.

.

Chapter 37

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Saturday, November 14, 2015

Christmas eve.

 

And I am here, nilalamok at amoy usok na.

 

"Dalian mo dyan, Miel! Marami pa 'to!"

"Wait lang may nakasalang pa eh."

 

Ang kulit naman kasi ng hotdog na 'to eh! Siya kaya ihawin ko? Gosh. May mga nakasalang pa kasing barbeque at mga kalahi niyang hotdog, tapos pinipilit niyang pagkasyahin yung next batch. Buti sana kung siya yung nauusukan at nagiging mabaho!

Tapos medyo malamok pa naman dito sa labas. Dito kasi kami nag-iihaw. Maliwanag naman eh. Tsaka yung iba naming kapitbahay ay nasa labas ng mga bahay nila dahil nag-iihaw rin sila. Then may mga nangangaroling rin pero tinataboy ng hotdog na 'to. Sama ng ugali!

 

"Di pa ba luto yan? Tagal naman! Ako na nga dyan! Baka mamaya sinusunog mo na yan!" saka niya inagaw sa akin yung fan na hawak ko. Okay?

 

Tumayo nalang ako sa gilid niya habang nagpapaypay siya dun. Then kinuha ko nalang yung ibang hotdog at barbeque. Tinuhog ko nalang sila para ready na pag tapos na yung iniihaw.

 

Bigla namang tumunog yung phone ko kaya tinigil ko muna yung ginagawa ko. Pagtingin ko kung sino, naexcite ako bigla.

 

"Oh my gosh! Nay Linda! Kamusta ka na?!" napatayo pa talaga ako sa sobrang excitement. Tapos nagulat ako nung may sumulpot sa likuran ko.

"Talaga? Si manang yan?!"

"Oo nga!" tsaka bakit ba siya sa likod ko sumulpot?

 

"Oh mga anak, mukhang nag-eenjoy kayo dyan ah? Tumawag lang para mangamusta." tapos may narinig akong mga nagtatawanan sa background. Pero ang ikinagulat ko ay yung may dumampi bigla sa pagmumukha ko. Yun pala, dinikit ni Tristan yung tenga niya sa cellphone ko. Tapos nakadikit rin yung mukha niya sa mukha ko. Hindi ko alam pero nagpanic ako bigla.

 

"W..whhaaa! Wait lang!"

"Bakit Miel anak?"

"Teka ila-loud speaker ko nalang!" saka ko pinindot yung button. Phew!

 

"Anong problema mo?" sabay kunot pa ng noo niya. Gosh, kung di ba naman niya ginawa yung kanina no! Ang awkward kaya!

"Wala PO."

 

After nung kumustahan namin, bumalik naman agad kami sa pag-iihaw. Kaso parang baliw 'tong Tristan na 'to kasi pinapapunta niya yung usok sa side ko! Napaka talaga! Tuhugin ko rin siya eh!

 

"Ya! *cough* wag kasi *cough* dito!!"

"Hahaha! Ayaw mo nun, para mukha kang nasa langit!"

 

Psh. Isip-bata talaga! Sinong matinong 22-year old guy ang mag-iisip na ang usok ay mukhang langit? Siguro wala 'tong childhood.

 

"Yaaaa!!" ayaw niya talaga tumigil. Grabe namumula na yung mata ko doon. Kahit saang pwesto ako pumunta doon niya pinapaypayan yung iniihaw niya kaya pumupunta sa akin yung usok. Napakasamang hotdog nito.

 

After ng pakikipagsapalaran ko sa usok, naligo na agad ako. Tapos na rin kasi kaming mag-ihaw. Nakakahiya nga kasi yun lang ang kaya naming gawin. Well, bukod doon sa desserts na pinagpatung-patong lang. Pero nakakatuwa lang kasi yung ibang kapitbahay namin ay nagbigay ng ibang food. Alam daw kasi nilang wala si Nay Linda para i-assist si Tristan. Kaya ayan, maraming pagkain sa bahay!

 

Habang nag-aayos ako sa kwarto namin ni Nay Linda, narinig kong nagring yung phone ko kaya sinagot ko kaagad.

 

"Rimi!! OMG! Merry Christmas!" saka ko narinig yung pagsigaw-sigaw niya doon.

"Merry Christmas rin Alex! Haha! Asan ka? Bakit ang ingay? Bar? Lasing ka ba?" ang baliw lang talaga ni Alex. Ang ingay niya! Haha! Feeling ko lasing na 'to.

"No, no, no. I'm not drunk *hik*, okay? I just want to greet you. And I really want to-- hey, hey! Teka akin na yan--" bigla namang nawala sa linya si Alex then may narinig akong bagong boses sa kabilang linya.

"Pagpasensyahan mo na yang kaibigan mo, daming nainom. By the way, how are you?" ewan ko pero napangiti ako at napalundag nung nagsalita siya. Kinikilig ako!

"Oppa! OMG magkasama kayo ni Alex? Wait! Are you guys dating? Sa bar? Oppa, binata ka na! Hahaha!"

"Nababaliw ka na naman, Rimielle. Nandito kami ngayon sa bahay. May Christmas party kasi yung company, and dito na sila nagcecelebrate."

 

Pagkarinig ko nun, biglang bumigat yung pakiramdam ko. Buti pa sila, magkakasama. Even if I want to go home, hindi ko rin naman alam kung anong gagawin ko dun. I know na galit pa rin sa akin si daddy dahil sa ginawa kong paglalayas at hindi pagsunod sa kanya.

 

"I bet dad's happy 'coz I'm not around."

"Oh c'mon, don't say that. They are worried about you. And mom wants to see you. Namimiss ka na daw niya."

 

Napaluha nalang ako. I really miss them. I miss my family. Pero nahihiya talaga ako sa kanila, after what I've done. Binigyan ko sila ng kahihiyan. Lalo na si daddy.

 

"Sige na iyaking princess. Merry Christmas. I am hoping to see your smiling face again. Love you." he really knows how to make me smile.

"Kamsa, oppa. Nado saranghae." (Thanks, brother. I love you, too.) then binaba na niya yung linya.

 

Nakatulala lang ako for about five minutes. Hindi ko na alam kung ano yung dapat kong gawin. I wanna spend my Christmas with my family, but I can't. And besides, ayoko namang iwan dito si Tristan dahil baka mamatay siya sa lungkot.

After that, nag-ayos nalang ako ng itsura ko. Nilugay ko lang yung buhok ko tapos sinuot ko yung dirty gold kong damit. Pagkatapos nun, bumaba na ako at pumunta doon sa may garden kung nasaan yung lalaking tuwang-tuwa sa usok kanina. Pagtingin ko, may kausap pala siya sa phone.

 

"Fine. Yeah. Bye." pagkababa niya nung phone ay napatingin agad siya sa akin, tapos magkasalubong pa yung kilay niya.

"What?" eh kasi kung makatingin eh!

"My mom called. And she said you're going to be my personal assistant. What the heck is going on?"

 

Oh shiz! Oo nga pala! I need to help or assist Tristan or else my secret will be revealed. Naman oh! Bakit ba ganun yung mom niya? Napakamali ng timing? Andami-dami ko na ngang iniisip ngayon, dadagdag pa yan. Huhu.

 

"A..ahm, ano kasi.. di ba I rejected her offer na maging maid niya? So she offered me another option. Ayun daw, uhm, personal assistant nalang daw sa office mo."

 

Wow. Bravo, Rimi. Where did I get that?

 

"Ohh. Sabagay, sabi niya nag-resign na daw yun assistant ko. Di pa pala ako pumapasok ulit kaya di ko alam." kasi di pa makapag-move on kay Hayley. Hahaha! Sarap niya sana asarin kaso baka kung ano na namang gawin niya.

Lumapit ako sa kanya and tinulungan ko nalang siyang magligpit nung mga ginamit namin kanina sa pag-iihaw. Then naalala ko na tumawag nga pala yung mom niya.

"So, binati ka ba ng mom mo? I mean, like, Merry Christmas! Mga ganun?" pero pagkatanong ko nun, bigla nalang siyang naging down at natahimik nalang siya doon. "So that means, no?" at hindi na naman siya sumagot.

 

Nalungkot naman ako para sa kanya. Alam niyo yung ganung feeling? Yung nag-eexpect ka na babatiin ka nila tapos hindi? Feeling ko ganun yung nararamdaman niya ngayon. At hindi talaga ako sanay na ganyan siya. Yung tahimik at walang kibo. Mas gusto ko pang makita yung bipolar, childish, baliw at masungit kong boss. Ayoko namang maging gloomy pareho ang Christmas namin.

 

"La la da da da"

 

Napatingin naman siya agad sa akin at ngumiti nalang ako sa kanya. We should me merry this Christmas.


"The mood is right
Spirit's up
We're here tonight
And that's enough
Simply having wonderful christmas time
Simply having wonderful christmas time"

Naalala ko, lagi ko 'tong pinapakinggan pag Christmas. Eto yung laging tugtog namin ni kuya kapag malapit na mag-Christmas.

Si Tristan, biglang umupo sa damuhan habang nakatingin sa akin, at aba! Nakangisi ang loko. Psh. Sabi na nga ba dapat di ko nalang yun ginawa. Baka pagtawanan na naman niya ako mamaya!

"Hoy Miel, ituloy mo. Nagperform perform ka dyan tapos di mo tatapusin?" demanding pa? He should be thankful na pinapasaya ko siya.

"Okay, Mr. Bipolar hotdog!" saka ko siya inirapan. Inisip ko naman kung saan ako tumigil na part, at kumanta nalang ulit.

 

"The party's on
The feeling's here
That only comes
This time of year
Simply having wonderful christmas time
Simply having wonderful christmas time"

 

Pati ako natatawa sa pinaggagawa ko. Bigla kasing in-on ni Tristan yung speaker na nilabas niya kanina. Tapos tumugtog doon yung kinakanta ko kanina. Eh di sinabayan ko nalang. Masyado kong feel ang pagpeperform at nagsasayaw na rin ako kahit mukha akong uod na tinadtad ng asin. Yuck! Di naman kasi ako marunong sumayaw! Tapos etong hotdog na 'to, gumugulong na sa damuhan sa kakatawa! Ang sama talaga ng ugali T__T

 

"Hahaha! Miel tama na ang sakit sa mata! Pffft. Hahaha!"

"Ang kapal! Kala mo marunong kang sumayaw ah?!"

"Oh yeah? Watch me." saka siya tumayo doon sa kinauupuan niya.

 

"The choir of children sing their song
They practiced all year long
Ding-dong, ding-dong, ding-dong, ding-dong
La la la la la...

Yeah
Simply having wonderful christmas time
Simply having wonderful christmas time"

 

Nung una kaya ko pa eh, pero wala, halos sumabog rin ako kakatawa kasi ang ganda ng boses niya pero nung sumayaw na siya.. nakakadiri! Hahaha! OMG! Mas malala pa siya sa akin! Para siyang nasasaniban ng espiritu ng parehong kaliwa ang paa at malanding bulate!

 

"Tristan, tama na! Hahahaha! I give up! Mas magaling ka na!" pero patuloy pa rin siya sa pagsayaw. Pffft!

"I told you, I'm a natural dancer. Oh yeah!"

 

Sa sobrang lakas ng tawanan namin, yung ibang dumadaan-daan ay napapatingin sa loob. Kahit yung mga batang nangangaroling, tinatawanan si Tristan. Hahaha!

 

For a moment, nakalimutan kong may mga problema ako. Nakakaalis rin pala ng stress ang pagiging baliw, no? I feel like my old self again. Yung masaya. Yung wala masyadong pinoproblema.

 

 

 

I guess, I'll be the old Rimielle for this night.