.

.

Chapter 18

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Saturday, November 14, 2015

"Eh hindi nga kasi yun yun!!"

"Eh ano yun?!"

"Ugh! Hindi yun..basta!"

"Tss. Nahihiya ka lang kasi nakita ko!"

"NO!!"

 

Ugh. Bwiset na hotdog 'to! Kainis! Kainis! Bakit niya ba kasi inopen ulit yang topic na yan kung kelan nakalimutan ko na?!

Nanonood kaming tatlo ngayon ng TV at hindi na namin maintindihan yung nangyayari dahil nang-aasar na naman yung amo kong hotdog. >o<

 

"Sus. Umamin ka nalang Miel." then he smirked at me.

"Hindi nga kasi yun!!" super nahihiya na talaga ako eh! Geez!

 

Okay, nagpanic talaga ako kanina nung makita kong may red spot sa may likuran ko. Pero no! It's not what you think! Hindi siya dahil sa period or what! Galing pala yun dun sa cut ko sa may index finger ko. Siguro nung nagpupulot ako ng bubog sa kusina kanina, then di ba nagpagpag ako ng damit ko after kong itapon yun? Siguro napahiran yung likod ng shorts ko kaya napunta doon. And not because natagusan ako or something!!

 

At dahil patuloy pa rin akong inaasar ni sir hotdog (I dunno pero pag naiinis ako sa kanya eh bigla nalang hotdog ang nagreregister sa utak ko.), pinakita ko sa kanya yung index finger ko.

 

"Ayan PO. Nasugatan PO ako kanina at yung dugo eh napahid PO doon sa shorts ko. So that means, wala PO akong period." sabi ko sa kanya at inemphasize ko talaga yung 'po' para magalang pa rin ako sa boss ko. >o<

"Ohh." yun nalang yung nasabi niya after kong sabihin sa kanya yung totoo. Psh. Kulit kasi eh! Ayaw pang maniwala sa akin kanina na wala akong period.

 

At isa pa.. nakakahiya kayang magsalita tungkol sa 'girl thing' sa isang lalaki! Eh kaso walang hiya 'tong hotdog na 'to at naisip pang i-open up yung topic na yun! Grabe talaga! Gagawin niya lahat para asarin ako! Bad guy! TToTT

 

After nun eh pumunta na kami ni Nay Linda sa kwarto namin para makatulog na. Pero ako, eh hindi ako makatulog dahil naeexcite ako para bukas. Magkikita kami ni Rimjae oppa! OMG! Kyaaaah namimiss ko na talaga siya eh! 

Tinablan rin naman ako ng antok bandang 1 AM kaya nakatulog na rin ako.

 

***

 

Nagising ako ng 5 AM dahil sa alarm ko. At dahil gusto kong maging masaya ngayong araw na 'to, naligo agad ako at nagbihis. Nag-iwan nalang ako ng note for Nay Linda at sinabi kong may imimeet lang ako ngayon.

 

Denim shorts and plain blouse tapos rubber shoes ang outfit ko dahil maalinsangan. Naka-cap ako ngayon then nagdala rin ako ng shades. Just in case na masyadong matao mamaya sa playground at baka may makakilala sa akin.

Pero napahinto ako sa may front door nung maalala kong hindi ko alam kung paano pumunta sa may playground from here. Waaaah! Paano ako pupunta dun?! Baka mamaya andun na si kuya! Halaaaa ToT

 

"Hmm? Miel?.. San ka pupunta?"

 

O_O

 

Napatingin ako sa likod ko and I saw sir Tristan. Ang gulo ng buhok niya tapos nagkukusot siya ng mata. Naka-shirt and pajama siya pero ang cute niyang tignan. Para siyang bata na kagigising pa lang.

 

"Ahmm.. may imimeet lang po." pero di ko alam kung paano puputa dun. Huhuhu.

"Your boyfriend?" then nagsmirk na naman siya!

"Wala po akong boyfriend." sabi ko sa kanya pero biglang nagflash yung mukha ni Lawrence sa utak ko. Huminga nalang ako ng malalim para mawala yung image na yun.

"Ohh. Sabi ko nga." tapos tumawa siya. Eeesh! Nagising lang ba siya para asarin na naman ako? >o<

"Sabay na pala tayo. Isusurprise ko si Hayley eh. Pero may dadaanan pa kasi ako sa Robinsons. Ikaw ba?"

"Great! Sige po sasabay nalang ako."

 

Di ko sinagot yung tanong niya kung saan ako makikipagmeet. Actually, sa likod lang ng Robinsons yung playground eh. Buti nalang! Pero bigla ulit bumigat yung pakiramdam ko nung binanggit niya si Hayley. Sasabihin ko ba sa kanya yung narinig ko? Kaso... ayaw ko namang makialam sa personal affair nila no! Mamaya ako pa maging dahilan ng break-up nila. Oh wait! Waaa bakit ko ba iniisip na magbebreak sila pag sinabi ko yun? Pero.. dun din naman kasi ang tuloy pag nalaman niya na niloloko lang siya di ba? Unless.. pagbibigyan niya si Hayley.

 

Umakyat agad si sir sa kwarto niya at magpaprepare na daw siya. Ako naman eh naupo muna doon sa may couch sa living room. Hinawi ko naman yung bangs ko. Psh. Di ako sanay na maiksi ulit yung bangs ko! Ano ba yan! Inayos ko naman dahil nagiging full bangs siya. Ginilid ko dahil ayokong nakafull bangs. Parang ang ewan lang nung itsura ko eh. Pumunta ako sa may salamin at  hinawakan ko yung fake mole ko. Cute cute talaga pag may nunal ako sa tip ng ilong ko >//< Hahaha!

 

"Hindi ka naman masyadong natutuwa sa nunal mo?" nagulat ako nung narinig ko yung boses niya. Sabi ko nga tapos na siyang maligo!

"Ganun talaga." then kinuha ko na yung bag ko at pumunta na kami sa may garage. Bubuksan ko na sana yung sa back seat pero pinigilan ako ni sir. Psh. Mang-aasar na naman ata 'to eh. -__-

 

Tinignan ko siya ng masama. Pero binawi ko rin agad nung narealize ko na boss ko nga pala siya. Geez! Pero kung umasta siya kasi parang hindi amo eh! Naku naman!

 

"Hahaha! Anong mukha yan Miel? Dito ka sa may tabi ko."

 

Ewan ko kung anong nakain ko at parang gusto kong masuka or something. Naaabnormal na naman siya! 

 

"Bakit naman po?" nasa loob na siya ng car then may nilagay siya doon sa likod.

"Kasi dahil dyan. Kaya umupo ka na dito. Or you want to commute?"

 

Dali-dali naman akong sumakay sa kotse at pinaandar niya na rin agad. Actually, merong malaking teddy bear sa likod then bouquet of red roses tapos chocolates. Damn, ang sweet niya! Swerte swerte naman ni Hayley! Naalala ko na naman tuloy si Lawrence nung nagbigay rin siya ng ganyan during our first monthsary. Namimiss ko na naman siya :\

 

"Okay ka lang?" nagulat ako nung bigla siyang nagsalita.

"Ah opo." then yumuko nalang ako agad.

"Haha! Opo? Galang mo naman Miel. Tristan nalang kasi." this time, napatingin ako sa kanya. Kinabahan ako bigla dahil feeling ko eh natuloy na siya sa kaabnormalan niya.

"Eh?"

"Wala lang. Para kasing little sis ang tingin ko sa'yo. Hahaha!" nagugulat naman ako sa pinagsasabi niya. Pero sabagay, big bro naman ang tingin ko sa kanya. Cool huh?

"Well, big bro rin naman tingin ko sa'yo."

"That's nice!" ngumiti nalang ako.

 

Okay. Nahawa na ako sa abnormalities niya! >o<

Ang awkward lang after nun. Bakit ba kasi bigla siyang nagsasabi nung ganun out of thin air? Haynaku naman. Pero sabagay, para naman hindi na ako magpo-'po' sa kanya pag naiinis ako. Ang corny kasi eh. Hahaha.

 

"Oy Miel, text mo nalang ako pag pauwi ka na." sabi niya habang kinukuha niya yung mga ek-ek na ibibigay niya kay Hayley.

"Okay! See you later!" nagwave ako sa kanya habang tumatakbo ako palayo doon sa may parking lot. Maya-maya lang eh nasa playground na ako. Waaah namiss ko ang lugar na 'to! Dito kami naglalaro madalas ni kuya nung bata pa kami! In fairness, wala pa ring pinagbago bukod sa mas dumami ang bata dito.

 

"So you came."

 

Napatingin ako sa likod ko at halos di ako makapaniwala na nakita ko ulit si kuya. Naka-cap rin siya tapos black scarf, siguro pantakip rin ng mukha niya. Then naka-cardigan and jeans tapos rubber shoes.

 

"Oppa!!" I hugged him tightly and I started to cry. Grabe, namiss ko talaga siya ng sobra. Ang effective ng pagpapamiss na ginawa niya. :'(

"You missed me that much?" he smirked. Umupo muna kami sa bench sa may tabi ng see-saw.

"Of course! You didn't miss me?" tanong ko sa kanya. Sasapukin ko siya ng malakas pag di niya ako namiss! >o<

"Of course. I really missed you baby." then he hugged me again. Waaah buti nalang yung sweet side ni kuya ang present ngayon! Kung di niya lang ako kapatid siguro nainlove na ako dito. Hahaha! Kaya nga nirereto ko si Alex sa kanya eh! Gusto ko close friend ko rin ang makakatuluyan niya!

 

Hinatak ako ni kuya papunta doon sa may seesaw at naglaro kami. Nakakainis nga dahil hindi ko mababa ng todo yung side ko dahil ang bigat ni kuya! Ang duga lang! Tapos ako eh halos mapaos na sa kakasigaw pag binibigla niya yung pagtaas-baba ng side niya! Kainis!

 

"Ayoko na kuya! Stop it na!" tapos tinawanan niya muna ako bago siya huminto. Grrr, isip-bata pa rin talaga siya! Siguro sa kanya ako nagmana?

 

After nun eh umupo ulit kami doon sa bench. Tapos sinuot ko ulit yung cap ko na nalaglag habang nagseseesaw kami ni kuya.

 

"Waaaah! Kapagod!"

"Hahaha! You can't even lift me up."

"Eeesh! Maduga ka eh!"

"Hahaha."

 

Nagpahinga lang muna kami then nag-usap ulit tungkol sa kung anu-ano. Pero naging seryoso yung mukha niya nung mapunta kay Lawrence yung usapan namin.

 

"How is he?" natanong ko bigla sa kanya. Kahit papano naman kasi eh close sila ni Lawrence dahil laging nasa bahay si Lawrence dati.

"He's fine."

"Ohh. Eh yung.." biglang sumikip yung dibdib ko. "yung fiancee niya? Kamusta naman silang dalawa?"

"Rimi.. *sigh*" napakunot yung noo ko. Anong meron? Bakit ganyan ang itsura niya?

"Wae oppa?" (bakit kuya?)

 

Tumingin siya sa akin na parang may kasamang guilt and sympathy.

 

 

 

"Actually, kinakasal na sila ngayon."

 

 

Napatingin lang ako kay kuya. Hindi ko alam kung iiyak ba ako sa harap niya o sisigawan ko siya. Bakit hindi niya sinabi sa akin? O ni Alex? Bakit di nila sinabi sa akin?

 

"Why didn't you tell me?" wala na. Tuluyan nang lumabas yung luha ko.

"That." he pointed at my eyes. "Because of that. Alam naming masasaktan ka. Pero ayaw kong itago 'to sa'yo since you have a right to know. I'm sorry baby." he pulled me closer to him and hugged me. Umiyak lang ako ng umiyak without even knowing why.

"And.. baka kasi pigilan mo siya eh. Baka magkagulo lang Rimi."

 

I know, mahal ko pa rin siya. Pero hindi ko magagawang pigilan yung kasal nila. Because I can't. Nahihiya akong humarap sa kanya. Nahihiya akong kausapin siya.

Pero kahit papano, nabawasan na rin yung sakit. Siguro dahil lang 'to sa realization na hindi talaga ako ang para sa kanya. Na hindi talaga kami para sa isa't isa. Pero bakit ang bilis? Bakit kinasal agad sila?

 

"Bakit.. bakit kinasal agad sila?" I asked oppa habang umiiyak ako sa shirt niya.

"I dunno. I think it's because they're company are losing money. Gusto nilang maagapan yun through marriage." napaupo ako ng maayos nung marinig ko yun.

"You mean, nalulugi na ang company nila Lawrence? I thought Dad didn't--"

"No, it's the other way around Rimi. Hindi pinakialaman ni dad ang company nila simula nung umalis ka. Yung company nung fiancee niya ang nalulugi."

 

I sighed. Ang bigat pala sa pakiramdam. Pero what else can I do? It's too late. I can't have him. He can't have me. Wala ng pag-asa para sa aming dalawa. Well at least, I have a stronger reason to move on. And I'm glad na nasimulan ko na yun last month.

 

"Sige baby, kailangan ko nang umalis. I have to work." umatake na naman ang workaholic side niya. Hindi ba pwedeng magstay muna siya? Namiss ko siya eh. And besides, I need a company :'(

"O..okay." sabi ko nalang.

"You sure, you can go home? I mean.. sa tinutuluyan mo ngayon?"

"Yeah."

 

He kissed my forehead tapos umalis na rin siya. Nagstay muna ako doon sa bench. Nilagay ko yung sunglass ko dahil feeling ko eh mugto na yung mata ko. Sana man lang nagkaroon kami ng chance ni Lawrence mag-usap. Sana man lang nasabi ko sa kanya kung bakit ko siya iniwan. :'(

 

Bigla namang tumunog yung phone ko kaya kinuha ko yun. Akala ko si kuya pero nagulat ako nung nakita ko yung name ni sir.. err.. I mean ni Tristan.

 

"He.. hello?" tinry kong gawing buo yung boses ko pero nagcrack pa rin siya. Pero hindi naman ata halata eh.

"Where are you? Nandito ako sa parking lot. Go." then binabaan niya ako.

 

Now what was that? Ewan ko pero parang galit yung tono ng boses niya. At dahil ayoko namang magalit siya sa akin eh tumakbo ako papunta sa lot kahit mugto pa rin yung mata ko. Good thing, I have my shades.

 

Nakita ko yung car niya and binuksan ko yun at sumakay ako sa harap. Then pagkasara ko eh saka lang ako humarap sa kanya. And I was shocked.

 

"T..tris--"

 

"SHE CHEATED ON ME!!" sabay palo doon sa manibela ng malakas.

 

 

 

 

Then he burst into tears.