.

.

Chapter 43

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Saturday, November 14, 2015

TRISTAN’S POV

 

Fuck that guy. Tsk. Tumayo na lang ako mula sa pagkakahiga sa sofa. Pero pagtingin ko sa kanan, napahiga ulit ako.

 

“W..whoa! Kanina ka pa dyan?!” nakaupo si Miel sa couch at nakatingin lang sa akin. Nagulat ako nung bigla siyang ngumiti.

“Mmm.” Pero bigla siyang napayuko. “Uhm, ka..kamusta pala si Hayley? Gising na ba siya? Ayos na ba--”

“Wala na siya dito. Hinatid ko siya nung magising siya kagabi.”

“Ahh. Ganun ba?”

 

Hindi siya umimik. Nakayuko lang siya. Tsk. I don’t even know what to say.

 

“S..san ka pala galing? Bakit ngayon ka lang?”

“I went to my.. past.” Saka siya tumingin sa akin. And I felt loneliness in her stare. What’s wrong with her?

“Huh?”

“Wala. I just realized something.” And she smiled again. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at umupo. Wala talaga siya sa sarili niya. Ano bang pinagsasabi niya? Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko yung noo niya.

“Wala ka namang lagnat. May nakain k abang kakaiba?” pagtingin ko, para siyang nagulat.

“H.huh?! Wa..wala!” saka siya lumayo.

“Tsk. Kung wala, matutulog na ako.” Tapos tumayo na ako. Lumakad ako papunta sa hagdan, pero napahinto ako. Tsk. Sasabihin ko lang naman eh. Anong problema doon? Tumalikod ako at pagtingin ko, nakatayo lang siya doon at nakatingin sa akin.

“Oy Miel.”

“Hmm?”

“Merry Christmas.” Pagkasabi ko nun, tumalikod ulit ako at tumakbo paakyat sa kwarto ko. Tss. Parang bading. Bakit ba ako tumakbo?

 

Nung nasa kwarto na ako, napahinto ako. Naalala ko na naman yung nangyari kagabi. Hayley’s here. Kung anu-anong pinagsasabi niya kagabi. My mom took over their company and she hated me because of that. Hindi ba dapat ako yung magalit? Hindi ba ako yung niloko niya? But why can’t I hate her? Why? Tsk.

 

Inihatid ko na lang siya sa bahay na tinutuluyan niya nung nagising siya kagabi. Hindi kami nag-usap. Walang umiimik sa amin. Ayaw niyang maniwala na wala akong kinalaman sa ginawa sa kumpanya nila. Nung maihatid ko na siya, umuwi agad ako sa bahay. Akala ko, magiging masaya ang Pasko na ‘to. But it’s all fucked up now. Bullshit!

 

Nagpunta ako sa garden at kumuha ako ng barbeque. Naiwan pala ditto yung mga inihaw namin kanina. Napahiga na lang ako sa damuhan. Parang kanina lang, ang saya-saya ko, pero biglang nawala lahat. Miel is trying her best to make me happy, but Hayley came. And instead of choosing happiness, I chose pain. Mas pinili kong bantayan si Hayley.

 

Kumuha ulit ako ng barbeque at humiga sa damuhan. Hihintayin ko na lang na umuwi si Miel. Baka mamaya, bigla siyang umuwi tapos tulog ako. Kawawa naman.

 

Kumain lang ako doon habang nagpapalipas ng oras. Sumikat na rin yung araw kaya pumasok na ako sa loob ng bahay. Sa sofa na lang ako nahiga. Tsk. Hindi pa ba siya uuwi?

 

 

Miel. Nasaan ka na ba?

 

 

Dahil hindi na ako mapakali, kinuha ko yung phone ko at tinawagan siya.

 

"Hell--"

"Miel? Where the hell are you?! Umaga na pero hindi ka pa rin umuuwi!" pagkasabi ko nun, natahimik siya.

"Uhmm--"

"Umuwi ka na!"

"But I.. I.. can't." napatahimik ako. She can’t? Why?

"Bakit?!"

"A..ano kasi.."

"Basta umuwi ka!"

"Pero kasi--"

 

Bakit baa yaw niyang umuwi?! Di kaya may kasama siya? Hindi pwede. Nasa probinsya yung pamilya niya. Pero baka naman, lalaki kasama niya?

 

 

"I.. I need you here. Kaya umuwi ka, maliwanag? Bye!" saka ko siya binabaan. Ewan ko, nasabi ko na lang yun bigla. Ahh bahala na! Basta kailangan niyang umuwi!

 

***

 

Damn. May pasok na pala sa office. Tsk. Bumangon na ako at naghanda para pumasok. Pagkababa ko, nagulat ako sa nakita ko.

 

“W..wag kang tatawa! Tutusukin kita ng tinidor, sige!”

 

Pinigilan ko naman yung sarili ko para huwag matawa. Mahirap na, may hawak talaga siyang tinidor. Umupo na lang ako sa upuan at kumain. Pero hindi ko talaga mapigilang mapangiti. Naka-office attire kasi si Miel. Oo nga pala, pinagtatrabaho siya ni mom bilang assistant ko. Bagay naman sa kanya. Sa katunayan, bumagay sa ganda niya. Parang pang-business talaga yung itsura niya. Kaso hindi lang talaga ako sanay na makita siyang nakaganyan.

 

Pagkatapos naming kumain, pumunta agad kami sa office. Dahil first time niya lang rito, tinuro ko sa kanya yung mga departments, office at yung ibang importanteng bagay. Pagkatapos, dumiretso kami sa office ko.

 

“Dito ka lang. Pupuntahan ko lang yung CEO.” Sabi ko sa kanya.

“Okay.” Tapos ngumiti siya.

 

Lumabas ako ng office ko at pumunta ako sa office ng CEO. Pagpasok ko, may mga kontrata siyang pinipirmahan.

 

“How many times do I have to tell you that you should knock first before barging in, son.” Tinigil niya yung ginagawa niya at tumingin sa akin. “What do you want?”

“Why did you do that to Hayley?” nagsisimula nang uminit yung ulo ko. Nang dahil sa kanya, mas lalong naging magulo lahat.

“Because I have to.”

“Buhay ko ‘to! You don’t have the right to--”

“Our business is involved. And business is my life. Therefore I have the right to be involved. At isa pa, standard procedure lang naman ang ginawa ko. Their company is undergoing bankruptcy and I saved it.”

“But mom, you should have talked to Hayley about it!”

“Why would I? Hindi naman siya ang director. And I don’t want to see that woman. She irritates the hell out of me.” Bigla siyang tumingin sa akin nang matalim. “If you don’t have anything else to say, you may leave. As you can see, I’m busy.”

 

Alam kong wala nang patutunguhan ‘tong usapan namin, kaya umalis na rin ako agad. Tss. She’s really hard-headed. Mukhang wala ng pag-asa sa company nila Hayley. I guess, it ends here.

 

Bumalik ako sa office ko, pero pagdating ko doon, wala na si Miel.

 

“Miel? Where are you? Miel?”

 

Bigla namang bumukas yung pinto kaya napatingin ako doon. Pagtingin ko, si Sarah pala, secretary ng department ko.

 

“Sir, nasa meeting room nap o si Miel. Nandoon na rin po yung imemeet niyo.” Saka siya ngumiti.

“Oh. Okay.” Akala ko kung saan na nagpunta si Miel. Hindi pa naman niya kabisado ‘to.

 

Kinuha ko naman yung mga papeles na kailangan ko pati na yung contract. Paalis n asana ako pero nakita ko na naman yung folder nay un. Tsk. Bakit ba hindi ko pa rin yun tinatapon? Hayaan na nga.

 

Nagmadali ako papunta sa meeting room. Pagdating ko doon, nakita ko si Miel na kaharap yung imemeet ko. Pero may kasama rin siya. Nakita ako nung ka-meeting ko kaya napatayo siya at nagsimula na naman akong maasar sa kanya.

 

“Mr. Sedilla. Good to see you again.” Saka siya ngumiti at nakipagkamay.

“Mr. Sy.” Umupo ako sa tabi ni Miel at napansin kong stiff at nakayuko lang siya. Kinakabahan ba siya dahil first time niya?

“Oo nga pala, this is my wife, Daphne. She wants to observe our meeting.” Tumayo naman yung kasama niyang magandang babae at nakipagkamay rin sa akin.

“Nice meeting you, Mr. Sedilla. Hmm, sino pala yang kasama mo? Is she your girlfriend?” tapos ngumiti siya.

“Ah, no. This is my new assistant, Miel.” Tapos siniko ko siya saka ko tinuro sina Mr. and Mrs. Sy.

“H..he..hello.” tumayo si Miel at nakipagkamay sa kanila. Pero napansin kong hindi niya binibitawan yung kamay nung Lawrence nay un kaya tumayo rin ako at hinatak yung kamay niya.

 

“EHEM. Let’s start this meeting, shall we?”