.

.

Chapter 21

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Saturday, November 14, 2015

"Ouch ouch ouch ouch ouch!!"

 

Napapikit ulit ako nung sinubukan kong dumilat. Gosh. My head was spinning. Sobrang sakit ng ulo ko. Tsk. Hindi ko na maalala yung mga nangyari. Wait.. ano nga bang nangyari? Ang naaalala ko lang eh umiinom kami ni sir.. I mean ni Tristan sa bar, then everything went blank. Geez, siguro nga tama si kuya na hindi bagay sa akin maglasing. Siguro kung anu-ano na namang pinaggagawa ko. Itatanong ko nalang kay Tristan mamaya.

 

Tinry kong tumayo pero dahan-dahan lang. Grabe kasi. Parang pinupukpok ng maraming martilyo yung ulo ko. Feeling ko mag-eexplode nalang siya bigla >_<

 

Nung makatayo na ako ng maayos, tinignan ko yung sarili ko sa salamin.

 

"Holy cow." Wow. Para akong di naligo ng one week. Super sabog ng buhok ko, tapos gusut-gusot yung damit ko. Kumuha ako ng malaking t-shirt at shorts sa dresser ko tapos dumiretso muna ako sa banyo. Kailangan kong maligo! Para akong dugyot eh >_<

 

Pumasok naman ako kaagad sa banyo at ginawa ang dapat gawin. After thirty minutes siguro eh lumabas na rin ako. Pero masakit pa rin yung ulo ko at kumakalam yung sikmura ko. Waaaah hindi na talaga ako iinom ever! Nakakabaliw >_<

 

Bumaba ako mula sa kwarto tapos nakita ko si manang na nagluluto at si Tristan na nagbabasa ng newspaper..

 

Wait..

 

 

Bakit hindi siya pumasok?! Di ba office hours ngayon?!

 

 

"Oh hija gising ka na pala, tara dito kumain ka muna para mahimasmasan ka sa paglalasing mo." Hala alam pala ni nay Linda na naglasing ako kahapon. >_<

 

Umupo naman agad ako sa tapat ni Tristan tapos nakatingin lang ako sa kanya dahil hindi ko mafigure out kung bakit siya nandito. At gusto ko ring itanong kung anong nangyari kagabi pero nahihiya naman ako.

 

"Oh eto anak. Kumain ka muna." hinainan ako ni Nay Linda ng soup. Wow mukhang masarap!

"Thank you po." then humigop ako ng konti. 

 

Whooooaaa! Ang sarap! Galing talagang magluto ni Nay Linda! Sana ganito rin ako kagaling magluto. Nakakainggit >_< Hihigop na sana ulit ako kaso hindi natuloy dahil nafeel ko na nakatingin sa akin si sir.. err.. Tristan.

 

"Bakit?" 

"Wag ka na maglalasing. Para kang 5-year old kid kung kumilos."

 

?_?

 

Hala talaga? Waah hindi ko talaga maalala yung mga nangyari kagabi! Ano ba kasing nangyari?

 

"Eh? Ano bang nangyari? May nagawa ba akong something?" tanong ko then humigop ulit ako ng soup.

 

Binalik niya naman yung tingin niya doon sa newspaper at nagsalita. "Binuhusan mo ng beer yung isang babae sa bar tapos kung anu-anong pinagsasabi mo. Muntik ka pang tumalon sa kotse. Aatakihin ako sa puso dahil sa'yo eh." sabay iling ng ulo niya.

 

 

WEH? I did that? No way!! I can't remember anything!! >_<

 

"Y..yun lang?" tanong ko ulit. Mamaya may major pa akong nagawang kahihiyan, ayaw niya lang sabihin. Hala sana wala na! Nakakahiya pala mga pinaggagawa ko!

"W..wala na." tapos bigla niyang tinaas yung newspaper niya na tipong nacocover na yung mukha niya.

"Sure?" baka naman nahihiya lang rin siyang sabihin dahil sobrang nakakahiya?

"Yeah."

 

Phew. Grabe. Hindi na talaga ako iinom. Promise! Malala pa ako sa bata! Waaah nakakahiya! Sino kaya yung babaeng yun? Sorry nalang sa kanya, I was drunk that time.

 

"Uhm, bakit ka nga pala nandito? Diba may pasok ka?" napatingin naman siya sa akin with matching mataray na tingin. Hala, ang taray naman netong lalaking 'to!

"May hangover pa ako eh. Di ko kayang pumasok."

 

Sabi ko nga! Napatingin naman ulit ako doon sa newspaper na hawak ni Tristan at nabitawan ko yung kutsara nung mabasa ko yung nakaharap sa side ko.

 

"Heir of the Sy Group of Companies, Mr. Lawrence Sy and Heiress of the Villafuerte Corporation, Ms. Daphne Villafuerte, now a couple!"

 

:'(

Kasal na talaga sila. Wala na talaga si Lawrence. :'(

 

 

"Huy, ayos ka lang?" napatingin ako kay Tristan na nakatingin pala sa akin. Tinry kong pigilan yung luha ko at successful naman. Pero ang sakit deep inside. Sobra.

"Yeah. Medyo nahihilo pa rin." tsaka ko nalang siya nginitian.

 

Kasal na siya. Kasal na siya. Kasal na siya.

Anong gagawin ko? :'(

 

 

*vibrate*

 

 

Bigla namang nagvibrate yung phone ko kaya kinuha ko yun sa bulsa ng shorts ko. Pagtingin ko, si Alex pala.

 

-- Condolences. And for God's sake Rimi, MOVE ON. Please. --

 

Waaaah! Tinatry ko naman eh! Pero mahirap talaga! Andito pa rin yung feelings ko for him. Mahal ko pa rin talaga siya. Pero wala na akong magagawa di ba? Pagmamay-ari na siya ng iba eh. Hindi na siya sa akin :'(

 

 

"TJ hijo, ano na palang nangyari sa surpresa mo kay Hayley?"

 

This time, ako naman yung napatingin kay Tristan at nakita ko na humigpit yung hawak niya doon sa newspaper na binabasa niya. Shocks, niloko nga pala siya ni Hayley.

 

"We're not together anymore." matabang niyang sagot kay Nay Linda. Halata naman kay Nay Linda na nagulat siya at napatingin pa siya sa akin na parang nagtatanong kung anong nangyari. Ang since hindi ko naman alam dahil di naman kinuwento sa akin ni Tristan eh nagshrug nalang ako ng balikat.

 

Kawawa pala si Tristan. Feeling ko mas masakit yung sa kanya eh. Imagine? Niloko ka ng taong mahal mo? Di ba masakit yun? Kasi akala mo mahal ka talaga niya? Nag-assume ka. Nasaktan ka. </3

 

Biglang naging awkward yung atmosphere sa pagitan naming tatlo. Eh pano kasi biglang naopen yung topic about kay Hayley.

 

"So..sorry hijo." sabi kaagad ni Nay Linda na parang nagsisisi at nagtanong pa siya tungkol kay Hayley.

"Okay lang po."

 

After kong maubos yung soup eh tumulong na rin ako kay Nay Linda sa kitchen. Naghugas ako ng plato tsaka nagwalis-walis na rin. Grabe, mahigit three months na ako rito. Namimiss kaya ako ni Mom at Dad? Kasi naman si Daddy, bakit kelangan pa akong iengage. Nagkasira-sira tuloy yung buhay ko. :'(

 

*ding dong*

 

Bigla namang may nagdoorbell kaya nagvolunteer na ako na ako na ang titingin kung sino dahil nagluluto pa si manang ng lunch. Tumakbo ako papuntang gate at binuksan ko yun tapos nagulat ako nung makita ko kung sino yung nasa labas.

 

 

Si Hayley.

 

 

"Andyan ba si Tristan?" tanong niya sa akin. Hindi ko siya nakilala at first dahil sobrang mugto ng mata niya at medyo magulo yung buhok niya.

"Uhmm.." hindi naman ako nakapagsalita dahil hindi ko rin alam yung sasabihin ko.

 

Bigla naman siyang pumasok at naitulak niya pa ako sa may gilid ng gate. Nagpanic naman ako dahil baka pagalitan ako ni Tristan pag nalaman niyang pinapasok ko si Hayley, pero gusto ko rin naman silang makapag-usap dahil baka misunderstanding lang yung nangyari sa kanila.

 

"Tristan!"

 

 

Uh-oh. Pumasok si Hayley sa may front door at napatayo si Tristan doon sa may dining area. My gosh, bigla akong kinabahan. Lumakad si Tristan papalapit sa amin.

 

"What are you doing here?" promise, natakot ako sa kanya. Para siyang nagtransform at naging tiger. T__T

"Please, listen to m--"

"GET OUT! GET OUT OF MY HOUSE!!" bigla niyang hinawakan si Hayley sa may braso at kinaladkad papalabas sa bahay. Oh my gosh!

"Wait! Just listen--please!!--"

"I DON'T WANNA HEAR YOUR EXCUSES!! JUST GET OUT OF MY SIGHT AND LEAVE ME ALONE!!" 

 

*BLAG*

 

Padabog niyang sinara yung gate kaya ang lakas nung tunog. Kawawa naman si Hayley. At nakakatakot si Tristan. Grabe. Parang yung first time na nakasakay ko siya sa taxi, eh ganyan yung expression niya. Nakakatakot talaga.

 

"AND YOU! PWEDE BA WAG NA WAG MONG PAPAPASUKIN YUNG BABAENG YUN DITO? KUNDI SISISANTEHIN KITA KAAGAD! MALIWANAG?!"

Napatango naman ako kaagad. Naramdaman kong bumalik na siya sa loob ng bahay. Ako naman eh napahawak doon sa gate dahil nanghina yung tuhod ko. Sobrang natakot talaga ako sa kanya T__T Ganyan pala siya magalit!

 

 

Hinintay ko namang kumalma yung puso ko at yung katawan ko, tapos tsaka ako pumasok ulit sa loob ng bahay.