.

.

Chapter 29

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Saturday, November 14, 2015

"Teka, wag dyan! Dito nalang sa right side." sabi ko sa kanya.

"HUH?! Tsk! Nakabit ko na eh!"

"Eh kasi ako na nga! Di mo naman inaayos eh!"

 

Ugh. Ang kulit netong hotdog na 'to eh. Nanggugulo na naman. Kasi di ba, I'm assigned sa pagdedecorate for Christmas season. Kaso etong si Tristan, kung saan-saan kinakalat yung mga binili namin. Yung Christmas lights pinulupot doon malapit sa C.R. Kamusta naman? -__-

 

"Tristan, pa-assemble nung Christmas tree." sabi ko nalang sa kanya. Siguro naman kaya na nya yun no?

"Yun lang pala eh. Sus! Dali-dali lang nun eh." Yabang. Pero yung mga garlands tsaka Christmas balls nakakalat pa rin kung saan-saan. Siguro sobrang stressed si Nay Linda dito tuwing December. Gosh lang naman kasi, wala atang pag-asa si Tristan sa pagdedecorate eh.

 

Inassemble nya naman agad yung tree. Then ako naman eh kumuha ng chair kasi lalagyan ko ng decors yung Christmas tree. Nung ilalagay ko na yung chair sa tapat ng Christmas tree eh ayaw tumabi netong hotdog na 'to.

 

"Excuse me." pero di pa rin siya tumatabi.

"I'm awesome. Hah!"

 

 

So nagalingan na sya sa sarili niya dahil na-assemble niya ang Christmas tree? Pffft. Babaw ng kaligayahan! Ahahaha!

 

"Oo na po. Magaling ka na. Kaya excuse me na 'coz I'll decorate this tree."

"Tsk. Panira ka naman ng moment Miel!"

 

Kamusta naman ang pagmomoment nila ng Christmas tree di ba? Ang kulit lang! >_<

Nung tumabi na sya eh nagsimula na akong magdecorate. Siya yung taga-abot ng mga Christmass balls, garlands, angels at yung iba pang designs. Kesa naman bumaba-baba pa ako. Kapagod kaya. Nakakatawa nga kasi ang layo ng tinatravel niya para makuha yung ibang stuff eh. Kasalanan niya naman kasi, kung anu-anong pinaggagawa niya kanina sa mga yun.

 

"Tsk. Utos ka naman ng utos! Parang ako na yung katulong at ikaw na ang amo ah!!" biglang reklamo niya sa akin nung inabot niya yung candy cane design. Haha! Nagtatantrums na naman ang amo ko :p

"Eh kasi po, wala kang talent dito." I teased him. Tapos binelatan ko pa siya.

"Yabang mo ah!! Tabi nga ako na magtutuloy nyan! Kala mo sa 'kin, walang talent?!" ay, so sineryoso niya yun? Isip-bata talaga 'tong hotdog na 'to! >o<

 

Bigla naman siyang lumapit at nakisiksik doon sa may upuan na tinatayuan ko. Waaahh ang laki niyang tao tapos sisiksik siya sa maliit na upuan!

 

"Wh..whoi!! Baka matumba yung upuan!!" nagpanic ako kasi nakikipag-agawan siya sa spot tapos di ako makababa kasi nakaharang siya tapos ang likot pa.

"Baba ka na kasi! Ako na nga magtutuloy eh!"

"Wait! Wag ka malikot!! Waaaa---!!!"

 

 

*BLAG*

 

 

 

Sabi ko na nga ba maoout-of-balance kami eh!! Shizzz ang sakit! T__T

 

 

"Ouch!! Shit!! Ano ba Mie--"

"Araaaayyy.." then bumangon ako. Gosh, ang sakit ng ankle ko. Na-sprain pa ata. Kasi naman si hotdog eh!! T__T Pagdilat ko...

 

 

O__O

 

"Waa.. waaaahhh!! Mian-- I mean, sorry!!" napatayo ako agad. Oh my gosh >///<

"Aheeem." bigla syang umubo. Shocks! Ang awkward nun ha! Eh kasi naman eh.. nakahiga ako sa chest niya..

 

 

WAAAHHHH!! It's his fault naman kasi! Nakkikipag-agawan pa kasi eh! Nakakahiya! Lapit-lapit pa ng mukha niya! Shiz ang init ata ng paligid ngayon! Nakita ko naman na bigla siyang tumayo.

 

"Ba..bahala ka na nga dyan! Gawin mo na yan mag-isa!!" then nag-walk out siya.

 

 

What's his problem? Siya na nga may kasalanan, siya pa galit! Bipolar!! Hotdog!! Uugghhh!! Ang sarap niya prituhin eh! Kulit-kulit ng lahi! Asan na ba kasi si Nay Linda?Ang tagal naman niyang mamili ng pagkain TToTT Hindi ko kinakaya ngayon ang ugali ni Tristan eh.

 

Dahil wala naman akong magagawa eh pinagpatuloy ko nalang yung pagdedecorate. Kahit paakyat-baba ako doon sa may upuan at medyo mahirap maglakad eh carry pa naman. After siguro 2 hours eh natapos ko nang i-decorate yung buong bahay.

 

There. Ang galing ko talaga! 

 

After nun eh dumiretso muna ako sa kwarto namin ni Nay Linda at naligo dahil pawis na pawis ako tsaka para fresh na rin. Tinext ko rin si Alex tsaka si kuya. Namiss ko na kasi sila eh. So hanggang gabi eh katext ko sila. Then inaasar ko silang dalawa. Hihihi! Tapos ang cute mainis ni Alex, sinusungitan ako. Eeehh kasi bagay sila ni kuya eh! Gusto ko talaga silang dalawa *O*

 

Lumipas ang mga araw, ganun pa rin naman. Katext ko si Alex and si kuya. Nag-aaway o kaya nag-aasaran kami ni hotdog Tristan tapos inaasar na rin ako ni Nay Linda TT_TT Then one day eh bigla ko nalang na nakaimpake yung gamit ni Nay Linda. Napatakbo tuloy ako bigla sa kusina.

 

"Nay Lindaaaaa!!"

"Oh bakit hija?"

"Aalis ka po? Bakit naka-pack yung gamit mo? Waaahhh!" hala wala akong kasama dito? :'(

"Ay oo anak. Babalik muna ako sa probinsya para sa Pasko at Bagong Taon. Namimiss ko na ang mga kamag-anak ko eh." then ngumiti siya sa akin.

 

Bigla namang bumigat yung pakiramdam ko. Ako kaya? Namimiss kaya ako nila Mom and Dad? Gusto ko sanang umuwi, but I dunno what to say to them. Alam ko namang galit sila sa akin dahil sa ginawa ko, but I have my reasons naman :\ Haaay.. I think this is my first Christmas without them :'(

 

 

"Ikaw ba anak, hindi ka ba uuwi sa inyo?" ngumiti nalang ako kay Nay Linda.

"Baka po kasi.. ayaw naman nila akong makita." then napayuko nalang ako. Naramdaman ko namang lumapit sa akin si Nay Linda.

"Hija, walang magulang ang natitiis ang anak nila. Sigurado akong hinahanap ka na nila ngayon at gustung-gusto ka na nilang makita. Masakit para sa isang magulang na hindi makita ang mga anak niya ng mahabang panahon. Masakit." I dunno pero bigla nalang akong naiyak sa sinasabi ni Nay Linda. Buti nalang nakayuko ako :'(

"Alam ko hija, matagal ka nang napatawad ng mga magulang mo. Ganun lang talaga siguro kami. Mahigpit at madalas eh nagagalit. Pero sa totoo lang, nasasaktan rin naman kami kapag napapagalitan namin yung mga anak namin. Masakit makita na umiiyak sila. Lalo pa kung bigla nalang silang nawala, hindi ba? Malamang simula noong umalis ka sa inyo eh umiiyak na lagi ang nanay mo. Mahirap kasi sa isang ina, hija, na mahiwalay sa anak niya. Hangga't maaari nga eh ayaw kong iwanan yung pamilya ko doon, pero kailangan ko eh, para sa kanila."

 

Habang sinasabi yun ni Nay Linda eh humihikbi na ako. Di ko na kasi kayang pigilan yung mga luha ko. Plus hinahagod niya pa yung buhok ko, and lalo lang akong naiyak. I feel like a lost child. No mom. No dad. No family. I realized na sobrang miss na miss na miss ko na sila :'(

 

Nagpaalam naman sa amin si Nay Linda nung gabi na. Bibiyahe na raw kasi siya para bukas eh makauwi na siya sa Bikol. Ako naman eh depressed pa rin sa nangyari kanina. Di ko na tuloy alam yung gagawin ko.

 

 

"Yo. Mukha kang natalo sa pustahan ah? HAHAHA!" di ko nalang pinansin si Tristan at nakatulala lang ako sa kawalan habang nakaupo doon sa may sofa sa living room. Nagulat naman ako nung tumabi siya sa akin.

"What's your plan?" this time, napatingin ako sa kanya. 

"Plan for what?"

"This Christmas." then nakita ko na biglang lumungkot yung mata niya at napatingin siya sa baba. "Will you.. also leave?" tapos tumingin siya sa akin. Ewan ko pero parang naintindihan ko yung gusto niyang sabihin.

 

Matagal ko nang napapansin na hindi ko pa nakikita yung mom and dad niya. Siguro super busy sila sa work nila. I can see myself from him. Pero sila mom and dad naman, may time pa rin sa amin ni kuya. But I think sa case ni Tristan is.. wala. Tsaka ko naisip.. ganito ba ang nararamdaman niya tuwing Christmas? Yung siya lang mag-isa ang nagcecelebrate? Na walang kasama, even his family? Bigla nalang bumigat lalo yung nararamdaman ko :(

 

"I..I still don't know." sabi ko nalang. Hindi rin naman kasi ako sure kung mahaharap ko ba sila ngayon eh. Parang di ko pa kaya.

"I don't really celebrate Christmas. Pero last year, nagawa kong magcelebrate dahil di umuwi si manang. Naawa ata sa akin at sinamahan ako. That time, I really.. really felt happy."

 

Hindi ko alam kung bakit ako affected. Naiyak nalang ako bigla. Feeling ko nararamdaman ko rin yung pain niya :'( Kainis 'tong hotdog na 'to eh. Napakabipolar kasi T__T

 

"My parents? They don't know what I really want. Binibigyan lang nila ako ng kahit ano tuwing may occasion. But you know what? I don't want those things. I.. I just want their attention." then nakita ko na may tumulong luha sa mata niya. And I felt weird. I want to comfort him pero di ko alam kung paano :(

 

Few minutes passed and tahimik lang kami doon. But it did not feel awkward. Parang nagpapakiramdaman lang kami. Di ko akalaing may tinatago palang ganito si Tristan. I thought he's the kind of guy na gingawang kalokohan lang lahat, well except for Hayley's case, but no. Then.. may naisip akong idea.

 

Tumayo ako doon and then hinatak ko siya.

 

 

"Come on." hinatak ko siya kaso ang bigat niya! Di ko siya matayo!

"Huh? Saan?"

"Sa may simbahan." hatak ulit pero walang pagbabago.

"Bakit?"

"Magsimbang-gabi tayo. Tara!"

"But I don't attend that kind of--"

"Kaya mga aattend ka ngayon eh. Don't worry, kasama mo naman ako eh. Kumpletuhin natin. Sabi kasi diba, pag nacomplete mo yun, your wish will come true." then ngumiti ako sa kanya. Natahimik naman siya sa sinabi ko.

"Wait.. then.. then.. you.." this time, hinatak ko siya ng sobrang lakas at natayo ko rin siya sa wakas!!

 

 

 

 

 

"Yeah. I'll stay with you this Christmas. Let's go?"