.

.

Chapter 9

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Saturday, November 14, 2015

Pagkatapos nilang kumain and magkwentuhan, hinatid na ni Sir Tristan si Ma'am Hayley at kami naman ni Nay Linda eh kami yung umubos nung Lasagna na natira.

 

 

“Grabe no Nay Linda? Super perfect sila. Nakakainggit tuloy.” nararamdaman kong tutulo na naman yung luha ko dahil bigla kong naalala si Lawrence. But I managed to hide it with a faint smile. Ayoko nang umiyak. It's really tiring. Nakakasawa na.

 

“Oo nga eh. Pero katulad ng ibang love story, hindi sila perpekto anak.” Napatingin naman agad ako kay Nay Linda.

 

“What do you mean po?”

 

“Para sa kanila, perpekto ang relasyon nila. Pero hindi anak. Ayaw ng mga magulang ni TJ kay Hayley. Kaya lihim lang yung engagement nila.” bigla tuloy akong nacurious. Bakit kaya?

 

“Bakit naman po?” lumapit sakin si Nay Linda na parang secret lang 'tong pinag-uusapan namin.

 

“Hindi naman sa sinisiraan ko si Hayley pero.. may pagkaspoiled kasi ang batang yun. Gusto niya lahat, nakukuha niya. Dati naman, ayaw sa kanya ni TJ. Kaya hindi ko alam kung anong gayuma ang pinainom niya sa alaga ko at bigla nalang siyang nagustuhan.”

 

 

I gasped. I don't know if that's true but I trust Nay Linda. Hindi halata sa itsura ni Hayley na brat and spoiled siya. Actually, mukha siyang mature and demure. I mean, basta! Hindi siya mukhang spoiled brat.

 

“Talaga po?” napansin kong di na namin nagalaw yung food dahil sa kwentuhang 'to.

 

“Oo Miel. Pero dahil masaya sa kanya yung alaga kong si TJ eh tinanggap ko na rin siya. Mabait naman siya sa akin at wala naman akong narinig na masamang salita galing sa kanya. Pero alam mo ba, ayaw ko pa rin sa kanya minsan.”

 

“Bakit naman po?” I started to eat nalang ulit habang nagkukwento si Nay Linda. Ang sarap kasi eh. Sayang naman kung di ko uubusin >_<

 

 

“Dati kasi, nag-away silang dalawa. Dito nga yun sa bahay eh. Kaya kitang-kita at rinig na rinig ko yung mga nangyari.” bigla namang binaba ni Nay Linda yung fork niya kaya napatingin ako sa plato niya. Hingiin ko kaya? Aaahh! Bad Rimi! Aigoo, kung anu-anong pumapasok sa isip ko.

 

“Ang liit-liit lang nung pinag-awayan nila pero pinalaki ni Hayley.” biglang huminto si Nay Linda as if she was reminiscing what happened. “Pinag-awayan nila kung bakit di tumawag si TJ sa kanya nung gabing yun kaya napasugod siya dito. Kumbaga.. ano nga iyong tawag dun? Yung kapag di nagawa nung mahal mo yung ginagawa niya sa iyo araw-araw at maiisip mong baka pinapalit ka na niya?”

 

 

Napangiti naman ako not knowing why. Then sinagot ko yung tanong ni Nay Linda. “Paranoid and obsessed.” sabay subo ko ulit dun sa pagkain ko.

 

“Ay ayun nga! Diyos ko po! Gusto ko siyang sermunan noon dahil hindi naman ginusto ni TJ na di siya tawagan. Busy kasi siya nun dahil may problema ang kumpanya nila kaya't maghapon magdamay siya sa harap ng computer niya.”

 

 

Nung sinabi yun ni Nay Linda eh parang nagbago bigla yung tingin ko kay Hayley. Grabe naman siya. Ako nga iniintindi ko kapag minsan eh hindi ako natetext or natatawagan ni Law---

 

 

 

 

Nevermind.

 

 

 

 

“Grabe talaga ano? Nagsigawan pa sila nun sa may sala at may nabasag pa siyang flower vase dahil sa inis niya. Buti nalang at mabait itong si TJ at siya na ang umunawa doon kay Hayley.”

 

 

 

Bigla naman akong napakunot noo. Siya mabait? Huh! Eh pag naaalala ko yung nangyari sa taxi eh hindi ko maimagine na mabait siya eh >_<

 

“Oh bakit ganyan ang mukha mo Miel? May problema ba?” napatingin naman ako agad kay Nay Linda na nakatingin na pala sa akin.

 

“Ahh kasi po..” I hesitated at first but, oh well. “Mabait po ba talaga yang si Sir Tristan? Eh kasi po nung nagkita kami eh sinungitan na niya ako agad. At alam niyo po ba? Hindi siya gentleman! Grabe, nakipagunahan pa sakin sa taxi! Kaya po andito ako ngayon dahil dun. Dahil sa pag-aagawan namin sa taxi. Grabe talaga yun.”

 

And I was surprised when Nay Linda laughed at me. Napatingin nalang ako sa kanya. Teka.. nakakatawa ba yung kinwento ko? >_< Pero at the same time, napangiti rin ako. Ngayon ko lang kasi siya nakita na tumawa.

 

 

“Aba'y kakaiba pala ang pagkikita niyo ano? Parang sa mga palabas lang.” tapos tumawa ulit siya. I don't know pero para akong tinamaan ng hiya >///<

 

 

After ng kwentuhan namin eh inubos na agad namin yung Lasagna at tinulungan ko na si Nay Linda maghugas ng plato.

 

 

Actually, kahit two days palang ako dito, parang feel at home na agad ako. Well, dahil kay Nay Linda of course.. and kahit papano, natutuwa rin ako sa kasungitan ni Sir Tristan. And speaking of Sir Tristan, narinig ko na bumusina yung sasakyan niya.

 

 

 

“He's here.” sabay tanaw ko sa bintana dun sa kitchen.

 

 

 

Maya-maya lang, nandito na rin siya at umupo sa upuan doon sa may dining table. Gusto ko nga sana siyang tawanan dahil bigla siyang ngumingiti tapos parang kinikilig. Hahaha funny right? Ngayon lang ulit ako nakakita ng guy na kinikilig except from L--- err. Nevermind again.

 

 

Bigla naman siyang napatingin sa akin. Iiwas sana ako ng tingin but it's too late. Nahuli na niya akong nakatingin sa kanya.

 

“Anong tinitingin-tingin mo dyan?”

 

“Sungit.” bulong ko kay Nay Linda. Then tumawa naman siya. Tinignan lang eh. Buti nga di ko siya tinawanan eh! Hmp.

 

“Anong sabi mo?” narinig ko naman yung tunog ng upuan, so I know na tumayo siya.

 

Syempre ako naman, di ako papatalo sa kanya kahit boss ko siya. Kaya tumingin ulit ako sa kanya. “Wala sabi ko ang sungit mo. Bleh.” then dinilaan ko siya and humarap ulit sa hugasin. Kainis talaga yun, ang sungit-sungit.

 

Muntik ko nang mabitawan yung basong binabanlawan ko nung may kumalabit sa likod ko. Grabe, buti nalang mahigpit yung hawak ko >_<

 

“Oy oy oy oy oy oy oy.” gusto kong basagin yung basong hawak ko sa ulo niya kaso baka masisante ako kaya pinigilan ko yung sarili ko. Eh pano ba naman kasi? Kalabit siya ng kalabit! Pati si Nay Linda eh natatawa na sa kanya. Gosh!

 

 

 

 

And nung naasar na talaga ako, humarap ako sa kanya habang hawak-hawak ko pa rin yung baso. Kaso mas nagulat ako sa nangyari. And the next thing I knew,

 

 

 

 

 

 

 

nabitawan ko yung baso.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

“Ouch!!” bumalik yung kaluluwa ko nung narinig ko siya na nag-ouch. Oh my gosh! Nabasag pala yung baso sa may paanan niya!

 

 

“Omo! Mi..mianhe!! Sorry! Sorry!” (Mianhe – sorry) bigla akong napaupo para pulutin yung mga bubog na kumalat pero nagulat ako nung umupo rin siya kaya sabay pa kaming nag-'OUCH!' dahil nagkauntugan yung ulo namin.

 

“Ano ba yan Miel?!” saka niya ni-rub yung ulo niya.

 

Huh! Ako pa ngayon ang may kasalanan? Eh siya nga yun eh! “Eh ikaw kasi eh! May kalabit-kalabit pa kasing nalalaman eh!” this time, nakasigaw na rin ako dahil naiinis ako sa kanya.

 

“Eh bakit ka kasi humarap?!”

 

“Eh bakit hindi ako haharap eh nakakainis na yung pangangalabit mo?!”

 

“Eh di sana sinabi mo nalang! Haharap pa kasi eh!”

 

“Eh nakaka---”

 

 

 

 

 

 

“Tama na nga iyan! Ako nalang ang magliligpit niyan. Umupo nga muna kayo at magpalamig kayo ng mga ulo!” nung nagsalita si Nay Linda eh para kaming asong pinapagalitan ng amo namin. At dahil natakot kami nung sumigaw si Nay Linda, at di ko ineexpect na takot rin pala si hotdog (galit kasi ako sa kanya kaya hotdog ulit) sa kanya, eh umupo kami sa upuan at nanahimik.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

GOSH! THIS WAS INSANE!

And feeling ko sobrang pula na ng mukha ko!

 

 

 

 

Bakit kasi ako humarap?!

 

 

 

 

 

Gosh! We.. we..

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

WE ACCIDENTALLY KISSED EACH OTHER! THIS IS RIDICULOUS!