.

.

Chapter 42

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Saturday, November 14, 2015

LAWRENCE'S POV

 

"Sige Lawrence. Th..thank you sa paghatid." she smiled at me. Tumalikod siya at pumasok sa bahay nila Alexa. Pumasok ulit ako sa kotse ko at nag-drive pauwi.

 

 

Rimielle is back. I can't believe it. Dati, halos mawalan na ako ng pag-asa na makikita ko ulit siya. For seven months, hinanap ko siya kung saan-saan. Pero wala akong napala. Tapos ngayon, dito ko lang pala siya makikita kina Alexandra.

 

Pero masaya ako. Bumalik lahat ng rason ko para maging masaya.

 

"Oh. You're back na pala." si Daphne agad ang bumungad sa akin sa pintuan. Niyakap niya agad ako.

"How's the party, Lawrence?" sabay angkla niya ng braso niya sa braso ko.

"It's okay. Masaya naman."

 

Galing kasi ako sa Christmas party ng office namin. Pero umalis ako kaagad dahil wala namang magawa doon. Tapos naalala kong may binili pala akong Christmas gift kay Alex. She's been a good friend to me. Kaya dumiretso muna ako sa bahay niya para ibigay yun.

Pagdating ko doon, halos 4 AM na. Pero nagdoorbell pa rin ako. Kaso walang nagbubukas. Tsk. Baka nga tulog na yun. I tried one more time, and this time, the door opened. Kinuha ko yung regalo ko.

 

"Hey Alex. I just want to drop by para ibigay sa'yo--" tinignan ko si Alex na nakatayo lang sa harapan ko, pero ibang tao ang nakita ko. Nanlaki yung mata ko dahil hindi ko akalaing makikita ko siya ulit.

 

"Rimielle."

 

Bakas rin sa mukha niya ang pagkabigla. Siguro hindi niya rin akalain na makita ako dito. Or she doesn't want to see me anymore. She left me before. Baka ayaw niya na talaga sa akin. Pero ako, mahal na mahal ko pa rin siya. Hanggang ngayon.

 

"You.. you're back." binitawan ko yung regalo ko kay Alex at hinawakan ko siya sa magkabilang balikat. I stared at her. She's really back. Hindi ako makapaniwala.

"L..lawrence." halos sumabog ako nung sinabi niya yung pangalan ko. I missed her voice. I missed how she calls my name. I missed her.

"I missed you. I really.. really missed you." then I hugged her. Naramdaman ko rin na nababasa na yung polo shirt ko. She's crying.

"I thought I would never see you again. Akala ko.. tuluyan ka nang nawala sa akin." mas lalo ko pang hinigpitan yung pagyakap sa kanya. Pero parang mas lalo lang siyang umiyak.

 

I missed her warmth.

I missed her hugs.

 

Tinanggal ko yung pagkakayakap ko sa kanya at hinarap ko siya.

"Hindi ka pa rin pala nagbabago. Iyakin ka pa rin." I smiled and I wiped her tears. Maganda pa rin siya kahit umiiyak. Mas mukha siyang maamo.

 

After that, we went to the beach. Dito nangyari ang last date namin dati. Gusto ko lang balikan. Gusto kong mawala yung gap na nangyari sa amin. Pwede naman yun, di ba? Pwede namang ibalik ang lahat sa dati?

 

"Law? Lawrence? Are you okay?" napatingin ako bigla kay Daphne. Nakatulala pala ako kanina pa.

"Ahh. Yes. Pagod lang ako." tinanggal ko yung coat at necktie ko at umupo muna sa sofa.

"Gusto mo ba ng makakain? Coffee?"

"No. I'm fine."

"Are you sure? You look like--"

"Daphne. I'm okay." napaatras naman siya nung sinabi ko yun.

"O..okay. Sige, doon muna ako sa kusina." tapos umalis na siya sa harapan ko.

 

I sighed. Paano ba 'to?

I still love Rimielle, but I have Daphne right now. We're married. She's beautiful, kind and loving. She's the perfect wife. Pinakasalan ko siya dahil kay dad. She's an heir to a giant business. Dahil wala pa ako sa katinuan nun because of Rimielle's absence, napa-oo ako kina dad.

But now, Rimielle is back. I want to be with her again. I want to protect her. I want to be on her side. But how will I do that?

 

Napahilamos na lang ako sa mukha ko. Ang gago ko talaga. Kapag binalikan ko si Rimielle, paano si Daphne? I know she's aware of my situation and she understood it. Handa raw siyang maghintay para mahalin ko siya. I'm trying but.. I really can't. My heart beats for Rimielle. Ayaw kong masaktan si Daphne dahil ginawa niya ang lahat para intinidihin ako. Shit. I don't know what to do anymore.

 

Tumayo ako at kumuha ng beer sa ref. I guess I need this. To ease this confusion inside my head. Pero napatigil ako sa pag-inom.

 

Kapag ba pinili ko si Rimielle, pipiliin niya pa rin ako? Mahal niya pa rin ba ako? Paano kung.. meron na siyang ibang mahal?

 

Shit. This is really hard. Ano na bang gagawin ko? Fuck this life! Ang gulo gulo!

 

Bigla naman akong napatigil nung narinig kong nag-riring yung telepono. Bumalik agad ako sa sala para sagutin yun.

 

"Hello?"

"Lawrence."

"Dad?" What does he want? Umaga na ah? Bakit gising pa rin siya? "Bakit gising ka pa? Masama sa'yong magpuyat--"

"Lawrence, ikaw ang anak ko, not the other way around." narinig ko pa siyang tumawa sa kabilang linya. "I just want to know the progress of your joint project with the Sedilla's."

 

Shit. Oo nga pala. Nakalimutan kong kailangan ko na pala yung tapusin. Tsk.

 

"It's on-going but I still have to meet him again for further details."

"Good. Oo nga pala, Merry Christmas, son."

"Merry Christmas rin, dad." binaba naman niya agad yung tawag pagkatapos nun.

 

Ibinaba ko muna yung beer ko. Marami pa pala akong dapat asikasuhin kaya hindi ako pwedeng malasing. Kinuha ko kaagad yung cellphone ko at nagdial ng number.

 

"Tsk. Hello? Who's this?" mukhang kagigising pa lang niya.

"This is Lawrence Sy, Mr. Sedilla. Let's have a meeting tomorrow. I'll text you the place and time."

"Tumawag ka para sabihin lang yan? Alam mo ba kung anong oras pa lang?!" tinignan ko yung relo ko.

"Of course. It's 8:04 AM. Wala ka bang relo diyan?" and then I chuckled.

"F--" bago niya pa ako mamura, binabaan ko na siya at tinext ko na lang yung place at time.

 

 

Saka ko na aalalahanin yung iba kong problema. For now, I must be Lawrence Sy, the director of Sy Group of Companies.