.

.

Chapter 8

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Wednesday, October 5, 2016

***

"Are you serious, Jess?"
"Yes, Yna. Sobrang funny ni Alice kagabi," sabay tawa ni Jess na parang wala nang bukas.
"So kumusta naman ang encounter mo with Kevin?" tanong ni Steff.

Napabuntong-hininga na lang ako dahil umagang-umaga pa lang ay nasa hot seat na kaagad ako. Kasi naman! Sa sobrang panic ko kagabi ay nakalimutan kong i-end ang call kay Jess kaya narinig niya lahat ng sinabi ni Kevin. At ayan na nga, kinuwento na niya kina Steff at Yna.


"Sorry but from now on, I'm going to tease you more," gaya ni Jess kay Kevin at naghampasan silang tatlo na parang mga tanga.
"Kilig!" sabi naman ni Yna.
"Asa namang seryoso siya do'n!" sigaw ko.
"I think Kevin is serious," sabi ni Steff habang nakatingin sa likuran ko. Pagtingin niya sa akin ay ngumiti siya nang nakakaloko. "Good luck," then she winked.

What? Ano na naman ang problema nito?

"Hi, Alice."


Nanigas ako sa kinauupuan ko no'ng naramdaman kong may nakaakbay sa akin. He sat beside me, without removing his arm on my shoulders. I tried glancing at him but I immediately avoided his gaze. I feel like my heart is about to burst! Whoo! Kalma, Alice!
Ito na ba ang sinasabi niyang teasing? Sobrang effective! Walanghiyang lalaki 'to!

"Ehem!" Napatingin naman ako sa kanilang tatlo at pare-pareho sila ng expression. "Hindi ka ba magha-hi sa amin, Kevin?" dagdag ni Jess.
"Oh, sorry. Hello," sabay ngiti niya pa at ngumiti rin sa kanya 'yong tatlo.

Scripted ba 'to? Hidden camera? Pinagtutulungan nila ako!


"Ready ka na ba?" bigla niyang sabi habang nilalapit ang mukha sa akin kaya napaatras ako.
"A-anong r-ready? Anong gagawin mo?" sabay takip ko sa katawan ko at bigla naman siyang natawa.
"Ano bang iniisip mo?"
"W-wala!" saka ko binaba ang kamay ko.

Jusko, kailangan kong huminga nang maayos pero paano ako makakahinga kung katabi ko siya?!

"I'm talking about the dance."
"Dance?"

Doon ko naalala ang nangyari kahapon. Nakatulog ako sa dance room at nandoon din siya. Then bigla na lang kaming nagkaroon ng deal about dancing together. Wow. Ang dami palang nangyari kahapon?

"Kev!"


Sabay-sabay naman kaming napatingin sa tumawag kay Kevin at mukhang classmate niya 'yon sa isang subject. Tumango naman siya at agad ding umalis 'yong lalaki. Tumingin ulit siya sa akin kaya umatras ulit ako kahit na nangangawit na ang likod ko sa posisyon namin.

"See you later," sabi niya habang nakangiti at bigla siyang kumindat.


After that ay tumayo na siya at naglakad palayo, habang ako ay huminga nang malalim. Pagkaalis niya ay doon tumawa nang sobrang lala sina Steff at kulang na lang ay maiyak sila sa sobrang saya. Sinamaan ko sila ng tingin pero walang effect.

"Ikaw ba talaga 'yon, Alice? 'Di bagay sa'yo maging mahinhin! Pfft!"
"Ngayon alam mo na ang feeling tuwing inaasar mo ako kay Darryl before!"
"I recorded it. Ha!"

Umagang-umaga pero pagod na kaagad ako. Teka, si Kevin ba talaga 'yon? Baka hallucination ko lang or something. I mean, hello? Kailan pa kami naging close? Anong nangyari? Paano? My gosh, naloloka na ako!

"Ya! Look at yourself," sabi ni Yna at pinakita niya sa akin ang phone niya. Napanganga ako no'ng nakita kong may video nga kami ni Kevin at gusto kong sapakin ang sarili ko dahil sobrang stiff at halata ko sa ginawa ko kanina. Nakakahiya!
"Ano na? Your wish finally came true," pang-aasar naman ni Steff.
"Parang dati, hanggang sulyap ka lang, ngayon ayan na. Pinapansin ka na," dagdag pa ni Jess.
"To Alice's success!"

Aba't talaga naman. Nag-cheers pa sila sa chocolate drinks na iniinom namin.
After a few minutes ay nagsitayuan na kami dahil may mga klase na kami. Dati, ayaw kong nahihiwalay sa kanila kapag nag-uusap kami sa vacant period pero ngayon, tuwang-tuwa ako dahil makakalaya na ako sa kanila. Ngayon lang ako napagod ng ganito kahit wala naman akong ginawang physical activity. Mukhang kinakarma na ako dahil sa pang-aasar ko dati kina Steff at Jess kapag nandiyan sina Darryl at Patrick.
Pumasok ako sa class ko pero lumulutang lang ang isip ko.

"Pst." Napatingin naman ako kay Jon. Ngayon na lang ulit kami nagkita after a week at dahil may kasalanan siya sa akin ay naging mabait ang loko.

"Bakit?"
"Balita ko magkasama kayo ni Kevin kahapon, ah?" sabay pakita niya ng mapang-asar na ngiti. Hanggang dito ba naman, si Kevin pa rin ang usapan?
"Sinong nagsabi?"
"Kuya Owen." May pagkatsismoso rin pala si Kuya Owen. Pero bakit niya pinagkalat?!
"Hindi ka naman nahimatay?" tanong niya at sinundot niya pa ang tagiliran ko.

Buti na lang at napigilan ko ang pagsigaw dahil kung hindi, palalabasin kami ng prof namin. Sinamaan ko naman siya ng tingin dahil sa ginawa niya at sinabi kong mamaya na kami mag-usap dahil baka mahuli kami kaya ayon, tumahimik din siya.
After ng class namin ay kinuwento ko kay Jon ang nangyari at halos mamatay na siya kakatawa.

"Seryoso ba 'yan?" sabi niya sa pagitan ng mga tawa niya. "Natupad na pangarap mo, Als. Ikaw na ang target niya."


Sinikmuraan ko nga. Lakas mang-asar, eh. Kala mo walang kasalanan sa akin.
Dahil may klase pa ako ay nauna na ako sa kanya. Buti na lang at wala akong kakilala dito sa class na 'to dahil baka walang katapusang pang-aasar na naman ang abutin ko. Pero medyo tensed ang atmosphere ngayon sa room at hindi ko alam kung bakit nakatingin sa akin nang masama 'yong dalawang babae sa gilid. When I looked at their ID laces, I realized they are third years. Well, this is a minor subject so anyone can take this class.
Tinaasan ko naman sila ng kilay dahil kanina pa sila tingin nang tingin. Doon ko rin narealize na pamilyar ang mga mukha nila. They're Jane's friends.
So anong problema nila?
Buti na lang at maagang natapos ang class kaya umalis kaagad ako bago pa nila ako maabutan. Aba baka kuyugin nila ako bigla. Wala akong back-up.
Tinext ko naman agad sa tatlo ang nangyari at ang ever supportive amasona na si Jess ay nakuha pang magreply kaagad.

Wait for me! Saan ka? Marami ba sila?

Pinigilan kong matawa dahil baka pagkamalan akong baliw. Pano kasi 'tong si Jess, ang tapang-tapang. 'Yong katapangan niya naman, inversely proportional sa height niya. Pfft.
Ay jusko! Galing ba talaga sa akin 'yong inversely proportional? Ito na ba ang epekto ng pakikipagkaibigan ko sa mga katulad nina Steff at Jess? Tumatalino na ba ako? Nakakakilabot!
Nasa kalagitnaan ako ng pag-aassess sa katalinuhan ko nang biglang lumitaw si Jon sa harapan ko.

"Tara?" sabi niya kaya napakunot ang noo ko.
"Saan?"
"Lunch. Libre ko 'di ba?"
"OMG! Oo nga pala!" sabay hampas ko sa kanya.
"Ouch! Ako na nga manlilibre, ako pa nahampas."
"Arte! Saka ikaw naman ang may kasalanan, ah?"

Pumunta naman agad kami sa cafeteria at siya na rin ang pumila para sa food namin. Aayain ko sana 'yong tatlo kaso si Yna, may klase pa at 'yong dalawa naman, kasama mga boyfriend nila. Okay. Eh 'di sila na.
Habang naghihintay ako ay narinig ko ang biglaang ingay sa loob at kahit na hindi ako tumingin ay alam kong dahil 'yan sa paparating na Campus Prince or Princess. Kadalasan naman, sila ang dahilan ng kaguluhan dito.
Paglingon ko ay nakita kong magkasama sina Kevin at Jane. Bigla tuloy akong nabadtrip. Bumalik ako sa dati kong posisyon at hinayaan na lang sila.

"I will make you fall for me."

Ugh! Alis! Umalis ka sa utak ko! Bwisit kang Kevin ka. Bakit ba ako nagpapalandi sa'yo? Napaka-player ng linya niya pero naapektuhan pa rin ako. Parang kanina, may pa-hi-hi pa siya, pero ngayon, ibang babae na ang kasama niya.

"O, bakit parang papatay ka ng tao?"


Napatingin ako kay Jon na dala-dala na ang food namin at doon ko lang napansin na kanina pa pala ako nakahawak sa tinidor. Lumingon siya at nakita niya sina Kevin at Jane, saka niya ako nginitian nang nakakaloko.

"Ah. Kaya."
"As if."
"Kevin!" biglang tawag ni Jon kaya nanlaki bigla ang mga mata ko.
"Hoy!" mahina kong sabi. "Anong ginagawa mo?! Bakit mo tinawag?!"
"Para exciting," saka siya kumindat.

Naramdaman ko naman ang pagshift ng tingin ng mga tao sa paligid sa amin. Narinig ko rin ang footsteps papalapit sa amin kaya lalo akong hindi nakagalaw. Tumabi sa akin si Jon at bakante naman ang dalawang upuan sa harap namin.
At doon sila umupo.

"Thanks, Jon," sabi ni Kevin at nag-"brofist" pa sila.


Pumwesto si Kevin sa harapan ko at si Jane naman sa tabi niya. Nagfocus na lang ako sa pagkain dahil hindi ko sila kayang tignan.

"Nakapag-choreograph ka na?" tanong ni Jon.
"A bit. How 'bout you?"
"Not yet. Dami kong exam last week."
"And how about you?" sabay tingin sa akin ni Kevin. "Hindi ba trainee ka?"

Dahil nakatingin silang tatlo sa akin ay bigla akong nailang. Bakit ba pati ako dinadamay nila?!

"U-uhm. . . hindi pa tapos," sabi ko na lang kahit na ang totoo ay wala pa rin akong nasisimulan.

After that ay umalis sina Kevin at Jane para umorder ng food. Tinignan ko kaagad nang masama si Jon kaya napaatras siya.

"Kainis ka!"
"Sorry na. Hindi ko kaagad nakita si Jane. I thought he's alone."
"Alone mo mukha mo. Dahil dyan, 1 month na ang free lunch ko."
"What?! Wait—!" Napahinto siya no'ng tinutok ko sano kanya ang tinidor. "Yep. Alright. One month."
"Good."

Bago pa sila makabalik ay naubos ko na ang pagkain ko kaya tumayo na ako.

"Where are you going?" tanong ni Jon.
"May class pa ako. Bahala ka na dyan."

Mabilis akong lumabas sa cafeteria at pumunta muna sa org tambayan. Actually, wala pa akong klase pero ayoko talagang mag-stay doon. Baka kung ano pang magawa o masabi ko, lalo na at magkasama sina Kevin at Jane.
Pagkapasok ko ay naabutan ko ang ilang trainees kagaya ko at may sinusulat sila sa board na nasa entrance ng room. Lumapit ako roon at nakita kong sinusulat nila ang names nila kaya naman tinanong ko kaagad 'yong isa kung para saan 'yon.

"Ah. The members set it up a while ago. We have to choose our order and as you can see," sabay turo niya sa trainees na nag-uunahan sa pagsusulat sa whiteboard ng pangalan nila. "Pabilisan."

Nagpanic naman ako at nakisiksik ako sa kanila. Buti na lang at maraming marker sa gilid at wala pa rito ang iba pang trainees kaya naman nakapili ako ng number na gusto ko. Since 18 kaming trainees ay pinili ko ang medyo dulo dahil ayaw kong mauna. I'm the 14th performer and I think my place isn't that bad. At least I can observe more than half of the dancers and I won't be pressured since I am not the last one.
Nagstay ako sa room, kasama ang iba pa, para sa hours na kailangan namin sa org. After thirty minutes ay isa-isang nagdatingan ang members at dumiretso sila sa dance rooms. Pinasok naman nila ang whiteboard sa loob ng isang dance room at makalipas ang ilang minuto ay tinawag kami.
Pumasok kami sa room at pumunta sa harap si Ate Divine, ang head ng org. Natahimik agad kami. She has this intimidating and untouchable aura that makes you realize she's on another level. Even though she's wearing simple clothes, anyone can tell that she has that sexy and cool vibe.

"As you all know, the initiation of this organization has always been a dance showdown between the members and the trainees," pagsisimula niya. "Since you guys already picked your order, now it's our turn."


Nagulat naman kami nang hinarap na sa amin ang whiteboard at sa tapat ng names namin ay may lines na nakasulat. Oh my gosh. So it will be a one-on-one dance battle?!

"Sorry guys, pero kailangan naming manalo dahil malala ang punishment sa members na matatalo," sabi ni Kuya Owen at tumingin siya kay Ate Divine. Nagtawanan naman ang ilang members at mukhang alam na namin ang plano nila. They will choose an opponent who seems weaker compared to them.

Isa-isang nagsulat ang members ng pangalan nila sa tapat ng pangalan ng trainees.


"OMG. Bakit siya?"
"Hala, paano ako mananalo?!"
"God. I hope Ate Divine won't pick me. Please."
"Not me. Not me. Please."

Nagpapanic na halos lahat ng trainees at naramdaman ko na rin ang kaba dahil unti-unti nang nagkakaroon ng pairings para sa showdown. No'ng si Ate Divine na ang magsusulat ay natahimik kaming lahat. Nanigas naman ako no'ng nakita kong tumingin siya sa akin. I don't want to make any eye contact with her but I was too slow to avert her gaze.
Lumapit siya sa whiteboard at sigurado akong ako na ang isusulat niya nang biglang may narinig kaming ingay mula sa likuran.

"Divine."

Lalo akong hindi nakagalaw no'ng narinig ko ang boses ni Kevin. Nakita kong nakatingin silang lahat sa likuran pero hindi ko na magawang lumingon dahil sobrang kabado ako sa pagsusulat ni Ate Divine. Isa pa, nakikita ko naman siya sa salamin.

"What?" tanong ni Ate Divine.
"Can you do me a favor?" tanong naman ni Kevin habang naglalakad palapit sa harapan.
"What favor?"
"Please don't write your name on that blank."

Nakita ko namang tumingin sa akin si Kevin sa salamin kaya umiwas agad ako ng tingin. Pero ang hindi ko inaasahan ay ang sunod niyang ginawa.

"Write my name instead," he said. The next thing I knew, his arm was already around my shoulders. "This girl is mine," sabi niya at saka ngumiti sa akin.

"I will make you fall for me."

Yeah, right. Ikaw na ang panalo. Pero please, pakisalo ako.


***