.

.

Chapter 18

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Friday, February 20, 2015


***

Lei.

Naririnig kita. Mahal na mahal rin kita. Gustung-gusto na rin kitang makausap. Gusto kong mag-sorry sa lahat ng padalus-dalos na desisyon na ginawa ko. Gusto kong magsorry sa pananakit sa damdamin mo.

Pinilit kong imulat ‘yung mga mata ko at nakita ko kaagad si Mommy.

“A-anak? A-Andrew...t-tawagin niyo ‘yung doktor!”
“Opo!”

Hinawakan ni Mommy ‘yung kamay ko at umiyak siya. Pati si Dad lumapit sa amin at nakita kong nanunubig na ‘yung mga mata niya. Kahit kailan, hindi ko siya nakitang umiyak. Ngayon lang. Gusto kong magsalita pero nahihirapan akong magproduce ng sound. Walang lumalabas na salita sa bibig ko. Hindi ko rin maigalaw ‘yung katawan ko. Alam ko namang epekto ‘to ng operasyon pero gusto ko nang magsalita at gumalaw.

Inikot ko ang paningin ko sa buong kwarto at nakita ko sina Alleine at Francine. Tinignan ko rin ‘yung kabilang gilid pero hindi ko makita si Lei.

“Lei! Lei! Gising na si Andrew! Gising na siya! Oo kaya—Lei?”

Biglang naging seryoso ‘yung itsura ni Alleine at tumingin siya sa akin. Pagkatapos nun ay lumabas siya ng kwarto ko. Gusto kong itanong kung anong nangyari. Si Lei ang kausap niya sa kabilang linya at biglang sumama ‘yung pakiramdam ko.

Sakto namang dumating ‘yung mga doktor at chineck-up nila ako. Nakita ko rin na lumabas sina Mommy at Dad. Pagkatapos ng ilang minuto ay natapos na rin ‘yung pagcheck sa akin. Paglabas nila ay nakita ko sa pintuan na umiiyak sina Alleine at Francine habang nakahawak naman sa balikat nila si Mommy.

Anong nangyayari doon?

Pinilit kong tawagin sila pero wala pa ring lumalabas na salita sa bibig ko. Pinilit ko ring igalaw ang katawan ko pero walang nangyari. Hindi ko kontrolado ang katawan ko.

Pumasok si Mommy at umiiyak pa rin siya. Tinignan ko siya at mukhang naintindihan niya ako kaya lumapit siya sa akin. I mouthed ‘Lei’ and she held my hand tightly.

Gusto kong itanong kung anong nangyari kaya pinilit kong igalaw ‘yung daliri ko. Tinignan ko ‘yung wheelchair sa may dulo ng room at sinundan ‘yun ng tingin ni Mommy at naintindihan niya naman ‘yun pero parang nag-aalangan siya.

Nagpatulong siya sa dalawang nurse para ilipat ako sa wheelchair. Nung nakasakay na ako ay may narinig akong ingay sa labas kaya tinignan ko ‘yung nurse para itulak ‘yung wheelchair ko. Pero paglabas ko, parang unti-unting lumulubog ‘yung puso ko.

“Lei! Lei!”
“Lei, please!”
“A-anak...anak ko!”

Tumatakbo sina Alleine, Francine pati ang Mama ni Lei habang nasa stretcher si Lei...duguan. Nung papalapit na siya sa amin ay tinaas niya ‘yung kamay niya pero umiling ‘yung isang nurse na nagtutulak. Pero nung nasa tapat ko na siya ay huminto ‘yung stretcher at nagkatinginan kami ni Lei.

“A-andrew...b-buti naman at...at...nagising k-ka na...”

Duguan na siya pero nagawa niya pa ring ngumiti sa akin. Biglang may tumulong luha sa mga mata niya. Gusto ko siyang yakapin at kausapin pero wala akong magawa.
Naramdaman ko na lang na may tumulong luha rin sa mga mata ko habang tinitignan ko siya.

“I...love...you...”

Pagkatapos niyang sabihin ‘yun ay tinakbo na ulit siya papunta sa ER at tinignan ko ‘yung nurse ko. Tinulak niya rin ‘yung wheelchair para sumunod doon habang nauuna sa akin sina Alleine at Francine. ‘Yung Mama ni Lei ay nagcollapse kaya dinala rin siya sa isang room. Naawa ako bigla sa kanya. Parehong nasa ospital ang dalawang anak niya at wala siyang magawa.

Gusto kong magwala rito at sumugod sa ER para samahan si Lei, but my body won’t fucking listen. I can’t do a thing for her. Samantalang siya, nilaan niya lahat ng panahon niya para sabay kaming bantayan ng kapatid niya. I don’t deserve this life if it weren’t for Lei.

“Francine...s-si Lei...s-sana hindi ko na lang siya tinawagan…s-sana—

“Al, it’s not your fault. Okay?”

Gusto ko ring i-comfort sina Alleine at Francine. Gusto kong pasanin rin ‘yung sakit na dinadala nila. Sana ako na lang ulit. Sana ako na lang ulit ‘yung nasaktan. Bakit si Lei pa? Masyado na siyang maraming napagdaanang hirap. Bakit kailangang mangyari pa ‘to?

Lei, please. Lumaban ka rin.

***

Halos tatlong oras kaming naghintay at lumabas na yung doktor sa ER kaya napatayo sina Alleine at Francine, pati na rin sina Mommy at Dad. Ang sakit na ng dibdib ko, pero wala akong pakialam. Kaya kong indahin ‘yung sakit na to. Si Lei ang importante ngayon.
Si Lei lang. 

“Doc, k-kamusta na po si Lei. O-okay na po ba siya?” tanong ni Francine doon sa doktor.
“Sorry. Ginawa na namin lahat...”

Parang biglang huminto ‘yung mundo ko sa sununod na salitang binitiwan ng doktor.

“...she’s gone.” 

That’s not true. No. No way. Buhay pa si Lei. Hindi siya pwedeng mamatay nang ganun. Sinabi niya sa akin na marami pa kaming gagawin pagkatapos ng operasyon ko kaya imposibleng iwan niya ako. Hindi pa siya pwedeng mawala. Hindi pwede...

“L...Lei...”

Biglang lumabas sa bibig ko ‘yung pangalan ni Lei at tuluy-tuloy nang bumagsak ang mga luha ko. Paulit-ulit kong binigkas ang pangalan niya, hoping that she hears me. Hoping that she’ll come back to me. Pero wala. Bumigat lang ang pakiramdam ko at parang dinudurog ang puso ko.

“Lei...L-Lei...”

Lumapit sa akin sina Alleine, Francine at si Mommy.
Niyakap nila ako pero hindi ko ‘yun maramdaman.  Wala na akong maramdaman kundi ‘yung sakit. At bigla na lang nagdilim ang paningin ko.

Pakiramdam ko nalulunod ako at hindi ako makaahon. Tapos nakita ko si Lei, hawak-hawak ang kamay ko at nakangiti sa akin. Saka ko narealize na kaya hindi ako makaahon ay dahil kay Lei. Oras na binitiwan ko ang kamay niya, mawawala na siya.

“I love you, Andrew. Sorry...and goodbye,”
then she kissed me and she let go of my hands.
“No...Lei...no!”

Biglang gumaan ‘yung katawan ko at unti-unti akong umaangat...habang si Lei ay patuloy na lumalayo sa akin...hanggang sa tuluyan ko na siyang hindi makita...and everything went black again.


***