.

.

Chapter 6

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Wednesday, July 15, 2015

After siguro mga almost an hour eh nasa subdivision na kami ng Westville. And I'm telling you guys, it was hella amazing! Ang ganda ng structures ng mga bahay at super cool din ng paligid.

 

"Whoaaa.." super naaamaze talaga ako dito. Ang ganda talaga! Parang paradise ang theme ng construction.

 

"Ngayon ka lang ba nakakita ng bahay? Tss." napatingin naman ako sa kanya. Kainis 'to ha? Sinamaan ko nga ng tingin. 

 

"A..Aba! May pairap-irap ko pang nalalaman?! Aisshh." pffft. Hahaha actually gusto ko siyang tawanan ngayon! Umirap lang ako eh parang sasabog na bulkan na. Pati si manong nga natatawa na rin eh. Sheesh, ang isip-bata!

 

 

Maya-maya lang rin eh bumaba na siya kaya bumaba na rin ako. Actually, sa tapat kami ng isang super malaking bahay bumaba. 

 

"Keep the change manong." and then inabutan niya si manong driver ng 500 pesos at nagsimula nang maglakad.

"Wow, galante rin pala si.. kung sino man siya." well, one good side. Galante siya.

"Naku ma'am, mabait naman po yung si Sir. May pagkamasungit nga lang." napatingin naman ako kay manong.

"Kilala mo po ba siya?"

"Ah opo. Madalas ko po siyang nasasakay eh. Lagi kasi siya dun sa coffee shop na yun. Ay sige po, babyahe na po ako."

 

Nagbabye naman ako kay manong driver at sumunod sa bahay nung lalaking yun. Err kainis! Ni hindi man lang ako tinulungan sa gamit ko! Oh well, hindi nga pala siya gentleman. Pero natuwa naman ako nung iniwan niyang bukas yung pinto. Akala ko eh sasaraduhan niya ako eh.

 

"MANANG! PATIMPLA AKO NG KAPE!!"

 

Halos mabitawan ko yung gamit ko sa lakas ng sigaw niya. Umakyat siya sa kwarto niya ata and hindi na lumabas. Grabe super nag-echo talaga sa buong bahay yung boses niya kanina! >o<

Syempre ako eh dun lang ako sa bandang pasukan lang ng bahay. May hiya rin naman ako kahit papano. 

 

"O sige hijo.." may nakita naman akong matandang babae na nagmamadaling papuntang.. kitchen ata? Basta nagmamadali siya! Pero mukhang nakita niya ata ako kaya pinuntahan niya ako sa may pintuan.

 

"Hija, ikaw na ba yung bagong kasambahay?" nag-nod nalang ako and nagsmile. "Halika, pasok ka. Wag mong intindihin yung si TJ. Masungit lang talaga yun pero mabait naman. Halika, dun muna tayo sa kusina." hinatak ako ni manang and pinaupo dun sa upuan sa may kitchen nila.

 

So his names TJ? Pffft. Parang hotdog lang.

And mabait? Uh-oh. Hindi ata.

Masungit? A BIG CHECK!

 

Habang nagtitimpla ng kape si manang eh nagkukwento lang siya sa akin. Actually, di ko nga maisip kung paano nakakatiis si manang Linda (sinabi niya sa akin yung pangalan niya habang nagkukwento siya) sa kasungitan nung TJ hotdog na yun. Naku kung ako si manang eh matagal ko nang nilayasan yan!

 

"At saka alam mo ba, nug bata yang si TJ, palangiti talaga yun. Lagi pa nga yang umaakyat ng puno dati tapos pinapamigay niya sa mga kapitbahay yung mga manggang nakukuha niya. Tapos--"

 

"Ehem. Manang, yung kape ko po?" 

Bigla kaming napahinto sa pagkukwentuhan ni manang dahil sa masungit na hotdog na dumating. Psh.

 

"Ay eto na hijo oh." inabot naman agad ni manang yung pinatimplang kape.

"At ikaw.. magsimula ka nang maglinis. Maid ka dito, hindi bisita." sabay talikod sa akin at akyat ulit sa kwarto niya.

 

Eeeerrr! Sobrang sungit talaga nun! Masama bang makipagkwentuhan? Sapakin ko na talaga yung lalaking yun eh! Hinatid naman ako ni manang sa kwarto ko. Oh well, hindi na masama. Actually, magkasama kami ni manang sa isang kwarto. Nakakatuwa rin kasing kasama si manang. Parang mother figure ang dating niya. At isa pa, super jolly niya pa na tipong lagi siyang nakangiti at di nauubusan ng kwento. I like her kahit ngayon ko palang siya nakilala.

 

Unlike that guy. >_>

 

"Miel, anak, dito sa bahay ni TJ, ako ang tagaluto. At dahil nga nagresign yung huling maid niya, eh syempre ikaw na ang gagawa ng mga ginagawa niya dati." napalunok ako. Mukhang 'medyo' mahirap ata maging maid ah? "Ako na ang bahala sa kusina. Ikaw ang maglilinis ng buong bahay, maglalaba at magpaplantsa. Pero tutulungan naman kita hangga't kaya ko."

 

Oo nga pala, Miel ang ipinakilala kong name ko dahil.. err.. para safe na rin. Ayokong gamitin yung Rimi dahil alam kong pinapahanap na ako ni daddy ngayon. So to hide my identity, I changed my name to Miel.

 

*inhale* *exhale*

Mukhang mahirap nga. T_T Aigooooo.

 

Pinakita sa akin ni manang kung saan ako magsisimulang maglinis, kung saan ako maglalaba at kung kelan ako maglalaba at magpaplantsa. At dahil sabi nga nung hotdog na yun eh ngayon na ako magsisimula, bumalik muna ako sa kwarto para magbihis.

Nagblouse lang ako at shorts dahil alam kong pagpapawisan ako ng todo sa gagawin ko. Tinali ko na rin yung buhok ko para di ako mahirapan. 

 

Kinuha ko yung walis tambo and nagsimula na ako sa pagwawalis.

 

"Aja Miel! Hwaiting!" with hand gestures eh pinalakas ko yung loob ko na kaya ko 'to. Aja! Aja!

 

"Anong ginagawa mo? Tss."

 

 

 

 

 

 

 

Wh..what the..

Ugh! Nakita niya akong nag-aaja! Aish! Inaasar niya talaga ako ah!

 

 

 

Nagwalis nalang ulit ako dun sa may bandang living room. At ang nakakainis lang eh nanonood siya ng TV.. ng naka-sando..at.. at..

 

 

 

shorty shorts!

 

 

Ano ba namang lalaki 'to?! Hindi ba siya nahihiya?! My eyes! (/_\)

 

 

And hindi ko alam kung may sumanib ba sa kanyang pervert spirit dahil bigla siyang ngumiti ng nakakaloko habang nagwawalis ako sa harapan niya.

 

Tuwing napapatingin ako sa kanya eh tinataas niya yung dalawang kilay niya at super nakangiti!

Tapos every time na ikukunot ko yung kilay ko eh pumipikit siya at nagpopout na parang may kinikiss!

 

 

Oh diba? Baliw lang? Kanina masungit tapos ngayon parang bata kung umasta.


 

God! Is he a bipolar? >o<