.

.

Chapter 16

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Saturday, January 31, 2015


***

“Huy, maupo ka nga dito. Nahihilo na kaming lahat sayo eh,” sabi ni Alleine sabay tap doon sa upuan sa tabi niya.

Nandito kami ngayon sa harap ng kwarto ni Andrew at bukas na ang operation niya. Chinecheck-up siya ng mga doctor sa loob. 

“Hija, don't worry. Malakas ang anak ko, hindi yun susuko,” tsaka ako pinaupo ni tita Irene.

Tita Irene is Andrew’s mom. Actually pati daddy niya nandito rin. Sina Alleine at Francine rin. Sinabi ko sa kanila nung mga nakaraang araw ‘yung buong storya about kay Andrew. Shocked nga sila sa nalaman nila pero thankful ako dahil naintindihan nila ‘yung kalagayan niya. 

After ten minutes, lumabas na ‘yung doctor kaya lahat kami ay nagsitayuan.

“Doc, kamusta naman po siya?” tanong ni tita Irene.

“Stable naman po lahat. Pwede na po siyang operahan bukas. Pero sigurado na ho ba kayo rito? I'm telling you Ma'am, there’s only 60% chance to survive the operation.”

Tinignan kami ni tita Irene at naintindihan namin siya. Lumayo kami doon sa room dahil gusto niyang kausapin ‘yung doctor ng sila lang. Inaya ako nina Francine na pumunta muna sa room ni Kyle kaya naglakad kami papunta doon.

“Kamusta ‘yung kay Kyle?” tanong ni Francine.

“C-Chinecheck pa ng doctors ‘yung kalagayan ng mata niya. Kailangan pa raw i-observe bago magdecide kung anong gagawin.”

Nitong nakaraang mga araw, pakiramdam ko lumulutang lang ako. Hindi ko na alam kung saan ako magfofocus. Baka nga magleave of absence muna ako next sem eh. I want to support Kyle and Andrew. Kailangan nila ako sa tabi nila. Hindi rin naman ako makakapagfocus sa pag-aaral at baka gamitin ‘yung pantuition ko sa bills dito ni Kyle sa ospital.

“Ate? Ikaw ‘yan?”

“Oo,” tapos ngumiti ako kay Andrew...kahit na alam kong hindi naman niya ako nakikita. “Kasama ko sina Ate Alleine at Francine mo.”

Nagcrack na ‘yung boses ko nun kaya hindi na ako nagsalita. Lumapit sina Alleine at Francine kay Kyle at inentertain muna nila siya. Kahit papaano, gumagaan ‘yung pakiramdam ko kapag nakikita kong nakangiti si Kyle kahit na...wala siyang paningin.

Pumunta muna ako doon sa parang garden ng ospital at umupo ako sa isang bench. Dito ko nakausap dati ‘yung babaeng namatayan din at pinahiram ako ng panyo. Hindi ko pa ‘yun nasasauli sa kanya. Hindi ko alam kung masasauli ko pa. Dito rin kami nakapag-usap ni Andrew nung nakaraan. Dito ko ulit naramdaman ‘yung warmth niya, ‘yung feelings niya para sa akin.

Napahawak ako bigla sa kwintas ko at napangiti ako. Ito ‘yung regalo sa akin ni Andrew nung first monthsary namin. Tinago ko ‘to dati nung nagbreak kami pero sinuot ko na ulit ngayon. Kinuha ko ‘yung maliit na backpack ko at nilabas ko ‘yung diary ko. Iniscan ko ‘yung pages at ang tagal ko na palang hindi nakakapagsulat. Dahil na rin sa dami ng problemang nangyari, nawalan na ako ng time na magsulat pa.

Nilipat ko sa isang blank page at nagsimula akong magsulat. 

December 2

Kinakabahan ako. Sobra. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa operation. Kung anu-ano nang sumasagi sa isip ko at...merong mga hindi maganda. Bakit ganun? Kung kailan naman tayo nagkaayos, saka ‘to mangyayari? Pero para naman sa’yo ‘to ‘di ba? Para sa atin. Alam kong kakayanin mo ‘yung operation, Andrew. Magkikita pa tayo after nito ‘di ba? Aayusin pa natin ‘yung relationship natin. Sabi mo, naging duwag ka before. Kaya please. Sana maging matapang ka ngayon. Fight. Fight for yourself and fight for the people who love you.

Hindi ko napansin na halos two pages na ‘yung nasusulatan ko dahil sa dami ng gusto kong sabihin sa kanya ngayon.

After that ay inayos ko muna ang sarili ko bago ako bumalik sa room ni Kyle. Naabutan ko pa doon sina Alleine at Francine na binabantayan siya habang natutulog. Mukhang hindi naman nila ako napansin kaya umalis agad ako at pumunta naman ako sa room ni Andrew. Pagsilip ko, tulog siya. Pumasok ako sa room niya at umupo ako sa tabi niya.

“Andrew, I love you.”

Hinawakan ko ‘yung kamay niya at matagal ko siyang tinitigan. Gusto ko siyang kausapin pero hindi ko alam kung paano sisimulan. Ngayong nakikita ko ang mukha niya, gusto ko lang siyang tignan. Gusto kong makabisado ang features ng mukha niya.

After hours of waiting ay pinauwi muna ako nina tita Irene at Mama dahil baka pagod na raw ako. Kahit na gusto kong bantayan si Kyle at Andrew, ayaw nang sumunod ng katawan ko.

I’m too exhausted to argue. Hinatid ako nina Francine at Alleine sa bahay at humiga agad ako sa kama ko habang ang dami ko na namang iniisip. Iniisip ko kung anong mangyayari kay Kyle, kung anong mangyayari sa operation ni Andrew, pati na sa future namin.

“Lord, alam kong marami akong nagawang kasalanan, at hindi ako ganun karelihiyoso. Pero please, kahit ito lang ang pakinggan niyo. Please save Kyle and Andrew. Please...help them.”

And as tears flow on my cheeks, my eyelids became heavy and I fell asleep. 


***