.

.

Chapter 31

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Saturday, November 14, 2015

"Oy. Oy oy oy oy! Miel!"

"Hmmm?" Naramdaman ko naman na parang umaalog yung cheeks ko. Pero inaantok pa rin ako eh. 

"Huuuyyy!! Gising!!" lalong umalog yung pisngi ko and this time, hinila niya pa.

"Ouch! Yah!" napadilat nalang ako nung naramdaman ko yung sakit. 

"Oh eh di nagising ka! Akala ko kelangan pa ng ibang way eh!"

"Huh?"

"Wala! Oy ipagluto mo ako ng dinner. Bayad yan sa pagbuhat ko sa'yo. Ang bigat mo kaya." sabay punta niya doon sa may kitchen. 

 

Huh! Mabigat ba talaga ako?! Lagi niya nalang yung sinasabi ha! Ang payat-payat ko na nga tapos mabigat pa rin? Psh. Tsaka ko naman naalala na nakatulog pala ako sa likod niya kanina habang naka-piggyback ride ako sa kanya. Napatingin naman ako sa paligid. Nasa sala pala ako. Binaba niya ako dito sa may sofa.

Tatayo na sana ako kaso biglang sumakit yung tuhod ko and I realized na nadapa nga pala ako. Shiz Rimi, sa lahat ng pwedeng kalimutan, yun pa talaga.

 

Teka..

 

Eh baliw pala  yung hotdog na yun eh! Pano ako makakapagluto kung hindi ako makakapunta sa kitchen?! Aish!

 

"Tristan!!!" talagang sumigaw na ako ng malakas kasi medyo malayo talaga yung kitchen eh. Ayoko namang gapangin yan dahil baka bukas pa ako makarating.

"Ohh?!"

"Hindi ako makapunta dyan!!" then wala pa sigurong five seconds eh nasa harapan ko na siya. Whoa! Flash, ikaw ba yan?

"Oh shit. Oo nga pala. Wait lang."

 

At nawala na naman siya. Tumakbo siya papunta doon sa gilid at may kinuha doon sa may cabinet sa itaas. Pagbalik niya, dala niya yung first aid kit. Napatitig lang ako sa kanya.

 

"Gagamutin mo ko?" I asked him. And I felt stupid. Rimi, it's obvious.

"Mukhang ayaw mo eh." tapos tumalikod siya sa akin at mukhang babalik doon sa pinanggalingan niya.

"W..wait lang!" bago pa siya makahakbang eh inabot ko yung kaliwang kamay niya and luckily, napahinto siya. Then I realized.. gosh, ang awkward pala! "S..sorry!" saka ko binitawan.

"See? Tatanung-tanong pa kasi eh." saka siya ulit humarap sakin at lumuhod para eye-level sila ng OA kong sugat.

 

Tinignan ko ulit yung sugat ko at parang gusto kong manghina. Ang laki niya talaga eh. Halos nacover yung right knee ko. Pero buti yung sa palad ko eh gasgas lang. In addition to that, may natanggal pa na balat. Grabe lang talaga. Ang horrible niya tignan TT_TT

 

"Pffft." tinignan ko si Tristan at nakita kong nagpipigil siya ng tawa. GRABE! Pinagtatawanan niya na naman ako! Ang sama talaga! Naku kung kaya lang manipa ngayon ng kanang paa ko eh sinipa ko na siya eh.

"Ang sama mo." sabi ko nalang sa kanya with my most serious tone. Pero imbes na ma-guilty siya, eh lalo pa siyang tumawa. And take note, tawa as in tawa like BWAHAHAHAHAHA.

"Eh kasi naman.. pffft. Hahaha! Tignan muna ang dinadaanan."

"Sorry ha! Unggoy kasi yung kasama ko nun eh. Kung saan-saang puno nagtatago!--" sabay irap ko sa kanya. "-- OUCH!!" Shiz! Bigla ba namang buhusan ng alcohol yung paligid ng sugat ko?! Ang hapdi! Super! TToTT

"Tsk. Wag ka magulo. Kadiri na nga yung sugat mo eh. Pag 'to di ko nagamot, may lalabas na tren dyan." 

"Ano ako? Bata?" sabi ko pa habang pinapaypayan yung sugat ko kasi mahapdi.

"Sabing wag magulo eh! Pag itong alcohol nabuhos ko directly sa sugat mo, tignan ko lang kung makapagsalita ka pa."

 

Dahil naka-posisyon yung alcohol sa tapat ng sugat ko eh tinakpan ko na yung bibig ko. Mamaya totohanin niyang ibuhos. Eh di namatay na ako sa sobrang hapdi. Buti sana kung kaya kong tumakbo, di ba?

After ng mala-tug-of-war na paggamot sa sugat ko eh natapos niya na rin ang paglalagay ng gauze. Halos mangiyak-ngiyak pa rin ako kasi tinethreaten niya ako every minute na papatakan niya raw yung sugat ko ng alcohol. Napakasama talaga ng ugali! Ang lakas niya mantrip!

 

"Ayan okay na yan. Ang galing ko talaga. Ang gwapo ko pa." ang kapal talaga ng mukha ng boss ko. Grabe lang.

"You wish." bulong ko sa sarili ko.

"Ano?!" Whoa! Narinig niya pa yun? Lakas ng radar niya ah?

"Wala po, SIR."

 

Tumayo naman siya at sinauli yung first aid kit sa cabinet then bumalik ulit sa harapan ko at nagcrossed-arms pa siya.

 

"Hoy Miel. Nakakailan ka na ha. Parang ikaw pa ang amo ko ah? Ako na nagbuhat sa'yo, ginamot pa kita. Oh dali, pagsilbihan mo na ako." 

 

Napanganga nalang ako sa speech niya. Wow ha? Sabi ko nga parang siya pa ang alalay ko. Haha bagay naman eh. Pero duh? Pano naman kasi ako gagalaw eh para nga akong baldado dito dahil sa bwisit na batong yun.

 

"Eh pano kita pagsisilbihan? Di nga ako makalakad." with paiyak na face kasi medyo naguiguilty nga ako. Maid nga naman kasi ako dito pero wala akong magawa ngayon. Tapos wala pa si Nay Linda kaya ako talaga ang gagawa ng lahat :'(

"Tsk. Ang tanga naman kasi ng--" before he finished his sentence eh tinitigan ko na siya ng pinakamasama kong tingin at medyo nagdalawang-isip pa siya sa sasabihin niya. "-- ng..ng bato! Ang tanga nung bato, no? Tara nga at awayin natin yung bato, tinulak ka ata eh!"

 

Hindi ko alam kung lalo lang ba akong maiinis o matatawa sa pinagsasabi niya. Pero naisipan kong magpoker face nalang para di halatang natatawa ako.

 

"So pano na dinner natin? Alangan namang ako magluto? Baka masunog pa yung bahay."

 

Napangiti naman ako bigla. Naalala ko kasi si kuya. Ganyang-ganyan din yung sinabi niya dati sa akin nung kaming dalawa lang sa bahay dahil pumunta sa Korea sila Mom and Dad and day-off rin kasi ng maids namin nun. So ang ginawa ko eh pinapunta ko si Alex sa bahay at siya ang nagluto para sa amin. Astig yun eh, galing magluto. Nagsimula akong i-ship sila ni kuya dahil dun kasi sabi ni kuya, ang sarap daw ng luto niya. Oh di ba? Nakakakilig kaya sila! And speaking of them, kamusta na kaya sila?

 

"Hoy Miel! Para kang sira dyan. Bakit ka nakangiti?"

 

Oh shiz! Nagdedaydream na naman ako. Psh. Kasi naman si kuya at Alex eh! Worse, nahuli pa ako ng hotdog na 'to.

 

"Wala PO. Hmm. Meron ka bang friend na marunong magluto? Papuntahin mo kaya dito?" suggestion ko sa kanya. Mas masarap kasi kapag lutong-bahay talaga eh. "Or kung wala, pa-deliver na lang kaya?"

"Si Hayl-- *ehem* padeliver nalang pala tayo. Ge. Tawag muna ako." sabay walkout niya.

 

Pffft. Ang cute niya. Hahaha! Sasabihin niya sana si Hayley eh. Huling-huli. Siguro nasanay na siya na kapag wala si Nay Linda eh si Hayley ang nagluluto para sa kanya. Haay, kawawang Tristan.

Hinintay ko nalang siya na bumalik dito at nagpapractice na pigilin ang tawa kasi nga parang napahiya siya. Siguro dala na rin yun na nakita namin kanina si Hayley. Napaisip tuloy ako sa sinabi niya.

 

"I don't love her.. and I didn't love her."

 

Totoo kaya yun? I mean, I know naman na tinry niya lang na pumasok sa isang relationship, pero di ba habang tumatagal eh natututunan mo rin namang mahalin yung taong yun? Or not? Ewan. Eh isa lang naman kasi yung lalaking minahal ko talaga. And now, he's gone.

 

Tsk. Rimi, enough! Lawrence na naman. Erase! Erase! Bawal malungkot kapag Christmas season!

 

"Oy, nagpadeliver nalang ako." nagulat naman ako nung bumalik na pala si Tristan. Whoa, di ko siya napansin ha.

"Okay."

 

Napangiti naman ako kasi yung tono ko eh parang ako pa yung nag-utos sa kanya. Parang ako pa yung amo sa aming dalawa. Umupo naman siya bigla sa sofa, as in biglaan kaya umalog-alog pa yung upuan.

 

"Haaay kapagod! Sumakit yung braso at likod ko! May binuhat kasi akong baboy kanina." ewan ko lang kung trip niya lang talaga ha, pero talagang tumapat pa siya sa tenga ko habang sinasabi niya yun eh. Di nalang ako nagsalita kasi iniwan niya yung alcohol sa glass table sa harapan namin. Baka maisipan niyang kunin yun kapag sinagot ko pa siya. Mental note: mukhang may phobia na ako sa alcohol.

"Tabi nga dyan, hihiga ako. Tsupi."

 

Tadyakan ko kaya 'tong lalaking 'to? Kitang di nga ako makagalaw tapos papaalisin pa ako. Siya kaya buhusan ko ng alcohol sa mukha?

 

"Tsk. Ayaw mo ha? Bahala ka."

 

Then kumuha siya ng unan at nilagay sa lap ko, sabay higa. Aba! Ano ako, higaan? Mukha ba akong part ng sofa?

 

"Waa-- ooyy yung sugat ko baka magalaw!" eh kasi naman nasa tuhod lang talga yung sugat ko eh. Natotouch ng dulo ng unan!

"Eh ayaw mong umusog eh. Bahala ka dyan." sabay pikit ng mata niya.

"Eto na nga uusog na ako oh!"

"Wala na nakahiga na ako! Papahirapan mo pa akong bumangon!"

"Eh kasi nam--"

"SHHH! Matutulog ako. Wag kang maingay."

 

Ugh. Ang hirap pala talaga pag isip-bata ang amo mo no? Wala naman akong nagawa kundi manahimik nalang at sumuko. Wala pa sigurong five minutes eh nakatulog na siya. Siguro nga napagod talaga. Ang cute niya matulog, parang bata! Hahaha! Sana lagi nalang siyang tulog. Ang haba kasi ng eyelashes niya eh. Tapos medyo naka-pout pa yung lips niya... lips...

 

 

 

OH MY GOSH. Ayoko na nga! Kung anu-anong naiisip ko. Waaah, brain please stop! Erase! Pinaypayan ko yung mukha ko kasi ang init. Ayoko na ngang tumingin sa mukha niya, nakakainis eh.

Automatic naman na kinuha ng kamay ko yung phone sa bulsa ko. Ewan, natetempt akong picturan siya. Pang-aasar ko sa kanya pag inaasar niya ako. Mwahaha! I'm so great talaga >:)

Pinicturan ko siya habang natutulog. Tsk. Pano ko pala ipang-aasar 'to kung cute naman yung photo? Baka i-praise niya lang yung sarili niya. Alam niyo naman, napaka-conceited na tao ng tender juicy hotdog na 'to. Binulsa ko nalang ulit yung phone ko. And saktong-sakto, biglang tumunog yung door bell.

 

"Uy, Tristan. Tristan. Uy!" inalog-alog ko siya pero di pa rin nagigising. Then naalala ko yung pinaggagawa niya sa akin kanina habang ginigising ako.

"Oy oy oy oy hotdog, gising! Andyan na yung food!" sinampal-sampal ko siya ng mahina tapos ang finale eh hinatak ko yung both cheeks niya.

"EEEOOOSSHHHH! EEEEYYY! MESHEEKEEEET!!!" nung nafefeel ko na gising na talaga yung diwa niya eh binitawan ko rin agad.

 

Tinuro ko yung door kasi nga kanina pa may nagdodoorbell. Bago pa siya makapagreklamo sa ginawa ko eh tumakbo na siya papunta sa labas. After ilang minutes eh pumasok na rin agad siya.

 

"Hoy Miel! Ang sakit nun ha! Problema mo?!"

"Eh ayaw mong gumising eh."

"Bakit mo pa--"

 

*Cellphone ringing*

 

Napahinto naman kami pareho. Bigla kasing nagring yung phone niya kaya binaba niya muna yung dineliver na food sa glass table at sinagot niya yung phone niya.

 

"Hello? Who's this?" bigla namang nagbago yung expression ni Tristan nung sumagot yung nasa kabilang linya. Then bigla niyang binaba yung phone at tumingin sa akin na parang galit na ewan.

"W..why?" na-curious kasi ako bigla kung bakit ganun nalang yung expression niya.

 

 

 

 

 

"My mom's coming. She's on her way. And she's freakin' mad. Shit. I'm dead." tapos bigla na naman siyang humiga sa lap ko. Now, what's with him? Ginawang tambayan ang lap ko?