.

.

Chapter 7

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Saturday, August 13, 2016

***

I just stared blankly at him after saying those words. I don’t even know if I heard it right. Sinabi niya ba talaga ‘yun? Kaming dalawa? Sasayaw? Jusko, Alice, gumising ka!

“Uy Kevin! Nandito ka lang pala!”

Napalingon naman kami pareho at nakita namin si Kuya Owen, isa sa mga senior member ng org at siya rin ang vice president.

“Bakit, Kuya Owen?” tanong ni Kevin at medyo nagulat ako dahil first time ko siyang narinig na tawagin ang isang tao ng kuya. Sabagay, mas matanda sa amin ng dalawang taon si Kuya Owen.

“Hinahanap ka ni Jane. Kanina pa ako kinukulit. Kausapin mo na ‘yun dahil kanina pa siya nasa lobby,” sabi ni Kuya Owen at mukhang kita sa mukha niya ang pagkainis.


“Okay. Thanks,” sabay tapik ni Kevin sa braso niya at naglakad siya papunta sa pinto.

Tss. Panira talaga ng moment ang Jane na ‘yan. Lagi na lang. May radar ba siya kapag magkasama kami ni Kevin at lagi siyang nakakaramdam?

Bigla namang lumingon si Kevin at tumingin sa akin kaya hindi ako nakagalaw.


“Don’t forget our deal,” sabi niya at aba ang loko, kumindat pa! Oh my gosh, papatayin niya ba talaga ako? These past few days, nagiging delikado na ang bilis ng tibok ng puso ko.

Tuluyan na siyang lumabas at naiwan kami ni Kuya Owen sa loob. Nung nakatinginan kami ay nakangiti siya nang nakakaloko kaya kumunot agad ang noo ko.

“Mukhang may something sa inyo ni Kevin ah,” pang-aasar niya. Sus. Buti sana kung meron pero hanggang usap at sulyap lang ako sa kanya. Bwisit kasing Kevin ‘yun, sobra kung maka-flirt sa ibang babae. Pasalamat siya crush ko pa rin siya hanggang ngayon kahit ganoon siya.


“Nako, wala Kuya. Nantitrip lang ‘yun. Tsaka huwag n’yo akong itulad sa ibang babae na kindatan lang ni Kevin ay mafo-fall na kaagad.”

Bigla namang pumalakpak si Kuya Owen after that. Sino namang niloko ko ‘di ba? Pero ayaw kong sabihin sa kanya na crush ko si Kevin dahil baka lalong mang-asar.


“Ready ka na ba para sa showdown next week?” tanong ni Kuya Owen at ilang segundong nag-loading ang utak ko.

“Showdown?” Nagbago rin ang expression niya at nagtaka kung bakit hindi ko alam ang tungkol doon.

“Hindi ba nasabi sa’yo ni Jon?”

“Ang alin po?”


“Magkakaroon ng dance showdown ang recruits at org members. This will be your rite of passage.”

“What?”


Inexplain sa akin ni Kuya Owen ang mangyayari at minessage ko kaagad si Jon dahil hindi niya ‘yun nasabi sa akin last time. Umalis ako sa tambayan at medyo nagulat pa ako dahil ang dilim na sa labas. Pagtingin ko, mag-a-
alas siete na pala. Bigla namang nag-ring ang phone ko at nung nakita kong pangalan ni Jon ang nakadisplay ay sinagot ko kaagad.

“Als! Sorry!” Nilayo ko ang phone sa tenga ko dahil ang lakas ng boses niya. “Nakalimutan kong sabihin kasi may dalawang exam ako this week tapos ‘di pa kita nakikita ulit. Sorry!”

“Okay lang, nasabi naman na ni Kuya Owen. Pero dahil dyan, ililibre mo ako bukas ng lunch.”


“Yun lang ba? O sige, gusto mo sa susunod na araw pa.”

Pinigil ko ang tawa ko dahil sobrang guilty siya at ang sarap niyang pagtripan kapag ganito. Minsan lang ako mantrip dahil laging siya ang nang-aasar sa aming dalawa. Pagkatapos nun ay tuluyan na akong umalis sa building.


Naglakad ako papunta sa main gate para umuwi na dahil kaunti na lang ang estudyante rito. Gabi na rin kasi at maagad pa ang klase bukas. Pero takte naman, bakit hindi man lang ako tinext ng tatlong babaeng ‘yun? Umuwi na ba sila? Wala tuloy akong kasabay!

Palabas na sana ako pero nahagip ng paningin ko ang gazeebo sa garden at may nakaupong babae roon. Nung una ay natakot ako dahil mukha siyang white lady sa kutis at damit niya pero nung narealize ko kung sino ay nagdalawang-isip pa ako kung pupuntahan ko siya o hindi.

“Karla?”


In the end, pinuntahan ko rin siya. Nagulat siya nung nakita niya ako at ewan ko kung nagsusungit na naman siya o nahihiya dahil hindi na niya ulit ako tinignan.

“Bakit?” tanong niya at patingin-tingin lang siya sa akin.


“Ah. Wala lang.” Oo nga naman. Bakit nga ba ako nandito? At saka ‘di naman kami close. “Sige,” sabi ko at akmang aalis na ako sa gazeebo pero bigla niyang hinatak ang damit ko kaya napalingon ako sa kanya.

“S-samahan mo muna ako.”

“Bakit?” This time, ako naman ang nagtanong. Huminga siya nang malalim bago magsalita ulit.


“Si Kuya kasi. He said I should go home first since he has something to do. He notified me just now after waiting for him for an hour.”

“Sabay ba kayong umuuwi?” Tumango naman siya.


“Wala pa kasi akong license. At kung hindi man, nagpapasundo ako sa driver namin. But he’s on a leave right now so I have no choice but to commute. And I can’t.”

After kong marinig ‘yun ay napanganga na lang ako. ‘Yun na ata ang pinakamahabang nasabi niya sa ilang beses naming nagkausap. But what? Ayaw niyang mag-commute? O baka naman takot lang siya gaya ni Steff?


“So paano ka uuwi?” tanong ko at umiling siya habang naka-pout. Akalain mong may natatago rin palang ka-cute-an ang batang ‘to?

What if . . .

“Tara. Sabay na tayo,” sabi ko at bigla siyang napatingala. Gulat pa ang expression niya kaya pinigilan ko ang sarili ko sa pagtawa.

“Wait, what? Really? As in?”

“Ayaw mo?”


“No. I mean, yes. Wait, I mean, sasama ako. Whoa.”

Tuluyan na akong natawa sa reaction niya. Cute rin siya minsan, ha? Anyway, kinuha niya ang bag niya at sabay kaming umalis doon sa gazeebo. Paglabas namin sa campus ay nagdecide kami na kumain muna. Since may malapit na mall dito ay doon kami pumunta. Sumakay kami ng jeep at kita sa mukha niya ang anxiety dahil sa dami ng pasahero kaya naman kinakausap ko siya. Pagbaba namin ay nakita ko pang bumuntong-hininga siya kaya napangiti ako. Pagpasok namin sa mall ay dumiretso kami sa Greenwich dahil nagke-crave ako sa carbonara ngayon.


“So, ano na palang nangyari kay Stan?” tanong ko at nagbago naman ang expression niya. Napatigil siya sa pagkain at saglit na tumingin sa akin.

“I think binalaan siya ni Kuya kaya naman tuwing nakikita niya ako or nakakasalubong, siya na mismo ang umiiwas.”

“Buti naman. Hindi pa nga ako nakakaganti sa lalaking ‘yun,” sabi ko at naalala ko na naman ang moment na muntik niya na akong suntukin.


“Don’t worry. He won’t bother you, too.”

After that ay tahimik na kaming kumain at nagtext ako kay Mommy na medyo malelate ako nang uwi. Tinext ko rin ‘yung tatlo kung nakauwi na ba sila but I doubt na babasahin ‘yun ni Steff.

“May gusto ka ba sa Kuya ko?”


Muntik ko nang maibuga ang iniinom ko sa biglaang tanong niya. Pagkatapos kong umubo ay tumingin ako sa kanya habang nakakunot ang noo.

“What? Ako? May gusto sa Kuya mo? No way,” sabi ko at kinakabahan ako dahil baka malaman niyang nagsisinungaling ako. I don’t want her to know my feelings for his brother because she might think I’m just getting close to her for that.


“Then . . . si Kuya kaya?” Ano bang pinagsasabi ng babaeng ‘to? Nakakaloka!

“Puro landi lang naman siya—oh. I mean, sorry.” Bigla naman siyang napangiti kaya tinitigan ko lang siya.

“Don’t worry, I know. He’s my brother but I really don’t like that side of him. When he gets close to girls, he always ends up flirting with them, and the other way around. Kaya nga nung napansin kong iba ang turing niya sa’yo, naisip ko na baka may chance na magbago siya.”


“Nako, may mga sinabi na rin siya sa aking lines na pang-playboy.” At muntik na akong mamatay dahil sa mga ‘yun.

“Ganun ba?” Nagbago naman ang expression niya. “I guess I’m wrong. Looks like she sees you like all the girls he’s flirting with. Sayang.”

Ouch. That hurts a bit.


Pagkatapos naming kumain at magkwentuhan ay lumabas na kami ng mall at nagtaxi na lang pauwi. Nung nalaman ko na natatakot siyang mag-isa sa taxi ay naalala ko si Steff. Dahil nakakaguilty naman na iwanan lang siya ay nagdecide akong ihatid na lang siya sa kanila.

Halos twenty minutes ang byahe at nung papasok na kami sa subdivision ay napanganga ako dahil pamilyar sa akin ang lugar na ‘to. Dito rin nakatira si Jess. Hindi ko masyadong narinig kanina ang address na sinabi niya sa driver dahil sa pagrereminisce ko sa nangyari kay Steff kaya naman ngayon ko lang narealize na magka-village sila ni Jess.

Nung makarating kami sa tapat ng bahay nila ay nagbayad at bumaba kami pareho.

“Uhm, thank you,” sabi niya habang nakayuko. “Babawi ako.”
“Hihintayin ko ‘yan. Sige.”
“Wait, paano ka uuwi? Sana hindi ka na bumaba sa taxi.”
“Dito rin nakatira ‘yung isa kong kaibigan. Dadaan muna ako sa kanila saka ako uuwi.”
“Oh. Sige, papasok na ako. Bye . . . Ate Alice.”

Pumasok na siya sa loob ng bahay nila at naninibago pa rin ako kapag tinatawag niya akong Ate. Well, tinatawag din akong Ate nina Venice at Roj, pero iba pa rin talaga, eh. Maybe because we started off as enemies? Not really enemies, but medyo asar kami sa isa’t isa before dahil sa nangyari sa cafeteria.


Tumingin ako sa bahay nila at napaisip ako kung nasa loob na rin ba si Kevin o baka naman nasa school pa rin siya. Tss. Baka nga kasama niya pa si Jane.

Bago pa ako mainis ay tinanggal ko na kaagad ang thought na ‘yun sa isip ko at naglakad palayo sa bahay nila. Dinial ko rin ang number ni Jess para sabihing pupunta ako sa kanila at buti na lang ay sumagot agad siya.

“Jess, punta ako sa inyo. Ngayon na.”

“Ha? Asan ka ba?”

“Nandito sa subdivision n’yo. Pero ‘di ko alam kung nasaang street ako.”

“What?! Wait, hanapin mo ‘yung sign ng street!”

“Teka lang ‘di ba?” Naglakad pa ako ng mga ilang metro hanggang sa makakita ako ng intersection. “Springwell St.”

“Dalawang kanto lang ‘yan sa amin. I think makikita mo rin ang bahay namin from there. Pero ‘di ka ba natatakot? Ang dilim na kaya. Tsaka ano bang ginagawa mo rito?”

“Kwento ko later. Ay wait, I think nakita ko na ‘yung bahay n’yo—” Napatigil ako bigla sa pagsasalita dahil may naramdaman akong footsteps sa likuran ko. Alam kong ang unang dapat gawin ay tumakbo nang mabilis pero hindi ko alam kung bakit pinili kong lumingon.

“Alice? Hoy babae ano nang nangyari sa’yo?”

Hindi ko na nasagot si Jess dahil nanigas na ako sa kinatatayuan ko nung makita ko si Kevin sa harapan ko. At higit sa lahat, nakangiti siya sa akin.

“So ikaw pala ang naghatid kay Karla,” sabi niya at humakbang siya palapit sa akin kaya lalo akong hindi nakagalaw.

“Y-yeah. H-hindi naman—”

“Thank you.” I can see his eyes twinkling even though it’s a bit dark. I hope he can’t see my blushing face. Nakakahiya!

“Para saan?”

“For looking after my sister. Really, thank you.”

Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. This was different from his usual flirting game and it made my heart flutter more. I can’t believe I’m seeing this side of him.

“Tara, hatid na kita,” sabi niya at tumabi siya sa akin pero bigla kong naalala ang pinag-usapan namin kanina ni Karla. Maybe I’m just getting my hopes up for nothing.

“Wait. Isa na naman ba ‘to sa seducing lines mo?” straightforward kong tanong pero hindi ko mabasa ang expression niya. “I mean, huwag na. D’yan lang naman ako sa—”

“No.” Pagkasabi niya nun ay ako napatigil ulit ako. His face looked serious and I think I’ve crossed the line. Magsosorry na sana ako pero bigla siyang ngumiti. “This time, I’m not flirting with you. Just a way of showing my gratitude for what you did.”

“Oh.”

Tahimik kaming naglakad at sobrang awkward sa pakiramdam dahil wala kaming pinag-uusapan at idagdag pa ang tension sa pagitan namin. Lalo pang namula ang mukha ko nung naalala ko ang nangyari kanina sa Dance Room. Totoo ba lahat ‘yun o parte lang ‘yun ng panaginip ko?

Nagulat naman ako nung bigla siyang nagbuntong-hininga kaya napatingin ako sa kanya.

“Mukhang walang talab sa’yo ang charms ko,” sabi niya at gusto kong sabihin na sobrang effective kaya pero buti na lang at napigilan ko ang sarili ko. Jusko, Alice, behave!

Nakita ko na ang sign ng street nila Jess pati na rin ang bahay nila kaya naman sinabihan ko si Kevin na dito na lang niya ako ihatid.

“Uhm, thanks sa paghatid. S-sige.” Tumalikod at nagsimula nang maglakad.

“Alice!” sigaw niya kaya napahinto ako. Lumingon ako sa direksyon niya.

“Hmm?”

“Sorry but from now on, I’m going to tease you more.”

Oh, okay—wait. Ano raw?!

“I’ll make you fall for me,” sabay kindat niya at saka siya tumalikod. Nakatayo lang ako roon for a minute habang nakatingin sa kanya na naglalakad palayo.

Hay, Kevin. Kung alam mo lang. Matagal na akong nahulog. Kasabay ng mga babae sa paligid mo.


***