.

.

Chapter 9

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Monday, October 31, 2016

***

"What happened to you?" tanong ni Yna habang naglalunch kami at napabuntong-hininga naman ako.

Hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari no'ng usang araw. Kinoconvince ko pa nga ang sarili ko na baka hallucination lang 'yon or what pero alam ko namang totoo ang lahat. Kevin really asked to be paired with me.

"Write my name instead. This girl is mine."

Ugh! Umalis ka sa isip ko!

"Yeah, she's getting crazy." Napatingin naman ako kay Yna at may kausap na siya sa phone. "Just like the both of you before. Clearly, this is a symptom of love. Wow, saying that made me cringe."
"Shut up, Yna," sabi ko na lang at ngumiti lang siya sa akin nang nakakaloko.
"So what happened? Spill it!"
" Kasi nga . . ."

So wala akong nagawa kundi ikwento sa kanya ang mga kaganapan. Siya nga yata 'tong baliw dahil nanghahampas na lang bigla kapag may interaction na kami ni Kevin sa sinasabi ko. Then nalaman na niya 'yong about sa 1-on-1 dance battle ng trainees at members.
Natapos naman kami sa pagkain at agad na umalis si Yna after niya akong asarin nang walang katapusan dahil may class pa siya. Ako naman ay nagpaiwan muna sa cafeteria dahil may one-hour vacant period pa ako.

"Is this the girl?"
"Think so."

Nagulat naman ako dahil may dalawang babaeng nakatayo sa gilid ko. I think they're third years, and the only one I can think of is Jane. Mga kaibigan niya rin ba 'to?

"Yes?" sabay tingin ko sa kanila. "May kailangan ba kayo sa akin?"

One of them raised her eyebrow and the other one smirked at me. Aba, mga feeling kontrabida ang mga 'to ah? Akala ba nila uurungan ko sila?

"Well, yes," sabi ng isa sabay upo sa tapat ko. Tsk. Sana pala hindi muna umalis si Yna.
"Ikaw ba ang bago ni Kevin?" tanong naman ng isa at tinaasan ko siya ng kilay.
"Hindi. Okay na?" Tinuloy ko naman ang pagkain ko ng chocolate for dessert pero nagulat ako nang biglang sinagi ng nakatayong babae ang kamay ko.
"Are you playing games with us?"
"Kunwari ka pang santa, malan—oh my gosh!"

Maski ako ay nagulat nang bigla nalang nabasa ang damit niya. Sabay-sabay kaming napatingin sa likuran at hindi ko alam kung mas magugulat ba ako o pagtatawanan na lang ang dalawang babae.

"Oops. Sorry," sabi ni Karla kahit walang katiting na reaction ang mukha niya tapos akmang uupo na siya pero nagslide ang plato niya na may lamang baked mac.
"What the heck are you doing?!" sigaw ng babaeng nakaupo sa tapat ko dahil natapon sa damit niya ang baked mac.
"Oops. Sorry. But it's your fault. You're sitting on my chair."
"Why you little bitch!"

Bigla namang pinagitnaan ng dalawa si Karla kaya nagsalita agad ako.

"Nasaan na pala ang Kuya Kevin mo, Karla?"

Pagkasabi ko no'n ay napatigil ang dalawang babae at nagpabalik-balik ang tingin nila sa aming dalawa ni Karla. This time, ako naman ang nagsmirk sa kanila.

"Ah. Si Kuya? Papunta siya kay Jane, but I think I need to tell him that I'm being cornered by her friends."

Binitiwan niya ang tray na hawak niya at kinuha ang phone sa bulsa niya. Nakalagay na sa tenga niya ang phone niya nang tumakbo ang dalawa at hindi ko na napigilan ang pagngiti ko. Pag-alis nila ay tumingin sa akin si Karla at ako naman ang nagulat dahil ngumiti siya sa akin.

"Okay ka lang?" tanong ko dahil natalsikan din siya ng food niya.
"Yeah."
"Thank you nga pala. Never thought na palaban ka." Pagkasabi ko no'n ay saka ko lang narealize na fiesty pala talaga siya dahil sa pagko-confront niya kay Stan before.
"Quits na tayo," sabi naman niya.

Lumipat kami ng table dahil sa ginawa niya kanina at umorder din siya ng bagong food. Medyo nagpanic pa ako no'ng may pumasok na group of upperclassmen pero mukhang 4th year na sila at hindi sila related kay Jane. Buti naman.
Pero wait nga. Bakit ba ako pinagdidiskitahan ng Jane na 'yon? Aba, kanya na nga si Kevin, bakit pati ako dinadamay niya? Kapag talaga nakita ko 'yon, naku!

"Kumusta na nga pala kayo ni Kuya?" tanong niya.
"Ha? Ahm, wala naman." 'Di ko rin gets 'yong sagot ko pero bahala na.
"Oh. Gano'n ba?" saka siya ngumiti at 'di ko alam kung nang-aasar ba siya o ano.

Nagkwentuhan lang kami tungkol sa kung anu-ano at no'ng malapit na ang klase ko ay nagpaalam na ako sa kanya. Siya naman ay nagpaiwan muna dahil mamaya pa raw ang class niya.
Pagdating ko sa class ay nagdiscuss lang ang prof namin at nagpaquiz, which is kalahati lang ang nakuha kong score dahil hindi ko masyadong naintindihan ang lesson. Papaturo na lang ako kina Steff kapag malapit na ang exam. After that ay dumiretso ako sa org tambayan para sana magtanong about sa dance battle, and hoping na hindi ko makasalubong or makita si Kevin dahil sa nangyari last time.
Pero mukhang hindi talaga kampi sa akin ang tadhana dahil nakita ko sila ni Jane sa dulo ng corridor at magkakasalubong pa kami. Dahil wala na akong lusot ay nagtuluy-tuloy na lang ako sa paglalakad habang nakatingin sa phone ko. Pero dahil sa ginawa ng friends niya kanina ay naisipan ko namang gantihan siya.

"Babe, hatid mo ako later?" sabi ni Jane at nakita kong tumingin siya sa akin.

Nilapit ko naman ang phone sa tenga ko at tumawag. "Oh, hi Karla. Okay ka na ba?" sabi ko at mukhang nasa akin na ang atensyon nila pero hindi ko sila tinignan. "Yeah. Nahanap ko na kung sino ang third years na nangharang sa'yo kanina sa cafeteria. Nakapagpalit ka na ba ng damit?"

Sumulyap ako kay Jane at nagbago na ang expression niya. Sinilip ko rin si Kevin at naging seryoso ang mukha niya.

"Send ko sa'yo ang names nila since nakita ko ang ID nila kanina. Uh-huh. Right? Familiar talaga sila since muntik na rin nila akong pagdiskitahan before. Sige, bye!"

Halos side by side na kaming tatlo after kong ibaba ang phone ko at hindi ko sila pinansin. Nilagpasan ko lang sila at naglakad papunta sa tambayan. Ha! Bahala silang mag-isip about sa pinagsasabi ko. At mabuti nang malaman ni Kevin kung anong klaseng bitchesa 'yang si Jane.
Pagdating ko ay nagpapractice na ang ilang trainees at members. Nagmi-meeting na rin ang mga magkakalaban since kailangan nilang mapagkasunduan ang music, dance genre at timing ng pagpeperform nila. Dahil wala naman dito ang partner ko, na kakasalubong ko lang kanina at may kasama pang bruha, hinanap ko si Jon pero mukhang wala rin siya rito kaya nanood na lang ako sa ibang nagpapractice.

"Alice, right?"
"Y-yes po."

Nagulat naman ako dahil bigla akong nilapitan ni Kuya Jasper, one of the senior members. He's the quiet and unapproachable type kaya naman nashock talaga ako no'ng kinausap niya ako.

"Alam mo ba ang number ni Rich?"
"Ah. Wait po."

Binigay ko naman sa kanya agad ang hinihingi niya. Doon ko rin nalaman na partner niya pala si Rich, isa ring trainee, sa dance battle at hindi niya alam ang schedule niya kaya naman kailangan niyang tanungin ang free time for practice.

"May ginagawa ka ba?" tanong niya ulit.
"Ah. Wala po. Wala pa 'yong partner ko, eh."
"Si Kevin?" Tumango naman ako. "You were chosen by the beast, huh?"
"B-beast?" Si Kevin ba ang tinutukoy niya?
"You don't know his nickname? He's actually one of the best dancers here, though me and Divine are still above him."

Napatango nalang ako sa sinabi niya. Ewan ko pero parang hindi naman siya nagyayabang at nagsasabi lang siya ng totoo. Kumbaga, unintentional bragging. Siguro dala na rin ng personality niya.

"Call all the trainees here. We'll show you how to do a dance battle."

Pagkasabi niya no'n ay umalis siya at pumasok sa practice room for members. Tinawag ko naman ang trainees, pati na ang mga nagpapractice at no'ng naggather na kami lahat ay pinapasok kami ni Kuya Owen sa Room A kung nasaan ang members. Pagpasok namin ay nagsisimula na ang tugtog at napahinto na lang kami nang nagsimulang sumayaw si Ate Divine.
Oh my gosh. Ngayon pa lang, naaawa na ako sa makakalaban niya. She has the charisma and aura of the best dancer. Super girl crush!
Narinig ko naman ang impit na tilian nang sumayaw na rin si Kuya Jasper. With his white shirt and fair skin, he looks sexy while dancing.   
Nag-eenjoy na kaming lahat sa panonood kung paano sumayaw ang mga pro nang bigla na lang may umakbay sa balikat ko at bigla kong naalala ang nangyari noong nakaraan.

"Enjoying the view, aren't we?"

At siya nga.
Nanigas ako sa kinauupuan ko no'ng narinig ko ang boses ni Kevin sa tenga ko. Ni hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala siya.

"N-not really," sabi ko na lang at sana lang ay hindi niya makitang namumula ang pisngi ko.
"Let's practice then," bulong niya at napaatras ako dahil nararamdaman ko ang hininga niya sa tenga ko.
"May klase pa ako!" Shet! Bakit ang high-pitched ng boses ko?!

Napatingin naman ako sa kanya at lalo lang akong kinabahan dahil nakangiti siya sa akin. Hindi ko alam kung hindi lang siya napapansin ng mga tao rito o sadyang ang lakas lang makahatak ng atensyon ng mga sumasayaw. Gusto ko nang umalis pero hindi ko naman magawa dahil sa kanya.

"Gano'n ba? Well, tomorrow then. At my house."

Pagkarinig ko no'n ay parang nawala bigla ang malakas na tugtog sa paligid. Hindi ko alam kung tama ba ang naririnig ko o nabibingi na ako o nababaliw lang talaga ako.

"H-ha? Ha?" Bigla naman siyang tumayo at tinawag niya ang atensyon ng ibang members.
"See you," sabay lingon niya sa akin at saka siya tuluyang pumunta sa harapan.

Ha? Wait, anong nangyari? Sa bahay nila? Bukas? Haaaaaa?!


***