.

.

Chapter 1

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Wednesday, July 15, 2015

*BABABA BABANANA BABABA BABANANA BAANANAAAAAAA~*

 

Ugh. Ang ingay! Tsk.

 

“Yoboseyo?” (Hello?) I answered the phone kahit di ko alam kung sinong tumatawag dahil nakapikit ako. Gosh, I’m so sleepy pa. Pero nung narinig ko kung sino nagsalita eh napadilat ako. "Eomma?" (Mom?)

 

[Neone appaga Rimielle-leul chajgo issseubnida. Jigeumeun kkaeeoseo?]

(Rimielle hinahanap ka na ng daddy mo. Kagigising mo lang ba?) 

 

Gosh patay na naman ako kay dad neto!

 

"Arasso arasso eommoni. Ne ne kagesumnida."

(Yes, yes mom. Okay okay, pupunta na.)

 

Sinusubukan kong bumangon kaso parang may magnet yung kama ko. Ayaw akong pabangunin >o<

 

[Palliya! Abeojineun mucheog hwareul naessseubnida!]

(Dalian mo okay? Your dad's already angry!)

 

Halaa mukhang galit na rin si mommy. Naman kasi Rimi bakit late ka nagising? Di man lang ako ginising ni kuya!

 

"NEEEEEEEE." (Okaaaaaaay!)  Then pinaatay ko na yung phone ko.

 

Bumangon na ako kahit ayaw ko pa talaga. Tinignan ko yung orasan sa side table ko.  Oh my gosh, I only slept for two hours! Ang sakit ng ulo ko!

 

Yung tumawag kanina ay mom ko. Hinahanaap na raw ako ni Daddy sa work. Okay, I’m sure malelate na naman ako. Tsk. Oh wait, LATE na pala talaga ako. 

 

“Rimielle! Breakfast is ready! Baba ka na dito!” narinig ko naman yung sigaw ni kuya kaya pinilit ko nang tumayo. Nagpunta muna ako sa bathroom para maghilamos at para magtanggal ng morning glory. Tapos tsaka ako bumaba at pumunta sa dining area.

 

“Annyeong haseyo oppa.” (Morning brother.) Then umupo na ako sa upuan ko and tinignan kung anong breakfast. Well fried rice, egg and hotdog lang naman.

 

“Rimi, Dalian mo ha? We’re late. And dad’s already furious. Monster na naman itsura nun.” Tinawanan ko nalang si kuya. Baliw eh. Gayahin daw ba yung itsura ni daddy kapag nagagalit? Oh well kaya mahal ko 'tong si kuya eh. Pabor siya lagi sa akin. I'm a kuya's girl!

 

 

Well, ako nga pala si Rimielle Jung. Pero Rimi ang tawag sa akin ng family and close friends ko. Twenty years young and I’m a fresh graduate. BSBA ang course ko ang I graduated with a Laude standing. May sariling business yung family namin kaya doon kami nagwowork ni kuya. Oh, yung kausap ko nga pala kanina is my oppa, Rimjae Jung. 22 na siya and he’s a chemical engineer. Actually nagwowork siya kina daddy and may isa pa siyang work. Well workaholic si kuya eh. Di kayang mabuhay ng hindi nagtatrabaho.

 

I'm a half Korean, half Filipino. Si mommy ay Filipina pero sa Korea na siya lumaki kaya fluent rin siya sa Korean and si daddy ay Korean talaga. Then nung nagseven years old ako ay nagmigrate kami sa Philippines kaya dito na rin ako nakapag-aral. Kaya fluent na kami ni kuya mag-tagalog. Actually nung nasa Korea pa kami ay tinuturuan na kami ni mommy magtagalog kaya hindi naman ganun kahirap makaadapt sa culture dito.

 

"Rimi! Palliya!" (Faster!)

"Wait lang!" hindi ko na alam kung anu-ano pa yung kukunin ko kasi si kuyaa minamadali ako. Katatapos ko nga lang maligo at magbihis eh. Pero dahil mukhang atat na si kuya eh hindi na ako nakapagsuklay. Kinuha ko nalang yung bag ko then sumakay na sa car niya.

 

"Whoa! Grabe ka naman kuya! Di ka naman masyadong atat no?" then kinuha ko yung suklay ko sa bag ko at nagsuklay na ng buhok ko.

"Late na kaya tayo. Lagot na naman tayo kay daddy." inistart niya yung car tapos tsaka siya humarurot sa pagdadrive.

 

Habang nagsusuklay ako ng buhok ko ay nakikipagtalo rin ako kay kuya sa kung anong papatugtugin habang nasa biyahe. Well syempre KPOP dahil err, naiintindihan rin namin yun. Pero pili lang ang gusto naming groups.

 

"Eh? Yung Please be my baby nalang kasi! Nakakasawa naman yang pinapatugtog mo eh! Gusto ko si Sohee!" tapos nakipag-agawan na ako sa pagpindot.

"Rimi! Wag mong ilipat, si Seohyun na yung kumakanta eh!"

"Hahaha! Fanboy!"

 

At syempre nagwagi ako sa pagpindot! Hahaha eh kasi nagdadrive siya kaya di siya makatingin dun sa player. Galing ko talaga! At natatawa talaga ako dahil fanboy yang kuya ko. Oh well, wala akong magagawa dyan. Cute naman si kuya eh kaya cute rin siyang magfanboy. Haha geez what am I saying?

 

*Bababa babanana bababa babanana bananaaaaaa~*

 

Napatalon naman ako nung tumunog bigla yung phone ko. Naman kasi nakakagulat yung ringtone ko. Pero ang cute! Tinignan ko kung sino yung tumatawag and napangiti ako ng todo. Kyaa kinikilig na naman ako!

 

"Hello babe!" masayang bati ko sa kanya. Makita ko lang yung name niya sa phone ko eh parang mamamatay na ako sa kilig. I know it' corny but who cares? Mahal ko siya eh.

 

[Morning babe. Tumawag lang ako to say that you're the most beautiful girl I've ever met. Haha o sige I have a meeting na. Bye babe. I love you!] 

 

Hindi ko alam kung ilang minuto na yung dumaan pero nasa tenga ko pa rin yung phone ko at para akong nasa heaven. Alam niyo yung feeling na hindi ka na makapagsalita sa sobrang kilig? Tapos mapapangiti at mapapatulala ka nalang? Ganun yung feeling ko ngayon eh.

 

"Hahaha obsessed Rimi." tsaka ko lang narealized na pinagtatawanan na pala ako ni Kuya nung nagsalita siya. Psh. Masama bang kiligin?

 

"Hahaha kuya nakakatawa. Ikaw kasi walang girlfriend! Bleh." tsaka ako nagtongue-out sa kanya. And guess what? Sinamaan niya ako ng tingin! Hahaha pikon!

 

Wala pa sigurong fifteen minutes ay nasa building na kami. Actually, sumasagap na kami ni kuya ng maraming oxygen dahil for sure ay sesermunan na naman kami ni daddy. Well sino ba namang hindi? Eh one hour late na kami sa work. Kahit naman anak niya kami ay hindi bias si dad pagdating sa work. Employee ang tingin niya sa amin dito, hindi anak.

 

"Oppa. Are you ready?" tanong ko kay kuya kasi mukhang kinakabahan rin siya. Eh kasi siya lang naman ang mas papagalitan dahil panganay siya.

"Ne. C'mon." then binuksan niya yung door sa office ni dad.

 

 

 

"YOU ARE LATE."

 

 

Napapikit nalang ako. Nakakatakot si daddy! >o<

At ayun na nga, sinermunan kami ni kuya. Pero feeling ko pasok sa isang tenga, labas sa isa ang nangyari sa amin. Nakalimutan ko na nga yung mga sinabi ni daddy eh. Eh bahala na, basta magtatrabaho nalang ako. Pumunta na ako sa cubicle ko and nag-ayos na ng mga papers.

 

Nung tapos na ako sa pag-aayos ng papers ay hinanap ko muna yung phone ko sa bag ko. At nalula lang naman ako sa nakita ko. 143 messages?!

 

Pagbukas ko..

 

From: Lawrence 

> Saranghamnida. Tama ba? Haha I love you babe.

 

Tapos puro ganyan. As in lahat. Yung 143 messages na yun. :'''> Ang cute cute at ang sweet sweet talaga! Halos mapatid na yung labi ko sa sobrang ngiti eh. Nahampas ko rin actually yung table sa sobrang kilig. Nag-effort pa talaga siyang magkorean sa text at kamusta naman ang 143 di ba?

 

Ang swerte ko sa boyfriend ko. Ang swerte ko kay Lawrence Sy. Gwapo, matalino, mabait, gentleman and mayaman. Almost perfect, right? Tapos ang sweet sweet pa. Hindi ko nga alaam kung bakit saa akin 'to nagkagusto eh andami dami namang mas maganda sa akin. At take note, pinag-aagawan pa siya dati nung college kami. 

 

Mahigit one year na kami. And yeah, sinagot ko siya dati nung 4th year college kami. Same course and same block kasi kami dati kaya naging friends kami. And then ayun, nagulat ako nung nanligaw siya at syempre natuwa ako nun. Biruin niyo? Ako pa ang niligawan niya kahit maraming pretty girls na nakapalibot sa kanya? I'm such a lucky girl, eh? Then nakakatuwa rin dahil ayos naman sa families namin yung relationship namin. Kulang nalang eh i-engaged kami eh. Pero kahit one year na kami eh parang new couple pa rin dahil ang sweet niya araw araw. Kahit yung iba niyang ginagawa eh corny na, kinikilig pa rin ako. >///<

 

"Daydreaming again?" nagulat naman ako nung nasa harapan ko na pala si kuya. Teka pano siya napunta dyan?!

 

"Yah! Bakit ka nandyan?" Kainis nakita na naman niya akong nakatulala! Lagi nalang! Aasarin na naman ako nyan mamaya panigurado.

"Kanina pa kaya ako nakatayo dito. Then nakita kong nakatulala ka lang dito at nakangiti. Hahaha sana pala pinicturan ko. Michyeosseo."

(Michyeosseo - crazy)

 

"Psh. Alis na nga. Shooo! Shoo! Bakit ka ba kasi nandito?" kunwari nalang naiirita ako sa kanya para di siya mang-asar. Eh kasi pag nang-aasar yan wagas eh! As in. Naalala ko dati, inasar niya ako and talagang umiyak ako the whole day dahil dun. One week ko rin siyang di pinansin nun. Epal epal kasi eh. Lakas ng topak pag nang-aasar.

 

"Hahaha. Pikon. Taawag ka ni daddy. Puntahan mo daw siya sa office niya." pagkatapos niyang sabihin yun eh tsaka siya umalis sa harapan ko tapos may pahabol pang 'michyeosseo'. Sarap ibitin patiwarik ng kuya ko eh. Psalamat siya mahal ko siya kaya okay lang na asarin niya ako. >o<

 

Sinimulan ko ng maglakad papunta sa office ni daddy. Pero di ko pa rin talaga mapigilang di mapangiti dahil dun sa ginawa ni Lawrence. Yiiieee kinikilig na naman tuloy ako! Eh kasi naman eh! Ang landi landi ng taong yun kainis! Mas lalo tuloy akong naiinlove. >///<

 

"Appa?"  (Daddy?) kumatok muna ako then tsaka ako pumasok.

"Appa, waeyo?" (Why dad?) umupo ako doon sa upuan sa harap ng table niya. Ano kayang sasabihin ni daddy? Hindi kaya papagalitan ako? Baka naman may sinumbong si kuya! Naku lagot talaga sa akin yun!

 

Si daddy naman eh seryoso lang na nakatingin sa akin. Hala. Di kaya... may problema sa company?

 

"Appa---"

 

 

 

 

 

"Rimielle, you're engaged."

 

 

 

 

 

WHAT? ENGAGED? KANINO? KAY LAWRENCE? OMG!