.

.

Chapter 9

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Friday, November 21, 2014


***

“Ate! Ate! Ate! Gising! Gising! Gising!”
“Hmmm...”
“Gising na kasi! Gising!”
“Ay putek ka!”

Binato ko yung unan ko kay Kyle dahil sa sobrang inis.
Ang ganda-ganda ng tulog ko tapos sinira niya! At ang nakakainis pa, pinaghahampas niya pa ako ng unan habang ginigising ako! Damang-dama ko yun! 

Napakamot na lang ako sa ulo ko. Leche talaga yung kapatid kong yun.
Pasalamat siya at nine years old pa lang siya.

Bumangon naman agad ako sa kama ko at naghilamos. Simula na ng sembreak at nasa kanya-kanya na rin kaming mga bahay. Tinignan ko kaagad yung phone ko kung sino yung mga nagtext. As expected, mga high school classmates kong panay ang GM tungkol sa sembreak na daw chuchu. Nagtext rin si Francine at Alleine. Kinakamusta lang nila ako.

Pero siya, hindi siya nagtext.

Hay. Ano pa bang aasahan ko? Tsk. Tama na nga ‘to. Kailangan hindi ko na siya masyadong isipin. Kailangan kong makapagmove on kundi lalo akong magmumukhang talunan.

Nagpaalam naman ako kay Mama na lalabas muna ako saglit kaya naligo ako at nag-ayos. Sa totoo lang, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ayoko lang muna sa bahay dahil paniguradong magtatanong si Mama tungkol kay Andrew. Hindi ko pa kayang sabihin sa kanila dahil iiyak lang ako. At ayaw na ayaw kong nakikita akong umiiyak ng pamilya ko.

Tinext ko na lang si Francine at Alleine.

Free kayo ngayon?

Ilang minuto lang ay nareceive ko na yung replies nila. Parehas hindi. Mukhang busy si Francine sa family niya ngayon at si Alleine naman ay nagbabantay sa grocery store nila. Hay. Akala ko pa naman makakagala ako kasama sila. Naglakad na lang ako papunta sa park na malapit sa amin. Doon na lang ako magpapalipas ng oras.

Napahinto naman agad ako nung makita ko yung salon sa gilid. Naalala ko yung mga napapanood ko sa TV kapag nagmomove on yung mga babae. Kadalasan nagpapagupit sila. Hmm, ako rin kaya? Hanggang bewang na yung buhok ko ngayon. I think papaiklian ko na lang.

Pumasok ako sa salon at winelcome naman ako ng staffs. Pinaupo nila ako sa harapan at binigay sa akin yung list ng haircuts.
Iniscan ko yun at napatigil ako sa isang page.

“Eto na lang po.”

“Sure ka? Sayang naman yung buhok mo, girl.” Nginitian ko na lang yung nag-aassist sa akin at tumango.

“Opo.”

Nakatingin lang ako sa salamin habang unti-unting ginugupit yung buhok ko. Ewan ko pero parang sa bawat pagbagsak ng mga buhok ko sa sahig, parang may kung ano rin na bumibigat sa loob ko. It feels like he’s cutting
our bond. Our connection.

“Brokenhearted ka no?” napatingin naman ako sa reflection nung naggugupit sa akin sa salamin. Saka ko narealize, nanunubig na pala yung mata ko.

“Naku, marami na akong nawitness na katulad mo. Mga babae talaga, kapag nasasaktan, pinagdidiskitahan buhok nila. Sabi for change daw o kaya para makamove on raw pero ganun pa rin naman. Mahal pa rin nila yung lalaki.” Natamaan ako sa mga sinabi niya dahil yun yung mismong dahilan ko. Nahalata niya siguro yun kasi tinawanan niya ako.

“Pero alam mo, it takes a lot of courage to do this. At least di ba, nagstep forward ka. Mahirap naman talaga magmove on, lalo na kapag mahal na mahal mo yung guy. Pero darating yung panahon na tatawanan mo na lang yung pagiging heartbroken mo,” bigla niya namang inikot yung upuan. “Ayan, tapos na! Good luck, girl!”

Lumabas na ako sa salon after kong magbayad. Pero this time, mas naging clear yung isip ko. Siguro nakatulong na rin yung naggupit sa akin. Tagos na tagos lahat ng sinabi niya. Siguro nga marami na siyang nakitang babaeng tulad ko na pinagdiskitahan rin yung buhok nila.

Dumiretso na ako sa park after that at umupo sa isa sa benches doon. Nakakarefresh rin pala sa pakiramdam kapag maikli na yung buhok. Idagdag pa yung fresh air dito. Mas lalong naging klaro yung pag-iisip ko.

Ngayon buong-buo na yung desisyon ko. I’ll move on. For the sake of the people around me. Ang for my own sake. Andrew, this time, for sure, I’m going to get over you.


***