.

.

Chapter 38

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Saturday, November 14, 2015

"Merry Christmas!" sumigaw talaga ako nang malakas. 12:01 na kasi. And nakakatuwa lang dahil ang lively pa rin ng subdivision. Yung iba, sa tapat ng bahay nila kumakain. Yeah, sa labas, para daw feel na feel nila ang simoy ng hangin. Syempre kami, sa garden rin kahit medyo malamok.

"Oi Miel! Di ka pa ba kakain?" at ang amo ko, feel na feel na ang paglapang sa mga pagkain.

"Mamaya na lang! Di pa ako gutom!"

 

Well, totoo naman eh. Di pa ako gutom. Andito lang ako sa may harap ng gate at tinitignan yung mga families sa labas. They're complete. Ewan ko pero I feel envious and at the same time, happy. Siguro dahil nakakatuwang makakita ng family na kumpleto at nakakainggit lang sila. Kami kaya ni Tristan? Kailan kaya namin maeexperience yung complete family?

 

“Oh. Kumain ka na. Payatot mo na nga, di ka pa kakain.” Nagulat naman ako nung sumulpot siya bigla sa may gilid ko at may dalang dalawang barbeque. Kinuha ko naman yung isa.

“Thanks. Payatot ka dyan!” payat ba talaga ako? Buong akala ko pa naman, tama lang yung katawan ko!

“Oo, payatot na mabigat!” sabay salampak niya doon sa may semento. Then nakatingin lang rin siya doon sa mga pamilya sa harapan namin.

“Someday, mararanasan mo rin yan.” Bigla ko nalang nasabi sa kanya. And I think I’m saying it to myself, too.

“Di na ako umaasa. They’re too busy to be with their son. That’s the truth.”

 

I really feel bad for him. Kahit na nalaman ko na yung side ni ma’am Trisha, masakit pa rin para sa isang anak na hindi siya pinapansin o binibigyan man lang ng time ng mga magulang niya.

Nakiupo nalang rin ako sa tabi niya at kumain nalang ng barbeque. Pero hindi ko pa nauubos yung barbeque ay may nakita ako sa gilid ng mata ko. And I don’t know but I got nervous. Pagtingin ko kung ano o sino yun, I saw a girl, crying and broken.

 

“T..tristan.. h..help me.” Sabi nung girl. And that girl.. is Hayley.

 

Napatayo agad ako and I approached her. Umiiyak siya at para siyang lasing. Ang gulo ng buhok niya at hawak niya lang yung heels niya.

 

“Hayley, what happened to you?” inalalayan ko siya dahil feeling ko, anytime ay tutumba siya. Pero hindi niya ako pinansin at dumiretso kay Tristan. Pagtingin ko kay Tristan, he’s petrified at nakatingin lang rin kay Hayley.

“Tristan.. p..please help me.. m..my parents.. my parents.. our company.. will be bankrupt. P..please, help us.. h..help me.” She cried in front of him. Lumuhod rin siya. She cupped his face habang si Tristan ay tulala pa rin. And I can feel na nagtatalo yung feelings niya for her. I know naman na may feelings pa rin siya for her kahit hindi niya aminin eh.

 

Pero what’s wrong with me? I know it’s not right, pero naiinis ako kay Hayley. She’s asking for Tristan’s help, kahit na alam niyang nasaktan siya ng todo dahil sa kanya. I really feel bad for Tristan right now.

 

“Tristan.. please..” and the next thing I knew, she sealed his lips with a kiss. After that ay bigla nalang siyang nawalan ng malay. Akala ko nga mauuntog siya sa may semento, pero nasalo naman siya ni Tristan.

 

“Tristan.” Yun lang ang nasabi ko. Parang wala na akong masabi sa kanya. And it really feels awkward.

“Tsk.” Bigla siyang tumayo, buhat-buhat si Hayley. “Miel, pakiayos ng kwarto ko.”

“O..okay.” napatakbo naman agad ako sa loob ng bahay at pumunta sa room niya.

 

Why? Bakit ang bigat sa pakiramdam? Shiz. What’s happening to me? Parang kanina lang, gusto kong asarin si Tristan kay Hayley. Pero now that Hayley’s here, parang nagbago lahat.

 

Napailing nalang ako. Why am I thinking that way? Tama na nga! Inayos ko nalang yung kama niya at nagligpit na rin ng mga kalat sa room niya. After a minute, nakita ko silang pumasok sa kwarto kaya umalis na ako. Dumiretso ako sa may garden at kumuha nalang ulit ng pagkain.

 

Nagulat naman ako nung biglang nagvibrate yung phone ko sa bulsa ko. Pagtingin ko, si Alex pala, tumatawag. Syempre, sinagot ko agad.

 

“Hello Alex.”

“Rimi? What’s with you? Bakit parang ang down mo ngayon?” nagulat naman ako. Hindi na siya lasing? Parang kanina lang, hindi ko siya makausap ng maayos ah?

“Hindi ka na lasing?”

“Waaah! So totoo ngang tinawagan kita kanina? Gosh! Gosh talaga! Pero don’t worry, di na ako lasing. Makakausap mo na ako nang matino.” Natawa nalang ako sa sinabi niya.

“Alex, what will I do?”

“Hmm? Why? What happened?”

“Err. Di ba nakwento ko si Hayley sa’yo? Tristan’s ex? She’s here kasi.”

“Weh? OMG. Bakit daw? Di ba may bf na siya?” kinuwento ko naman sa kanya lahat. Parang gumagaan yung pakiramdam ko everytime na sinasabi ko sa kanya yung mga nangyayari.

“So.. yun yung nangyari, Lex.”

“Rimi, iba nay an. I know naman na normal lang sa isang YAYA ang magworry sa amo niya. Pero tapatin mo nga ako. Meron ka na bang feelings for him?” nagulat naman ako sa tinanong niya and bigla akong kinabahan.

“W..what? Alex naman eh! You know naman na si Law--”

“No. Halata namang nakamove-on ka na. Dati, puro si Lawrence ang dahilan ng pagtawag mo sa akin. Pero these past few weeks, puro ka na Tristan. I know you Rimi.” Natauhan ako sa sinabi niya. Narealize ko na hindi ko na nga masyadong inaalala si Lawrence. The heck. What happened to me?

“P..pero..”

“You know what? I think you’re just afraid to know your feelings. Kasi nga, galing ka na sa heartbreak. Pero dahil sa pinapakita mo ngayon, I think.. I think you are in love with him.” Natahimik ako bigla. Parang gustong sumabog ng dibdib ko sa lakas ng tibok ng puso ko.

“Alex..”

“Oh? Narealize mo na?”

“I don’t know. Maybe yes, maybe no. I still doubt my feeling for him. Pano na si Lawrence? I mean.. shiz! I really don’t know. Hindi ko na alam kung anong dapat kong maramdaman.”

“Okay fine. Pero eto nalang ang isipin mo. Ano bang mas gusto mo ngayon? To be with Lawrence and leave Tristan? Or to be with Tristan and forget Lawrence? Pag-isipan mo yan, Rimi.” Then binabaan niya na ako.

 

Her last question strucked me. I feel like standing in the middle of a bridge, and anytime ay mahuhulog ako kapag hindi pa ako pumunta sa isang end.

 

“Miel.” Nagulat naman ako sa nagsalita. Lumingon ako agad sa kanya, and I saw his face—sad, angry and confused.

“B..bakit?” after ng pag-uusap namin ni Alex, I felt awkward na kaharap ko siya ngayon.

“Sorry.” Then he pulled me towards him and hugged me. Bigla nalang akong kinabahan and parang anytime ay lalabas na yung puso ko sa sobrang lakas ng tibok. My gosh! Something’s really wrong with me!

 

Nagstay lang kami ng ganun for a minute. And after that, bumitaw na rin siya at pumasok na ulit sa bahay.

 

What was that? Sorry? Sorry for what? Ang gulo. I don’t understand him. Pero isa lang ang narealize ko after that hug.

 

I think.. I really have feelings for  him.