.

.

Chapter 20

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Saturday, November 14, 2015

xx Tristan's POV xx

 


"Waaaah!! Hahaha! Yeah yeah! That guy! I *hik* looooooove him very much..then then.. hahaha! Do *hik* you wanna know *hik* what happened? Aigooooo!!"

 

Oh God. -__-

 

Akala ko pa naman ako ang magpapakalasing. Pero mukhang nauna na 'tong si Miel. Parang bata. Pati yung bartender, kinukulit. English pa ng english. Minsan nagtataka ako kung galing ba talaga 'tong probinsya eh. Pero sabagay, yung mga promdi naman eh kadalasang nag-aaral mag-english para madaling makakuha ng job dito sa city.

 

"Yah Tristan! *hik* chonun yeoppeuda anieyo."  chuakhantapos tinuro niya pa yung sarili niya sabay iling.

 

Wait. Anong sabi niya? Mukhang nag-aalien language na naman 'tong si Miel. Malala pala 'to pag nalasing. Tsk. Sabi ko na eh. Dapat di ko na 'to sinama. -__-

 

"Anong sabi mo?" tanong ko nalang sa kanya. Naghihintay kasi ata siya ng isasagot ko.

"Aish! chonun yeoppeuda.. anieyo!"

"I can't understand you." napakunot nalang ako ng noo. Ang kulit pala ng babaeng 'to pag lasing. Pero parang alien nga lang.

"Aaahh!! Babo ya!!"

 

 

Ginulo niya yung buhok niya tapos nilaklak na naman niya yung isang basong beer. Dang. Mukhang mas malakas pa sa aking uminom ng beer 'tong si Miel ah. Tanggera ata 'to eh!

 

 

"Huy Miel, tama na yan." akmang kukunin ko na yung baso na hawak niya eh bigla niyang nilayo sa akin. Pero natapon-tapon pa yung laman..

 

 

 

"Hey!! Ano ba?! Bakit mo ako binasa?!"

 

O_O

 

Nagulat ako nung biglang natapunan yung katabi niyang babae sa right side ng beer nung nilayo niya sa akin yung baso. Medyo malaki pa naman yung katawan nung babae. Patay.

 

"Ooohh. Sorry *hik* I didn't see you there. Hahaha! *hik* you want more?"

"Oh c'mon bitch! Stop it!!"

 

Pero bigla nalang binuhos ni Miel yung natitirang laman ng beer sa damit nung babae. Now this is trouble.

 

 

"YOU FUCK*N BITCH!!!"

"Ya! I'm not a bitch, you.. you pig!!!"

 

 

"Hey hey hey! Wait!!" pumagitna ako sa kanila tapos kumuha ako ng pera sa wallet ko.

"Miss, eto oh. Pambili mo ng damit mo. Just leave her alone. Thank you." saka ko nilapag sa harapan niya yung 5,000 pesos then hinatak ko na palabas ng bar si Miel. Pero hindi pa kami nangangalahati sa paglalakad...

 

 

"Eeeeh? Waiiiit!! Di ko pa *hik* ubos yung drinks ko!!"

"Miel, tama na. Lasing ka na." hatak-hatak ko pa rin siya sa wrist niya pero nagpupumiglas siya at gustong bumalik doon sa upuan namin kanina.

"Di pa ko lasiiiiing!! Ya! Ikaw *hik* yung lasing!! Not *hik* meeee!!"

"God. No choice." sabi ko nalang sa sarili ko.

"Huh?"

 

 

Wala akong nagawa kundi buhatin siya para di na makapalag. Nak ng. Agaw-atensyon tuloy kami sa mga tao sa bar! Nagpupumiglas pa rin siya pero wala naman siyang magagawa. Mukhang takot ata siyang mahulog. Tss. Buti nalang!

 

"Ya!! I wanna dring *hik* pa!! More beer!"

"Miel, just shut up!!"

"Don't wanna!! I wanna drink!! I wanna sober!! C'mon!!"

"No! You can't!!"

"Wae?!" 

"What?!"

 

Buti nalang at nakalabas na kami sa bar. Ang kelangan ko nalang gawin eh hanapin kung saan ko pinark yung kotse at makakaalis na kami. This night is getting longer.

 

"There! Sa wakas!" nakita ko kaagad yung sasakyan ko. Medyo hindi ko na rin kasi kayang buhatin si Miel dahil nakainom na rin ako.

 

"Put me *hik* down! I want a beer!! C'mon *hik* Tristan!!"

"I said no way."

 

Binuksan ko yung kotse ko tapos binaba ko siya sa tabi ng driver's seat. At ako naman eh sumakay na agad-agad. Gusto ko nang matulog. My head is starting to ache. Damn.

 

Pero nung papaandarin ko na yung kotse eh biglang binuksan ni Miel yung pinto sa side niya.

 

"Sh*t!!" napapreno ako ng malakas.

"OUCH!" buti nalang nakaseatbelt kami.. kundi.. ugh. di ko maimagine ang mangyayari.

"Are you insane?! Bakit mo binubuksan yang pinto?!" saka ko nilock yung pinto ng kotse. Dang. Nagising ang kaluluwa ko dun.

"Eehh!! I wanna *hik* drink pa nga *hik* kasi!! Let me go!!"

 

 

 

Now she's acting like a kid. Eto ba talaga ang epekto ng alcohols sa mga babae. Tss. Ang sakit sa ulo!! Ang kulit masyado!!

 

 

"Just shut up and I'll drive. Para makauwi na tayo sa bahay." sabi ko nalang sa kanya habang pinipilit niya pa ring buksan yung pintuan.

"I don't wanna shut up!! I don't want to!!"

 

 

-__-

Takte. Hinding-hindi ko na talaga siya isasama kapag iinom ako or maghahangout ako. Para siyang 5-years old na bata.

 

 

"Miel, shut--"

"I DON'T WANT TO! LALALALALA!! TRISTAN'S ANGRY HAHAHAHA! YAAAAAHHH!!"

"Miel ano ba?! Could you just lis--"

"SHIRO!! I WILL NOT SHUT UPPPPP! I WILL NOT SHUT UP!!"

"Ayaw mo ha?"

"NO! I DON'T WANT TO SHUT UP! YOU'RE ANGRY! HAHAHA! I WILL NOT SHUT UUUUPP---"

 

Binitiwan ko yung manibela tapos hinarap ko siya sa akin.

 

 

 

Nanlaki yung mata niya and then para siyang nafreeze doon sa kinauupuan niya. Tss. Yun lang pala katapat nun. Akala ko di na siya tatahimik.

 

 

"There. Much better. Halik lang pala katapat mo."

 

 

Nung nanahimik na siya sa upuan niya eh nagsimula na akong magdrive pabalik ng bahay. Buti nga at nakarating pa kami ng ligtas. Medyo umiikot na rin kasi yung paningin ko habang nagdadrive. Thank God we're alive at di kami naaksidente.

Bumusina naman ako. Then agad-agad namang lumabas si manang at pinagbuksan niya kami ng gate.

 

"Ay jusko sir TJ! Kanina pa ako nag-aalala! Ano bang nangyari at inabot na kayo ng hatinggabi?"

 

WHAT?! It's already mignight? Sh*t. Kaya pala medyo inaantok-antok na ako. Now pano ako papasok bukas sa opisina? Tsk.

 

 

"Manang, patimpla ng kape. Salamat."

"Sige po."

 

Bumalik si manang sa loob ng bahay habang ako eh pinapark ko yung kotse ko sa may garahe. 

 

"Miel, andito na tayo, laba--"

 

Pagtingin ko sa kanya. Tulog na pala. Hindi ko kaagad napansin. But her face looks peaceful when she's asleep. Pag kasi gising siya eh parang andami-dami niyang iniisip. Oh well.

Tinanggal ko nalang yung seatbelt niya tapos binuhat ko siya palabas ng sasakyan.

 

"Oh God. Ang payat-payat mo pero ambigat mo."

 

Oo ang bigat niya. Para ngang mas magaan pa si manang sa kanya. San kaya iniistore ng babaeng 'to yung mga kinakain niya?

 

Pagpasok ko sa bahay, eh parang nagulat pa si manang nung nakita niyang buhat-buhat ko si Miel.

 

 

"Nakatulog po siya sa sasakyan, manang. Ipapasok ko nalang siya sa kwarto niyo."

"O sige, hijo. Andito na sa lamesa yung kape mo ha."

"Salamat po."

 

 

 

Then umakyat na ako at inihiga ko na siya sa kama niya.