.

.

Chapter 39

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Saturday, November 14, 2015

TRISTAN’S POV

Fuck.

Fuck all of this shit.

 

Why do I have to deal with a lot of problems? First, my mom. Second, our company. And now, Hayley. Tsk.

 

Nandito ako ngayon sa dining area. Gusto kong makapag-isip ng maayos. Nagulat talaga ako kanina nung makita ko si Hayley. She’s crying and pleading. At lalo pa akong nagulat nung hinalikan niya ako. Damn it. Buti na lang at nasalo ko siya bago siya bumagsak sa semento.

 

“Tristan..” napatingin ako kay Miel and I saw her eyes. Parang malungkot na galit. O tricks lang yun ng ilaw na nanggagaling sa mga Christmas lights.

“Tsk. Miel, pakiayos ng kwarto ko.” Binuhat ko si Hayley.

“O..okay.” tsaka siya tumakbo sa loob ng bahay.

 

Damn. Why do I feel like this? It feel so wrong. Shit. Bakit ba kasi pumunta si Hayley dito? Masaya na ako kanina. Wala na akong problemang iniisip. Gusto kong sisihin si Hayley, pero parang ayoko rin. See? I’m crazy, right? Shit. I think I’m really crazy.

 

Hiniga ko si Hayley sa kama ko at kinumutan siya. She looks so fragile right now. Nakatingin lang ako sa kanya at bigla na lang siyang nagising.

 

“T..tristan..”

“Magpahinga ka muna.” Saka ako tumayo mula doon sa kinauupuan ko. Pero bigla niya akong hinawakan sa braso.

“D..don’t leave me.. please?” she’s crying. Again.

“It’s your fault that I left you. Hindi mo ba yun naaalala?” nasabi ko na lang habang nakatalikod sa kanya. At naramdaman kong lumuwag yung hawak niya sa braso ko.

“W..wala na ba talaga? H..hindi mo na ba talaga ako mahal?”

 

Napatahimik ako. I really wanna say that I never loved her. But something’s stopping me, and I don’t fucking know what it is.

 

“H..haha.. dahil ba kay.. kay Miel? S..siya na ba ang mahal mo ngayon?” napatingin ako sa kanya.

“What? What the hell are you saying? Do you think--”

“I’m not stupid, Tristan.”

“You know what--”

“I know na tapos na tayo. A..and I know, hindi mo pa rin ako napapatawad. Pero please.. w..wag niyo namang idamay yung pamilya ko.. please.”

“Wait. What are you saying? Anong dinadamay?” naguluhan ako sa sinabi niya. What the fuck did I do? Ni hindi ko na nga siya pinaakialaman, tapos may maririnig pa akong ganito?

 

Bigla naman siyang bumangon at umupo. She’s still crying. Magang-maga na yung mata niya.

 

“Y..you don’t know? Haha.. you’re company.. will take over our company. Alam mo ba yun? Dahil hindi namin mabayaran yung pinahiram nyong fund sa amin. Ha..ha..”

“Ano? I didn’t..” napatahimik na lang ako. Anong nangyari nung nawala ako sa kumpanya? Wait.. “That’s my mom’s doing. It’s not me--”

“I know. Alam ko namang hindi mo magagawa yun. That’s why I’m here. T..tristan, please help me. Kausapin mo naman ang mom mo.. Please? Wala na akong pakialam sa pride ko.. o sa dignity ko.. I just want to save my family.. please?” and the next thing I knew, nakaluhod na siya sa harapan ko.

“H..hey, stand up! Ano bang pinaggagawa mo?!” saka ko siya hinatak patayo.

“Please..” tapos bigla niya akong niyakap. At pagtingin ko, nakatulog na pala siya habang nakayakap sa akin. Wala naman akong nagawa kundi buhatin siya at ihiga ulit sa kama. After that, lumabas na ako ng kwarto ko.

 

Phew. The fuck is wrong with me? Sabi ko wala na akong pakialam sa kanya, pero ngayong nakita ko ulit siya at nakausap, it seems like all my hatred is gone. I said I don’t love her. Pero bakit parang mali? Does this mean na mahal ko talaga siya?

 

“I don’t know. Maybe yes, maybe no. I still doubt my feelings for him. Pano na si Lawrence? I mean.. shiz! I really don’t know. Hindi ko na alam kung anong dapat kong maramdaman.”

 

Nakita ko naman si Miel sa may dining area. Pagtingin ko, binaba na niya yung phone niya at napabuntung-hininga na lang siya. Bigla namang bumigat yung pakiramdam ko. Parang may nagawa akong malaking kasalanan sa kanya. She tried her best to make me happy, pero biglang nagkaganito.

 

Lumapit ako sa kanya and I called her.

 

“B..bakit?” sabi niya at parang natatakot siyang lumapit sa akin.

“Sorry.” I pulled her towards me and hugged her. For a moment, I find peace again.

“Uhm.. a..ano.. uh.. T..tristan..” bumitaw naman agad ako at pagtingin ko, para siyang nahihilo.

“Bakit? Are you alright? Nahihilo ka ba?”

“Hoooooh! Uhm.. I..I’m fine. Ha..ha..ha.. s..sige ano punta muna ako sa garden! Kakain muna ako, nagutom ako bigla eh. Hooooh! Ha..haha.” saka siya tumakbo palabas ng bahay.

 

Napaupo na lang ako sa upuan. Damn. Hindi ko na alam kung anong gagawin. Bigla namang nagvibrate yung phone ko kaya kinuha ko kaagad sa bulsa ko. And look who’s calling?

 

“Hello, son? How are--”

“BAKIT MO YUN GINAWA? BAKIT MO YUN GINAWA SA PAMILYA NI HAYLEY?” hindi ko na talaga na pigilan ang sarili ko. She’s getting into my nerves.

“Oh.. so nabalitaan mo na agad? Why? She told you? At ano? Kakaawaan mo naman siya--”

“Fuck!! Mom naman! Tahimik na nga yung tao, ginaganito mo pa?! Ano bang problema mo?!”

“Ako pa ngayon? Tinuturuan ko lang siya ng leksyon! She cheated on you, right? Sa tingin mo mananahimik ako? Ngayong alam ko na yung totoong dahilan niya?” napatigil naman ako sa sinabi niya.

“What? You know her story? How the hell did you know--”

“Your maid told me. Kaya pwede ba Tristan, tumino ka. She started this. She involved you in her problems. Sa tingin mo tatahimik lang ako? You know me, son. Kapag may kumalaban sa akin, hinding-hindi ko aatrasan.” Tapos naputol na yung linya.

 

Alam ni Miel? Pano niya nalaman? Nag-usap ba sila ni Hayley? Kailan—wait. Hindi kaya, yun yung nakita ko silang magkasama sa café?

 

Napatakbo ako sa garden at pagtingin ko, nakahiga siya sa may damuhan.

 

“Babo! Babo! Babo! Aiiissshh! Ottoke?! Aiishhh!” sabay katok niya sa ulo niya at sumipa-sipa pa siya. Napangiti ako bigla. She really acts like a kid.

“What are you doing?” sabay upo ko sa tabi niya. Pagtingin ko sa kanya, para siyang nakakita ng multo.

“Omo.. k..kanina ka pa ba nandyan? Narinig mo yung mga sinabi ko? Ha? Ha?”

“Aaahh. Naabutan kitang nagwawala. Anong meron sa pabo at antukin?” I heard her saying those a while ago. Bigla naman siyang napapikit at bumuntung-hininga.

“Aahh jinja. I’m safe. Pero wait.. why are you here? Kamusta na si--” pabangon na sana siya pero hinawakan ko yung dalawang balikat niya at pinigilan ko kaya napahiga ulit siya. “Y..yah. A..anong ginagawa mo?”

“Stay still. Baka tumakas ka eh. I’m just here to ask some questions.”

“A..ano yun? Haha..ha.”

“Alam mo ba ang rason ni Hayley?” bigla naman siyang napatahimik at napatingin sa right side. Tinikom niya pa yung bibig niya. “Aaahh. You’re not willing to answer me, huh?” hinawakan ko yung magkabilang pisngi niya para maiharap ulit sa akin. Pero yung mata niya ay nakatingin pa rin sa right side.

“Ayaw mo talagang sabihin?” tapos bigla siyang umiling at tinakpan pa yung bibig niya ng kamay niya. Tsk. Ang kulit talaga ng babaeng ‘to. “Ayaw mo ha?”

 

Binuhat ko siya at bigla naman siyang napasigaw.

 

“Hoy! Ibaba mo ako!”

“Ibaba kita kapag sinagot mo yung tanong ko. At ilalaglag kita kapag hindi.” And I smirked at her.

“WAAAHH! NAPAKA MO! IBABA MO NA KASI AKO! BAKIT BA NADAMAY NA NAMAN AKO! TSAKA SABI MO NAMAN DATI AYAW MO MALAMAN EH!--” what the fuck?! Ang sakit sa tenga!

“Wait--”

“TAPOS NGAYON PINIPILIT MO NA NAMAN AKO! ANG GULU-GULO MO TALAGA! AT BAKIT BA INTERESADO KA NA NAMAN DUN? DON’T TELL ME MAHAL MO TALAGA SIYA? HAHAHAHA! AYIIIEEEE MAHAL NIYA SI HAY---” God. She’s really loud! Ayaw mong tumigil ha?

“See? This method is really effective.”

 

Nakatingin lang siya sa akin and I smiled at her. Haha! Para siyang nakakita ng multo. But what’s wrong with me? Pag nag-iingay ‘tong si Miel, yun yung unang pumapasok sa isip ko na gawin.

 

“You.. you..”

“Hmm? I kissed you to shut you up. So, pwede na ba tayong mag-usap nang tahimik?”

“YOU BASTARD!!” tapos bigla niya na lang akong sinuntok sa dibdib at napabitaw ako sa kanya. Bigla akong kinabahan dahil ang taas ng paglalaglagan niya pero pagtingin ko, naapak niya naman kaagad yung paa niya sa lupa.

 

“H..hindi muna ako dito!! A..alagaan mo na lang si Hayley dyan!! Babye!!” saka siya tumalikod sa akin.

“Are you blushing?” gusto ko sanang tumawa kaso baka ibato niya sa akin yung cellphone niya. Pero kahit na madilim, I can still see her rosy cheeks. Bigla naman siyang napalingon.

“Ewan ko sa’yo! Babo!! Hnngg!!” saka siya tuluyang tumakbo.