.

.

Prologue

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Saturday, July 11, 2015

***


Summer.

Second day ng summer vacation at excited na akong gumala. Masyado kasi akong nastress sa last sem ng third year college life ko dahil sa dami at hirap ng major subjects. God, buti na lang talaga at pumasa ako sa 117! Imagine? Kalahati ng class namin bumagsak. ‘Yon daw kasi ang pinakamahirap na subject kapag third year ka na at talagang dinugo ako sa finals namin. Pati ang mga running for laude namin, umaming nahirapan sila.

Anyway, nang natapos na ang hellish sem ko ay natulog lang ako buong araw kahapon at kaninang paggising ko ay parang bumalik lahat ng energy na ginamit ko sa finals week. At para magcelebrate sa pagkapasa ko sa lahat ng subject, magma-mall ako!

“Ate, uwian mo ako ng fries at burger ha?”
“Pera?” sabay lahad ko ng kamay ko sa kapatid kong nag-aaral. Ngayon pa lang kasi ang finals week nila. One year apart lang kami at second year college na siya pero magkaibang university kami pumapasok. Ayaw niya raw kasi akong kasama dahil nagsasawa na siya sa mukha ko. Parang abno lang.
“Ilibre mo na! Duga nito eh! ‘Pag ako inuuwian kita lagi ng pasalubong!”
“Bakit sinabi ko bang uwian mo ako?”
“Napaka mo!”
“Fine, fine.”

Bago pa siya magbuga ng apoy ay lumabas na ako ng bahay. Trip ko lang talaga siyang asarin dahil hell week niya. See? Ang dali niyang mainis.

Agad-agad akong sumakay ng jeep papunta sa mall malapit sa amin at pagkababa ko ay dumiretso muna ako sa McDo. Pagtingin ko sa relo ko, 1 PM na pala. Kaya pala kumukulo na ang sikmura ko.

Papunta na sana ako sa counter pero napatigil ako nang makita ko kung sino ang nakapila sa counter. Bigla tuloy nagflashback ang mga ginawa niya sa akin.

“Shit,” bulong ko sa sarili ko. Agad-agad akong tumalikod at naglakad palayo dahil ayokong makita siya at lalong ayoko siyang makausap.

Nang medyo malayo na ako ay lumingon ako sa McDo and I silently cursed myself. Tanga! Bakit ba kasi ako lumingon?! Nagkatinginan kami ng lalaking ‘yon at gulat pa ang expression niya nang nakita niya ako.

“Scythe?”

Halos marinig ko ang boses niya kahit malayo ako sa kanya. The way he called my name made me shiver. Shit. No other choice.

Tumakbo ako papunta sa escalator at hindi ko na siya tinignan ulit. I want to run away from him. I want to escape. Suddenly, parang nawala ako sa sarili ko at bumalik ako sa nakaraan.

He 
was my boyfriend. Naging magkaklase kami sa isang subject noong freshmen kami at after ng first sem ay naging friends kami. Pero lumalim ang relationship namin at nanligaw siya sa akin. Noong sembreak ng second year ay sinagot ko siya at naging masaya ang first few months namin.

But he showed his true color. Kapag may hindi kami napagkakasunduan, pagbubuhatan niya ako ng kamay. Ilang pasa rin ang nakuha ko dahil sa kanya pero tiniis ko ‘yon kasi mahal ko siya. Pero noong sembreak namin nitong third year, before our first anniversary, nakita ko siyang may kahalikang babae. Kung anu-ano pang excuses ang sinabi niya sa akin, kesyo hindi naman daw siya nagrespond at ‘yong babae ang unang humalik sa kanya. But I’ve had enough. Napuno na ako sa kanya. Nakipagbreak ako pagkatapos ko siyang sampalin at sipain ‘
down there’. Kapag nakikita ko siya sa campus, umiiwas agad ako o kaya sumasama ako sa classmates ko. Naging busy na rin kasi ang sem na ‘yon kaya wala na rin akong time para pansinin kung nasa paligid ba siya.

And now, bigla ko na lang siyang nakita. Grabeng swerte naman ‘to!

“Scythe! Wait!”

Gusto ko siyang murahin at sabihing tigilan na niya ako pero ayaw kong mag-eskandalo dito sa mall, though pinagtitinginan na kami ng ilan dahil tumatakbo kami.

Paano ko ba papatigilin ang isang ‘to?! Nakakainis! Sana hindi na lang ako sa mall na ‘to pumunta!

Lumingon ako sa kanya at mukhang malayo pa siya sa akin. Kung makakapunta lang sana agad ako sa exit at makakasakay ng jeep—

“Ompff!”

Napahinto ako nang may nabangga na pala ako at napahawak ako sa ilong ko. I cursed myself for not looking in front but when I turned around, it felt like something prevented me from breathing. The guy I bumped into was a different kind of gorgeous.

He has dark messy hair, dark eyes, his jawline was extremely attractive and he wore a black leather jacket. He looks like an actor but his presence screams danger. Parang lumubog ang puso ko at lalo akong hindi makahinga. He was literally breathtaking.

He held me in his strong arms and looked straight into my eyes. His eyes were like an abyss, an endless pit, and I used all my willpower to break the eye contact. I immediately turned around and saw Frank getting nearer and an idea suddenly formed in my head.

What if . . . No! Hindi ako gano’ng klaseng babae. But this situation and his presence . . . something tells me that what I was thinking a while ago would be a bad idea.

“Scythe!”

My God! Ilang beses niya bang isisigaw ang pangalan ko?! Hindi na ako magtataka kung ang dami nang nakakakilala sa akin dito!

“You can see me . . .” the guy said and I thought he was asking but it was more of a realization. What was that?
“Duh?”
“Your name is Scythe?” Bigla akong kinilabutan nang nagsalita ‘yong lalaking nakahawak sa akin. His voice was hypnotizing, and it felt like my soul was gradually leaving my body.
“O-oo . . .”
“Fascinating,” then he smiled.

Okay. I think I’m out of my mind. It’s a do or die. I need to do this so that my ex won’t bother me anymore. I know this would be rude and insane but I don’t care anymore.

“Kung sino ka man, sorry,” I whispered and I pulled him into a kiss. For a second ay napatingin ako sa direksyon ni Frank at nakita kong huminto siya.

But then something went wrong.

A chill went down my spine, a cold sensation coursing through my whole body. I wanted to break the kiss but I can’t. My head was spinning crazily and my senses weren’t working anymore. I didn’t know what went wrong but . . .

I never knew that kissing someone would make me feel this way.
I never knew that that kiss would change my whole life.
And I never knew that I was already kissing death.


***