.

.

Chapter 14

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Saturday, November 14, 2015

After kong tumugtog, sabay na lumabas ng kwarto si sir Tristan at si Nay Linda. Waaah naingayan ata sila sa akin. >o<

 

"Good morning babe!" lumapit si Hayley kay sir Tristan then gusto ko sanang tawanan si sir dahil lumaki yung mata niya nung nakita niya si ma'am Hayley.

"Babe! Why are you here?" para siyang nakakita ng multo. Hahaha.

"Why babe? Masama ba?" si ma'am Hayley naman biglang nagpout, at napatalikod nalang ulit ako nung nagblush si sir Tristan. Pfft! Hahaha! Ang saya sanang tumawa kaso baka sesantahin niya ako eh!

 

 

"Miel anak, tara sa kusina." super nagulat naman ako nung bigla nalang sumulpot si manang sa gilid ko kaya nasipa ko yung side ng piano. Ahh chincha! Ang sakit!

Sinundan ko naman si manang na tinawanan lang ako. Huhu sama naman ni manang, nasaktan na nga ako tapos tinawanan pa ako. 

Naiwan dun sa may living room sila sir Tristan tsaka ma'am Hayley. Nag-uusap sila dun. Ah ewan basta andun sila.

 

 

"Halika dito hija, tuturuan kitang magluto."

 

Halos mapatakbo ako papunta dun sa spot na kinatatayuan ni nay Linda nung sinabi niya yun. Waaah gusto ko na ulit matutong magluto! Yehey tuturuan niya ulit ako!

 

 

"Waah Nay Linda thank you!" then I hugged her. Kyaah matututo na akong magluto!

"Oh oh.. hahaha. Eto na namang batang 'to, hindi pa nga tayo nagsisimula eh." napabitaw naman agad ako sa kanya. Narealize ko na halos winawagayway ko na si manang >o<

 

Naglabas siya nung mga ingredients na hindi ko alam yung tawag sa iba. Basta flour, eggs and stuffs. Mukhang masarap ang lulutuin namin ni Nay Linda. Excited na ako *u*

 

 

"Gayahin mo nalang yung gagawin ko ha?" nag-nod naman ako kaagad.

 

 

So dahil sabi ni Nay Linda eh gayahin ko siya, yun yung ginawa ko. Pinaghalu-halo niya yung flour, baking powder, cocoa then dinagdag niya yung eggs, oil and milk. Then kinuha niya yung hand-mixer, so kumuha rin ako.

 

"Hija, haluin mo yan ng mabuti ha? Pero wag masyado dahil baka mag-iba ang kulay at lasa." kinabahan naman ako nun kaya super titig talaga ako sa mixture ko kung nagbabago ba siya ng kulay or not. Nung sinabi sa akin ni manang na okay na, nagprepare siya ng pan na ginrease ng butter. Tapos ibuhos ko daw dun so ginawa ko naman.

 

"Ayan tapos na." sabi ni Nay Linda sabay inat.

 

Wow. Tapos na 'to?

 

"O sige Miel, lagay na natin sa oven para luto na 'to mamaya." sinunod ko naman yung sinabi niya at nilagay namin sa oven. Then pareho kaming naupo ni Nay Linda dun sa dining table.

 

"Waaah tapos na yun nay Linda? Ano ba yung niluto natin?" grabe ang dali lang pala nun! Paghahalu-haluin lang lahat tapos ilalagay sa oven! Psh. Bakit di ako tinuruan ni Mommy na magluto?

"Cake yun anak." sabay ngiti niya sa akin.

 

 

 

OMONA. Cake? Cake as in cake? Kyaaah tagal ko nang di nakakakain ng cake. Oh my. T_T

 

 

"We can't."

"Why?"

"Dad's there."

"Oh right. Your dad again, Tristan."

 

 

 

Napatingin naman ako kay Nay Linda nung narinig namin yung pag-uusap nila sa sala. Now what was that? Biglang nagwalk-out si ma'am Hayley tapos hinahabol siya ni sir Tristan.

 

"HAYLEY! WAIT! HAYLEY!"

 

 

Then ayun. Nawala nalang sila bigla. LQ? Hala naman.

 

 

 

"Haaay. Lagi nalang ganyan." for the second time, napatingin ulit ako kay Nay Linda. What does she mean by that? Napansin niya sigurong nakakunot yung noo ko at naguguluhan kaya nagsimula na siyang magkwento.

 

"Ayaw kasi ng daddy ni Tristan kay Hayley, Miel."

 

 

O_O

What?!

 

 

"Po?! Bakit po?! I mean.. di ba fiancé niya si Hayley?"

 

 

Okay. Bigla akong nacurious sa mga sinasabi ni Nay Linda sa akin kaya nilapit ko yung upuan ko sa kanya. Well, minsan lang naman ako makichismis eh! Okay lang 'to >o<

 

"Ewan ko rin kung anong nangyari eh. Ang alam ko eh last year, engaged na sila. Pero nitong huling buwan eh biglang sabi ng daddy ni TJ na makipagbreak na daw siya kay Hayley. Galit na galit nga ang daddy niya nun eh.."

 

 

Sinubukan kong imaginin kung anong itsura ng daddy ni sir Tristan na galit na galit pero di ko maimagine. And promise, kahit di koalam yung mukha ng dad ni sir eh kinilabutan pa rin ako. 

 

"Pero dahil nga gusto na ni TJ si Hayley eh hindi niya sinunod yung gusto ng daddy niya."

 

I dunno but my heart sank. Naalala ko kasi si daddy. Gosh, why now?

 

"A..ano pong ginawa ni sir?" don't tell me naglayas din siya? But that's too impossible, right? I mean, siya ang nagmamanage ng business nila eh.

 

"Naku hindi. Sabi niya sa daddy niya, bigyan daw siya ng reason para hiwalayan niya si Hayley. Hindi ko rin alam kung anong meron sa daddy niya at ayaw sabihin yung dahilan. Kaya ayun, walang siyang nagawa, si TJ pa rin at Hayley."

 

 

Wow. Grabe pala talaga no? Iba talaga ang takbo ng utak ng ibang tatay. Ewan ko ba kay daddy, kung bakit niya akong gustong iengage sa iba samantalang may boyriend ako..err.. dati. Tapos medyo nainis rin ako sa dad ni Tristan dahil bigla-bigla nalang sasabihin na magbreak si sir at ma'am Hayley.

 

Pero biglang may nagsink-in sa akin na sinabi kanina ni Nay Linda.

 

"Wait po.. sabi niyo kanina.. gusto ni sir Tristan si ma'am Hayley. Uhmm, isn't that appropriate? I mean, engaged na sila and all pero gusto pa lang?" okay napakapakialamera ko talaga! Pero kasi naman eeehh.. curious lang talaga ako!

 

Nagulat naman ako nung ngumiti si Nay Linda. And I felt weird. Para bang.. she's waiting for me to ask that question? Eesh, whatever!

 

 

 

"Wala pa kasi siyang minamahal.."

 

 

O_O

What?! Wait.. wait.. you mean.. hindi niya mahal si ma'am Hayley?! OKAY. NOW I'M CONFUSED.

 

 

"Eh pero po di ba engaged na sila?"

"Miel, alam mo naman ang mundo ng mga mayayaman di ba? Engagement dito, engagement doon. Kasal di to, kasal doon. Kahit di niyo mahal ang isa't isa. Basta mapalago lang ang negosyo, gagawin lahat. Kahit na wala naman talaga sa puso mo na magpakasal o magpaengaged."

 

 

Napatulala naman ako sa sinabi ni Nay Linda. Yes, I know that. Pero...

 

 

"So you mean po, hindi pa niya.. as in hindi pa niya mahal si ma'am Hayley?" super naguguluhan na talaga ako! Pero para akong tange, tanong pa rin ng tanong.

"Oo parang ganun. Pero di rin naman natin alam ang plano ng tadhana hija. Malay natin, mahulog siya kay Hayley, malay natin may magustuhan siyang iba. Siya rin naman ang makakapagsabi nun sa sarili niya eh. Siya ang makakaramdam nun."

 

 

Magtatanong pa sana ako kaso biglang tumunog yung oven kaya napatayo ako agad-agad para icheck kung anong naging itsura ng binake kong cake.

 

"Omo~ gwiyeopda!!" ang cute cute naman ng itsura ng cake! Waaah nakakaiyak! First time.. first time kong makapagbake ng cake. :'(

(gwiyeopda - cute)

 

"Nay Linda, ang cute po nito!! Pwede na ba 'tong kainin? Waaah!" and as I expected, tinawanan na naman ako ni Nay Linda. Para daw akong bata! Bakit, bata pa naman ako ah? Di ba?

 

"Papalamigin pa natin yan tapos ilalagay sa ref. Mamayang gabi nalang natin kainin."

 

Pakiramdam ko eh pinagbagsakan ako ng langit at lupa-- okay, corny na. Pero nadepress ako nung sinabi ni Nay Linda na mamayang gabi ko pa 'to makakain. Poor me T__T Then siya nalang daw ang maglalagay ng icing and chocolates dahil baka daw kainin ko lang. Ang sama ni Nay Linda!! Wae? TToTT

 

Umakyat naman ako sa kwarto namin para maligo na dahil puro flour at baking powder na yung damit ko pati buhok ko. Kulang nalang eh pumasok rin ako sa oven para ma-bake eh!

So pumasok ako sa banyo and after kong maligo eh bumaba rin agad ako. Then chineck ko yung phone ko. Nagmessage pala sa akin si kuya.

 

 

 

From: 림재 오빠 

--  ~~ --

(-- meh~~rong --)

Now what was that? -__-++ problema ng kuya ko? Nang-aasar na naman! >o< dilaan daw ba ako sa text? Sapakin ko siya eh! Nireplyan ko naman siya agad.

 

-- 메롱 :p --

 

Muahaha! bahala siya dyan. Magtetxt tapos nonsense lang din naman. Baliw talaga siya ever. Dapat talaga kasi humanap na siya ng girlfriend!

 

Siguro wala pang 15 seconds eh may reply na agad siya. Whoa! Himala, di ata siya busy? Pagtingin ko, MMS pala.

 

-- You must see this. *picture on the right.* --

 

 

 

 

O_O

WHOA?! FOR REAL?! DI NGA?! THIS IS MIRACLE!

Magkasama si Alex and kuya sa isang picture? Omona.. I can't believe it. Hwaaa! Mortal enemy sila pero may picture sila?! Grabe kinikilig ako :''>

Okay, secret lang natin ha? Pero bet ko talaga si Alex for my brother. Ewan ko ba, may spark kasi akong nakikita between them. Hahaha!

 

 

 

Hindi ko naman nireplyan si kuya dahil aasarin ko si Alex sa text. Pero nashock lang ako nung bigla siyang nagtext. Siyempre, binasa ko kaagad yun.

 

 

From: 아렋

-- Rimi! OMG!! I saw Lawrence with the same girl na sinasabi mo dito sa Robinsons! And you should know this.. pero OMG dapat hindi ako ang magsabi neto eh. Pero okay, I'll say it pa rin..

 

It's confirmed Rimi..

 

 

 

 

Fiancée siya ni Lawrence. Her name's Daphne.

Oh my Gosh bessie, condolences.

 

 

 

 

*OUCH*