.

.

Chapter 8

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Saturday, November 14, 2015

***

“Manang, maghanda po kayo ng lasagna. Pupunta po si Hayley eh. Sige alis ho muna ako. Miel, linisan mo yung kwarto ko.” and then umalis na siya.

 

Medyo okay na yung pakiramdam ko ngayon. Well, actually masakit pa rin yung ulo ko but I can handle it naman.

 

“Nay Linda, san po pala pupunta si Sir Tristan?”

 

“Ay sa opisina niya. Siya kasi ang manager nung business nilang pamilya dito sa may Makati.”

 

“Ahh.” nagnod nalang ako kay Nay Linda at umakyat na papunta sa kwarto ni Sir Tristan.

 

 

Well, after kong sabihin kay Nay Linda lahat kagabi, mas gumaan yung pakiramdam ko. And sabi niya, Nay Linda nalang daw ang tawag ko sa kanya since gusto niya daw maranasan magkaroon ng anak. Matandang dalaga kasi Nay Linda. Oh, and sinasanay ko na rin yung sarili ko na Sir Tristan ang itawag kay Tristan at hindi kung anu-ano pa. I wanna change my attitude. Gusto ko nang magbago. Yung kay Lawrence naman, I decided na di ko na siya iisipin. It's for his sake na wala ako sa tabi niya ngayon. If one day eh bumalik ako sa amin and mahal niya pa rin ako, then that would be great. Pero kung meron na siyang ibang mahal, and bumalik ako sa amin, I'll respect that. Ako naman kasi ang unang nang-iwan. Hindi ko siya masisisi kung makakahanap siya ng iba. Yung mas deserving sa love niya. Bahala na.

 

 

Pumasok ako sa room ni Sir Tristan. Actually, third time ko nang makapasok dito. Kahapon yung first and second time nung inutusan niya akong iakyat yung dinner niya. Pero ngayon ko lang natingnan ng mabuti yung buong room. Blue ang theme ng kwarto niya and super tapang ng amoy pero mabango. Masculine na masculine ang dating. King-size yung bed niya then blue rin ang unan and comforter. May stall rin siya ng DVD's and CD's. Then may collection rin siya ng books.

 

 

 

Common room for boys.

 

 

 

Bigla ko namang nakita yung isang picture frame sa side table niya.

 

 

 

It's him.. with a pretty lady. Siguro si Hayley 'to. Yung fiance niya. Actually, ang ganda nga ni Hayley sa picture nila. I'm sure anak mayaman rin. Halata naman eh.

 

Naalala ko bigla si Lawrence pero nagsimula agad akong maglinis para mawala siya sa isip ko. And in all fairness, malinis naman ang kwarto ni Sir.

 

Bumaba akong pawisan dahil sa sobrang init sa room niya. Di nakabukas yung aircon eh. Grabe namiss ko ang hangin kahit papano. >_<

 

“Oh Miel, halika dito at tikman mo yung niluto kong lasagna!” pumunta ako sa kitchen dala-dala yung garbage bag na pinuno ko ng mga kalat sa kwarto ni Sir. Pinaupo naman agad ako ni Nay Linda sa may upuan at hinainan ng isang platito ng lasagna.

 

Mukhang masarap *u*

 

 

 

“Whoa! Mashiseo boyeoyo!” (Whoa! It looks delicious!) napatingin nalang ako bigla kay Nay Linda. Tinawanan niya lang ako. Err, alam niya kasing half-korean ako kaya daw pala kung anu-anong sinasabi ko kagabi. Nanaginip daw kasi ako then I was sleeptalking. Oh well.

 

 

“Sige na anak, tikman mo na.” At dahil nga medyo nagugutom na ako, tinikman ko yung luto niya.

 

 

 

 

And it was great.

 

 

 

 

 

This was the best lasagna I have ever eaten. Totoo. Ang sarap talaga. Malalasahan mo lahat.

 

 

 

“Masisseo! Jeongmal masisseo! Omo~” (Delicious! Very delicious! Oh my gosh.) mabilis kong naubos yung nakahain sa akin dahil nga ang sarap nung luto ni Nay Linda. Grabe gusto ko pa >_< Kaso nahiya naman akong manghingi pa kasi nga di ba pinahanda yun para kay Hayley? Swerte naman niya >_<

 

Sinabi ko nalang ulit kay Nay Linda na super sarap ng gawa niya. Grabe, pwedeng pwede siyang magtayo ng restaurant if kaya niya, and I know magiging successful yun.

 

Habang hinihintay namin si Sir Tristan at yung fiance niya eh tinuruan muna ako ni Nay Linda kung pano magluto. Err, I'm not that good at cooking so.. kelangan ko pa ng training. Hmp, pero si kuya ang galing magluto. Duga talaga.

 

And speaking of kuya, kamusta na kaya siya? Naawa tuloy ako bigla kay kuya, mamaya siya na ang pinagbubuntunan ng galit nila daddy. Oh, and where did I get that word? Deep nun ha? Pinagbubuntunan? Hahaha.

 

After so many hours of waiting, dumating rin sila. Bumusina si Sir Tristan and binuksan naman agad nung guard, habang kami ni Nay Linda eh nakasilip lang sa bintana. Then pumunta na kami sa kitchen para ihanda yung niluto niya. Syempre nilagay agad namin sa dining table and hinintay nalang silang makapasok ng bahay.

 

And nung pagpasok nila, lalo lang akong na-amaze sa beauty ni Hayley. She's gorgeous. Pwedeng-pwede siyang maging model or artista kung gugustuhin niya eh. She's a head turner.

 

Long black hair, rosy cheeks, thin lips, fair skin, slim body.. head-turner talaga. Kahit ako na babae eh nagagandahan sa kanya. Ayos pala ang taste ni Sir Tristan.

 

 

 

 

Then nagulat ako nung bigla siyang tumingin siya sa akin.

 

 

 

 

 

 

“Hello.” she smiled and waved at me. “Hello manang!” then niyakap niya si manang.

 

 

 

I don't know but, napangiti ako. Mukha naman siyang mabait. Nakakatuwa lang na makakita ng mga anak mayaman na super ganda na and super bait pa. I mean, ano pang hahanapin mo sa kanila?

 

 

 

 

 

 

 

 

 

They're like.. perfect.


***