.

.

Chapter 16

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Saturday, November 14, 2015

“Waaah ang hirap naman nun >o<”

“Madali lang. Etong key lang na ‘to, tapos etong isa pa.”

 

Tinuturuan ko ngayon si Hayley magpiano. Actually yung tinuturo ko sa kanya eh basic lang. Yug basic keys tsaka yung mga minors.

 

“Waah Miel break muna! Ang sakit na ng kamay ko!”

“Ahaha! Sige po!”

 

Then sinarado ko muna yung piano. Nakita ko naman na umakyat muna si sir Tristan at si Hayley sa second floor. Nakakatuwa nga at kinakausap ako ni Hayley eh. At least di ba, may kausap akong ka-age ko. Pagtingin ko, pupunta ata silang dalawa sa kwarto ni sir. Ako naman eh dumiretso sa may kusina kung saan nagluluto si Nay Linda.

 

“Whoa ang bango! What’s that po?” lumapit ako doon sa niluluto ni Nay Linda. Tapos nginitian naman niya ako.

“Adobo anak.”

 

Ay oo nga no? Di ko kaagad narecognize yung scent. Pero ang bango talaga! Naexcite tuloy akong kumain! Bigla akong nagutom! >o<

 

Umupo muna ako sa isang stool doon tapos nilabas ko yung phone ko. Pagtingin ko, nagtext pala si Alex.

 From: 아렋

--Rimi-yaaaa! Si Daphne pala ay schoolmate natin! Shiiiz ngayon ko lang narealize! Lower batch nga lang. Batch after us.--

 

Binasa ko naman ulit.

 

Whoa. What a small world, eh? Schoolmate pala namin yun?

 

 

Oo nga pala, sinabi ko kay Alex na as much as possible eh iinform niya ako about kay Daphne and Lawrence. You know, I think it’ll help me to move on. :\ Right?

 

I know, masakit ‘to sa part ko pero what can I do? This is the best plan I can think of. Better face it than run away from it, right? And someday, I know, my feelings for himwill fade away.

 

Nagreply naman ako sa kanya.

 

--Eh? Really? So, ano palang ginagawa nila ngayon ni Law?--

 

Then binulsa ko ulit yung phone ko. Tapos lumapit ulit ako kay nay Linda dahil lalong mas bumango yung adobo na niluluto niya.

 

 

“Nay Linda, pwede bang turuan mo akong magluto niyan, one day?”

“Aba syempre naman!” natuwa naman ako sa sagot niya.

 

Feeling ko talaga hindi lang ako maid ditto sa bahay na ‘to. I mean, sobrang welcome ako eh. Though nung una eh medyo baliw baliw pa si sir Tristan. Pero ngayon, maski siya eh close ko na rin. Pagtingin ko sa sala, bumalik na pala doon si sir Tristan tsaka si Hayley, pero parang lumabas ata ng bahay si Hayley habang hawak yung phone niya. Baka may kausap lang.

 

“Miel anak, pwede bang bumili ka muna ng toyo sa labas? Naubos na kasi eh. At matabang pa ito.” Pagtingin ko sa kitchen eh tinitikman ni Nay Linda yung niluluto niya.

“Okay po.” Nginitian ko si Nay Linda tapos kumuha ako ng pera doon sa bulsa ng cover ng ref. Lumabas naman ako ng bahay at naglakad papunta doon sa tindahan. Nagulat naman ako nung biglang nagring yung phone ko. Di ko naman innignan kung sino at sinagot ko kaagad.

 

 

“Yoboseyo?” (Hello?)

“Rimi!”

“Oppa!!” (kuya!)

 

Naoverwhem ako nung narinig ko yung boses ni Rimjae oppa! Waah akala ko di na ako tatawagan neto at magtetext nalang ng magtetext! >o< Tamad kasi yang tumawag eh!

 

“How’s mom? And dad?” I asked him.

“They’re fine. Eh ikaw?”

“I’m good. Hahaha! Wow kuya umaasenso ha! Tumatawag ka na ngayon!” inasar ko naman siya.

“Tss. Ewan ko sa’yo. Oh sige, nangamusta lang. May trabaho pa ako. Bye!”

 

Tapos binabaan na niya ako. Baliw talaga yun! Mangangamusta lang, tatawag pa? Hahaha! Pero namiss ko talaga siya. Uwaaa gusto ko na siyang makita! Namimiss ko na kuya ko! TToTT 

Pero ang adik niya pa rin talaga! Dun talaga ako nagmana eh. Masyadong workaholic! Hay. Kamusta na kaya company namin? Sana naman wala pang nangyayaring masama since nung umalis ako.

 

Saktong ibubulsa ko na ulit yung phone ko nung biglang may tumawag na naman. This time, napatitig talaga ako sa screen. Totoo ba ‘tong nakikita ko?

 

 

Sir Tristan calling..

 

 

Sinagot ko naman agad.

 

 

 

“Hello..sir?” bakit kaya siya tumawag? Nasa bahay lang naman siya ah? Pwede naman tumakbo nalang sa labas. -__-

“Miel! Sabi ni manang bili ka rin daw ng.. ano ulit yun manang?!.. laurel! Oh laurel daw.. basta yun!”

“Hahaha!” natawa lang ako sa kanya. Hindi niya kasi alam yung tawag! Hahaha!

“Makatawa ka ah?”

“Sorry na sir. Eh kasi--”

 

 

 

Pero hindi ko natuloy yung sasabihin ko dahil may narinig akong boses sa may gilid ko.

 

 

“Oo na. Yeah. I’ll be there in twenty minutes, okay? Bye babe. Love you!”

 

 

Pagtingin ko,

 

 

 

 

si Hayley. Pero hindi niya ako nakita at tumakbo ulit siya papasok ng bahay.

 

 

“Huy Miel! Anong nangyari sayo? Nakakita ka ba ng multo? Tanghaling tapat pa! Mamaya pa sila lalabas! Hahaha!”

 

 

Hindi ko na siya nasagot at naibaba ko kaagad yung phone ko. Halos lumubog naman yung puso ko sa realization na nagyayari sa utak ko. No. Mali. Hindi tama 'to.

 

 

 

Kung kausap ko si sir Tristan…

 

 

 

 

 

 

 

 

Sinong kausap ni Hayley? Na sinabihan niya ng 'babe' at 'love you'?

 

 

 

Don’t tell me.. ni..niloloko niya si.. sir Tristan? O_O