.

.

Chapter 33

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Saturday, November 14, 2015

"Are you insane?! Bakit mo ginanun yung mommy mo?"

"Just because."

"Adik ka ba?"

"Tss. Tumahimik ka nalang dyan, okay?"

 

Wala naman akong nagawa kundi tumahimik. Siya ang boss eh. Nasa sasakyan niya kami ngayon and hindi ko alam kung saan kami pupunta. Sabi niya before, sa labas nalang daw kami kakain. Pero parang wala naman siyang balak huminto kasi andami na naming nadaanan na kainan. Nagugutom na ako T_T

 

"Tristan, san ba tayo pupunta?" nagugutom na kasi talaga ako. Sana pala kumuha man lang ako ng isang slice ng pizza bago kami umalis.

"I don't know."

 

Dahil mukhang wala siya sa mood makipag-usap, tumingin nalang ako sa labas. Pagtingin ko, nawala agad yung bigat ng pakiramdam ko. Punung-puno kasi yung plaza na nadaanan namin ng Christmas decors. Ang ganda! Then yung mga bata sa labas, nagsisitakbuhan at nangangaroling sa mga bahay-bahay.

 

Namiss ko tuloy mag-Christmas sa bahay.

 

"What's with that face?" napalingon ako at nagulat ako nung pagmumukha niya yung bumungad sa akin. Then saka ko napansin na nakahinto na pala yung car. Shiz. That means kanina pa ako wala sa sarili ko. Akala ko nasa byahe pa rin kami.

"Tara na. Nagugutom na ako." sabay baba niya sa sasakyan.

"HOY! TRISTAN! SANDALI! HOY! HOTDOG!!"

"Ano?!" what's with this guy? Siya pa talaga ang galit?

"For the nth time around, I can't walk." sabay groan ko. Kainis. Bakit ba lagi niyang nakakalimutan? Pang-ilan na yan ha! Kasi naman, sinama-sama pa ako eh! Imbes na kumakain nalang ako doon sa bahay, may pabuhat-buhat pang nalalaman. Psh.

"Tsk. Wait here. Dito nalang tayo kakain sa kotse. Magtetake-out nalang ako." then umalis na siya ng tuluyan. Okay fine. Kesa naman buhatin niya pa ako sa loob. No thanks, dude. That's so humiliating.

 

Dahil mukhang matatagalan siya, binuksan ko nalang yung bintana and tumingin nalang ako sa labas. In fairness, andami pa ring tao kahit medyo gabi na. Sabagay, Christmas vacation naman. Sinusulit siguro nila. Nagtingin-tingin lang ako sa paligid and somehow, namiss ko yung family ko.

 

"Tulala na naman?"

"H..ha?"

 

Nagulat ako nung nasa harap ko na pala si Tristan. Then may dala siyang plastic bag. Pumasok naman agad siya sa car and then binigay niya sa akin yung part ko. At dahil gutom na gutom na ako, kumain agad ako nung nahawakan ko yung food.

 

"Sorry." bigla naman akong napatigil sa pagkain nung nagsalita siya.

"For what?"

"Sa nangyari kanina."

"Ahh yun ba? That's okay. Ang cute niyo nga ng mom mo eh." bigla naman niya akong tinignan at parang nagtaka sa sinabi ko. 

"That? Cute? Geez. My mom's a monster!"

"Grabe naman 'to! Ang ganda kaya ng mommy mo! Pero sabagay, nakakatakot siya."

"Tsk. Wag mo na nga ipaalala. Nawawalan ako ng gana eh." then bigla siyang nag-shiver. Pffft. Mukhang takot talaga siya sa mom niya. Ang cute lang. Haha.

 

Tumingin nalang ulit ako sa labas para feel na feel ko ang pagkain. Pero halos maibuga ko lahat ng laman ng bibig ko nung may nakita ako sa tabi namin. Napatingin agad ako kay Tristan at napatigil siya sa pagkain dahil siguro ang weird na ng itsura ko.

 

"Hoy, ayos ka lang? Nabulunan ka ba? Huy!" dahil andami pang laman ng bibig ko, pinilit kong lunukin nalang lahat yun and then saka ako huminga ng malalim.

"Let's go! Alis na tayo! Please!"

"Ha? Bakit?"

"Basta!"

 

Kinukulit ko na siya na umalis kami pero ayaw pa raw niya kasi di pa siya tapos kumain. Ako naman, sobrang nagpapanic na kasi nasa tabi lang talaga namin yung car. Shiz! Of all places! Bakit dito pa?! 

 

"Let's go?"

"Sure."

 

Nagulat ako nung biglang bumukas yung door ng car na katabi namin dito sa parking area. And I'm freakin' right. That's his car.

 

That's Lawrence's car.

And he's with his wife.

 

Napatulala nalang ako sa kanila. I don't know pero I feel nostalgic nung nakita ko ulit yung mukha ni Lawrence. And eto na naman. Bumibigat na naman yung pakiramdam ko. Hindi ko pa rin kasi matanggap, at di pa rin ako makapaniwala na may asawa na siya.

 

"Hoy Miel? Ano bang nangyayari sa'yo?" napatingin ako bigla kay Tristan at bigla kong natakpan yung bibig niya dahil ang lakas ng boses niya. Pano kung marinig nila kami?!

 

 

 

Tinignan ko ulit silang dalawa na nasa right side lang namin. And I saw him...

 

 

 

looking at me.

 

 

 

Biglang bumilis yung tibok ng puso ko. As in parang nagmalfunction yung circulatory system ko. Shiz. No way.

 

"R..rimielle?"

 

Pagkarinig na pagkarinig ko nun, lalong bumigat yung pakiramdam ko. And I know, anytime eh tutulo na yung luha ko. He's calling me. Lawrence.. is calling me :'(

 

Pero hindi ako nagpadala sa emosyon ko. I fought back. Umiwas agad ako ng tingin at tumingin ulit ako kay Tristan.

 

"Please! Let's get away from here. Please?"

"Huh? T..teka, bakit ba kas--" napatingin ulit ako sa side nila Lawrence and I saw him walking towards us. Lalo lang akong kinabahan nun. I don't know what to do. Ayoko muna siyang makita ngayon. Lalong-lalo na at kasama niya yung asawa niya. I'm sure I can't handle that.

"Please Tristan! Sige na! Umalis na tayo! Please!"

"What are you--"

 

Dahil mukhang ayaw makinig ng hotdog na 'to sa akin, wala akong nagawa kundi gawin 'to sa sarili ko. Sa sobrang pagpapanic ko sa pwedeng mangyari dahil malapit na sa amin si Lawrence, napatayo ako sa upuan ko kahit sobrang sakit ng tuhod ko at nagcross-over ako sa may driver's seat.

 

"H..hey! Whoa! Miel!--"

 

Bago pa makapagreact si Tristan ay pinaandar ko na kaagad yung sasakyan papalayo sa place na yun. Hindi ko nga alam kung imagination ko lang ba or what, pero feeling ko sinigaw pa ni Lawrence yung pangalan ko.

 

Tuluy-tuloy lang ako sa pagdadrive at parang wala akong naririnig sa paligid ko. Ang alam ko lang, naiyak na ako nung mga panahong yun. I don't know.. I just want to cry. Ang bigat kasi eh. Sa lahat naman kasi ng pwedeng makita, yung ex-boyfriend mo pa na may asawa na :'(

 

"A..are you alright?" nagulat naman ako nung narinig kong nagsalita si Tristan. Tsaka ko na-realize, nakahinto na pala yung sasakyan sa may isang tabi. And saka ko lang rin narealize na nakakandong pala ako sa kanya since pinilit kong umupo sa driver's seat.

"Y..yeah." pero pagkasabing-pagkasabi ko nun, naiyak lang ako lalo.

"W..whoa, whoa. Are you crying? Shit." humarap ako sa kanya at parang nagulat siya sa itsura ko. Siguro dahil para akong gusgusin dahil sa pag-iyak ko.

"S..sorry." pinunasan ko nalang yung luha ko pero naiiyak pa rin talaga ako, and this time, humahagulgol na ako. Tumayo nalang ako para bumalik na sa seat ko dahil nakakahiya at nakaupo pa ako sa lap niya, pero nagulat ako nung hinatak niya ako pabalik at bigla niya akong niyakap.

 

 

 

 

"Hindi ko alam kung bakit ka umiiyak, but.. I'll lend you my shoulder for you to cry on." pagkasabing-pagkasabi niya nun, napahagulgol lang ako lalo at yumakap na rin ako sa kanya.

 

I don't know kung hanggang kelan ako umiyak, pero ang alam ko lang, sobrang maga na nung mata ko nung tumigil akong umiyak. And after that, I fell asleep on him.