.

.

Chapter 7

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Wednesday, July 15, 2015

“Manang, ano pong niluluto nyo?” I'm at her back while watching her cooking our dinner.

 

“Ay ginataang isda ito anak. Paborito ito ni TJ eh.” Wow. May paborito pala si SIR.

 

“Akala ko po hotdog favorite niya.” ewan ko pero natatawa ako pag tinatawag ko siyang hotdog. Ang corny kasi. Haha, okay ang corny ko talaga.

 

“Ay bakit mo naman nasabing hotdog, hija?” ay, di na-gets ni manang? :(

 

“Uhmm, wala po.” umiling nalang ako. Baka pag sinabi ko eh sabihan ako ni manang ng corny!

 

 

And speaking of corny, ang corny lang nung hotdog na yun. Corny na annoying! And you know what's annoying? Alam niyo ba na gusto niya daw na tawagin ko siyang 'Sir Tristan' dahil si manang lang daw ang pwedeng tumawag sa kanya ng TJ? Kainis di ba? Ang corny corny! Sir pa ang gusto. Psh.

 

Alila talaga tingin niya sa akin eh no? Pasalamat nga siya, na ang isang Jung, eh nagtatrabahong maid sa kanya eh. Swerte niya ha! Dapat sa office ako nagtatrabaho, pero look at me now? Stucked at this work. How pathetic.

 

“Miel! Miel!” speaking of the devil.

 

“Bakit po SIR TRISTAN?” nakita ko namang nag-smile si manang. Okay. Oo na. Childish kami masyado. Pero demading kasi ng Tristan na yun eh. Psh.

 

“Sige na hija, puntahan mo na doon at baka may kailangan.”

 

Umakyat ako sa hagdan ng padabog. Pagkatapos niya akong paglinisin ng buong bahay? Meron ulit siyang utos? Pinagtitripan talaga ako ng hotdog na 'to eh! Sakit-sakit na nga ng katawan ko eh!

 

“Bakit po?!” napalakas ata yung tanong ko nung makapasok ako sa kwarto niya.

 

“What did you say?” and then tinaasan niya ako ng kilay. Ugh! Ang arte talaga!

 

“I said.. bakit po, SIR?” I smiled sarcastically. Grabe, mabilis ata akong magkaka-wrinkles dahil sa kanya eh >_<

 

“Good.” that evil smile of him! Aigooo! “Pakiakyat nalang ng dinner ko dito. Tinatamad akong bumaba.”

 

Huminga nalang ako ng malalim para di ako sumabog sa inis ko sa hotdog na 'to. “Okay SIR.” pinagdiinan ko talaga yung Sir dahil naiinis na talaga ako.

 

Bumaba ako ng super badtrip ang mukha dahil sa kanya. Naku! Pasalamat talaga siya at kelangan ko ng matutuluyan habang pinaghahanap pa ako nila daddy. Grabe niya ako alilain ha?

 

“Oh ano daw ang pinapautos niya?” agad naman akong tinanong ni manang.

 

“Dun daw po siya magdidinner sa kwarto niya.” umupo nalang ako dun sa may dining area at hinintay na matapos si manang sa niluluto niya.

 

“Alam mo Miel, masaya ako at dumating ka dito.” bigla naman akong napatingin kay manang. And then, she smiled at me. “Malungkot kasi dito. Laging wala si TJ dahil sa opisina kaya wala akong makausap dito. Kaya nga tuwang-tuwa ako nung makita kong may kasamang babae si TJ kanina. Akala ko eh si Ma'am Hayley yung kasama niya eh. Ikaw pala.” napakunot yung noo ko sa sinabi ni manang.

 

“Uhm manang, who's Hayley? I mean.. sino yung Hayley?” Aish! Sabi ko pala titigilan ko na muna yung pag-eenglish dahil ang weird tignan na ang isang maid eh nag-eenglish! >_<

 

“Ay si Hayley? Ay iyon yung fiance ni TJ.”

 

“What?! Ma..may fiance po siya?!” halos mapanganga talaga ako sa sinabing yun ni manang. Yung childish na hotdog na yun? May fiance na pala? Wow di halata ha!

 

“Oo. Two years na sila at sa katunayan eh nagpropose na sa kanya si TJ nung nakaraang buwan. Ay ka-sweet nga nung batang yun eh! Alam mo bang kinilig ako ng todo sa proposal na ginawa niya? Ay susginoo halos mapatid ang labi ko sa sobrang ngiti nung gabing yoon!” natawa naman ako kay manang dahil super saya niya habang nagkukwento siya. Ako naman, biglang.. nalungkot.

 

 

Namimiss ko na si Lawrence ;'(

 

Kung hindi ako umalis, siguro magiging fiance ko na rin siya. Kung di lang sana ako i-eengage ni daddy sa ibang lalaki, eh di sana.. masaya kami ni Lawrence ngayon.

 

“Miel.. ayos ka lang ba?” bigla akong napatingin kay manang na nasa harapan ko na pala. Tapos na ata siyang magluto kaya nakiupo na rin siya sa tabi ko.

 

“Ah..o..opo..”

 

“Anak, wag mong sasabihing ayos ka lang kapag tumutulo na yung luha mo.” and saka ko lang napasin na umiiyak na pala ako. I missed him so much. I wanna hug him, I wanna kiss him. But I can't. I just.. can't. :'(

 

“May problema ka ba Miel?” this time, hawak-hawak na ni manang yung cheeks ko, habang tuluy-tuloy pa rin yung pagtulo ng luha ko.

 

“W..wala..wala..po..okay lang po talaga ako.” I'm trying to hold back my tears, but I can't. They keep flowing and flowing from my eyes.

 

“Anak, alam mo.. masamang magsinungaling sa kapwa, pero mas masamang magsinungaling sa sarili. Pwede mo akong pagsabihan ng problema. Pwede mo akong maging nanay.” nginitian ko nalang si manang dahil bigla kong namiss si Mommy sa kanya. I hugged her tightly and dun ako umiyak sa balikat niya.

 

 

Gosh, I'm still a crybaby pag si Lawrence na ang pinag-uusapan. :'(

 

 

 

After kong ihatid yung dinner ni Tristan eh dumiretso na ako sa kwarto. Napansin niya ata akong wala sa mood kaya di na niya ako inasar o kinausap. Share kami ng kwarto ni manang. Actually, double dec yung kama namin and sabi niya, masakit na daw yung likod niya at ayaw na niyang umakyat ng hagdan kaya ako yung sa taas. Hindi na rin ako nag-dinner dahil nawalan ako ng gana kaya humiga nalang ako sa kama.

 

I checked my phone and nakita ko na nagmessage pala sa akin si Alex.

 

 

'Rimi, Lawrence went here. And gosh, he was drunk and.. you know.. he cried in front of me.'

 

 

 

After reading her message, my heart sank. He's hurt because of me. He's in pain because of me. It's all because of me. :'(

 

Pero, ginagawa ko lang naman 'to para sa kanya eh. I don't wanna see his family na pinapabagsak ni daddy dahil lang sa ayaw kong magpa-engaged sa kung sino man yung lalaking sinasabi niya. And I know na hindi yun gagawin ni daddy kapag pumayag ako sa engagement.. or maaman niyang walang kinalaman si Lawrence sa paglalayas ko.

 

Ayaw kong madamay pa siya sa gulo, even if it means I have to break his heart. And breaking my own heart, too.

 

 

I texted her back.

 

'I hope he'll understand my situation. Please Alex, wag mong sabihin sa kanya na may communication tayo. I know he'll do everything to find me.'

 

 

Kahit masakit, I'll have to do this.

Mas okay na sa akin 'to.

 

 

Yung malayo kami sa isa't isa pero alam kong nagmamahalan pa rin kami. Kaysa naman abot-kamay ko nga siya, pero sa iba naman ako ikakasal.

 

 

“Miel, di ka ba talaga kakain?”

 

Pinunasan ko kaagad yung luha ko before ako umupo sa kama at sagutin si manang. “Hindi na po.” then ngumiti nalang ako sa kanya. Siya naman, nakatingin lang sa akin and parang may awa akong nakikita sa expression niya.

 

 

Bumaba ako ng kama at tumabi kay manang sa pag-upo dun sa kama niya.

 

“Manang, pwede po ba akong magkwento sa inyo?” I dunno but I really want to tell her my story. Gusto kong mapagaan yung loob ko. Gusto kong ilabas yung sama ng loob ko. Mahirap din kasi yung sinasarili ko yung problema ko even if I know that I'm not that strong to handle it.

 

“Sige anak. Handa akong makinig.”

 

Pagkasabing-pagkasabi niya nun eh kinuwento ko sa kanya lahat-lahat. Kahit na umiiyak na ako and sinisipon eh tuloy pa rin ako sa pagkukwento. Maging si manang eh nakikiiyak na rin sa akin. Hindi siya nagsasalita, hinayaan niya lang akong magsalita at hinahagod niya lang yung likod ko to comfort me.

 

After kong magkwento, parang gumaan naman yung loob ko. At least, nailabas ko na lahat ng hinanakit ko sa pamilya ko. Yung pagkamiss ko kay Lawrence.

 

Kinuhaan ako ni manang ng tubig. Medyo nahihilo na kasi ako sa kakaiyak, and masakit sa ulo. And bago ako umakyat sa kama ko, may sinabi si manang na nakapagpangiti sa akin ngayong gabi.

 

 

 

 

 

 

“Maayos din ang lahat anak. Tiwala lang.”

 

Sana nga manang.

Sana nga maayos ko 'to. :'(