.

.

Chapter 30

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Saturday, November 14, 2015

Waaah andaming tao! Grabe naman 'to.

 

"Tsk. Sabi sa'yo dapat di na tayo pumunta eh!" sabi ni Tristan habang nakikipagsiksikan sa crowd.

"Ehh di ko naman alam na ganito karami yung mga taong pupunta. Waaah!"

 

Kyaa! Feeling ko masusuffocate ako dito sa sobrang siksikan. Well, first night kasi ng simbang-gabi so siguro talagang maraming tao. Sumugod lang naman kasi kami agad-agad dito sa church. Kasi nga di ba, never pang nakapagsimbang-gabi 'tong hotdog na kasama ko. I just want him to experience it. I'm such a good girl talaga.

 

"Ugh. Hoy Miel wag kang lalayo baka magkahiwalay tayo!" sabay hawak niya sa braso ko.

"Waah hoy ang sakit! Bitaw! Bitaw!" grabe naman yung pag-grab niya. Parang madudurog yung buto ko eh! Tsaka ano siya, bata? Pffft. Takot sigurong mawala. Meron kasing isang girl sa pagitan namin dahil sumiksik siya kanina.

"Tsk. Miss, palit nga tayo." biglang sabi niya doon sa may babae. Para ngang natulala pa yung girl eh. Nagwapuhan siguro kay Tristan. Hahaha! Nakipagpalit rin naman agad yung babae sa kanya kaya magkatabi na kami ngayon dito sa gilid.

"Ang init naman dito. Phew." sabay punas niya sa noo niya.

"Sorry ha." sabi ko sa kanya sabay layo ko ng konti.

"Ha? Bakit ka nagsosorry?" ay di niya nagets yung joke ko :( Ang slow naman ng hotdog na 'to!

"Eh kasi mainit eh. Dahil ata sa akin." poker face nalang ako kasi di pa rin niya nagegets. Grabe ang slow ni Tristan!

"Huh?"

"Mainit.. kasi I'm hot."

 

 

Nakatingin lang siya sa akin for about one minute. As in nakatitig at siguro eh iniisip niya na kung nababaliw na ba ako. Hinihintay ko nga yung reaction niya kung tatawa ba siya o ano eh.

 

"Miel, mahiya ka, nasa simbahan ka."

"Che!"

 

Tapos narinig ko siyang tumawa. Ang sama!! Ako na nga 'tong nagmamagandang-loob na pasayahin siya ngayon tapos binabara niya pa ako. Psh. Kung wala lang kami sa church ngayon babatukan ko 'to kahit amo ko siya eh.

 

After siguro ng ilang minuto eh dumating na rin yung father. Lalo lang naging crowded sa place namin dahil may mga dumating pa after dumating ni father. Nagsimula naman agad yung mass and nakinig kami sa homily niya. Buti nga at nakapakinig ako ng maayos kahit medyo maingay sa likuran namin. Mga teenagers na nagdadaldalan and nagkukurutan (oh gosh lang talaga) dun sa likod.

 

"Magbigay tayo ng kapayapaan para sa isa't isa."

"Peace be with you, father." then yumukod lahat ng tao sa simbahan.

 

Ako naman eh nag-peace be with you rin kay father then syempre dito sa katabi kong parang ayaw magkaroon ng peace sa pagitan namin.

 

"Peace be with you." sabi ko nalang sa kanya.

"Peace be with you rin." then bigla niyang hinawakan yung buhok ka at ginulo. Ugh! Kelangan guguluhin ang buhok?

 

After nun eh tuluy-tuloy lang yung mass at kumain na rin kami ng hostia. And then, lumabas na rin agad kami sa church dahil sobrang init. Ang dami pa rin kasing tao kahit tapos na. Yung mga bata kasi pumunta pa kay father para mag-bless, pati na rin yung elders.

"Uwi na ba tayo?" tanong ko sa kanya. 

"Mamaya na. Tinatamad pa ako. Punta tyo dun!" then tinuro niya yung park. Okay. Anong gagawin niya sa park ngayong gabi?

Wala naman akong nagawa kundi sundan siya. Boss eh. Pero napahinto ako sa isang stall nung makita ko yung cotton candy. Narealize ko na ang tagal ko na palang di nakakakain ng street foods dahil lagi akong nasa restaurant dati.

"Hoy Miel!" lumingon naman ako kay Tristan nung tinawag niya ako. Ang layo na niya pala! Ang laki-laki naman kasi ng mga hakbang niya eh! 

"Wait lang may bibilhin lang ako!" then tumakbo ako doon kay manong na nagbebenta ng cotton candy. "Manong cotton candy nga po." 

"Ilan ho?" 

"Uhm.." bigla ko namang naisip si Tristan. "dalawa po."

Binigyan naman ako agad ni manong ng dalawang plastic ng cotton candy. Yung isa eh color pink then blue yung naman yung isa. Tumakbo ako doon sa park, then nakita ko si Tristan na nakaupo doon sa may swing.

"San ka galing?" 

"Bumili neto." hinagis ko sa kanya yung blue na cotton candy. Nakita ko naman na kumunot yung noo niya. 

"Para saan?" 

"Edi para kainin!" umupo ako sa katabing swing and then binuksan ko yung plastic para makain ko yung cotton candy. Pagtingin ko sa kanya, ganun rin naman yung ginawa niya.

Tahimik lang kaming kumain nun habang tinitignan yung mga taong lumalabas sa simbahan. Ang peaceful pala pag ganito.

"Miel." 

"Hmm?" tuloy pa rin ako sa pagkain at pagtingin sa mga tao. 

"Di ka talaga uuwi sa inyo?" 

"Nope." 

"Why?" 

"Wala naman. Di naman nila ako hinahanap." then tumingin ako sa kanya. "And besides, walang magbabantay sa childish at bipolar kong boss." tsaka ako ngumiti ng nakakaloko. Pagtingin ko eh nakangiti rin siya.

Well, at least di ba? Di tulad kanina na parang iiyak na siya nung nagkukwento siya about his Christmas experiences. Pero bigla rin akong nalungkot. First time ko kasing di makakasama ang family ko. Kahit naman pare-pareho kaming busy, eh di namin nakakalimutan na magsama-sama every Christmas. Yun ang turo sa amin ni Dad.

Speaking of dad, kamusta na kaya siya? I mean, okay,medyo may galit pa rin ako sa ginawa niya dahil sa biglaan niyang pag-eengage sa akin sa di ko kilalang guy, pero he's still my dad. I.. I miss him.

"Huy Miel!!" nagulat naman ako nung biglang lumakas yung paggalaw nung swing. 

"Waaahh! Hoy Tristan itigil mo 'to!!" 

"See? Di ka pala nakikinig sa akin!" sabay tulak niya ulit ng malakas doon sa swing. 

"Yaaaa!! Sorry na! Pero.. waaaaahh! Itigil mo na 'to! Pag ako nalaglag ha!!" 

"Di yan! Hahaha!" 

"Kasi naman eh!!!"

 

Pero nagulat ako nung bigla nyang itinigil yung pagtulak sa swing, at pinigilan niya pa yung paggalaw nun kaya in no time eh steady na ulit yung inuupuan ko. Paglingon ko sa kanya eh para siyang galit na ewan.

"Huy, bakit?" then tumingin siya sa akin. 

"Wala. Tara na." pero tinignan ko yung tinitignan niya kanina and I saw the reason why he's acting like that.

 

Dun sa may bench malapit sa amin, nakaupo si Hayley and isang guy. Siguro yun yung boyfriend niya ngayon. Sumunod naman ako kay Tristan na sobrang bilis maglakad.

 

"It's because of Hayley, right?" tanong ko sa kanya nung naabutan ko na siya, with effort.

"Nah." then tuluy-tuloy lang siya sa paglakad.

"But, I saw Hayley. And you're looking at her."

"You're just imagining things." tapos bumilis na naman yung lakad niya. Psh. Ang laki-laki naman kasi ng mga hakbang niya! Parang higante lang eh.

"Are you still affected?"

"No."

"Then why are you acting that way?"

 

Nagulat ako nung huminto siya sa paglalakad. Then hinatak niya ako papunta doon sa isang bench. Umaatake na naman yung pagiging bipolar niya. Kanina masaya siya, ngayon naman parang galit. Hay nako! Hotdog na bipolar! >o<

 

"Miel, please lang. Wag na nating pag-usapan si Hayley."

"Why? You still love her?"

 

Maski ako, nagulat sa question ko. Parang bigla nalang lumabas sa bibig ko. Shiz, Rimi, ang tsismosa ko lang talaga ever!

 

"Haha! Don't get me wrong. I don't love her. And.. I didn't love her. Nasaktan lang yung ego ko sa ginawa niya."

"Huh? Parang ang sakit rin kaya nun sa part niya. Na hindi mo siya minahal even though naging kayo."

"Tss. So what? See what she did? She used me. And now he's with another guy."

"But.. may reason naman siya, right?" nagulat naman ako nung bigla siyang tumayo.

"Sino bang kinakampihan mo?! Ako o siya?"

"Hala? Wala naman akong kinakampihan eh!"

"Tss. Girls." he mumbled. Then ayun, walk out ulit. Ugh.

"Hey, wait!!"

 

 

Nakakainis naman 'tong hotdog na 'to! Ang childish mag-isip! Buti sana kung mabagal siya maglakad eh! Pero ang bilis, hindi ko maabutan! Geez. At bakit ba tinotopak siya ngayon? Nakita lang niya si Hayley bigla nalang nagkaganyan. Hay. No choice naman ako kundi sundan siya.

 

"Tristan! Wait lang naman! Hey---"

 

 

*BOOGSH*

 

 

Ouch!! Ang sakit! Yung tuhod ko pati na rin yung palm ko :'( Sa kamalas-malasang pagkakataon naman oh! Nadapa pa ako. Ang sakit! Bakit ba kasi may bato dito sa dinadaanan ko?! :'(

 

 

"HAHAHAHA!! Ano ba yan Miel, tanda-tanda mo na nadadapa ka pa rin?" pagtingin ko doon sa gilid eh nandun si Tristan at pinagtatawanan ako. Ang sama niya!

"Sige tawa pa! Sana mamatay ka kakatawa!"

 

Bwisit. Pinagtawanan pa ako. Nadapa na nga yung tao eh. Ang sama talaga ng hotdog na 'to. Sana karmahin siya :'(

 

"O..ouch." shizzz!! Ahhh!! Ang sakit! I can't stand! Yung tuhod ko dumudugo na. I hate that rock! Sino bang naglagay niyan sa gitna ng daan?! :'(

"Oy, tumayo ka na dyan. Uwi na tayo." sabay talikod niya.

 

Napaiyak nalang ako doon. Sobrang sakit kasi nung pinilit kong tumayo. Natuklap pala yung balat. Pati yung palad ko ganun din yung nangyari. Pano naman ako makakalakad ng maayos neto? :'(

 

"Miel, dalian mo!!" sigaw niya pa sa akin habang naglalakad na siya pauwi.

 

Kainis!! Ni hindi man lang ako hintayin! Pinunasan ko nalang yung luha ko sa sobrang frustration. Pinilit kong iistep yung isang paa ko pero inabot pa yun ng isang minuto sa sobrang hapdi at sakit. Gosh. Bukas pa ata ako makakauwi neto sa bahay :'(

 

"Holy shit."

"Waaah!! Ano ba!!"

 

Naiirita na ako dito kay Tristan ha! Bigla-bigla na namang sumusulpot! Nagulat nalang ako nung biglang nasa harapan ko na siya then nakaupo para eye-level niya yung sugat ko sa tuhod.

 

"Miel, anong tawag dyan? Nagsisimula sa T."

 

This is it! I'm at my limit! He's really pissing me off!!

 

"Fine! Tanga na kung tanga! Tumabi ka nga dyan! Kainis ka!!" then humakbang ako pero kumirot ng todo yung sugat sa tuhod ko. Napapikit nalang ako dahil alam kong mahahalikan ko na ang lupa dahil matutumba na ako anytime. Pero nagulat ako nung hindi ko naramdaman yung lupa. Pagdilat ko..

"Hay. Pahirap ka talaga kahit kelan. Tsk. Tara na. Uwi na tayo."

"W..whaaaa!!"

"Be quiet. Ang lapit kaya ng bibig mo sa tenga ko! Wag ka sumigaw!"

"Eh bakit kasi--"

"Ambagal mo eh!"

 

Bigla kasi niya akong piniggy-back ride. Bigla di tuloy nagtinginan yung mga tao sa amin. Kasi naman eh! Napaka-attention seeker ng hotdog na 'to!

 

"Baba mo na nga ako! Andaming nakatingin! Nakakahiya! Kaya ko naman maglakad!"

"Wow ha? Kaya mo? Isang hakbang pa nga lang, halos mamatay ka na eh."

"Eh nakakahi--"

"Eh di wag mo silang tignan! Hayaan mo nalang na buhatin kita."

"Pero--"

"Oh gusto mo ilaglag nalang kita?" Bigla namang napahigpit yung kapit ko sa leeg niya. Baka kasi ilaglag niya nga ako eh!

"F..fine."

"Good. Yumuko ka nalang dyan para di mo sila makita."

 

Sinunod ko nalang yung sinabi niya. Humawak ako ng mahigpit sa leeg niya and then yumuko ako. Naaamoy ko tuloy yung pabango niya ngayon. Nakaantok yung amoy. Hindi ko alam kung gaano siya katagal naglakad, pero ang alam ko lang.. eh nakatulog ako sa likod niya sa sobrang pagod.