.

.

Epilogue

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Friday, February 20, 2015


***

Hey, Andrew, sobrang miss na kita. Grabe, hindi ko pa rin matanggap na wala na tayo. Na iniwan mo na ako. Bakit ganun? Talaga bang wala na tayo? As in wala na? Ayaw ko talagang maniwala. Biglaan kasi lahat eh. Ganun lang ba talaga yun? Ganun na lang ba talaga kadali para sa’yo na iwan ako? 

Sana maayos pa natin ‘to. Sana, tayo pa rin hanggang sa huli. Pero hindi ko alam kung dapat pa ba akong umasa. Sabihin mo nga? Kailangan ko na bang magmove on? O may chance pa para magkabalikan tayo?

Nilipat ko yung page.

Nakakainis ka! Bakit ganun? Bakit ako lang yung nahihirapan? Bakit ako lang yung nasasaktan? Ganun lang ba kadali sa’yong magmove on? Ganun lang ba kadaling kalimutan ako? Pakshet ka talaga! Gustung-gusto kong magalit sa’yo pero hindi ko magawa! Gustung-gusto kong sigawan ka at awayin pero hindi ko naman kaya.

Pero sana, wala kang mahalin na iba. Sana ako pa rin. Please? Kasi pag nagmahal ka ng iba, baka hindi ko kayanin. Wala namang masama kung mamahalin pa rin kita ‘di ba? Mag-aaral na lang rin ako ng mabuti pero sana wag ka munang magmahal ng iba, please?

Sobrang sakit na Andrew. Ikaw ba? Nasasaktan ka rin ba ng ganito?
 

Binasa ko ‘yung mga sumunod pang entries niya.

Akala ko kaya kong mag-move on, pero hindi. I WILL NEVER GET OVER YOU. Alleine! Francine! Sorry but I just can't get over him. Hindi ko alam, hindi ko na kaya. Ang sakit lang eh. Pwede bang tayo na lang ulit, Andrew? Please?

I'm so pathetic. Naghihintay ako sa taong wala nang nararamdaman para sa akin. I'm so freakin' pathetic.
Pero anong magagawa ko? He's my true love. And true love is when you shed a tear but you still want him. Even though he hurt me, I still love him. Hindi ko talaga kayang magmove-on.

Hanggang sa nakarating ako sa huling nasulat niya.

Kinakabahan ako. Sobra. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa operation. Kung anu-ano nang sumasagi sa isip ko at...merong mga hindi maganda. Bakit ganun? Kung kailan naman tayo nagkaayos, saka ‘to mangyayari? Pero para naman sa’yo ‘to ‘di ba? Para sa atin. Alam kong kakayanin mo ‘yung operation, Andrew. Magkikita pa tayo after nito ‘di ba? Aayusin pa natin ‘yung relationship natin. Sabi mo, naging duwag ka before. Kaya please. Sana maging matapang ka ngayon. Fight. Fight for yourself and fight for the people who love you.

Sinarado ko na yung diary niya at humarap ako sa kanya.

“Ang emo mo pala dati Lei,” sabi ko sa kanya.
“Oo nga eh, grabe ka Lei,” sabi naman ni Francine.
“Naiyak ako sa nabasa ko,” dagdag pa ni Alleine.

Nakaupo kami ngayon at kasama namin si
Lei. One month na rin ang nakalipas since that incident happen. Alam ko mahirap tanggapin. Lahat kami nangangapa. Lahat kami nawawalan ng lakas.

Pero ito na yun eh.

R.I.P

Kris Leila Asuncion
July 10, 1994 – December 3, 2011

Wala na siya.

Hindi na mababago kahit anong gawin namin. Wala na kaming magagawa kundi ang magpakatatag at tanggapin ang katotohanan.

Sina Kyle at ang Mama niya ay tinutulungan namin ngayon sa bills nila sa ospital. Success din ang operasyon ni Kyle sa mata niya...at ang ate niya ang donor. Naaawa ako sa bata dahil hindi niya man lang alam na nawala ang ate niya nung mga panahong chinecheck siya. Noong natapos lang ang operasyon niya nalaman na ate niya pala ang donor. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makarecover at lagi niyang hinahanap ang ate niya sa akin. Wala naman akong masabi dahil ayokong lalo pa siyang mahirapan. Ang dami na niya ring napagdaanan kahit bata pa lang siya. Kaya pinangako ko rin sa sarili ko na tutulungan ko sila.

Ako naman, gabi-gabi ko ring iniisip kung panaginip ba ang lahat ng ‘to. Iniisip ko kung pinaglalaruan lang ba kami ng tadhana. Pero kapag pumupunta ako rito, para akong sinasampal ng paulit-ulit at pinapaalala sa aking...
wala na siya.

Ni hindi ko man lang siya nakasama pagkatapos ng operasyon ko. Ni hindi ko nasabi sa kanya ‘yung mga gusto kong sabihin. Ni hindi ko naparamdam kung gaano ko siya kamahal. Hindi ko na siya makakasama tuwing may espesyal na araw. Wala na ‘yung taong nagbigay ng inspirasyon at lakas sa akin. Wala na ‘yung babaeng gusto kong iharap sa altar at pakasalan. Wala na ‘yung babaeng gusto kong makasama habang buhay at magkaroon ng pamilya. Wala na ‘yung babaeng gusto kong paligayahin at pagsilbihan habang buhay.

Wala na si Lei.

Binalikan ko ‘yung isang entry niya sa diary at tumatak sa isip ko ‘yung nakasulat doon

Pero sana, wala kang mahalin na iba. Sana ako pa rin. Please? Kasi pag nagmahal ka ng iba, baka hindi ko kayanin.

I promise. Ikaw lang ang mamahalin ko. Kasi ikaw, ako lang ang minahal mo nang ganito

I won't get over you. Never. Ikaw lang. Hanggang sa mamatay rin ako, ikaw lang Lei. Hintayin mo ako dyan ha? Sa kabilang buhay, doon natin ipagpapatuloy ‘yung pagmamahalan natin. Hintayin mo ako Lei

Mahal na mahal na mahal na mahal kita at pinagsisisihan kong hindi ko ‘yun nasabi ulit sa’yo. Gustung-gusto kong sabihin ‘yun pero walang lumalabas sa mga labi ko noong mga panahong ‘yun. Kaya araw-araw, lagi kong sasabihin sa’yo na..

“I love you, Lei.

You may not be here physically, but I know...

My heart knows...
That you're always by my side.

You're always there for me.

I will never regret loving you, Lei.

As long as I'm alive, you'll always be my girl.
As soon as forever is through, I'll be over you.

This isn't a goodbye.
But just the start of my new life.

I will always love you,
Kris Leila Asuncion,

And I won’t get over you.


***