.

.

Chapter 17

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Saturday, November 14, 2015

"Miel paabot nga ako nung paminta..Miel.. Miel!"

"Ay sorry po nay Linda! E..eto po oh." then inabot ko yung paminta na hinihingi niya. Tinignan naman ako ni Nay Linda na parang binabasa niya yung nasa isip ko.

"May problema ka ba, anak?"

"Wa.. wala po." nginitian ko nalang siya then nagpaalam muna ako na pupunta ako sa kwarto namin.

 

Habang papaakyat ako, nakita ko na naman sa peripheral view ko si Hayley tsaka si sir Tristan. Si sir Tristan eh nakaakbay kay Hayley habang nakaupo sila sa may sofa, then nanonood sila ng movie. Napailing nalang ako at dumiretso na sa kwarto namin ni Nay Linda.

 

 

OMG lang talaga eh. I can't imagine na niloloko niya si sir. Pero baka naman friend niya lang yun or something? Baka girl na friend niya at expression niya lang yung babe at love you? Err :\

 

Nabobother talaga ako at gusto ko sanang sabihin kay Nay Linda 'to, kaso ayoko namang makialam sa relationship ni Hayley at sir Tristan. Mamaya bigla silang masira dahil sa akin. And I don't wanna end it like that. Pero ako naman yung di mapakali. Kung anu-anong assumptions ang nafoform sa utak ko eh.

 

*vibrate vibrate*

 

Tinignan ko naman kung sino yung nagtext. Oh well, si Alex, si kuya at si sir Tristan lang naman yung may alam ng digits ko eh. Si kuya pala. Ano na naman kayang problema nito?

 

 

From: 림재 오빠

-- Let's meet. Tomorrow. Playground.--

 

Napatayo naman ako nung nabasa ko yung text ni kuya. Waaah seriously?! Makikipagkita siya sa akin?! As in?! What the... >o<

 

To: 림재 오빠

--오모~~ ??--

(OMG~~ bakit??)

 

 

Hindi ko naman na hinintay ni kuya at tinapon ko muna yung phone ko sa kama. Sumakita talaga yung ulo ko sa nangyari kanina eh.

 

Naririnig ko naman hanggang dito yung tawanan nila. Okay. Ang saya nila masyado. Naalala ko tuloy bigla si Lawrence :\

Of course, minsan nalulungkot pa rin talaga ako sa nangyari sa amin. Pero natutuwa rin ako at the same time dahil may mga tumutulong sa akin sa pagmomove-on, lalo na ngayong may fiancee na siya. Sana nga lang, malaman niya someday yung side ng story ko.

 

Napatayo naman ako at pumunta ako doon sa harap ng salamin. Napansin ko na lagpas balikat na pala ulit yung buhok ko. Grabe, 3 months na rin pala ako dito. Di ko na napansin na bumabalik na pala sa paggiging brown yung buhok ko at humaba na rin siya. Kinuha ko kaagad yung gunting sa may ibabaw ng cabinet ni Nay Linda tapos iniksian ko yung buhok ko hanggang sa may balikat. Then binawasan ko rin yung bangs ko dahil natatakpan na yung mata ko. Psh. Kainis dapat pala in the first place eh hindi na ako nagpa-bangs kay Alexa! >o<

Pero actually hanggang ngayon eh natutuwa pa rin ako sa nilagay nyang fake mole sa may tip ng nose ko. Wala lang, ang cute lang tignan. Hahaha.

 

 

"Miel--!!"

 

 

O_O

 

Napatalon ako nung biglang bumukas yung pinto. Pagtingin ko, si sir Tristan pala! Waaah! Grabe kinabahan ako! Kasi naman eh! Hindi ba siya marunong kumatok? Konti nalang eh magkakaroon na talaga ako ng heart disease kapag lagi niyang ginagawa yan T_T

 

"Ba.. bakit po?" binaba ko naman yung gunting tapos humarap ako ng mabuti sa kanya. Kaso hindi naman siya sumasagot at nakatingin lang rin siya sa akin. Anong problema ni sir? Nagtransform na naman ba siya at naging hotdog kaya naabnormal na naman siya? >_<

"S..sir?" then winave ko yung kamay ko sa harapan niya.

"O..oh.. M.. miel.. Ahh! Ano, tawag ka ni manang! Kakain na daw! Pero di ako makakasabay dahil ihahatid ko pa si Hayley! SIGE!" sabay sara ng pinto.

 

 

Now what was that? O_O

 

Para siyang galit sa akin ah? Bakit siya nakasigaw habang nagsasalita eh samantalang one meter apart lang kami? Adik talaga yun minsan si sir no?

 

Bumaba naman agad ako at pinuntahan ko si Nay Linda habang naghahain siya ng pagkain.

 

"Nay Linda, ako na po dyan." kinuha ko yung mga plato at ako na ang naghain. Hmmm, ang bango ng adobo. Idol ko na talaga si Nay Linda sa pagluluto! Sana ganito rin ako kagaling! Kaso mukhang malabo eh.

"Kuha ka pa ng isang plato anak. Babalik yung si TJ. Hinatid lang si Hayley."

 

*CRACK*

 

Nagulat nalang ako nung bigla kong nabitawan yung kinuha kong plato. Tapos bigla akong kinabahan na ewan.

 

"Ayos ka lang Miel? Anong nangyari sayo? Nasugatan ka ba?"

"Ahh.. w.. wala po. Nadulas.. nadulas lang sa kamay ko. Sige po, ako na dito, pahanda nalang po nung pagkain."

 

Umupo naman agad ako at pinulot yung mga basag na piraso. Pero ang ewan ko rin eh, bigla akong kinabahan nung binanggit yung pangalan ni Hayley. Naalala ko kasi yung narinig ko kanina eh. Ano ba yan, nakalimutan ko na nga eh.. naalala ko na naman! Huhuhu kasi naman ehhhh T__T

 

"Nay Linda..." 

"Hmmm?" napatingin sa akin si Nay Linda habang sinasalin niya yung adobo sa mangkok.

"Uhmm.." naghesitate naman akong magtanong.. pero kasi.. ugh!! Ano ba Rimi, just ask it! Wala namang masama! Okay?? Tinuloy ko nalang yung pagpupulot ko ng mga basag na pieces ng plate then tinanong ko si Nay Linda habang ginagawa ko yun.

 

"Uhm.. ano po bang.. I mean.. anong alam niyo kay.. kay.. Hayley?" saka ako tumingin kay Nay Linda. Siya naman eh napahinto rin sa ginagawa niya and she stared at me.

"Haay. Sabi ko na nga ba at isang araw eh tatanungin mo rin yan." then she smiled at me. Whoa? You mean, she predicted this? Cool! Pero bakit niya naman alam na itatanong ko yun? >o<

"Ang alam ko lang eh naging katrabaho ng daddy ni TJ dati yung daddy ni Hayley kaya naging magkakilala sila. Syempre, galing rin sa mayamang pamilya, pero hindi ko alam kung bakit hindi na business partners yung daddy ni TJ at daddy ni Hayley. Kasing-edad mo lang din siya.. ata? Basta mag-21 na yun eh. At sabi ko nga sayo dati, hindi talaga siya gusto ni TJ dati.. at hindi ko alam kung anong nangyari at bigla niyang nagustuhan. Hay, naku kung ako lang ang masusunod eh mas gusto kong ikaw ang maging karelasyon ni TJ eh--"

 

 

O_O

WHAT!?

 

 

"Nay Linda naman eh!! >_<" grabe ang baliw neto ni Nay Linda!!

"Oh bakit? Hahaha! Naku di hamak naman na mas maganda ka kay Hayley at mas mabait. Kung alam lang nila na galing ka rin sa mayamang pamilya eh sigurado akong--" pinutol ko ulit yung sasabihin ni Nay Linda.

"Nay Linda, hindi ko po gusto si sir Tristan.. at for sure eh hindi niya rin ako gusto. Actually, nakikita ko siya as an older brother..." bigla namang nagflash sa utak ko si Rimjae oppa. Yeah, nakikita ko si sir Tristan as an older brother dahil magkaugali sila ni kuya. Yung minsan masungit, tapos biglang makulit, tapos masungit ulit, tapos biglang magiging abnormal. Di ba? Kaya namimiss ko si kuya kapag tinitignan ko si sir Tristan eh.

"And one more thing.. ikaw lang po talaga ang nakakaalam sa true identity ko, well beside to my brother and bestfriend, so wala akong balak sabihin kahit kanino kung sino ako o kung saan ako nanggaling o kung ano ang status ko sa society. Haaay, tingin niyo po ba.. pag bumalik ako sa amin one day.. tatanggapin pa rin ako ng parents ko?"

 

I dunno pero bigla nalang yung lumabas sa bibig ko. Dati ko pa talaga naiisip yan, pero natatakot akong malaman kung ano ang sagot. :\

 

"Alam mo anak, walang magulang na kayang tiisin ang mga anak niya. Mabait kang bata, maganda, responsable, sigurado akong hinihintay ka lang ng mga magulang mong bumalik." tapos ngumiti siya sa akin.

 

And for the nth time, umiiyak na naman ako. Ngayon ko lang narealize kung gaano ko namimiss yung family ko. Namimiss ko na si Mom, si Dad pati si kuya. Gusto kong bumalik, pero natatakot ako sa gagawin nila. Natatakot ako sa pwedeng mangyari :'(

 

"Hindi po ako responsable Nay Linda. I'm a coward. I ran away from my problems :'(" totoo naman. Tinakbuhan ko yung mga problema ko. Tinakbuhan ko si Dad, tinakbuhan ko si Lawrence, tinakbuhan ko yung engagement.. because I thought that that's the right thing to do. But NO. That's the worst thing I did.

Nilapitan naman ako ni Nay Linda at hinawakan yung balikat ko.

 

"Miel.. hindi mo naman kasi agad malalaman na tama yung ginawa mo eh. Lagi kang pipili. At para sa akin, hindi mo tinakbuhan yung mga problema mo. Di ba nga niligtas mo pa yung pamilya ni.. uhh.. Lawrence ba yun? Ayun.. niligtas mo sila mula sa pagkabagsak ng kumpanya nila. Kinalaban mo yung pamilya mo dahil pinili mo si Lawrence. Pero iniwan mo rin si Lawrence para sa pamilya mo. Hindi mo ba yun naiisip? Ginawa mo kung ano ang pinakatama. Kaya wag ka ng umiyak.. alam kong malalagpasan mo rin lahat yan." and then, nginitian niya ulit ako.

 

Niyakap ko naman agad si Nay Linda. Grabe, buti nalang nakilala ko siya. Sobrang dami kong natututunan sa kanya at marami rin siyang naitutulong sa akin. Feeling ko may second mom ako. :'(

 

"Oh sige na.. sige na.. Itapon mo nalang yang mga bubog sa labas tapos bumalik ka kaagad dito at kakain na tayo."

 

Pinunasan ko naman yung luha ko at tinry kong kumalma. After a minute, medyo bumuti na yung pakiramdam ko. Nilagay ko naman agad sa dustpan yung mga bubog tapos lumabas ako ng bahay. Dumiretso ako doon sa trash bin sa may garden tsaka ko tinapon doon yung mga bubog. Nagpagpag na rin ako doon dahil baka mamaya eh may nasamang bubog sa katawan ko >_<

 

Papasok na sana ulit ako sa bahay, kaso biglang may bumusina sa labas. Pagtingin ko, kotse pala ni sir Tristan. Ang bilis naman ata niya? O_O O sadyang masyado lang kaming nadala sa kwentuhan ni Nay Linda? Binuksan ko yung gate at pinasok niya naman yung kotse niya sa garage.

 

Bumaba siya ng sasakyan at ako naman eh pabalik na pero humabol siya sa akin kaya naman nasa gilid ko na siya ngayon.

 

"Salamat pala kanina ha?" Eh? Kanina? Ano bang ginawa ko kanina?

"Huh?"

"Sa pagturo kay Hayley magpiano." then ngumiti siya sa akin. Ako naman eh lumubog na naman yung puso ko dahil hindi ko masabi sa kanya yung narinig ko kanina. 

"Ahh..n..no problem.." then binilisan ko nalang yung lakad ko papuntang kusina.. kaso..

 

 

 

 

"MIEEELLLL!!!!" napalingon naman ako sa sobrang lakas ng pagtawag niya. Pagtingin ko naman eh hindi siya nakatingin sa akin at nakaharap siya sa right side. Ako ba eh pinagloloko niya? -__-

"PO?" sarcastic kong tanong sa kanya.

 

Hindi naman siya humarap sa akin at nakatingin pa rin siya sa right side. Psh. Ano bang tinitignan niya doon?

 

"Ano.. uhm.. you see.. kasi.. yung ano mo.. pula.. ano kasi.. ahhh.."

"HUH?!"

"YUNG ANO NGA KASI!!"

 

Okay, I give up. Baka naaabnormal na naman 'tong hotdog na 'to. Psh. Ako pa napagdiskitahan. Tumalikod nalang ulit ako sa kanya at naglakad na papuntang kusina pero tinawag na naman niya ako ng malakas. Lumingon ako pero yung ulo ko lang.

 

"BAKIT BA?!.. SIR?!" kainis naman kasi! Nantitrip na naman ata siya eh!

 

Pero this time, tumingin na siya sa akin. Tapos tinuro niya ako. Oh, great -__-

 

 

 

"YUNG ANO NGA!! Sa ano.. yung likuran mo kasi tignan mo!! TSS!!" tapos tsaka siya dumiretso ng kusina at nilagpasan ako. Ako naman eh tinignan ko yung likuran ko at...

 

 

 

 

 

 

O__O

OH MY GOD. OH MY GOD!!!!

 

 

 

Napatakbo ako bigla sa CR.

 

 

GOSH! NATAGUSAN ATA AKO! >__<

AND..AND HE SAW IT!! OMGGGGGGG!!! >////<