.

.

Chapter 44

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Saturday, November 14, 2015

Rimielle’s POV

 

Hindi ako makagalaw sa pwesto ko. Sobrang nabigla ako kanina nung pumasok ako sa meeting room. Sabi kasi nung isang employee, mauna na daw ako doon at susunod na lang si Tristan. So I went to the meeting room and I was stunned when I saw Lawrence, together with his wife.

 

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Happy? Because Lawrence is there and I saw him again. Sad? Because he is with his wife. I don’t know how to react. Pero dahil nakakahiya naman at nakatayo lang ako sa may pintuan, pumasok na rin ako at umupo sa harapan nila. Yumuko na lang ako pagkaupo ko para hindi ko makita yung mga mukha nila, lalo na ni Lawrence. Pero bigla kong naramdaman yung pagdikit ng binti ni Lawrence sa binti ko.

 

Bigla akong kinabahan. Shiz! Anong gagawin ko? Hindi ko naman kasi alam na si Lawrence ang imemeet niya! Eh di sana hindi na ako sumama kay Tristan papunta ditto. Ang awkward ng situation na ‘to!

 

Nagulat naman ako nung biglang tumayo si Lawrence.

 

“Mr. Sedilla. Good to see you again.” Napatingin ako agad sa pintuan at nakita ko na naglalakad si Tristan papunta dito. Then I suddenly realized, ito na ang pinaka-awkward scene ever. Of all people, bakit silang dalawa pa ang kaharap ko ngayon?! How will I react?! Oh please, help me!

“Mr. Sy.” Umupo siya sa tabi ko habang ako ay nakayuko na lang at hindi na makagalaw. Please, let me out of here!

“Oo nga pala, this is my wife, Daphne. She wants to observe our meeting.” Pagkarinig ko nung sinabi ni Lawrence, para akong binuhusan ng malamig na tubig. Yeah. He is with his wife. Ano ba Rimi, get over it. Hindi na sa’yo si Lawrence at hinding-hindi na magiging sa’yo.

“Nice meeting you, Mr. Sedilla. Hmm, sino pala yang kasama mo? Is she your girlfriend?” napatingin ako doon sa Daphne.

“Ah, no. This is my new assistant, Miel.” Dahil tinuro niya ako, no choice ako kundi tumayo.

“H..he..hello.” nakipagkamay ako sa kanila. Pero nung si Lawrence na yung kakamayan ko, feeling ko nanginig yung buong katawan ko. Nung time na bibitaw na ako, bigla naman niyang hinigpitan yung hawak niya. Napatingin ako sa kanya and I saw him looking at me. He smiled at me like there’s no one is around us. Pero nagulat ako nung biglang hinawakan ni Tristan yung kamay ko at hinatak ako paupo.

 

“Ehem. Let’s start this meeting, shall we?”

 

Okay Rimi, concentrate. Wag kang magpaapekto sa presence ni Lawrence, okay? Don’t mind him. Ang importante ngayon ay matapos na ‘tong meeting na ‘to para makaalis na ako dito.

 

Sinulat ko lahat ng pinag-uusapan nila, just like what an assistant should do. Pati yung mga arguments nila sinulat ko. Buti na lang nga at mabilis akong magsulat, kung hindi, hindi ko na nasulat lahat ng pinagsasabi nila. Napatingin ako sa side nila Lawrence and I saw Daphne looking at me kaya napayuko ako. Kanina niya pa ako tinitignan ng ganyan kaya hindi ako mapakali. Maybe because of what happened a while ago, nung ayaw bitawan ni Lawrence ang kamay ko.

 

“Hmm. Ms. Miel, have we met before?”

 

Napahinto ako sa pagsulat ko, pati na rin yung pagsasalita ni Lawrence at Tristan nung nagsalita si Daphne. Bigla akong kinabahan sa tanong niya. Yeah, college classmate namin siya sa isang subject ni Alex pero hindi naman namin siya kinakausap dati. Don’t tell me, namukhaan niya ako? Oh gosh.

 

“H-huh? Uhm, no. N-ngayon ko lang po kayo nakita.” Sabi ko na lang sa kanya.

“Really? But I think I’ve seen you before. Hindi ko lang maalala..” tapos tumingin siya kay Lawrence na that time ay nakatingin sa akin. “…no way. Are you-”

“Daphne, stop it.” Biglang sabi sa kanya ni Lawrence.

“But she’s-”

“She’s Mr. Sedilla’s assistant. And you’re saying too much. We are in the middle of a meeting.”

“Fine. I’m sorry.” Tapos sumandal na lang siya sa upuan niya at nag-cross arms.

 

Feeling ko sasabog na yung dibdib ko sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Shiz! So.. so namukhaan niya nga ako? Oh my gosh. Buti na lang talaga at napigilan siya ni Lawrence. Ayokong malaman ni Tristan ‘to dahil lalo lang gugulo ang lahat.

 

Napatingin ulit ako kay Daphne at nakita kong ang sama ng tingin niya kay Lawrence. Then napatingin rin siya sa akin nang masama kaya umiwas na lang ako. Pero maling side naman ako umiwas dahil yung mata ni Tristan ang na-meet ko. He looked at me at parang may message ang tingin na yun.

 

We’ll talk about this later.

 

Pati ba siya nahalata na rin ang weird atmosphere dito? Ugh. This is really difficult! Ano bang pwede kong gawin?!

 

“Where’s the comfort room?” napatingin ulit kami kay Daphne na ngayon ay nakatayo na.

“Just turn right after the lobby.” Sabi naman sa kanya ni Tristan.

“Thank you.” Saka siya lumabas ng meeting room.

 

Ngayon, kaming tatlo na lang ang nandito. What the heck. Parang lalong naging mas awkward ang atmosphere. Idagdag mo pa na sinisipa-sipa na naman ako ni Lawrence tapos may pangiti-ngiti pa siya! Baliw ‘tong taong ‘to! Pag kami nahuli ni Tristan ha!

 

“Is that okay with you? I mean, my proposal?” sabi ni Lawrence kay Tristan. Medyo nawala na ako sa usapan nila dahil sa lagging pagsipa sa akin ni Lawrence.

“Yeah. But I’ll review it first. I think the fund is too large.”

“Hmm, you should ask an accountant for that matter. Right, Ms. Miel?” saka ngumiti sa akin si Lawrence.

 

Tumango na lang ako sa kanya. I think the fund is too large nga, according to Tristan, pero hindi pa naman included doon lahat so it’s okay to have an accountant for this matter nga. Gosh. Pero bakit ganyan si Lawrence? Pag nakahalata si Tristan neto, patay ako.

 

“Okay. That’s it for now. Meeting adjourned.” Saka inayos ni Tristan yung mga papeles na nakakalat sa harapan niya at ganun rin naman si Lawrence. Naunang tumayo si Lawrence at ngumiti na naman siya.

“I hope this would be a success, Mr. Sedilla. Sige.” Tapos dumaan siya sa gilid ko at bigla niyang hinawakan yung kamay ko bago siya tuluyang umalis. Baliw talaga yung lalaking yun! Buti hindi napansin ni Tristan!

 

“Do you know him?” nagulat naman ako nung biglang nagsalita si Tristan. Pareho pa rin kaming nakaupo dito.

“Huh?”

“Do you know that Lawrence Sy?” tsaka siya tumingin sa akin habang nakakunot pa yung noo niya. Uh oh.

“H-huh? Hindi no. I-I mean, nakita ko na siya before. Di ba dati yung magkasama kayo sa café t-tapos saktong nandun rin kami ni Hayley? Ha-haha. S-sige, tara na alis na rin tayo ditto.” Patayo na rin sana ako kaso bigla niya akong hinawakan sa braso.

“Sinong mas gwapo sa amin?”

 

Nagbuffer ako sa tanong niya at napanganga talaga ako sa harapan niya.

 

“Huh?”

“Basta sagutin mo na lang!” napaatras ako dahil sinigawan niya ako. Hala nagiging monster na naman siya!

“Ano. Uhh--”

“Sino?!”

“I-ikaw!” napatakip ako bigla sa bibig ko dahil sa nasabi ko. Pero para hindi halatang bothered ako, nilapitan ko siya tapos kunwari inayos-ayos ko yung necktie niya. “Di ba sabi mo gwapo ka, sir? Ha-hahaha!” tapos tinapik ko siya sa balikat saka ako naglakad palabas ng meeting room at napasandal ako doon sa labas.

 

Air! Oxygen! I need oxygen! Walanghiyang Tristan at Lawrence yan! They are both troublesome!