.

.

Chapter 1

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Friday, November 21, 2014


***

“Ano ka ba Lei? Maauubos na yang straw sa kakangatngat mo eh.”

“Pake mo ba?” sabay ngatngat ko ulit sa straw ng coke ko.

“Hay naku, ewan ko sa’yo.
Kumain ka na nga,” tapos inirapan niya ako kaya alam kong malapit na siyang mainis.

“Fine. Fine. Fine.” Napilitan akong kumain para tumigil na siya sa kaka-lecture sa akin at para hindi rin siya tuluyang mainis.

Pero kasi, paano naman ako kakain ng maayos?
My boyfriend broke up with me yesterday! Utang na loob lang! Siya yung first boyfriend ko. At bwisit lang dahil kakacelebrate lang namin ng first anniversary namin last week. Tapos makikipagbreak siya? Sinong hindi maiimbyerna, maloloka at masasaktan sa ginawa niya?!

“Francine, text mo nga si Andrew. Sige na,” pagmamakaawa ko kay Francine habang kumakain kami dito sa may canteen.

“Eh! Ikaw na lang. Magalit pa sa akin yun.”

Kahit gustuhin ko man siyang itext, alam ko namang hindi siya magrereply. Kagabi ko pa kaya siya tinatadtad ng text! Pero dahil hindi talaga ako mapakali, tinext ko ulit siya.

Ui, break na ba talaga tayo? Pag di ka nagreply, ibig sabihin HINDI PA.

Nakakainis. Bakit kasi hindi siya nagrereply? Hindi niya lang alam kung gaano na kalaki ang eye bags ko kakahintay sa reply niya kagabi pa! Pag talaga hindi pa siya nagreply--

Naramdaman ko naman yung pagvibrate ng phone sa lamesa kaya agad-agad kong chineck kung sino yung nagtext. At pakingshet! Si Andrew! OMG! Nagreply si Andrew! Para naman akong tangang nanginginig-nginig pa habang inoopen yung message niya.

Oh eto na reply. Break na nga tayo. Kulit mo.

Pagkabasa ko nun, magkahalong sakit at inis ang naramdaman ko. Makulit pala ha? Fine! 

Bakit ka ba kasi nakipag-break? Huhuhu ok nmn tayo ah?

Sinend ko sa kanya agad yun at after one minute, nag-reply naman siya.

Hindi na kita mahal. At pwede ba? Wag ka na magtext. May klase ako.

Pagkabasa ko nun, feeling ko ay maiiyak na ako. Pero pinigilan ko dahil ayaw kong makita na naman akong umiiyak ni Francine. At isa pa, nakakahiyang umiyak dito sa canteen. Madami masyadong tao.

Lei: Hindi mo na ako mahal pero pinaabot mo pa ng anniversary?!

Andrew: Masama ba? Pra naman masaya at naka-one year rin tayo kahit papaano.

Lei: Ang sama mo! Bwisit ka Andrew! I hate you! ARRRGHH! Pero, mahal pa rin kita. 

Andrew: And I don’t.

Lei: No. I don’t believe any of this. Kilala kita Andrew. You have other reasons, right?

Hindi kasi talaga ako makapaniwala sa sinabi niya.
At ayaw kong maniwala. Ayokong maniwala na wala na talaga kami. Na hindi na niya ako mahal.

Andrew: Gusto mong malaman?

Lei: Of course!

Andrew: Nalaman ng mom ko na tayo na. Ayaw niya daw sa’yo kaya makipag-break na raw ako.

Pagkabasa ko nun, hindi ko alam kung matatawa ba ako o sobrang maiinis. Halos ibato ko na yung cellphone ko sa sobrang pagpipigil ng inis ko.
Pero nagawa ko pa rin siyang replyan kahit nanggigigil na ako sa galit.

Lei: So what? Hindi mo ba ako kayang ipaglaban?!

Andrew: No. At mas pipiliin ko ang mama ko kaysa sa’yo. Kaya pwede ba, wag mo na akong itext?

Lei: HAHAHA! Ngayon ko lang nalaman na mama’s boy ka pala?! At bahala ka! Itetext kita kung kelan ko gusto!

After ng text ko na yun, hindi na siya ulit nag-reply. Naghintay ako ng twenty minutes pero hindi pa rin siya nagrereply. Ugh! Nakakainis! Nakakainis talaga!

“KAINIS KA! Magsama kayo ng Mommy mo!” sabay tapon ko ng cellphone ko sa lamesa. Tapos pagtingin ko kay Francine, nakakunot na yung noo niya sa akin.

“Ano ba yan Lei? Kumalma ka nga. Sabi ko sa’yo wag mo ng itext eh!”

Nanahimik na lang ako. Tama naman kasi si Francine eh.
Dapat hindi ko na lang siya tinext. Kita mo ngayon, umaagos na naman yung mga luha ko. Peste. Peste talaga. Nakipagbreak siya dahil ayaw ng nanay niya sa akin?! Yun lang?! Ni hindi man lang niya ako ipinaglaban?! Anong klaseng boyfriend yun?! Tumagal kami ng one year, tapos itatapon niya na lang ako basta-basta? What the fuck lang!

Pero kapag iniisip ko yung pinagsamahan namin, hindi ko lubos maisip na hindi na niya ako mahal. What if, sinasabi niya lang yun? What if, sinusunod niya lang yung gusto ng mama niya? Ugh! Nakakainis naman yung mama niya eh!

“Lei, kumain ka nga ng maayos! Natatapon na yung fries oh!” saka ko napansin na tapun-tapon na yung fries namin sa lamesa.

“Sorry na!” sabay punas ko sa luha ko at pulot doon sa mga fries na nalaglag.

“O tapos ngayon, iiyak-iyak ka? Sabi kasing wag nang itext, tinext pa rin. Ako ang nakukunsumi sa’yo eh!”

“Sorry na nga eh.” Kainis ‘tong si Francine, lalo lang akong pinapaiyak. Pinagduduldulan niya pa talaga sa aking kasalanan ko pa kung bakit ako umiiyak ngayon.

“Hayaan mo na kasi siya. Mag-aral ka na lang. Malapit na mag-finals.”

“Oo na.”

After naming kumain, bumalik na rin kami agad sa dorm. Humilata lang ako sa kama ko at umiyak na naman dahil sa break up namin ni Andrew. Si Francine, todo aral kasi may exam siya bukas.
Si Alleine naman, yung isa pa naming kasama sa dorm, wala pa kasi nag-eexam ngayon.

“NAKAKAINIS KA TALAGA ANDREW CORTEZ! UGH!” saka ko binato yung stuff toy na bigay niya sa akin nung sinagot ko siya. Pero after ten seconds, pinulot ko ulit yun at niyakap.

“NAKAKAINIS KA RIN TALAGA KRIS LEILA ASUNCION! PARA KANG BALIW!” nagulat naman ako nung sumigaw si Francine tapos binato niya sa akin yung unan niya. Psh! Gaya-gaya! Syempre, gumanti ako.

“SUPER NAKAKAINIS KA FRANCINE ELLA HERNANDEZ! ANG EPAL MO!” saka ko binato pabalik sa kanya yung unan niya.

Nagtawanan na lang kami after nun at nilecture-an niya na naman ako na tumigil na raw ako sa pag-eemote ko at mag-aral na lang raw ako. Pero hindi ko siya pinansin at humiga na lang ulit ako sa kama ko. Ilang beses ring nagparinig si Francine sa akin na tigilan ko na raw si Andrew kaya everytime na magsasalita siya ay tinatakpan ko na lang yung tenga ko at nagsasalita ng kung anu-ano. Ewan ko ba dyan kay Francine. Anti-Andrew talaga siya kahit nung high school pa kami. Oo, high school classmates ko si Andrew, Alleine at Francine. Sabay-sabay kaming nag-entrance exam sa university na ‘to at pare-pareho rin kaming nakapasok.

Bigla ko namang narinig yung pagbukas ng pinto kaya alam kong dumating na si Alleine. Pagtingin ko, pareho sila ni Francine na nakatayo sa may harapan ko with matching taas pa ng kilay.

“Oh? Anong problema niyong dalawa?” tanong ko sa kanila.

“Lei, please lang, move on,” sabi ni Francine.

“Get over him,” dagdag pa ni Alleine.

Pagkasabing-pagkasabi nila nun sa akin, umalis rin agad sila habang ako ay naiwang nakatulala. Move on? Parang... parang hindi ko kaya.


***