata. Hindi pwede. "Okay lang naman," sabay harap ko sa kanya at this time siya naman ang napaatras. "Di naman nagpakita ulit si Stan sa akin so everything's fine." Sinipa ko ang binti ni Yna sa ilalim ng mesa. "Right, Yna?"

Ngumiti naman si Yna pero alam kong nasaktan siya kasi nakakunot ang noo niya.

"Y-yeah," sagot niya tapos sinamaan ako ng tingin. "Neo jukeotda 
(You are so dead)," mahina niyang sabi.

"Okay. I'll tell that to her," sabi ni Kevin.

Napabuntong-hininga na lang ako dahil nauubos na ang energy ko at antok na antok na rin ako. May sasabihin dapat ako kay Yna pero napansin kong nagbago ang expression ni Kevin kaya sinundan ko kung saan siya nakatingin. And that's a wrong move.

"Kev!" sigaw ni Jane habang papalapit siya sa amin. Napasimangot ako nung makita ko ang pagmumukha ng babaeng 'yun. Tss. Kung maka-Kev, akala mo girlfriend. Kalandian ka lang!

"Sige, una na ako," sabay tayo ni Kevin at tumingin siya kay Patrick. "Mamaya ha."

Naglakad siya palayo sa amin at sinalubong si Jane na ngayon ay sobra na kung makangiti. After a few minutes, umalis din sina Patrick at Jess dahil magkaklase sila sa isang subject, habang sinundo naman ni Darryl si Steff. Kaya ngayon, kaming dalawa nalang ni Yna ang nandito at doon lang ako nakahinga nang maluwag.

"Grabe, first time kong kiligin nang ganito. Bwisit na Fuentez 'yan," sabi ko at bigla namang nilapag ni Yna ang phone niya sa harapan ko.

"Yup. This expression of yours is too perfect."

Pagtingin ko, may picture siya nung nangyari kanina. Kevin was whispering something to me and I sat frozen, with my wide eyes and flushed face.

"Ay, gusto ko 'to, send mo sa'kin," sabi ko at kinuha ko kaagad ang phone ko. Sinend niya nga sa akin at bigla ko namang naalala nung binigay sa akin ni Kevin 'yung phone ko nung nakaraan.

"You act bashful when he's near you but now that he's gone, you're obsessive side is showing. Michin (
Crazy)."

"Ganun talaga. Alangan namang ipaalam ko sa kanya na crush ko siya? At saka 'di ako pa-shy ha! Wala lang talaga akong masabi kapag nandyan siya."

"But you said, 
nilalandi mo ba ako, to him right?"

Bigla naman siyang tumawa at kinaltukan ko siya. Kapag naaalala ko 'yun, gusto kong ibaon ang sarili ko sa lupa. Bwisit kasi 'tong bibig ko, ang hirap pigilan sa pagdaldal! Hindi ko akalaing masasabi ko 'yun sa kanya pero nagulat din naman ako sa sagot niya noon.

Dahil tapos na ang vacant period namin ay agad kaming pumunta ni Yna sa kanya-kanya naming klase at aba, ang bruha mukhang excited. Feeling ko talaga may tinatagong something 'tong si Yna sa amin eh.

Dumiretso ako sa klase namin at pagpasok ko ay may nakasulat lang sa board. Meron lang kaming isusulat na essay then after that ay pwede nang umalis. Yes!

Umupo ako sa pwesto ko at agad na nagsulat. Buti na lang at medyo madali lang ang topic kaya naman after twenty minutes ay tapos na ako. Nilagay lang namin sa table ang papers dahil kukunin naman daw 'yun mamaya ng student assistant ng prof namin.

Dahil mamaya pang 4:30 PM ang next class ko at meron pa akong two hours na walang gagawin ay dumiretso muna ako sa org tambayan para mapunan ang hours na kailangan namin. Tinext ko si Jon dahil siya ang buddy ko pero mukhang may klase pa ang loko.

Pagdating ko ay ako lang ang tao. Dahil bored ako ay kinuha ko ang pamalit ko sa locker namin doon (nakilagay ako kay Jon at binigyan niya ako ng duplicate key) at pumunta ako sa A1 dance room na for new members and applicants. Isang beses ko pa lang nakikita 'to kaya naman ngayong solo ko ang lugar ay nakakamangha ang laki. The interior of the room is surrounded by mirrors and the spacious floor shines as the light reflects on it.

Nilabas ko ang phone ko at nagpatugtog. Napanood ko ang choreography ng "Worth It" sa Youtube at ngayon ko lang itatry sayawin. In fairness, madali lang gayahin at nakakatone din ng tiyan ang movements.

After some tries ay nakuha ko na nang buo ang choreography pero napagod na ako at naubos na ang energy. Humiga ako sa sahig at hindi ko namalayan na unti-unti na pala akong nakatulog.

***

Naalimpungatan naman ako bigla at pagdilat ko ng mata ko ay sisigaw na sana ako pero nabilaukan ako kaya imbes na tili ang lumabas sa bibig ko ay naubo ako.

WHAT THE HELL BAKIT PAGMULAT KO NG MATA KO AY MUKHA KAAGAD NI KEVIN ANG SUMALUBONG? Oo, hindi ako kalmado kasi muntik na akong atakihin sa puso! Shet na lalaking 'to! At ang loko, nakuha pa akong pagtawanan!

"S-sorry. Pfft!" sabay tawa niya pa at ako naman ay bumangon mula sa pagkakahiga ko.

"Takte ka!" Binato ko sa kanya ang isa kong sapatos pero nailagan niya rin. "Muntik na akong mamatay!"

"Hey, I said sorry." Lumapit siya sa akin pero halata namang pinipigilan niya pa rin ang pagtawa niya at may nalalaman pa siyang papunas-punas sa mata niya. So ano, naiyak siya sa kakatawa?

Inalala ko naman ang nangyari at sinampal ko nang mahina ang sarili ko dahil nakatulog ako kanina. Ngayon na nga lang ulit ako nakatulog nang maayos after nung nangyari nung nakaraan.

"Kanina pa ako nandito at ang tagal mong natulog," sabay tingin niya sa relo niya. "Three hours?" Pagkasabi niya nun ay bigla akong napatayo.

"T-three hours? Oh my gosh, late na ako—! Shet, patapos na 'yung class!"

"Mukhang 'di ka na aabot. Better to ditch it."

"Wow, BI much."

In the end, umupo na lang ulit ako dahil tama naman talaga siya. Hindi na ako aabot at baka mapagalitan lang ako ng prof kung papasok pa ako ng ganitong oras. Bakit ba kasi ako natulog?

After a few minutes, nagdecide ako na umuwi na lang. Tumayo ako at palabas na sana sa room pero bigla namang hinarangan ni Kevin ang pintuan kaya napatingin ako sa kanya.

"B-bakit?"

Ngumiti naman siya sa akin. Shet ka, tayong dalawa lang dito ngayon kaya huwag mo akong ginaganyan-ganyan baka salakayin kita!

"I saw your dance a while ago." Nanlaki naman ang mga mata ko nung narinig ko 'yun.

"You—what?! Nakita mo ako?"

"Yeah. I was inside A2." Wait, sa kabilang room? Kaya ba nakasarado kanina? Akala ko walang tao rito kundi ako lang! "Heard some music and then I realized someone's using this room. Since medyo bukas ang pinto, sumilip ako at pinanood ka. After ten minutes, bigla ka na lang humiga at nung hindi ka na gumagalaw, kinabahan ako kaya pumasok ako. Akala ko nahimatay ka na o ano, pero nung lumapit ako, nakatulog ka lang pala."

Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o mahihiya dahil sa kwento niya. Seryoso ba siya?

"As a payment for the trouble, you need to grant my wish."

"Ha?" I stared at him, dumbfounded. "W-what? Wait, anong wish 'yan? Wait, ayoko pala baka—" Natahimik ako nung bigla siyang naglean forward at syempre, napaatras ako.

"Let's dance. The two of us."

"Ha?"


***