.

.

Chapter 4

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Wednesday, July 15, 2015

Umuwi ako sa bahay. Humiga lang ako sa kama and nakatulala lang sa kisame. What should I do? Is my decision, right?

 

Nag-isip ako ng matagal habang nakahiga ako sa kama. Inisip ko kung anong mas makakabuti sa lahat. I don't want to disappoint them.. but I should do this. This is the oly way I can think of.

 

 

AALIS AKO.

AWAY FROM THEM.

 

 

Nagsimula na akong mag-impake ng mga gamit ko. From my branded clothes to my high-heeled shoes and other stuffs. Pero napatigil ako nung mapansin kong masyadong marami yung dala-dala ko. Kaya tinanggal ko ulit lahat and I only included important things. Like my credit cards, cash money, my phone, car keys and mga simple clothes lang yung dala ko. Pati sandals and jeans lang. Iniwan ko na yung mga  sobrang sosyal na damit dahil di ko naman yan gagamitin. Gusto ko sanang dalhin si Charm, yung dog na bigay sa akin ni Lawrence kaso baka mag-ingay siya pag aalis na kami :( So I decided na iwan nalang siya. All in all, nakaisang malaking maleta ako and isang malaking shoulder bag.

 

2:30 AM na so lumabas na ako sa kwarto ko. Nagtiptoe talaga ako nung nakatapat na ako sa room ni kuya dahil alam kong gising pa siya. Nocturnal yan eh, super late na natutulog. Kaya dapat sobrang tahimik ako.. and...

 

 

"Rimi?" 

 

 

Patay.

 

 

 

Humarap ako kay kuya and syempre umamin ako. Ayokong lokohin si kuya kasi mahal ko rin yan. And isa pa, super close kami. Siguro naman, maiintindihan niya ako.

 

"Oppa.. Im planning to leave. I.. I don't want to attend that engagement party." napayuko nalang ako.

"Arasso. Don't worry. Hindi kita isusumbong. Ayoko rin namang ikasal ka sa ibang lalaki bukod kay Lawrence." and then ginulo niya yung buhok ko. I hugged him and tuluyan na akong naiyak. Sobrang bait ni kuya. Kaya maha na mahal ko siya eh!

"Oppa.. gumawo.." (Brother, thank you)  nakayakap lang ako sa kanya. Parang tuloy ayoko nang umalis dahil sa kanya. Ngayon palang, namimiss ko na si kuya. :'(

"Go. Baka magising pa sila daddy."

"Ne.." pinigilan ko nalang yung luha ko. Tama. Magiging mag-isa nalang ako. Hindi ko na makakasama si Lawrence o si Rimjae oppa para patahanin ako.

"Don't be a crybaby, okay?" pinunasan niya yung luha ko. And then tinulak niya na ako palayo sa kanya.

 

 

Annyeong oppa. I mouthed and nagwave ako sa kanya nung nasa pintuan na ako. Nagwave rin naman siya. Sinarado ko na yung pinto and sumakay na ako sa car ko.

 

San naman ako pupunta?

Hindi naman pwedeng sa mga friends ko dahil alam kong gagawa at gagawa si daddy ng paraan para mahanap ako. Dapat di niya ako makita. What will I do?

 

Saka naman nagregister sa isip ko si Alex. Tama! Pupuntahan ko muna siya and baka may maitulong siya sa akin pag sinabi ko sa kanya yung situation ko right now.

 

I considered Alex as my closest friend. Well, wala kasi akong gaanong close friends dahil si Kuya and Lawrence lang ang lagi kong kausap. But si Alex, I know lagi siyang andyan for me. So thankful talaga ako at naging kaibigan ko siya. Kung tawagin nga nila, siya yung bestfriend ko.

 

Pinaharurot ko yung sasakyan ko papunta sa kanila. Actually, 15-minute drive lang yung sa kanila from our house. Habang nagdadrive ako eh tinawagan ko muna siya. And buti nalang gising pa siya! >O<

 

 

"Yoboseyo? Alex?" (Hello? Alex?)

"Rimi? Bakit ka napatawag? Something wrong?" mukhang nahuli niya agad ako ah? >_<

"Sort of. Can I go to your place? As in now na. Actually, I'm on my way na pala."

"As in now na? OMG di ako nag-ayos ng condo ko. Sige.. bye bye muna! Mag-aayos muna ako. *tooooot* " and she hunged up. Pero okay  lang dahil pumayag siya! Yay! Effective talaga ang pagpunta sa bahay ng isang kakilala at sasabihin mong on the way ka na. Hahaha.

 

So after fifteen minutes eh nasa harapan na ako ng condo unit niya. Kakatok na sana ako kaso naunahan niya na ako. Binuksan niya na para sa akin. Syempre pumasok naman ako.

 

"Hello Alex! Long time no see!" then hinug ko siya. Promise namiss ko tong babaitang 'to!

"Grabe ha, one week lang tayong di nagkita namiss mo agad ako? Hahaha"

 

Okay pwedeng bawiin? Naku lalaki na naman ulo ng babaeng 'to. Hahaha. Pero syempre love na love ko yan dahil lagi niya akong tinutulungan sa problems ko. The best bestfriend ever! 

 

So sinabi ko nga sa kanya yung tungkol sa engagement party. To think na hindi ko pa kilala yung fiance ko and lalong hindi ko pa siya nakikita. Ni hindi ko nga alam yung pangalan eh. Psh. Sinabi ko rin na gusto kong lumayo. Away from all of them. Pero hindi ko alam kung saan ako pupunta.

 

"You know what Rimi, di ka pwedeng magstay sa Manila. Dahil for sure, yung daddy mo eh ipapakita ka sa TV. Baka nga magbigay pa yun ng reward pag may nakakita sayo. So.. what if magmake-over ka? And wag ka sa Manila or sa NCR magstay. Tingin mo?" napawow naman ako sa idea niya. Kahit kelan talaga maaasahan siya!

 

"That's an amazing idea Alex! Thank youuuuu!" and then hinug ko siya. 

 

 

Sinimulan niya yung makeover sa akin. Ginupitan niya yung buhok ko.. shoulder level and nilagyan niya ng bangs. Tapos kinulayan niya ng jet black dahil brown yung buhok ko. Nilagyan niya rin ng tattoo yung tip ng nose ko. Actually, parang pekeng nunal daw para may maiba sa feature ng mukha ko. Tinanggal niya yung mga accessories ko and cutics ko. Tapos pinagbihis niya ako ng simpleng blouse and jeans. 

 

"There! Perfect disguise!" sabi niya habang tinitignan niya ako from head to toe. Ako naman eh hindi mapakali. Parang ang daming nagbago sa katawan ko >o< kaya tinignan ko sa body-size mirror niya yung itsura ko. And sa totoo lang... di ko rin agad nakilala yung.. sarili ko.

 

"Wow. Para akong ibang tao. Great work Alex." na-amaze talaga ako sa ginawa niya. As in! Super amazing! "Super thank you!" I hugged her again. 

"Wait. Dapat rin palang iwan mo lahat ng cards mo that include your name and identity. Mahirap na." So ang ginawa namin ay inalis sa wallet ko lahat ng credit cards, calling cards pati yung visa and passport ko sana pabalik ng Korea for vacation. Actually pati sim card ko raw alisin ko. Pero hindi ko muna inalis kasi para may contact pa rin ako. Siguro later nalang.

 

 

After that, ready na akong umalis. Actually, 6 AM na. And I really need to go dahil baka ngayon eh hinuhunting na ako nila daddy.

 

"Thank you talaga Alex. Thank you dahil naiintindihan mo ko." nakasmile ako sa kanya and parang maiiyak na naman ako. I'm such a crybaby. :'(

 

"Ano ka ba, umagang-umaga umiiyak ka! Naiiyak na rin tuloy ako :'( Sige na, sige na. Alis ka na baka mamaya pumunta dito si tito para icheck ka." and gaya ng ginawa ni kuya kanina, tinulak niya rin ako paalis sa condo niya.

 

Oo nga pala, iniwan ko yung car ko sa kanya and sabi niya, bahala na daw siyang magexplain kay daddy kung makikita man niya yung kotse ko. Tinakpan  kasi ni Alex yun sa garahe nila. Sana nga di makita ni daddy para wala siyang clue na pumunta ako dito.

 

 

Nagcommute nalang ako. Sumakay ako sa LRT pero nagshades ako in case na baka may makakilala sa akin. Ang nakakainis lang, pinagtitinginan ako dahil sa maletang dala ko. Ngayon lang ba sila nakakakita ng ganito kalaking maleta? >_<

 

Habang nasa LRT ako, bigla kong naisip si Lawrence. Baka gising na siya ngayon. Nagising siya na wala ako sa tabi niya.

 

Lawrence, maiintindihan mo naman diba?

Maiintindihan mo naman kung bakit ko 'to ginagawa di ba?

 

 

Sana lang, di ka magalit sakin. :'(