.

.

Chapter 28

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Saturday, November 14, 2015

Haaay. Di ako makatulog! Umikot-ikot ako sa higaan ko pero hindi talaga ako makatulog. Nagfaflash pa rin sa utak ko yung nangyari kanina.

 

*ring*

 

Nagulat naman ako nung tumunog yung phone ko. Kinuha ko naman agad yun sa may table then lumabas ako ng kwarto namin ni Nay Linda dahil baka magising siya.

 

"Yeoboseyo?" (Hello?)

"Rimi!!"

"Oppa!! Yah! How are you?!"

 

Oh my gosh! Namiss ko si kuya! Tagal netong di tumawag ah?

 

"I'm fine. How about you?" magsisinungaling ba ako sa kanya?

"Not good."

"Wae?" (Why?)

"Muntik na akong makita ni Lawrence."

"What?! What happened?!"

 

Then kinuwento ko kay kuya mula simula hanggang dulo. Mula doon sa pagkikita namin ni Hayley hanggang sa pag-uwi namin ni Tristan sa bahay. Tahimik lang sya and then nagtatanong kapag may di siya nagets sa sinabi ko. And then ayun.

 

"Haha. I want to meet that Tristan."

"Huh? Waeyo?" (Why?)

"Nevermind. Rimi, may work pa ako so bye muna. Text me if you need something, okay?"

"Arraso. Annyeong!" (Okay. Bye!)

 

Binabaan naman niya ako and then pagtingin ko sa oras, 2 AM na pala. Waaah di pa rin ako inaantok! Kainis naman oh T__T

 

 

"Bakit gising ka pa?"

"WAAAAHHH!!!" napasigaw talaga ako dahil biglang may sumulpot sa likuran ko. Gosh! Akala ko talaga multo na! Si Tristan lang pala!

"Shh! Ingay neto oh. Baka magising si manang tsaka mga kapitbahay natin."

"S..sorry." eh kasi naman eh! It's your fault! Para kasing mushroom eh! Kung saan-saan sumusulpot! >_<

"Di ka ba nilalamig?"

"Huh?" ang random naman ng tanong niya.

"Ang lamig kaya! Tapos nakashorts ka lang? December na no. Malamig na."

 

Oo nga no? Medyo malamig na nga. And December na?! Oh gosh! Di ko na alam ang date dahil masyado akong occupied sa mga kaganapan sa buhay ko. Tinignan ko yung phone ko and nakita ko na December 6  na pala. Whoa. Akala ko di pa tapos ang November.

 

Bigla naman syang bumaba sa may hagdan. Eto namang si ako, eh sumunod. Di ko nga rin alam kung bakit eh. Then pumunta siya sa may sala at umupo sa may sofa.

 

"Eh bakit ikaw? Bakit gising ka pa?" tanong ko sa kanya nung nakaupo na sya. Ako naman eh nakatayo lang sa may gilid niya.

"Hmm. Wala lang. Di ako makatulog eh. May iniisip ako."

"Ano yun?" Nacurious naman ako bigla. Pero nung tinanong ko kung ano yun, eh tumingin siya sa akin bigla.

"Secret. Bakit ko sasabihin sa'yo?"

 

 

Sabi ko nga di niya sasabihin! >_< Psh. Nagtatanong lang eh! Sungit na naman niya. At dahil nangangawit na ako kasi kanina pa ako nakatayo, nakiupo na rin ako doon sa sofa. Then tahimik lang kami doon. Walang nagsasalita. Kung anu-ano nalang ang pumapasok sa isip ko. Katulad nalang nung nangyari kanina. Ano kayang mangyayari kung nagkita kami? Kung nagkausap kami kanina? Kung nalaman niya lahat?

 

Gusto ko lang naman kasing malaman niya yung side ko. I mean, I left him clueless. I want to explain everything. Pero it's not yet time. He's already married. And baka may feelings pa siya sa akin (actually, I'm still hoping :\), and pag sinabi ko sa kanya yung totoo, baka maghiwalay sila. Haaay. I admit, meron pa akong natitirang feelings for Lawrence. I know, nasa process ako ng pagmomove-on pero kasi, mahirap din kalimutan yung taong lagi mong kasama and laging andyan para sa'yo. :|

 

*BLAG*

 

O__O

 

Luh? What the..

 

"Uy. Hey, Tristan.." Wha! Ano ba yan! >_<

 

Di na ako tuloy makagalaw. Eh pano ba naman kasi, nagslide sidewards yung katawan niya and then nagulat nalang ako nung nasa shoulder ko na yung ulo niya. He's asleep! Waah buti pa siya nakatulog na! Gusto ko na ring matulog eh TToTT

Pumikit nalang ako para makatulog ako. After some time, I think nakatulog rin na ako.

 

***

 

"Miel, TJ, gising na kayo."

 


Naramdaman ko bigla na may umaalog pala sa akin kaya napadilat ako bigla. Si Nay Linda pala. Pero nashock ako sa pwesto ko. Nakapatong rin kasi yung ulo ko sa ulo niya. Shiz, nakatulog rin pala ako! >o<

 

"Hmmm? What happened?" biglang sabi ni Tristan. Pft. Hahaha. Para syang walang kamuwang-muwang sa mundo.

"Nakatulog kayo dito sa sala..." sabi ni Nay Linda sa kanya. "... nakatulog ka sa balikat niya." then bigla nya akong tinuro tapos ngumiti sya. Ha? Anong problema ni Nay Linda?

"Oh?" bigla namang tumingin si Tristan sa akin. "Kaya pala ang sakit ng leeg ko. Ang liit mo kase."

"Yeah right." tsaka ko siya inirapan. I thought magsasabi siya ng something good. Tapos sinabihan pa ako ng maliit. Sorry ha? -__-

 

Pumunta naman kaming lahat sa may dining area at sabay-sabay kaming kumain. Bigla namang nagsalita si Tristan.

 

"Manang, asan na po yung Christmas decors natin? Wala pang decorations yung bahay ah?" oo nga no? Parang di tuloy feel ang Christmas dito. Sa bahay dati, October pa lang eh nagdedecorate na si mommy para sa Christmas.

 

Namimiss ko na naman sila TT_TT kamusta na kaya si mom at dad? Galit pa kaya sila sa akin? Haaay. This is my first christmas na hindi ko sila kasama.

 

"Hala? Hindi ba pinatapon mo sa akin dati? Sabi mo kasi ikaw ang magdedecorate dati kaso di ka naman marunong kaya nainis ka at pinatapon mo sa akin."

 

Pft. Hahaha! Hindi ko naman mapigilang tumawa. Natawa talaga ako sa sinabi ni Nay Linda. Para kasing si kuya rin dati! Pinilit niya kami ni mommy na siya daw ang magdedecorate pero after ten minutes eh sumuko na rin. Halos pulang-pula naman na yung mukha ni Tristan. Hahaha! Ang cute niyang mahiya!

"Psh. Makatawa ka ah?!" Hahaha! Galit na sya nyan?

"Hahaha! S..sorry!" tapos natawa na naman ako. Waaah hahaha tama na! Kung anu-anong naiimagine ko eh. Ang sakit na ng tyan ko TT__TT

"Kala mo marunong ka ah!"

"Of course." pagmamayabang ko sa kanya.

"Fine! Ikaw magdecorate mamaya ha!!" tapos bigla syang tumayo. Ay? Walk out? "Dalian mo dyan! Aalis tayo!"

"Huh? Saan tayo pupunta? Di ba may pasok ka sa company nyo?"

"Wala. Day off ko. Finish your food and we'll buy christmas decors. Hah! Let's see kung talagang marunong ka!" sabay walk out niya.

 

Pagkaalis na pagkaalis niya eh nagtawanan kami ni Nay Linda. HAHAHA! Oh my gosh! Akalain niyo yun? May ganung side pala sya? Nakakatawa talaga! Parang nakikita ko tuloy sa kanya ni kuya. After kong maubos yung pagkain ko eh nagpunta na akong kwarto at naligo. Then nagbihis. Ang suot ko ngayon is long sleeve sweater and balck skirt. Lumabas naman agad ako and then naabutan ko siya sa may living room. Parang combination ng orange and pink yung suot nyang long sleeves.

 

"Hoy Miel, dalian mo!"

"Eto na!" then tumakbo na ako dahil lumabas na sya ng bahay. Psh. Napakabossy niya talaga! >_< Well, sabagay, boss ko nga naman pala siya.

 

Sumakay kami sa kotse niya and then pinatakbo na niya yun. After 30 minutes eh nakarating na rin kami sa isang mall. Then pumasok kami doon sa may department store.

 

"Ikaw pumili ng decors. Gandahan mo ha!"

"Oo na." Kelangan galit siya? Haha! Siguro nagpapanic lang siya dahil baka pagtawanan ko na naman siya. Pffft. Enough, Rimi! Baka sumakit na naman tyan ko!

 

Naglakad-lakad lang kami doon. Ang dami ngang tao eh. Sabagay, christmas season na. Marami talagang bibili ng decors at gifts. Pero nung mapunta kami doon sa isang side, eh biglang tumahimik. What happened?

 

"Oh my gosh! Di ba siya yung heir sa isang sikat na company?"

"Oo! Nakikita ko siya minsan sa news o kaya sa dyaryo!"

"God, ang pogi niya!!"

 

Napatingin naman ako bigla kay Tristan. Akalain mong sikat pala sa mga babae ang lalaking 'to? Pagtingin ko sa kanya eh parang nag-eenjoy sya sa mga naririnig niya. Pa-grin-grin nalang siya eh. Then napatingin rin siya sa akin sabay taas pa ng kilay niya. Aba? Ngayon naman nagyayabang siya?

 

"Pero sino yung kasama niya? Girlfriend niya ba yun?"

"Siya ba yun? Parang iba yung itsura eh. Di ba pinakita sila dati sa news?"

"Baka bago na. Haay, ang ganda niya! Wala tayong laban!"

"True! Para syang model. So gorgeous! Nakakainggit!"

 

This time, ako naman yung nagsmirk sa kanya. Akala niya sya lang ha? Pag pala tumatabi ako sa kanya eh nagiging sikat ako eh :p

 

"Teka, parang nakita ko na siya dati eh."

"Talaga? Saan? Baka heiress rin siya ng isang company?"

"Hmmm.."

 

Uh-oh. Bigla akong napakapit sa braso ni Tristan at hinila ko siya ng mabilis papalayo doon sa mga babae. Gosh! Baka mamukhaan nila ako eh! Minsan kasi, nakukuhanan din kami ni kuya kapag finifeature si Dad sa news or sa dyaryo. Pero minsan lang naman. Tsaka kakapasok ko palang naman sa company kaya di pa ako ganun kakilala. Si kuya talaga ang maraming fangirls. Dati nga lumabas kami para kumain then bigla kaming hinarang ng mga babae. Then nagpapicture sila kay kuya. Oh di ba? Ang gwapo niya lang.

 

"Bakit?" tanong niya sa akin matapos ko syang hilahin.

"Nothing. Haha. Tara na, bili na tayo ng decors." then tumingin lang siya sa akin habang nakakunot yung noo.

 

After nung scenario na yun eh pumunta na kami doon sa side kung nasaan yung Christmas trees, and all the christmas decors. Tapos namili na kami.

 

"I want a tree na kasingtangkad ko. Eto! Gusto ko 'to! I'll take this one!" sabi niya doon sa saleslady na nag-aassist sa amin.

"Oy Miel, pili ka na ng decorations! Pati yung Christmas lights!"

 

Wala naman akong nagawa kundi pumili. May nakita akong christmas lights na kakaiba yung shape kaya kinuha ko yun. Then pinulupot ko kay Tristan. Hahaha!

 

"O..oy! Anong ginagawa mo?!"

"Miss, pakisaksak nga po neto." sabi ko doon sa babae.

"Wag! Oy! Baka makuryente ako!"

"Hindi no. Stay still!"

"No way!" tapos bigla siyang humablot nung garlands at tinali-tali niya rin sa akin! Waaah bakit ang dami niyang pinulupot! Ack! Ang kati-kati pa naman neto! >_<

"Hah! You looked like a small christmas tree! Hahaha!" at dahil gusto kong makaganti eh hinatak ko yung plug ng christmas lights na nakapulupot sa kanya and then sinaksak ko doon sa may malapit na outlet.

"WHOA!! HALA!! OOOOYYY!!!"

 

Hahaha! Super natawa talaga ako sa reaksyon niya nung biglang sumindi yung christmas lights sa katawan niya! Takot na takot siyang gumalaw eh. Akala niya makukuryente siya! Pffft!

Actually pinagtitinginan na nga kami ng mga tao dito dahil ang ingay namin masyado. Lalo na 'tong si Tristan. Sinisigawan pa ako. Para tuloy syang batang nagtatantrums.

After naming makapili ng decors (na sobrang tagal dahil ang kulit ni Tristan at lahat nalang ng nakikita nyang decors eh nilalagay sa akin. Mukha ba akong christmas tree?), pumunta na kami sa counter.

 

"8, 756.50 pesos po ma'am, sir! Couple po ba kayo?" biglang tanong nung babae.

"HUH?!" yan talaga yung naging reaction ko eh.

"May christmas discount po kasi kami for couples na magkasamang bumili eh. Baka po you want it para mas mura yung babayaran niyo."

"Ah okay. Yeah! We're a couple." then nagulat nalang ako nung bigla niya akong inakbayan.

"H..hoy--"

"Shut up. Para nga may discount eh." bulong niya sa akin habang nakangiti doon sa may babae.

 

Wala naman akong nagawa. Lagi naman eh. (_ _'')

Then after nun eh naglabas ng camera yung cashier, then bigla niya kaming kinuhanan ng picture. Luh? What's that?

 

"Thank you ma'am, thank you sir! Have a lovely christmas!" Kinuha ko naman agad yung isang bag. Then si Tristan eh sa kanya yung box ng christmas tree tsaka isang pang bag. Nagulat naman ako nung nasa harap pa rin sya nung counter. Then nagngingitian silang dalawa. Don't tell me, nilalandi niya yung cashier? O_O Tsk.

After siguro five minutes eh may binigay na parang card yung babae kay Tristan. Aba? Calling card? At talagang nagligawan sila doon ha? Sana talaga di niya ako pinaghihintay dito eh. Tagal ha! >_< Then after nun eh kinuha na niya yung pinamili namin at tumakbo siya papalapit sa akin.

 

"Anong ginawa mo dun? Ang tagal mo ha. Pangiti-ngiti pa kayo nung cashier." tanong ko sa kanya na medyo nakakunot pa yung noo ko. Psh. Kainis kasi eh. Duh? Kasama niya kaya ako. Sana nahihiya siya sa akin no?

"Bakit?" then nagulat naman ako nung bigla siyang nag-grin sa akin. "Nagseselos ka ba sa kanya?"

"HUH?! No way! Eh kasi naman ang tagal mo! Ayaw ko lang na pinaghihintay ako! Tsaka--"

"Kumuha lang ako ng copy nung picture natin. Haha! Tara na nga, selos ka lang eh!!" then bigla siyang naglakad papunta sa may parking lot.

 

 

Huh? Yung picture? What?