.

.

Chapter 41

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Saturday, November 14, 2015

"I missed you."

 

Halos paulit-ulit niyang sinabi sa akin habang nakayakap siya. Habang ako, patuloy pa rin sa pag-iyak. Stupid pair of eyes.

 

"I thought I would never see you again. Akala ko.. tuluyan ka nang nawala sa akin."

 

His words were like a thousand knives. Para akong sinasaksak sa puso. Parang sobrang laki ng pagkakamali ko. I felt guilty.

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at hinarap niya ako. Pinunasan niya yung mga luha sa mata at pisngi ko, and he smiled at me.

 

"Hindi ka pa rin pala nagbabago. Iyakin ka pa rin." and once again, he smiled. Namiss ko yung ngiting yun. Yung ngiting alam kong para sa akin lang.

"Tara, mag-usap tayo." he held my hand and he pulled me towards his car. At gaya ng dati, sa passenger's seat niya ako pinaupo at siya pa ang nagkabit ng seatbelt ko.

 

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko alam kung hinahanap ba ako ni Lexie ngayon o nagpapakasaya siya sa movie na pinapanood niya. Bigla na lang umandar yung car ni Lawrence at hindi ko alam kung saan kami pupunta. Pero hinayaan ko lang siya.

 

It feels nostalgic.

 

Parang ang tagal na nung huling na-feel ko 'to. I'm with him.. at last. Dati, winiwish ko lang na mangyari 'to and at the same time, ayaw ko ring mangyari.

 

Is this the right time? The right time to tell him what really happened?

 

Natatakot ako. Kinakabahan. Tama ba 'tong gagawin ko? Is it even right that I am with him right now? Naguguluhan na ako.

 

But I'm happy. Kasama ko na ulit siya. Parang panaginip. Yung lalaking una kong minahal. Yung lalaking dahilan kung bakit ako umalis sa amin. To save him. To save his company.

 

But he's not mine anymore.

 

"Are you okay? Kanina ka pa tahimik ah?" casual niyang sabi na parang araw-araw kaming nagkikita.

"Aren't you scared? Pano kapag may nakakita--"

"Mamaya na tayo mag-usap tungkol dyan. Kapag nandun na tayo sa place na yun." he smiled at me.

 

Wala akong nagawa kundi tumahimik. Then I felt his hands holding mine. Para akong bumalik sa pagiging teenager. Para akong nakuryente sa ginawa niyang yun. He held my hand tightly. At kahit hindi ako tumingin sa kanya, alam kong nakangiti siya.

 

After thirty minutes of driving, huminto yung sasakyan niya. Pagtingin ko,

 

"Oh my God." napatakip na lang ako sa bibig ko. We are here.. again.

"Let's go." tapos hinawakan niya yung kamay ko at pumasok kami sa loob.

 

We are here sa resort.. sa resort kung saan kami huling nag-date. Biglang nag-flash sa akin yung araw na yun. Yung araw kung kailan ko siya iniwan na wala man lang goodbye. Nagsimula na namang tumulo yung mga luha ko. Lahat ng guilt, umakyat na sa puso ko. Ang bigat na sa pakiramdam.

 

Huminto kami sa isang place doon na may nakalatag na blanket. Napakagat na lang ako sa lower lip ko para hindi ako mapahagulgol.

 

"I still remember that night. It's my best and worst night." sabay ngiti niya habang nakatingin siya sa mga ulap. Then hinatak niya ako para nakaupo kami sa may blanket.

"Sorry. I'm so sorry, Lawrence.. I didn't.. I didn't want to--"

"I know you have your reasons. At naiintindihan ko rin naman kung bakit hindi mo sinabi sa akin." lalo lang akong naiyak. Bakit niya ako naiintindihan? Bakit hindi siya nagagalit? I don't know pero parang mas mabigat sa kalooban kung naiintindihan niya ako. Guilt is killing me.

"H..hindi ko naman.. ginustong lumayo. I..it's just that.. I don't have any choice. I don't want.. I don't want to leave you and I don--"

 

Bigla niya na lang hinawakan yung batok ko.. and he kissed me. Halos hindi na ako makahinga dahil sa halu-halong emosyon na nararamdaman ko. I responded to his kiss. I was kissing him. Then our lips parted.

 

"Wala na akong pakialam doon Rimielle. Ang mahalaga, nandito ka ngayon. Kasama kita ngayon. I just want to cherish this moment. Matagal kong hinintay yung panahon na 'to. Yung makasama ka ulit." bigla siyang pumwesto sa likuran ko at niyakap niya ako mula doon. Nararamdaman ko pa yung paghinga niya sa leeg ko.

"Gusto kong bumalik yung dati, Rimielle. Yung masaya pa tayo." pagkasabi niya nun, nalungkot ako bigla.

"Mababalik pa ba, Lawrence? You..you're already married."

 

And I cried again. Oo nga at kasama ko siya ngayon, pero may asawa pa rin siya. May pamilya na siya. At hindi ako kasama doon. Kahit anong gawin ko, kahit anong pilit ko,

 

Hindi na siya sa akin.

 

Napahawak siya ng mahigpit sa mga kamay ko at hinigpitan niya rin yung yakap niya sa akin.

 

"Wala akong hindi kayang gawin para sa'yo. Kaya ko siyang hiwalayan--"

"No! Pano kung magalit yung parents mo? P..pano kung malaman yun ni daddy? I can't take--"

"But I still love you. And I will continue loving you, Rimielle."

 

I was tempted. Gusto kong um-oo sa sinasabi ni Lawrence. He's willing to leave his wife for me. He still loves me. Pero.. pero ayokong sumira ng relasyon. Ayokong may sabihing hindi maganda kay Lawrence ang parents niya at ang parents ni Daphne. Alam kong nahihirapan na rin siya sa sitwasyon niya. At ayoko nang dumagdag pa.

 

"Natapos na ang lahat, nandito pa rin ako.

Hetong nakatulala, sa mundo, sa mundo."

 

Nagulat naman ako nung nagsimula siyang kumanta. His voice is so sweet. Idagdag pa yung simoy ng hangin na sobrang lamig.

 

"Di mo maiisip, di mo makikita,

Mga pangarap ko, para sa'yo, para sa'yo."

 

Lalo niya pang hinigpitan yung yakap niya sa akin.

 

"Ohh, hindi ko maisip kung wala ka.

Ohh, sa buhay ko."

 

And then he kissed me on my cheeks. Tinignan ko lang siya sa mukha and he's grinning like a fool.

 

"Merry Christmas, babe."

 

Hinawakan niya ulit yung batok ko at saka niya hinalikan yung tip ng ilong ko. Hanggang sa bumaba yun sa labi ko. Napapikit na lang ako. I missed his hug. I missed his kisses. I missed his warmth.

 

I am so happy right now.

 

Halos mawala na ako sa sarili ko nung biglang nag-ring yung phone ko. Nahiya ako nun kaya lumayo muna ako kay Lawrence at sinagot yung phone.

 

"Hell--"

"Miel? Where the hell are you?! Umaga na pero hindi ka pa rin umuuwi!"

 

Hindi ako makahinga nang maayos. I was too stunned to speak. It's Tristan. Lalo akong naguluhan. Parang kanina, buong-buo na yung loob ko na si Lawrence pa rin yung mahal ko. But after hearing his voice, nanghina yung tuhod ko.

 

"Uhmm--"

"Umuwi ka na!"

"But I.. I.. can't."

 

Ayoko pang umuwi dahil kasama ko pa si Lawrence. I want to be with him. Kahit.. kahit sandali lang. Pero gusto ko ring umuwi para makita si Tristan.

 

"Bakit?!"

"A..ano kasi.." tinignan ko si Lawrence sa may likuran ko at nginitian niya lang ako. My heart sank.

"Basta umuwi ka!" nagiging childish na naman siya!

"Pero kasi--"

"I.. I need you here. Kaya umuwi ka, maliwanag? Bye!" tapos binabaan niya ako.

 

Biglang nag-echo sa tenga ko yung huli niyang sinabi.

 

I need you here.

 

 

Now I am really confused. Am I going to stay, or not?

Ugh! Why is my life so complicated? :'(