.

.

Chapter 32

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Saturday, November 14, 2015

"Hoy! Tumayo ka na dyan!"

"Ayoko. Nag-iisip ako, wag kang maingay."

 

Ugh. Suko na ako. Kanina ko pa siya pinapatayo mula sa pagkakahiga sa lap ko pero ayaw niya pa ring tumayo! Yung food na inorder niya ay nasa table pa rin at di pa nagagalaw simula nung tumawag yung mom niya. Ako naman eh biglang kinabahan. I don't know pero feeling ko nakakatakot ang mom niya. Bigla kasing nagbago yung itsura ni Tristan kanina di ba? Parang nag-worry siya bigla.

 

"Ahh! Alam ko na! Tama. Ganun nalang."

"Huh?"

"Tama. Tama."

 

Oh gosh. Di kaya nasiraan na siya ng bait? Bigla-bigla nalang siyang nagsasalita ng mag-isa eh. Well, sabagay, sino ba naman ang hindi kakabahan kung biglang darating yung mom mo tapos galit pa. Pffft. Ano kayang itsura ni Tristan kapag natatakot siya sa mom niya? HAHA I can't imagine!

 

"Tara kain na tayo." then bigla siyang tumayo at binuksan yung pinadeliver naming food.

 

Kumain lang kami doon ng tahimik. Hindi nga ako sanay na tahimik siya eh. Sanay ako sa childish behavior niya at sa mga tantrums niya. Mukhang naapektuhan talaga siya sa pagtawag ng mom niya, huh?

 

*DINGDONG*

 

Pareho naman kaming nagulat nung tumunod yung doorbell. Oh shiz. I think that's her mom. Ewan ko pero bigla rin akong kinabahan. Eh syempre di ba, hindi naman ata alam ng mom niya na may maid pa dito bukod kay Nay Linda. Baka kung anong isipin niya. Hala!

 

"Shit. She's here. Miel, buksan mo yung pinto." napatingin naman ako sa kanya at hindi talaga siya natinag.

"Huh?" tinignan ko siya with my ano-bang-pinagsasabi-mo-look.

"Sabi ko buksan mo yung p--"

"Pano ko mabubuksan eh baldado nga ako ngayon!"

"Ohh. Ahhh. Sabi ko nga ako ang magbubukas."

 

Bigla naman siyang tumayo at lumabas. Grabe! Ako pa ang magbubukas ng pinto eh halos mawalan na nga ako ng kaluluwa dahil sa sugat ko! Anong gusto niya, gapangin ko hanggang labas? Ang retarded niya ngayon ha! Masyado siyang bothered dahil sa mom niya.

Maya-maya lang, pumasok na ulit siya. Then nakasunod sa likod niya ay isang magandang babae. Whoa. Is that his mom? Gosh. Para lang silang magkapatid. Actually wala nga sa itsura niya na may anak na siya eh. Hindi ko naman napansin na nasa harapan ko na pala sila.

 

"Miel, this is my mom. Mom this is Miel." tinry kong tumayo pero inabot ata ako ng isang minuto. Then saka ako nag-bow sa kanya. Siya naman, stiff lang sa position niya. Bigla akong nakaramdam ng superiority at talagang kinabahan ako ng todo. It's like I'm facing my dad when I'm at work. The aura of businessmen.

"Who is she?" sabay tingin niya kay Tristan. Gosh. Kinakabahan talaga ako sa presence niya. Nakakatakot!

"Uhm.. she's--"

"Oh well. I don't care. I'm here to know what happened between you and Hayley."

 

Then umupo siya doon sa couch na katapat ng inuupuan ko. Si Tristan naman, umupo sa tabi ko. Ugh. Bakit dito siya umupo?! Meron pa namang isang couch doon sa tabi ng mom niya eh! 

 

"Nothing happened. We just broke up."

"Really?!" napaatras pa ako nung medyo tumataas na yung tone ng voice ng mom niya. Grabe ang presence niya, nakakababa ng pagkatao >_<

"Y..yeah."

"TRISTAN! YOU!!--" then biglang tumayo yung mom niya at lumapit sa amin. OH MY GOSH! Waaaah grabe nakakatakot talaga siya! Halos nanginginig na ako nung papalapit na talaga siya sa pwesto namin! Kasi naman 'tong hotdog na 'to eh! Dito pa pumwesto! Madadamay tuloy ako! Waaah ayan na siya!!

"BAKIT HINDI MO SINABI SA AKIN AGAD?! OH MY GOSH! LET'S HAVE A PARTY!" tapos biglang tumawa yung mom niya.

"HUH?" bigla kaming nagkatinginan ni Tristan at parang pati siya ay shocked pa rin sa sinabi ng mom niya. What the heck? Anong nangyari? Asan na ang aura of superiority? Bakit parang naging isip-bata rin yung mom niya?!

"Sinong nakipag-break?"

 

Hinintay ko namang sumagot si Tristan pero hindi siya sumagot kaya tinignan ko kung anong nangyayari sa kanya. And then, ayun, nakatulala nalang. Parang nawalan ata ng kaluluwa. Haaay, kawawang hotdog.

 

"Uhm.. s..si Tristan po yung nakipag-break." ako nalang yung sumagot dahil mukhang wala na sa sarili yung katabi ko. Pero sobrang kinakabahan ako nung sumagot ako sa mom niya.

"Ohhh. At last! Akala ko hindi na siya matatauhan. I'm proud of you son! I thought ako pa ang gagawa ng way para maghiwalay kayo."

 

Bumalik ulit siya sa upuan niya and then kinuha niya yung isang slice ng pizza na inorder namin at kumain siya ng tahimik. Nakatingin lang ako sa kanya. Pero napayuko ako nung napatingin siya sa akin. Shocks! I think she saw me looking at her! >_<

 

"What's your name, hija?" 

 

Chills ran down to my spine. Shiz. She's talking to me! Waaaahh! What am I going to do?! Nakakatakot na naman siya! Wala naman akog nagawa kundi tumingin ulit sa kanya.

 

"M..Miel po."

"Work?"

"M..maid po."

"WHAT?!"

 

At napatayo na naman siya. Then pumunta siya sa harap ni ko. Uh-oh.

 

"You're pretty."

"Uhh.. hind--"

"And I think you have a perfect body."

"Uhm--"

"And you're just a maid?! You're too good to be just a maid!"

 

Waaah what should I reply?! Nahihiya na ako sa pinagsasabi niya! Tinignan ko naman si Tristan at mukhang nakakarecover na siya sa kung ano mang dapat niyang i-recover. Tumingin ako sa mata niya na parang humihingi ng tulong. 

 

"Hey mom! What are you doing?" Phew! I'm saved. Buti naman at natauhan na siya.

"Well, nagulat lang ako na maid lang siya."

"So?" tapos bigla siyang lumapit sa akin. Whoa whoa! Bakit siya lumalapit? 

"Is she your new girl?"

 

 

"NO/NO!" halos sabay na sabay kaming sumagot, and take note, pasigaw pa. Gosh. Christmas season pero ang init! What's happening, Philippines?

 

Bigla naman akong tinitigan nung mom niya. As in define titig. Madali pa naman akong maconscious sa ganyan kaya napatingin ako sa left side, pero mukhang maling move. Nasa left side ko nga pala si Tristan. Kaya nung pagtingin ko sa left, halos magkapalit na kami ng mukha to the point na nagdikit yung tips ng nose namin. 

"Sorry!" then sa right side nalang ako tumingin. Gosh! Sa lahat naman ng pwedeng mangyari, yun pa! Tapos andito pa yung mom niya! Nakakahiya!

 

"Now I know.."

 

Napatingin ulit ako sa mom ni Tristan dahil parang may sinabi siyang something pero hindi ko narinig. Then bigla siyang ngumiti sa akin.

 

"Tristan, I need a new maid. And I want her." then she pointed me. Nagulat naman ako nung tumayo si Tristan.

"No way!"

"And why is that?" then nagcrossed arms pa yung mom niya. Ayan na naman yung nakakatakot niyang aura! >_<

"'Coz she's mine! So find your own! C'mon Miel!" tapos hinawakan niya yung kamay ko at hahatakin niya sana ako kaso..

 

 

 

"I can't walk." sabi ko sa kanya. Eh totoo naman eh! Magwawalk-out nalang siya, isasama pa ako! Hindi naman kasi ako makakalakad dahil sa sugat ko sa tuhod.

"Tsk. You're really troublesome." tapos binitiwan niya yung kamay ko at..

"Hey! Wait! Ano ba!"

 

Bigla niya akong binuhat sa harap ng mom niya. Parang wala siyang pakialam pero feeling ko kung nakakamatay lang ang titig, kanina pa ako namatay. 

 

"Go home mom! Sa labas ako kakain." sigaw niya nung nasa labas na kami. Then nakita kong nasa front door na pala yung mom niya.

"Who is she to you?" nakaramdam ako ng coldness sa boses ng mom niya. I think she's serious this time. Uh oh. Pagtingin ko kay Tristan, serious rin yung expression niya.

 

WHY AM I IN THE MIDDLE OF THIS MESS? TT_TT

 

 

Then bigla nalang ulit naglakad si Tristan papunta doon sa car niya. Pero bago niya buksan, huminto muna siya at tumingin ulit sa mom niya.

 

 

 

 

"Someone who's there for me, when my parents are not around."