.

.

Chapter 15

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Saturday, November 14, 2015

"Are you okay na?"

"Of course Alex. Sige..."

 

 

Binabaan ko na siya ng phone and then humiga ulit ako sa kama ko.

 

Halos one hour rin akong umiyak sa phone at kinocomfort ako ni Alex sa kabilang linya. Of course, sino ba namang di maiiyak sa bad news-- I mean VERY bad news ni Alex? :'(

 

Lawrence is engaged. 

 

 

Syempre kahit papano, umaasa pa rin ako. Umaasa na one day, maaayos 'tong lahat and magiging kami ulit ni Lawrence. But right now, I think wala na talagang pag-asa.

 

Masakit. Sobrang sakit. Ilang years kaming magkasamang dalawa. Ilang sweet moments ang pinagsaluhan namin. Ilang problema ang nilutas namin ng magkasama. Then sa huli pala, hindi naman kami ang para sa isa't isa.

 

Masakit makita na meron na siyang iba. Na parang wala man lang kaming pinagsamahan. Na pinagpalit niya agad ako. Parang gusto ko nalang sumabog sa sobrang sakit. Parang walang epekto yung mga luha ko. Masakit pa rin kahit naiyak ko na lahat. Ang sakit-sakit.

 

 

Bakit ko ba kasi siya iniwan?

Bakit kasi hindi ko siya pinaglaban? :'(

 

 

 

Wala na.

Nawala na siya sa akin. Nawala na sa akin si Lawrence. And it's all my fault. :'(

Dahil naduwag ako. Dahil hindi ko sinabi sa kanya yung problema ko. Dahil ayaw ko siyang madamay. Dahil sa sobrang pagmamahal ko sa kanya. This is all my fault.

 

 

 

"Miel, ayusin mo nga y--" napatayo ako nung biglang bumukas yung pinto.

"Miel? Are you.. crying? Hey.."

 

 

Pinunasan ko naman kaagad yung luha ko. Oh c'mon Rimi, don't be a crybaby! Just set aside your stupid feelings! Come on! Don't cry anymore :'(

 

Bumaba ako sa double dec tapos pinunasan ko ulit yung luha ko. Stupid tears! Ang hirap magpigil ng luha. Bukod sa masakit na sa puso, masakit pa sa mata. Paalis na sana ako sa room pero hinigit ako ni sir Tristan.

 

"Hey, bakit ka.. umiiyak? Ayos ka lang? Huy." 

 

Nakatingin lang ako sa lapag. Kainis naman eh! Kaya ayaw ko rin minsang may nagcocomfort or nagtatanong sa akin kapag kagagaling ko lang sa iyak eh. Mas lalo akong naiiyak. Kainis :'(

 

"O..o..kay.. l.. lang po.." kinalas ko yung kamay niya sa braso ko at lumabas na ng kwarto. Pero bago ko isarado yung pinto, narinig ko siyang nagsalita.

"You know what Miel? Hindi mo dapat sinasayang yang luha mo sa walang kwentang lalaking yun. You deserve someone better."

 

 

 

Bumaba ako ng hagdanan at pinag-isipan yung sinabi ni sir Tristan. Gusto ko sana siyang sigawan, kaso ayaw ko namang pati siya eh madamay pa.

 

Yun na nga ang problema eh. Hindi  niya ako deserved. He deserves someone better. Not me. Hindi ko nga siya nagawang ipaglaban eh. It's my fault. Pero kahit paulit-ulit ko yung sinasabi sa utak ko, umaasa pa rin ako na ako pa rin yung mahal niya. Am I selfish? :(

 

Dumiretso muna ako sa CR para maghilamos then nagpunta na ako sa kusina para tumulong kay Nay Linda.

 

 

***

 

 

Lumipas ang mga araw na napapansin kong laging may nangyayaring nakakatawa sa bahay. Katulad nung isang araw. Nagulat ako nung paggising ko isang umaga eh nakadamit pambabae si sir Tristan! Oh gosh it's really hilarious! Eh pano kasi nakamini-dress siya then nakahigh heels pa! Kulang nalang eh bumaligtad na ako sa upuan sa sobrang kakatawa. Then kahapon eh si Nay Linda biglang sumayaw. And holy crap, Lady Gaga songs ang sinayaw niya! Naiyak na nga ako sa sobrang kakatawa eh!

 

Syempre alam ko namang napapansin nila na para akong abno na wala sa sarili nung past few days. At syempre, sobrang thankful ako at gumagawa sila ng paraan para makalimutan ko lahat ng problema ko. At least, di ba? Haaay.

 

Tinatak ko na rin sa utak ko na dapat magpakatatag ako since kelangan ko ng magmove-on. Ayoko na kasing masaktan. Ang bigat sa feeling. Kailangan kong tanggapin na wala na si Lawrence sa akin. Kahit.. kahit.. alam kong mahihirapan ako. :(

 

"Miel tara dito!" napalingon naman ako kay sir Tristan na ngayon eh nakaupo malapit dun sa piano. Syempre lumapit naman agad ako.

"Bakit po?"

"Tuturuan kitang tumugtog nito." tapos tinuro niya yung piano.

 

 

 

Okay, nagjojoke ba siya? Ang alam ko kasi marunong na akong magpiano and nakikita niya naman yun every time na pumupuslit ako para magpiano. Tinitigan ko lang siya and hinihintay kung magsasabi ba siya ng mahiwagang 'joke lang'.

 

Mukhang napansin niya naman yung itsura ko kaya nagsalita rin agad siya.

 

"Oh no no. Hindi itong piano! Ano ka ba?! Eto ang sinasabi ko." then nagpoint ulit siya sa piano, pero later on, narealize ko na yung nasa likod pala ng piano yung tinuturo niya.

 

 

Yung drums.

 

 

 

"Whoa! Marunong kang magdrums, sir?!" then ngumiti lang siya sa akin na parang nagmamayabang. 

"Ay naku Miel hija, champion yan lagi noong high school siya sa mga music contest!" nagulat naman ako nung biglang sumulpot si Nay Linda sa gilid namin.

"Sus! Wag mo na akong ibuko manang, baka mainggit si Miel. Hahahaha! Di na pala kita tuturuan Miel, baka mamangha ka eh."

 

 

 

-__-

Ang yabang rin minsan ng hotdog na 'to eh. Oh great, namiss ko siyang tawagin na hotdog! Hahaha!

Tumayo naman siya dun sa inuupuan niya at pumwesto siya dun sa may drums. Si Nay Linda naman eh hinatak ako paupo doon sa couch para daw mas maganda yung view namin. Tapos tinignan ako ni hotdog-- este ni sir Tristan >_<

 

"Miel, alangan namang magdrums lang ako dito?"

 

 

Eh? What does he mean? Tinitigan ko lang rin siya with matching ano-bang-gagawin-ko-look. Ano naman kung magdudrums lang siya? I mean.. anong gagawin ko?

 

 

"Malamang, magpiano ka. Accompaniment?"

 

 

(_ _'') okay sabi ko nga kelangan pala ng accompaniment. Arte naman niya eh! Akala ko naman siya lang tutugtog! Lumapit ako doon sa piano then pinwesto ko na yung mga daliri ko.

 

"You know The One that Got Away, right? Let's play it." then he smirked at me. Napailing na lang ako. Kelangan ngingiti pa?

"Okay, SIR." then ako naman ang nagsmirk sa kanya.

 

 

 

Inalala ko lang yung piano chords nun and then ako yung nag-intro.

 

"Summer after high school when we first met

We make out in your Mustang to Radio head

And on my 18th birthday we got that chain tattoos..."

 

Then nagulat ako nung biglang.. kumanta si sir Tristan.

 

"Used to steal your parents' liquor and climb to the roof

Talk about our future like we had a clue

Never plan that one day I'd be losing you"

 

Nakatingin lang ako sa kanya habang kumakanta siya. Gosh. Ang ganda pala ng boses niya.. I mean, super soothing and at the same time eh ang sexy pakinggan. Pero nagulat ako nung bigla siyang tumingin sa akin tapos.. ngumiti.

 

And what's wrong with me?! Napaiwas bigla ako ng tingin >///< kinanta ko nalang ulit yung next line.

 

"And in another life I would be your girl

We keep all our promises, be us against the world"

 

Tapos siya ulit yung kumanta.

 

"And in other life I would make you stay

So I don't have to say you were the one that got away

The one that got away"

 

 

OMG talaga. Ang ganda ng boses niya. Promise. May papikit-pikit pa siya habang nagdudrums eh. Ang sexy talaga ng voice niya! At in all fairness, ang lakas pala ng dating niya kapag kumakanta.

 

Nagulat ako nung tumingin ulit siya sa akin and this time... kinindatan niya ako! O_O

 

Tinapos namin yung kanta with duet duet sa chorus then hindi ko na alam yung ibang nangyari dahil nababaliw na ako. Seriously.

 

 

"Whooooo! Grabe kayong mga bata kayo! Aba'y magtatag na nga kayo ng banda at baka kayo eh sumikat!" napatingin ako kay Nay Linda na may hawak na video cam. Te.. teka lang, kelan pa niya hawak yun?! Bakit parang di ko nakita yun kanina?!

 

"Waaah vinideohan mo Nay Linda? T__T" naku naman eh!

"Oo naman! Minsan lang tumugtog yang si TJ eh!" tapos tinignan ko si Sir at pangiti-ngiti lang siya dun. Kainis! Baliw rin yung isang yun eh!

 

 

"Oh ano Miel? Galing ko no? Hahaha!" Yabang! Pero totoo naman eh, galing niya. Ang ganda pa ng boses.

"Pero kailangan talaga may ngiti tsaka kindat, sir?" natatawa-tawa pa ako habang sinasabi ko yun dahil naaalala ko yung pagngiti-ngiti niya kanina. Hahaha!

"Oo naman! Dami kayang nainlove sa akin nung college ako kapag tumutugtog ako tapos may kasamang kindat. Charm yan." tapos kumindat ulit siya sa akin! Yaaaaah! Akala niya naman effective? Di kaya! Para lang siyang kirat eh >_<

 

 

Nagtawanan lang kaming tatlo doon nung pinanood namin yung video na kinuha ni Nay Linda. Ang galing nga eh, di halata na naeewan ako doon. Pero yung kay sir Tristan kuhang-kuha yung pagngiti-ngiti at pagkindat niya sa akin. Parang abnoy lang talaga siya! Hahaha!

 

 

After nun eh pumunta na ulit si Nay Linda sa kusina. Pasunod na sana ako kaso nagulat ako dahil may biglang nagbukas ng pinto.

 

 

 

"Hi babeeeee!!" pagtingin ko, si Hayley pala. Nakita ko naman yung reaction ni sir na parang nagulat. Siguro di niya expected. Di ba nga nag-away sila last week? Syempre updated kami ni Nay Linda sa lovelife niya. Haha! And ayun, di daw siya pinapansin ni Hayley pero ngayon.. eh mukhang di naman galit si Hayley sa kanya?

 

 

Ah ewan! Ayoko munang pag-usapan yung lovelife! Naiinis lang ako.. at nalulungkot. Haaay :'(

 

 

Lumakad na ako papuntang kusina pero napahinto ako nung bigla akong tinawag ni Hayley. Paglingon ko, katabi ko na siya.

 

 

 

"Mieeeeel!" tapos hinawakan niya yung kamay ko. "turuan mo akong magpiano. Okay lang? Haaaa? Please??" nagpacute siya sa akin, at ang sumunod nalang na alam ko...

 

 

 

 

 

 

... eh papunta na kami doon sa may piano.