.

.

Chapter 34

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Saturday, November 14, 2015

Nagising ako bigla dahil parang naalimpungatan ako or something. Then pagtingin ko, nasa loob na ako ng kwarto.. wait.. bakit ako nasa loob ng kwarto.. huh? Teka.. 

This is Tristan's room!

Anong nangyari? Teka nga, sa pagkakaalala ko, kumakain kami sa loob ng car niya and.. oh yeah. I saw Lawrence. A..and he saw me.

"Good. You're awake."

"Haaaaaaaah!!" I immediately pulled the comforter para takpan yung katawan ko dahil nagulat ako nung may nagsalita sa bandang gilid ko. Then nung tinignan ko, he's sitting beside the bed. Kanina pa siya nandyan?! Bakit di ko siya napansin?

"Hoy Miel, tumabi ka na dyan. Namimiss na ako ng kama ko oh! Isa't kalahating araw ka nang nakahiga dyan! Tabi na!" tapos bigla siyang umakyat sa may kama.

"Wait! I..isa't kalahating araw? I slept that long?!"

"And you slept on my bed that long." sabay tingin niya sa akin ng masama. Aba! Sinabi ko bang dalhin niya ako dito sa kwarto niya?! Baluga pala 'tong hotdog na 'to eh! Kung makasisi! 

"Pero.. seriously? One and a half day? Wow! That's my longest sleep!" nakaka-proud pala matulog ng ganun kahaba! 

Nagulat naman ako nung bigla siyang lumapit sa pagmumukha ko sabay hawak sa dalawa kong balikat. O..okay. What is he planning to do?

"W..what?" tapos bigla niyang nilagay yung palad niya sa may noo ko tapos nilipat niya sa noo niya.

"Good. Wala ka ng lagnat.
Kaya, tumabi ka na dyan. Gusto ko na matulog. Pinuyat mo ako." then bigla nalang siyang nahiga at nagtalukbong na ng comforter.

Now what was that? Huh? Nagkalagnat ako? Talaga? Weird. Bakit parang di ko naman naramdaman? Kaya pala nakatuloh ako for one and a half day. Di kaya nilagnat ako nung nakita ko si Lawrence? Hala? Baka nagkaroon ng exothermic reaction yung katawan ko nung nakita ko siya! Wait.. What am I saying? Shocks. Nababaliw na ata ako.

Pero hindi naman panaginip yun di ba? I mean.. he did see me. Ano na kayang ginagawa niya ngayon?

*POKE*

"Waaaaahhh!"

Shiz! Bigla akong napalundag nung naramdaman kong may nag-poke sa tagiliran ko! The heck?! Tumingin ako sa likuran ko at nakita ang isang nilalang with his evil smile habang nakahiga at nakatakip ng comforter. What's wrong with this hotdog?! Akala ko ba inaantok siya?! Ang bipolar talaga ng lalaking 'to.

"Pffft. Miel, naiimagine ko yung pagmumukha mo nung isang araw." tapos pinigilan niya pa yung tawa niya pero tumawa pa rin naman siya.

"Huh?" Nababaliw na naman siya. Bigla-bigla nalang tumatawa. This is getting scary. At ano na naman bang pinagsasabi niya?

"Itsura mo kasi nun. Para kang sinapian. Mukha kang ewan. Para kang nakakita ng multo."

"Yeah. A ghost from my past." sabi ko nalang sa kanya at umalis na ako doon sa kama niya.

Nung naglalakad na ako, saka ko napansin na.. nakakalakad na ako! Oh my gosh, mukhang tuyo na yung sugat ko! Ang galing! Grabe namiss ko ang pagiging homo sapiens sapiens ko at ang aking bipedalism T__T Hooray to me!

Pero napahinto ako sa paglalakad at napatingin ulit kay Tristan. Pagkita ko, nakapikit na siya at tulog na tulog na. Mukhang napuyat nga talaga siya sa kababantay sa akin.

Bumaba nalang ako, though medyo mabagal pa rin due to my wound, at nagpunta sa kusina. Dahil wala si nay Linda ngayong Christmas break, ako ang responsible sa bahay ngayon. And that includes cooking. Huhuhu isa pa naman 'to sa kahinaan ko.
Ang konti palang ng natuturo sa akin ni nay Linda eh!

Gusto ko sanang magluto. 5 PM na kasi ngayon at maya-maya eh dinner na. Pero bigla kong naisip na ang kadiri ko na pala dahil 2 days na akong di naliligo, kaya dumiretso muna ako sa kwarto namin ni nay Linda at naisipang maligo.Then after that, tumayo na naman ako doon sa harapan ng salamin. Then nagpajamas nalang ako para medyo maluwag doon sa part ng sugat ko. In fairness naman kasi, medyo masakit pa rin.

Dumiretso ulit ako sa kusina at nag-isip kung anong pwedeng iluto. Gusto ko sanang mag-steak kaso di ko alam yun lutuin. Then biglang may sumagi sa utak ko.

Tama! Bakit ba hindi ko yun naisip?!

Kinuha ko agad yung phone ko doon sa may dining table at tinawagan ko si Alexa. After three rings eh sinagot niya agad.

"Rimi? OMG! I miss you! Tagal mong di nagparamdam ha!"
"Grabe OA naman Lex! 2 weeks lang yun ha!" adik talaga ng babaeng 'to. Namiss ako masyado.
"Tagal kaya nun! You know naman na I'm clingy di ba? Haha! Yuck ang kadiri ko na ba?"

"Seriously, wag kang ganyan kinikilig ako! Haha! Tsk! Wag ka na nga, baka magselos si kuya sa akin!" wala lang, trip ko lang ipasok si kuya sa usapan dahil number 1 fan ako ng loveteam nila!

"Hala? Bakit naman napunta kay Rimjae ang usapan?" OMG kinikilig ako! Hahaha! Binaggit niya name ni kuya! Grabe! Kinikilig talaga ako!

"Lex! Please, ligawan mo na si kuya! Hahaha!"

"Baliw! Kadiri Rimi! Ayan ka na naman eh! Tsaka ayoko sa kuya mo, lagi siyang nambubwisit!"

"Ayaw pang aminin eh! Kiligin ka nalang kasi sa kanya. He has sweet bones naman eh. Tsaka he's hot and cool at the same time kaya! Dali na! Para naman maranansan kong magfangirl ng todo!"

"Ano bang tinira mo ngayon at ganyan ka kabaliw? Pero grabe, namiss talaga kita! At bakit ka nga pala napatawag?"

Ay shocks! Oo nga pala magtatanong ako sa kanya!
Nawala talaga ako dahil sa pagfafangirl ko sa kanila ni kuya. Eh kasi naman eh! Bagay naman talaga sila, ayaw lang nilang tanggapin sa isa't isa T_T 

"Lex! I have a question pala--"

"Okay, pero wag about kay Rimjae! Nakakasulasok eh."

Bigla nalang akong napasigaw dahil sinabi na naman niya yung name ni kuya! Grabe ang pusong fangirl ko ay nagdidiwang! OMG! Hahaha!

"Lex tama na! Kilig overload na ako sa inyo!
Hahaha!"

"Ay naku ewan ko sa inyo! Pati si tita ganyan rin!
Namana mo ba yan sa mommy mo? Mga adik talaga kayo forever."

"OMG! Talaga?! May basbas na rin kayo ni mommy? Takte mas lalo akong kinilig!"

"I swear, pag nagkita ulit tayo, tatadtarin kita ng pukpok sa ulo! Ano na nga kasi yang tanong mo?"

Tumawa muna ako ng maraming beses dahil feeling ko eh kinikilig rin yang si Alex deep inside. Isn't she cute? Hihi kinikilig talaga ako sa kanila eh, bakit ba! At least pati pala si mom, eh napapansin na bagay sila.

"Lex, okay, mapunta na tayo sa mismong reason na tumawag ako. Uhm, teach me how to cook naman oh! Please?"

"Oh. Yun lang ba? Akala ko naman kung ano! Eh di ba andyan naman yung si manang Linda? Siya yung tagaluto dyan, di ba?"

"Eeehhh yun nga kasi. She's not here right now. I mean, umuwi siya sa province nila for Christmas vacation kaya kaming dalawa lang ni Tristan dito."

Bigla namang tumahimik doon sa kabilang linya.
Then after 10 seconds eh nakarinig ako ng tili. Shocks! Yung tenga ko! >_<

"Oh my gosh Rimielle Jung! Kayong dalawa lang nung Tristan dyan?! Oh my gosh oh my gosh! Now it's my time to be a fangirl! Hahaha! Feeling ko may bago na akong OTP para sa'yo! Kinikilig ako ngayon, you know? Tara nga dito para may mahampas ako!"

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o super matatawa sa kanya. Ang baliw rin talaga ng babaeng 'to eh. Kung anu-ano na naman ang pinagsasabi! Kinikilig? Bakit naman siya kikiligin!

"Hoy Alexandra Ong, wag kang issue! Maid ako dito! You're insane."

"Maid to love him? Ay shiz! Ang corny ko! Pero you know what, I really wanna meet that Tristan guy."

Bigla na naman akong napangiti.
Eh kasi naman, sinabi rin yun ni kuya dati eh. Shocks, soulmates talaga sila :''> 

"Ay naku Lex, tama na nga 'tong fangirling session natin. Cooking session naman! Kelangan ko siyang ipagluto eh." pagkasabing-pagkasabi ko nun eh sumigaw na naman siya! Baliw-baliwan na naman talaga si Alex!

"Alam mo Rimi, ngayon nalang ulit ako kinilig sa lovelife mo. Huling kilig moment ko tungkol sa'yo eh yung nanligaw sa'yo si Lawrence.. oh sorry, bad word."

Nagbago naman bigla yung mood nung binanggit niya yung name ni Lawrence. Ano ba yan :|

"Speaking of him.. you know what.. I think.. I think he saw me yester-- I mean, the other day. Gosh."

"WHOA! Wait.. as in, he saw you?! Where?! Teka.. nag-usap kayo?!"

"No.. no. Syempre I ran away. You know naman na ayoko pa siyang makausap. And besides, he's with his wife that night. Baka kung ano lang ang mangyari if nag-usap kami."

"Grabe ang intense. Pero alam mo, I'm starting to hate that Daphne. My gosh! Akala naman niya ang ganda ganda niya! Eh mas maganda pa nga ako sa kanya! Alam mo bang nung nagkita kami ni Lawrence accidentally eh tinarayan niya ako dahil binati ko si Law? Di ba? Ang kapal ng face! Pati ba naman simple greeting sa husband niya, binibigyan niya ng meaning? Akala mo naman mahal siya ni Lawrence. Tss."

 

Biglang bumigat yung pakiramdam ko. I dunno. Mabigat lang talaga sa kalooban. Tapos yung si Daphne pa. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin talaga maimagine na married man na si Lawrence :(

 

"Tapos si Lawrence, hinahanap ka pa rin sa akin weekly. Hindi ko na nga alam kung anong mga palusot ang nasabi ko sa kanya para tantanan niya ako eh. He saw your car kasi sa garage ko. Naku Rimi, I think you should talk to him as soon as possible."

 

I know. And I want to, pero feeling ko talaga hindi pa ito yung time. I mean, look at the situation. He's newlywed. Ayoko namang sirain yung buhay nila. Hindi naman ako ganun ka-desperate. And I know naman na kasalanan ko na bumitaw siya sa akin dahil ako ang unang nang-iwan. Even though it's not intentional :'(

 

"Yeah. I'm planning to. Pero Lex, thank you talaga ha? For keeping my secret. For supporting me. And for being my best best best friend." naiyak nalang ako bigla. Siguro kung wala si Alexa, hindi ko na alam kung anong gagawin ko :'(

"Ano ka ba, wag ka ngang magdrama! Pag ako naiyak dito ha! Oh sige na, ano ba kasi yung lulutuin mo? Masyado na tayong nadidivert sa ibang topics."

 

Oo nga pala. Pagluluto lang talaga ang intention ko sa pagtawag sa kanya pero kung saan-saan na napunta.

 

"Uhm, beef steak? Madali lang ba yun?"

"Ay, oo naman! Okay, slisten to me."

 

Inisa-isa naman niya yung mga gagawin at ako naman eh sinunod yung mga pinagsasabi niya. Kinuha ko na rin yung earphones ko para free yung dalawang kamay ko habang nag-iinstruct siya. Medyo nagkakamali pa nga ako sa iba niyang sinasabi, pero buti nalang at dinodouble check niya yung mga pinaggagawa ko. And then after 2 hours, nakita ko ang outcome ng aking paghihirap.

 

"OMG Alex, mukha siyang beek steak! Huhu! Congratulate me! Nakapagluto ako ng beef steak!" promise, gusto ko talagang maiyak sa achievement na 'to. Super saya sa pakiramdam!

"Huy Miel, sinong kausap mo dyan?"

Halos mapatalon naman ako nung makita ko si Tristan sa may kitchen habang nagkukusot pa ng mata. Tapos ang gulu-gulo pa ng buhok niya.
Aga naman niyang nagising! 2 hours palang tulog niya ah?

"Ohhh. I heard his voice. Sige na babae, babye na! Asikasuhin mo na yang BOSS mo. Hahaha! Mwah!"
then nag-end na yung tawag. Adik talaga yung si Alex! Kung anu-anong pinagsasabi! Binabaan pa ako! Bastos na babae!

"Whoa. Nagluto ka? Baka naman poisonous yan ha." Tinignan ko siya ng masama. Kita mo 'tong lalaking 'to, pinagluto ko na nga, nagreklamo pa! Psh. 

"Of course not! Nag-effort ako dito ha!" sabi ko nalang sa kanya habang naghahain ako. 7:30 PM na rin kasi and gutom na rin ako.

"Fine. I'm gonna judge it." saka siya umupo doon sa chair niya at naglagay ng rice at yung ulam na niluto ko sa plate niya. Ako naman, naghintay sa judgement niya. Hindi ko na rin kasi na-assess yung lasa kasi dumating agad siya. Please, I hope it turned out nice! >_<

"Hmm... Miel.." bigla akong kinabahan kasi naka-poker face lang siya.

"Kelan ka pa natutong magluto?" napatingin lang ako sa kanya.

"So..does that mean.. masarap?"

"Sige na nga. Masarap na."

Psh. Parang pilit lang yung pagkakasabi niya ah? Pero sabi niya naman masarap eh, so that means marunong na akong magluto! Yay! Ibabalita ko 'to kay nay Linda!

Nagulat naman ako nung bigla siyang tumigil sa pagkain.

"Shit." tapos para siyang nakakita ng multo. Hala akala ko ba masarap yung niluto ko? Bakit siya napamura? T_T

"B..bakit?"

"Di tayo nakapagsimbang-gabi."

"Huh?"

Napatulala nalang ako. Akala ko naman kung ano na yung problema niya. Yun pala eh yung completion ng simbang gabi.

"Shit talaga." nakakatawa talaga yung face niya. Pffft. Para siyang naagawan ng candy! Hahaha! Problematic masyado yung expression eh!

"Okay lang yan." napatawa pa ako nun kasi nakakatawa talaga yung facial expression niya. Kulang nalang eh umiyak siya.

"But.. how about my wish? Ugh."

"Eh? Para lang dun?" so yung wish niya pala yung pinoproblema niya?

"Of course!"

"What's your wish ba?" then bigla siyang napatingin sa akin.

"Why? Can you grant it?"

I don't know why pero bigla akong kinabahan. I really don't know kung anong nangyari. Parang may something doon sa way ng pagkakasabi niya. Or naghahallucinate na naman ako?

"I..I don't know. Hindi naman ako genie para maggrant ng wish no." sabi ko nalang. Gusto ko rin naman kasing matupad yung wish ko this Christmas pero..
 

"Well how about me? I can grant your wish..." nagulat kami sa nagsalita sa likuran namin at talagang napatakbo pa ako sa side ni Tristan kasi natakot ako. Sino ba namang hindi magugulat kung bigla nalang may nagsalita, knowing na dalawa lang kayo sa bahay, right? >_<

Then pagtingin ko..

"Hi son!"
"M..mom?!"

It's his mom. And worst..

"Right! Your pretty mom! And starting tonight, I'm gonna live with you!" then pinakita niya sa amin yung 2 maleta na dala-dala niya.

Hindi ko alam kung anong irereact ko, pero ang alam ko lang..

Starting from today, feeling ko madadagdagan na naman ang sakit sa ulo ko.