.

.

Chapter 5

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Wednesday, July 15, 2015

Bumaba naman ako sa Gil Puyat at di ko rin alam kung bakit. Parang trip kong bumaba dito. Pero ang problema lang... hindi ko alam kung saan ako pupunta >_<

 

At dahil nga ang sakit na ng braso ko sa sobrang bigat ng mga dala ko, pumasok muna ako sa isang coffee shop na nakita ko habang naglalakad ako.  So pumasok muna ako doon para magpahinga. Ang sakit talaga sa braso >_<

 

"Aigoo." Minassage ko nalang yung braso ko para kahit papano eh maalis yung sakit. Haaay, where would I go now? Saan kaya pwede?

 

 

"What?! What king of agency is this?! Ahhh sh*t!!"

 

Napatingin naman ako dun sa guy na sobrang lakas ng boses at halos lahat kami dito sa loob ng coffee shop eh nakatingin na sa kanya. Hindi nya ba napapansin yun? Oh well. Mukhang galit siya eh. Oh scratch that. Hindi pala mukhang... Galit talaga ata siya.

 

 

 

 

 "Pano ngayon yan?! I need a maid right now!! Ah cut it! Sh*t!!"

 

 

 

Hindi ko alam kung shooting lang ba 'to or totoong buhay na kasi pati mga tao sa labas napapatingin sa kanya eh. Well, may itsura naman kasi siya. And I mean meron talaga. He's handsome. Pero parang ang yabang ng dating niya.

 

Okay Rimi, wag magcritisize ng di kilala >_<

 

 

 

 

 "Bunch of idiots." nakatingin lang siya sa phone niya habang sinabi niya yun. Psh. Katurn-off naman 'to. Puro cuss ang sinasabi. Maya-maya lang eh lumabas na rin siya ng coffee shop. Buti naman! Peaceful na rin sa wakas *u*

 

Umorder na rin ako ng coffee pampawala ng antok. Di pa pala ako natutulog >_< Ngayon ko lang narealize yun ah! Kaya pala kanina sa LRT eh pipikit-pikit ako.

 

"Thank you." and then nilapag na nung waiter yung order ko sa table. Nilabas ko muna yung phone ko para tignan kung sinu-sino yung mga nagtext. Puro kay Lawrence, Alex, kuya, mom and dad. Ang binasa ko lang na text ay yung kay Alex.

 

>Rimi, palitan mo na yung phone mo. Baka malocate ka ng daddy mo. Okay? Oh and please text me kung nasaan ka para naman di ako mag-alala. Smile! :) <

 

And napangiti nga ako sa text niya. Binura ko lahat ng text kahit di ko pa nababasa. And tinanggal ko yung simcard ko at binali ko. Yung phone ko? Ayun, after kong inumin yung coffee ko eh iniwan ko na rin dun sa shop. Pero syempre kinuha ko yung memory card ko.

 

Pumunta muna ako dun sa mall na nakita ko at bumili ng bagong phone. Simple phone lang yung binili ko dahil una, di ko naman magagamit masyado yung phone ko. And pangalawa, limited ang pera ko ngayon kaya kailangang magtipid >_<

 

Bumili na rin ako ng simcard and I texted Alex immediately. Well kabisado ko naman kasi ang number niya. Sinave ko na rin yung number ni kuya, in case of emergency. And now...

 

 

Saan na ako pupunta? :\

 

 

 

Lumabas ako ng mall at nagtingin-tingin sa paligid. May bus terminals akong nakita, kaso ayaw ko namang magpakalayu-layo masyado. Kaya dumiretso ako sa sakayan ng taxi. And kailangan ko pang tumakbo dahil isa nalang yung taxi na nakaparada. Gosh! Ang bigat ng maletang 'to ha!

 

Bubuksan ko na sana yung pinto ng taxi with matching hingal-hingal pa kaso biglang may humawak rin dun sa knob.

 

"Hey! Ako ang nauna dito!" tinapik ko yung kamay ng kung sino man yun dahil sa kamay niya lang ako nakatingin.

"Excuse me miss, ako ang naunang humawak sa knob kaya ako ang nauna." Eh baliw pala 'tong...

 

 

 

te..teka.. 

 

 

 

Siya yun! Siya yung nasa coffee shop kanina! 

Aish. Kainis siya!

 

"Mr., maghanap ka nalang ng ibang taxi okay?" sabay bukas ko dun sa pintuan. Papasok na sana ako kaso..

"Well miss, ikaw ang maghanap ng bagong taxi mo." then he smirked! At siya ang pumasok sa loob! How dare him?! Ako ang nagbukas tapos siya ang pumasok?! 

 

 

Ano ako, alalay niya?!

 

 

"NO WAY! Umalis ka dyan, dahil nauna ako!" hinatak ko siya palabas pero ang lakas lang niya! Di ko siya kaya!

"What the?! Ano ba---"

"Ah ayaw mong umalis ha? Then... fine."

 

Tumabi ako sa kanya sa back seat at pinasok ko yung mga gamit ko. Gusto niya ng asaran? Then fine! I'll give him what he wants!

 

 

"Sir, Ma'am. Wag naman po kayo mag-away." napatingin naman ako kay Manong. And I can tell na nakukunsumi na siya sa aming dalawa. Eeessshh. Kasi naman 'tong lalaking 'to eh! Ayaw pa umalis eh nauna nga ako. Not a gentleman, tsk.

 

 

"Tss. Manong sa Westville Subdivision po. Wag niyo nalang pansinin 'tong isang 'to."

 

 

WHAT THE. UGGGHHH! THIS GUY IS SO ARROGANT! I wanna punch him right now! Pero huminga nalang ako ng malalim para makapagpigil. Rimi, inhale, exhale. Wag hayaang magkaroon ng wrinkles dahil lang sa isang lalaki, okay?

 

 

Now, saan nga pala ako pupunta?

 

 

Ano kaya kung mag-apply ako ng trabaho sa isang office?

No. Baka kilala nila si Daddy at sabihin kung nasaan ako.

 

Eh kung bilang saleslady?

No. For sure, kilala rin nila si dad.

 

Sa carinderia or fast foods kaya?

No. Di pala ako marunong magluto. >_<

 

 

Eh saan pala ako mag-aapply? T__T

 

 

"Hello manang? Wala po akong nakuhang bagong kasama niyo eh. Yung agency daw kasi eh pinadala yung mga bagong maids sa ibang bansa. Those bastards! Sinabihan ko na sila last week na kelangan ko ng isang maid eh. Bukas nalang ho ako ulit kukuha."

 

 

 

*lightbulb*

 

 

"You need a maid?" I said while giving my sweetest smile. Yeah! This is the job for me. Walang makakaisip na papasok akong maid.

 

Pero mukhang di niya nagustuhan yung sinabi ko. Sumimangot kasi eh. Psh. Suntukin ko siya eh!

 

"Why? Are you applying? Hahaha!" at aba! Nakuha pang umiling-iling! Nakuuuu pipilipitin ko yang ulo mo eh! Mukha ba akong nagbibiro? Tinitigan ko lang siya ng matagal para malaman niyang seryoso ako.

 

And at last, napansin niya rin! "Are you serious?" with matching panlalaki pa ng mata.

"Do I look like I'm joking?" syempre pinakitaan ko siya ng isang sincere na pagmumukha.

"Are you kidding me?" this time, napaharap na talaga siya sa akin. Ang kulit niya ha. 

"I kid you not."

 

 

 

 

SILENCE.

 

 

 

 

"So, tanggap na ba ako?"

 

*another moment of silence*

 

"Then I'll take that as a yes." and this time, ako naman ang nag-grin sa kanya. Mukha siyang abnormal na nakatitig lang sa akin at iniisip pa rin kung nagjojoke ba ako o hindi. Siguro hinihintay niya na sabihin kong, "JOKE LANG HAHAHAHA!" pero sorry siya, I'm serious.

 

"Manong, ikaw ang witness ha? Ako na ang bago niyang maid. So, sa Westville subdivision na rin po ako." nginitian ko nalang si manong and natawa lang siya sa sinabi ko. Actually feel ko eh pinagtatawanan niya kaming dalawa.

 

Kung sabagay, para kaming bata kung umarte eh. Sino ba namang di matatawa.

 

 

 

"Roger Ma'am, Sir. Alam niyo, bagay kayo. Haha." di ko alam kung babatukan ko ba si kuya o makikitawa nalang ako sa tawa niya eh. Pero isa lang ang nasabi ko sa kanya..

 


"NO WAY! / NO WAY!" at nasabi rin ni... whoever he is.