.

.

Chapter 2

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Wednesday, July 15, 2015

"OMO! Jeongmal?" (Jeongmal - really) then nilapitan ko si daddy tsaka kinuha yung kamay niya. Di ko maexplain yung nafefeel ko ngayon. Feeling ko sasabog na ako sa sobrang saya!

 

Inengaged na nila ako kay Lawrence? Oh my Gosh! Kinikilig talaga ako! >///<

 

"Yeah. But princess.."

"Appa! Gumawo. " (Dad! Thank you.) tsaka ako nagsmile ng super lapad. Sobrang natutuwa kasi talaga ako. Feeling ko nga mapapatid na yung lips ko sa sobrang ngiti ko eh! >///<

"Princess, listen."

 

Pagkasabing pagkasabi niya nun eh parang hinigop niya lahat ng kasiyahan ko. Ewan.. parang.. kinabahan ako bigla. Kasi tinawag niya akong 'princess'. Tinatawag niya lang kasi akong princess or baby sa bahay, pero sa work? Nu-uh. As I have said, masyadong strict si dad sa business to the point na kaming mga anak niya eh tinuturing niya lang na employees. Gosh, kinabahan talaga ako bigla. Tapos ang plain pa ng reaction niya. 

 

"Why dad? You're not happy? Engaged na kami ni Lawrence right?" umupo ako dun sa upuan sa harapan ni dad. Mukhang kelangan ko talaga siyang kausapin. Di ba siya boto kay Lawrence? Ayaw niya ba kaming makasal?

 

 

 

 

 

 

 

"You're engaged. But not with your boyfriend."

 

 

 

 

 

 

Halos napatulala ako kay dad sa sinabi niya. What the heck?

 

 

"WHAT? Dad, are you kidding me?"

"Princess, you have to do this. Okay?"

 

Ano? Baliw ba siya? Why would I? How could I marry someone na hindi ko kilala? Ano ba 'to?! Joke ba 'to? Kung joke 'to, it's not even funny! It's annoying!

 

"Dad! But I have a boyfriend!" halos maiyak na ako sa pagsigaw. Hindi ko na alam kung anong irereact ko. Si daddy naman, emotionless. Blank lang ang expression niya. Tumaao siya then tumalikod siya sa akin at nakaharap siya sa labas. What's haappening to him? Bakit niya 'to ginagawa?!

 

 

"Then break-up with him."

 "MWO?!" (what?!)

 

Hindi ko na napigilan yung sarili ko. Naiyak na talaga ako. How could he do this to me? Bakit niya ako ipapakasal sa iba?! Ano bang problema niya?!

 

"Why are you doing this dad?! Hindi ako magpapakasal sa kung sino mang taong yun at hinding-hindi ko hihiwalayan si Lawrence!" I wiped my tears. Then tumalikod ako sa kanya at paalis na sana sa room niya.

 

"Rimi, I'm telling you. Wag mo nang pahirapan ang sarili mo. Kung ayaw mong gawin, ako ang gagawa ng paraan." napahinto ako saa sinabi niya. Now, he's threatening me?! My gosh! What's happening to my dad?! Is he insane?! Ugghhh!

 

Sinara ko ng padabog yung pinto sa office niya and naglakad ako ng mabilis papunta sa cubicle ko. Nakakainis! Naiinis ako sa kanya! Bakit niya ba ginagawa 'to? May masama ba akong nagawa at ito ang punishment?! Ugh!

 

Kinuha ko yung bag ko and nagmadali akong umalis sa cubicle ko. I'm crying at mukha na akong tanga pero tuluy-tuloy lang ako sa paglalakad. Pero hinarang ako bigla ni kuya.

 

"Hey Rimi, where are you going? And, why.. why are you.. crying?" pinipilit niyang iharap yung mukha ko sa kanya. Kainis naman, nakisali pa 'tong si kuya. Pinagtitinginan na tuloy ako ng officemates namin. And I hate it! Nakikita nila akong umiiyak!

 

"LEAVE. ME. ALONE." tinulak ko si kuya pero hindi naman ganun kalakas. Ilang beses niya rin akong hinarang pero tinutulak ko lang siya, until makarating na ako sa elevator at pinagsarahan ko siya. Basta ayoko muna kumausap ng kahit na sino ngayon. Naiinis talaga ako. Naiinis ako to the point na sobrang naiiyak na ako. 

 

Pagdating ko sa basement, kinuha ko yung susi ng kotse ni kuya sa bag ko. Buti nalang kinuha ko kanina sa lamesa niya. Pagkapasok na pagkapasok ko sa car niya, pinaandar ko yun ng mabilis. And habang nagdadrive ako eh umiiyak ako. Naiisip ko si Lawrence. Ni minsan eh hindi ko naisip na magbebreaak kami. Kasi pinangako ko sa sarili ko naa siya na yung papakasalan ko. Pero ngayon...

 

"YAAAAAHHHHHHHH!!!!!!" sumigaw ako sa loob ng kotse para malabas yung sama ng loob ko. Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko ngayon. Bakit kelangan mangyari 'to? Why?

 

Hindi ko namalayan na nakapunta na pala ako sa bahay nila Lawrence. Nakahinto lang yung kotse ni kuya sa harap ng bahay nila. Bakit ba ako nagpunta dito? Ano namang sasabihin ko sa kanya? Na ayaw sa kanya ni daddy? Na sa ibang tao ako magpapakasal?

 

*BEEP BEEP*

 

Napatingin ako kung sino yung bumubusina sa likod ko. At sa kamalas-malasang pagkakataon...

 

 

"Babe!" nandito na siya sa labas ng car at nakasilip sa bintana. Pinunasan ko muna yung luha ko at saka ako lumabas sa kotse. He hugged me tightly. Yung hug na alam kong secure ako. Yung hug na alam kong ako lang ang mahal niya. Mas lalo lang akong naiiyak eh. Pero pinilit ko na pigilan yun para di niya mahalatang umiyak ako. Ayokong mag-worry siya.

 

"Grabe, isang araw lang tayong di nagkita, namiss agad kita. Hahaha. Nga pala, why are you here babe? Namiss mo rin ba ako? Di mo ako natiis? Hahaha." ngumiti ako. Kaya mahal ko 'tong taong 'to eh. Siya yung nakakapagpasaya sa akin pag malungkot ako. Kaya hindi ko siya kayang hiwalayan.

 

"Yes. I missed you. Nakakainis ka!" tsaka ko siya sinuntok sa dibdib niya.

"Eh? Why? May ginawa ba ako? Ano yun? Sorry!" tapos bigla niya akong hinila at niyakap tsaka panay sabi ng sorry at I love you. Kainis! Kinikilig lang ako eh. >///>

"Eh kasi.. yung 143 messages kanina. Kainis. Ang sweet mo. Naiinlove kasi ako lalo. Psh." sobrang hina ko lang sinabi kasi nahihiya ako sa kanya. Magkayakap lang kami pero pagkasabi ko nun, parang humigpit lalo yung yakap niya.

"Hay, akala ko naman may nagawa na akong masama. Ikaw talaga, kinabahan ako dun ha. Tsk. Don't worry, hindi lang yan ang kaya kong gawin. Maraming-marami pa akong gagawin for you."

 

 

Sa sinabi niya, naiyak na talaga ako. Hindi ko alam kung gaano ako kaswerte sa kanya. Sobrang swerte. Ang sarap sarap niyang magmahal.

 

"He..hey.. are you crying? Babe? Bakit ka umiiyak?" humiwalay siya sa yakap ko ang he faced me. He cupped my face and hinarap niya sa kanya. I know mukha na akong batang kalye dahil saa itsura ko. Para akong batang naagawan ng lollipop sa inaasal ko ngayon. But who cares? Eh sa hindi ko na kayang pigilan yung pag-iyak eh.

 

"No.. I'm.. I'm just happy. Babe, bakit ba ako yung niligawan mo?" ewan ko pero out of the blue eh bigla nalang lumabas sa bibig ko yun.

 

Nakita ko naman na nagbuntung-hininga siya. Then he smiled.

 

"I don't even know. Basta lagi nalang kitang iniisip. Lagi kitang napapanaginipan. Lagi kitang tinitignan. Parang hindi kumpleto yung araw ko kapag hindi kita nakikita. Basta bigla nalang akong nainlove. Walang dahilan babe. Bigla nalang akong na-inlove eh."

 

Lalo akong naiyak. Ngayon palang, kapag iniisip ko yung sinabi ni daddy kanina, nahihirapan na akong huminga. I know I may sound OA pero yun yung nararamdaman ko eh. I can't live without him. Sobrang mahal ko siya.

 

"I love you babe." bigla niyang sinabi. With his angelic smile. 

 

 

 

Hindi ko rin alam pero bigla akong tumingala. And then I kissed him. I kissed him passionately. Gusto kong iparamdam sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Na siya lang talaga. Na siya at ako ay forever.

 

"I love you too babe." after ko siyang halikan, niyakap ko siya ng mahigpit. Hindi ko nga alam kung matatawa ako sa reaction niya. After ko kasi siyang i-kiss, natulala siya. I dunno, minsan ko lang kasi siya i-kiss ng matagal. Siguro shocked pa rin siya sa ginawa ko.

 

"W..whoa. I.. I .. liked it. That.. thaat was amazing babe." at natawa na nga talaga ako sa sinabi niya. Kahit nakayakap ako sa kanya at di ko nakikita yung mukha niya, eh naaiimagine ko pa rin yung face niya.

"Then why are you stuttering? Haha. But I found it cute." then humiwalay ako sa kanya at..

 

 

Ninakawan ko siya ng kiss.

 

 

"HAHAHA! Oh c'mon Lawrence Sy! What's with that face? Para kang.. uhh what do you call that? a..abno! Hahaha!" tawa lang talaga ako ng tawa sa harapan niya. Eh kasi nakakatawa talaga yung itsura niya! As in nakatulala tapos namumula yung mukha. Hahaha!

 

"Ah ganon Rimielle Jung? Pinaagtatawanan mo ko?" suddenly, ako naman ang nagbago ng expression. Bigla akong napaseryoso. Kasi palapit siya ng palapit sa akin with nakakalokong ngiti.

"Hey.. hey.." ako naman eh atras lang ng atras. Pero natatawa pa rin talaga ako sa itsura niya. Hahaha! Ang funny kasi talaga eh!

 

"You. are. dead!!"

"YAAAAAHHHHH!!! Hahahaha! Stay away from meeeee!"

 

Napatakbo ako bigla dahil bigla niya akong hinabol >_<

At ang masaklap pa, naka-heels ako! Masakit sa paa! Walang hiyang Lawrence yun! Sinamantala ang outfit ko!

 

"Huli ka!"

"Hey! Hahaha! Para kang bata!" nakayakap siya sa bewang ko at inikot-ikot ako bigla. >///<

 

Natatawa ako sa kanya! Parang bata kung kumilos. Okay, nahuli nga ako kasi ang bagal ko lang tumakbo. Eh sino ba kasing baliw ang tatakbo ng naka-killer heels right? Ang sakit tuloy sa paa. Pffft.

 

Bigla niya akong kinarga pabalik sa tapat ng bahay nila. Feeling ko tuloy bagong kasal kami >///<

 

"Babe, date tayo ha? Ooops. Bawal umangal. I'm the boss. *kiss*" this time, siya naman ang nagnakaw ng halik sa akin. Waaah kainis! Feeling ko ang pula ng mukha ko ngayon! Pasalamat siya di ako makatanggi kasi mahal ko siya. Alright, ang corny ko na. >///<

 

Pero nung nag-sink in sa akin yung salitang date, bigla akong nalungkot. I dunno. Bigla nalang.. bumigat yung feeling ko.

 

Pakiramdam ko kasi, eto na ang isa sa last dates namin. :'(