.

.

Chapter 40

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Saturday, November 14, 2015

RIMIELLE’S POV

 

Whooohh! Inhale. Exhale. Inhale. Exhale. Inhale.

 

“AAAAHHHHH!!! KAKAINIS SIYA! AIISSHHH!!”

 

Halos mawalan na ako ng boses dahil sigaw ako ng sigaw. Andito kasi ako ngayon sa bahay ni Alex. Ewan ko pero gusto ko talagang magpalipas dito ngayon. And besides, sabi naman niya ay tinigilan na siya nila daddy sa pagtatanong kung nasaan ako.

 

Pero kasi naman eh! Kung anu-anong pinaggagawa ng hotdog na yun! Evil hotdog! Lagi na lang! Akala ko mamamatay na ako kanina sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

 

“Hahaha! OMG! Alam mo Rimi, confirmed. You are so into him.”

“Alex naman eh!!” nakakainis rin ‘tong si Alex, nang-inis pa!

“Pero look at yourself nga oh! You look like a bomb that is about to explode. Sobrang pula ng mukha mo. Hahaha! Wait, pipicture-an ko.”

“Aish!” napapadyak na lang ako.

“At least di ba, nag-succeed ka sa plan mo. Nakapagmove-on ka na!”

“At magmomove-on na naman.” Saka ako napayuko. Hay. Bakit ba lagi na lang ganito?

“Ooohh. Because of that Hayley?” nag-nod na lang ako kay Alex.

“I really have a bad luck when it comes to love. Isn’t it?”

“Real bad luck, best friend.” Saka niya pinat yung shoulder ko. Baliw netong si Alex eh! Pinasama pa lalo yung pakiramdam ko. Psh.

 

Nagprepare naman siya ng kakainin namin. Buti na lang talaga at nagluto si Alex at umuwi agad siya galing doon sa party sa bahay namin. Kung hindi, hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon.

 

“Pero promise Rims, kinikilig ako sa inyo. And now what? Ilang beses na kayong nagkiss? Hahaha!” tsaka siya nagflying kiss sa akin at napakagat na lang ako bigla sa lips ko.

“Sige lang, mang-asar ka pa! Pag ako gumanti ha!” sabay tutok ko ng fork ko sa kanya pero tinawanan niya lang ako.

“Ohh? Si Rimielle Jung, mananalo sa asaran? Nu-uh. Never. Isang halik nga lang niya, tahimik ka kaagad eh.” Ngayon nagsisisi na akong inuupdate ko siya sa buhay ko. My best friend is a big bully!

“Eh wala nga lang kasi yun!” Psh. Bwisit kasing hotdog yun! Lagi na lang!

“Bakit, gusto mo merong meaning? Hindi lang pang-shut up sa’yo? Hahaha.”

 

Hindi na lang ako nagsalita, kasi wala akong masabi. Isa pa, lalo lang akong aasarin ni Alex kapag nagsalita pa ako. Kumain na lang ako nang kumain hanggang sa maubos yung nasa plate ko. The pagtingin ko sa wall clock, 3 AM na pala.

 

"Pst Alex, di ka pa matutulog?" nanonood lang kasi kami ngayon ng movie. Ni hindi ko nga alam yung title kasi wala talaga yung isip ko sa panonood.

"Why? Inaantok ka na ba?"

"Baliw! Ikaw yung inaalala ko. Yung mata mo nga pulang-pula na oh!" tapos ako pa sasabihan ng inaantok?

"Really? Di pa naman ako masyadong inaantok eh."

"Talaga lang ha?"

 

After that, nagmake-face lang siya at bumalik sa panonood nung movie. Ako naman, walang magawa kundi kainin yung food na hinain niya sa harapan ko. At dahil wala akong magawa, kinuha ko na lang yung phone niya. Maglalaro na lang ako.

 

"Lexie, palaro sa phone ha?"

"Okay." sabi niya habang nakatalikod sa akin.

 

Pagbukas ko ng phone niya, andaming larong naka-install. Kaadikan talaga netong babaeng 'to oh. Ang nilaro ko nalang is yung 2fuse. Pero after 10 minutes, nagsawa na agad ako kaya inexit ko yun at napunta ako sa gallery. At halos matapon ko yung phone niya nung makita ko yung pictures.

 

OMO! Hahaha!

 

"Hoy Lexie! Ano 'to? Nagpicture-picture pala kayo ni kuya kagabi ha!" sabi ko sa kanya and bigla siyang napatigil sa panonood para lingunin ako.

"Weh?" saka siya pumunta sa akin.

"Weh ka dyan! Ayan oh! Hahaha! Ayiiiiee! Ang sweet neto!"

"Hoy di ko yan alam! Lasing nga kasi ako! Akin na nga yan!"

 

That instant, tumayo na agad ako at tumakbo dahil kukunin niya na yung phone niya. Grabe! Kinikilig talaga ako sa kanila ni kuya! Magkayakap pa sila sa picture kaya nakakakilig! And naka-wacky face pa si kuya, na hindi naman niya ginagawa, pati si Alex. Kyaaa! Botong-boto talaga ako sa kanila! Promise, matutuwa talaga ako pag naging sis-in-law ko ang best friend ko!

 

"Rimi akin na kasi yan! Idedelete ko! Kadiri!"

"Kadiri ka dyan! Eh super higpit nga ng hawak mo sa bewang ni kuya dito oh! Ayiiiieee!" then pagkatalikod ko, nakita kong namumula siya.

"Che! Lasing nga kasi ako di ba?! Wag ka nga!"

"Asus lasing daw! Parang hindi naman eh!"

 

Nakakatawa lang kasi sinabi niya pang di raw ako nananalo sa asaran. Well, who's the winner now? Ang sarap niya talagang asarin lalo na pag silang dalawa ni kuya ang usapan!

 

Hanggang sa makarating na kami sa garden niya ay hindi niya pa rin ako tinitigilang habulin. At tuluyan na akong nacorner.

 

"Finally! Ibigay mo na kasi yang phone ko!" sabi niya with matching hingal-hingal pa.

"Okay okay! Haha! Ang saya mo asarin Lexie!" sabay belat ko sa kanya. Akala niya siya lang marunong mang-asar ha!

"At least di brokenhearted." this time siya naman ang nagmake-face sa akin tsaka niya hinablot yung phone niya.

 

Umupo muna kami doon sa may bermuda grass. Grabe napagod ako sa kakatakbo! Buti na lang mahangin dito. Pagtingin ko sa langit, andami-daming stars kaya napangiti na lang ako.

 

"Hoy babae, pasok muna ako sa loob. Naiwan ko na yung pinapanood kong movie. Uulitin ko pa tuloy. Psh." tumayo naman siya at pinalo pa ako sa balikat. Baliw talaga yun.

 

Since naiwan na ako dito, humiga na lang ako sa may damuhan at tinitigan yung mga stars. Pero nagulat ako nung may biglang dumaan na shooting star.

 

Sana maging maayos na lahat. I want to be happy... again.

 

Parang automatic na nag-sign of the cross ako at nasabi ko yun sa isip ko. I don't know. Siguro nasanay na kasi ako na kapag may shooting star, magwiwish ako. Even though, I know that that wish won't come true.

 

Pinagpatuloy ko na lang ulit yung panonood ng stars habang nakahiga. Tapos bigla kong naalala yung nangyari kanina and I started to blush. Gosh! That evil hotdog! Grabe! Pero buti na lang talaga at di niya narinig yung pinagsasabi ko kagabi. Naalala ko tuloy yung sinabi niyang 'pabo' at 'antukin'. Hahaha! That's his version of my 'babo' and 'ottoke'. Para tuloy ako ditong baliw na tumatawa mag-isa!

 

'See? This method is really effective.'

 

Waaah! Why am I reminiscing that? Shiz naman kasi eh! Lagi niya na lang yung ginagawa. For what? For shutting me up? That bastard evil hotdog! Pero.. pero..

 

 

Kinikilig pa rin ako.

 

 

Gosh! What's wrong with me?! Hindi na ako high school or college para kiligin! I'm a bloody employee na! Stop it, Rimi! Stop it!

 

Napahinto naman ako sa paggulong-gulong sa may damuhan nung bigla kong narinig na may nag-doorbell. Okay, sino naman kaya 'to? Who wants to visit Lexie at this time? Four in the morning?

 

Napatayo ako at nagpagpag muna. Then pumunta ako sa may gate at binuksan yun..

 

"Hey Alex. I just want to dropby para ibigay sa'yo--" napatingin siya sa akin.

 

 

I froze. Parang natigil rin lahat ng nasa paligid. He's looking at me. He's looking through my eyes. I'm looking through his.

 

"Rimielle."

 

Pagkasabing-pagkasabi niya nun, my heart beats so loud I thought it would explode. Namiss ko yung boses niya. Namiss kong marinig ko yung pangalan ko na binabanggit niya.

 

"You..you're back."

 

Binitawan niya yung hawak niyang package at hinawakan niya ako sa dalawang balikat. Habang ako, still frozen and I can't utter a word.

 

He's here.

He's here.. in front of me.

 

 

"L..lawrence." After I said his name, he immediately hugged me.

"I missed you. I really.. really missed you."

 

 

Bigla na lang bumuhos yung luha sa mga mata ko. God, is this a sign? Eto na ba yung hiniling ko kanina? But.. really..

 

I felt kinda happy.