.

.

Chapter 25

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Saturday, November 14, 2015

TRISTAN’S POV

 

Shit. Ugh. My head hurts. Tsk. Dinilat ko yung mata ko pero medyo Malabo yung paningin ko kaya pumikit ulit ako.

 

What a weird dream. Di ko na masyadong maalala pero ang weird ng panaginip ko. Tch. Hayaan na nga.

 

“WHOA!!” halos mawala yung hangover ko nung tumingin ako sa gilid ko. The hell?! What is she doing here?! And worst, bakit hawak ko yung braso niya?! Binitiwan ko naman yun agad tapos nakita ko na sobrang pula nung area nay un. Gigisingin ko na sana si Miel kaso..

 

 

O_O

 

 

 

 

 

 

THE F*CK?! BAKIT NAKA-BOXERS LANG AKO?!

 

 

Halos kumaripas ako ng takbo sa closet ko at naghanap ng pwedeng maidamit hanggang sa di pa nagigising si Miel. Shit shit! Ano bang pinaggagawa ko kanina? Wala akong maalala! Naman!

 

Pagkatapos kong magbihis, nilapitan ko si Miel then tinapik ko yung balikat niya.

 

“Hey. Oy. Miel. Gising na.”

 

No reaction. Aba? Bakit parang ang hirap niyang gisingin ngayon? Okay ulit. This time, may kasama ng yugyog sa balika.

 

“Miel, Miel! Wake up!”

“Hmm..”

 

Akala ko gumising na siya pero nag-murmur lang pala. Yuyugyugin ko ulit sana siya kaso dumikit yung kamay ko sa bandang leeg niya. And she’s hot. No! Okay I don’t mean that HOT but the other hot, I mean the body temperature. Tsk. And why am I explaining myself to you? This is insane. May lagnat siya. >_>

 

Binuhat ko siya then hiniga ko nalang muna siya sa kama ko. Tsk. Bakit nga ba siya andito? Hell, I can’t even remember. Di kaya may ginawa na naman ako sa kanya? Wala naman siguro, right?

 

Umupo naman ako doon sa pwesto kanina ni Miel. Oh.. so nagpalit kami ng place ngayon? Hmm. Tinignan ko lang muna siya for a minute. She’s pretty. Pag tulog. Sana lagi nalang siyang tulog -__- Well, maganda naman talaga siya. Kung ako ang tatanungin, pang high class yung ganda niya. Kaya nga nagdududa na rin ako kung mahirap ba talaga siya eh. Oh well, wala naman yun sa itsura.

 

Tumayo naman ako para kumuha ng food and medicine, pero napahinto rin agad ako.

 

*huk*” napatingin ako sa kanya.

 

 

She’s crying.

 

 

“Hey Miel. Are you okay?” I don’t know kung gigisingin ko ba siya o hindi. Tsk. Tinuloy ko nalang yung paglalakad ko at kumuha ako ng pagkain  at gamot. Then umupo ako sa gilid ng kama ko.

 

I stared at her. Naalala ko bigla si Hayley. The heck.

 

Yeah, I’m devastated. I trusted her. I gave my best to be a good boyfriend to her. And this is what I got – pain. Masakit maloko ng taong pinapahalagahan mo. It’s like you’ve lost a part of yourself. Nakakafrustrate. Akala ko masaya na siya sa akin and akala ko masaya na rin ako sa kanya. But that’s just bullshit.

 

I do not know her reason and I have no interest in knowing it. Ang alam ko lang, nasaktan ako. And that reason is enough for me to end our relationship. Tch. Guess I’m really unlucky when it comes to girls.

 

“L..law..rence.”

 

Napatingin ako bigla kay Miel. She’s still crying and just now, she muttered a name. Sino daw? Lawrence? Hmm. I wonder who that person is.

 

Hinawakan ko yung dalawang balikat niya dahil alam kong masama yung napapanaginipan niya sa ngayon. Ginigising ko siya habang niyuyugyog pero di pa rin siya magising. Crap! Ilang sleeping pills ang tinira neto?

 

Pero nagulat ako nung bigla siyang nagising at halos hinahabol niya yung hininga niya. Tch. Ano bang nangyayari sa kanya? Ang weird niya pag maysakit.

 

“Ayos ka lang?” tanong ko sa kanya. Pero I feel stupid nung tinanong ko yun dahil halata namang di siya okay. Bigla naman siyang tumayo and then pinunasan niya yung luha niya.

 

“Ah.. oo. Ikaw? Ayos na hangover mo? Haha. Para kang abnormal kanina eh.”

 

 

O_O

 

 

“What do you mean?” Shit! So may ginawa nga akong di-kanais nais kanina? Dang! Bakit kasi ako nalasing?!

“Hmmm.. secret.” Tapos nag-make face pa siya. Aba? Kita mo ‘tong babaeng ‘to? Maysakit na nga pero ang kulit pa rin. Baka nga di niya alam na nilalagnat siya eh! May gana pang mang-asar. Tss. Ganun ha?

 

 

“Oy Miel, sino si Lawrence?”

 

 

Pagkasabing-pagkasabi ko nun eh biglang dumilim yung mukha niya. Oops. I think this is a serious topic.

 

 

“H..how did you know.. him?” this time, para naman siyang iiyak.

“You’re dreaming a while ago, and you’re saying that name.” baka boyfriend niya? Teka, may boyfriend ba siya?

 

Di naman na siya ulit sumagot at nakatulala nalang siya habang nakaupo sa kama ko. After siguro 5 minutes eh tumayo na siya at naglakad palabas sa kwarto ko.

 

“Oyo y oy! Ayos ka na ba? May lagnat ka kaya. Magpahinga ka muna.” Sabi ko sa kanya. Bigla naman siyang napatingin sa akin na parang gulat na gulat. Okay. May mali ba sa sinabi ko? Oh baka di lang siya sanay na mabait ako sa kanya? Well, malamang eh para kaming aso’t pusa palagi. Oh baka naman dahil lang yan sa may sakit siya?

 

 

“Uhh.. okay na ako. Haha. Sige!” then umalis na siya sa room ko.

 

 

Bababa na rin sana ako para kumain dahil ang asim na ng tiyan ko, pero napatigil ako nung narinig ko na nagring yung phone ko.

 

 

*I’m learning to fall, I can’t hardly breath~~*

 

 

Fudge. Asan na ba yun?! Pinakinggan ko lang kung saan nanggagaling yung ringtone ko. Pagkatapos ng mabusising paghahanap, nakita ko yung phone ko sa ilalim ng kama. Tch. At kung pano yun napunta sa ilalim ng kama, eh hindi ko alam. Basta nakita ko, tapos.

 

Buti nalang eh di pa rin binababa nung nasa kabilang linya yung call. Pagtingin ko, unknown number. Who the hell is this? Wala naman akong nagawa kundi sagutin yung tawag.

 

 

“Who’s this?” tanong ko kaagad doon sa tao sa kabilang linya.

“I’m the President of Sy Group of Companies, Lawrence Sy. If you don’t mind, will you meet me today? Your dad said that I can propose my project to you. I’ll text you the time and place.”

 

Then bigla niya akong binabaan. Tss. What a rude guy. Tsk. Now I have to meet him? Badtrip. Gusto ko ngang magpahinga ngayon eh. Kainis si daddy, pwede namang siya yung makipagmeet.

 

 

Nareceive ko naman agad yung time and place. Sa isang café malapit sa plaza. Oh well, at least medyo malapit lang dito.

 

 

 

Sy Group of Companies? Ano naman kayang plano ni dad at gusto niya akong makipagmeet doon sa Lawrence Sy na yun? Tss. Lawrence, huh?