.

.

Chapter 1

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Friday, January 30, 2015


***

“Whoa! Ang...ang laki!”

“Utang na loob, Lexi, ‘wag ka ngang sumigaw! Pinagtitinginan na tayo ng mga tao!” pabulong kong sabi sa kanya. Para siyang nahypnotize dahil sa itsura niya.

Pero sabagay, nakakaamaze naman kasi talaga dito sa Capital. Ang lalaki at tataas ng buildings. Ang dami ring sasakyan at ‘yung iba ay ngayon ko lang nakita. May ilang floating at flying vehicles din. Iba talaga kapag nasa urban ka.

“Grabe! Ganito pala sa Capital!
Sobrang amazing!”

“Tara na, tara na.”

Hinatak ko na siya papunta sa may gilid dahil ang daming tao na ang nakatingin sa amin at ‘yung iba ay ngumingiti-ngiti pa. Napaghahalataan tuloy na galing kami sa baryo.

“Saan ba tayo tutuloy?” tanong ko sa kanya.

Nagpahinga muna kami sa isang park dahil nakakapagod nang maglakad, lalo na at ang dami-dami naming bitbit na bags.

Natuwa naman ako dahil ang daming
naturaes, o nature spirit guardians dito—mostly ay butterflies at iba’t ibang species ng ibon. Sila ‘yung spirit guardians na kayang manatili dito sa real dimension. Nakapalibot sila sa mga bata, though alam ko naman na hindi sila nakikita ng mga pangkaraniwang tao. Tanging Divians, Seers at Exorcists lang ang nakakakita sa spirit guardians at kayang makipagcommunicate sa spirit dimension.

“Hmm wait lang,” tapos may kinuha siya sa bulsa niya. Pagtingin ko, maliit na papel. “Ms. Ariah? Huh? Eto lang?” Binaligtad niya nang paulit-ulit ‘yung papel para maghanap ng iba pang nakasulat pero wala siyang nakita. “Kainis si Papa! Dapat pala tinignan ko muna ‘tong binigay niya bago tayo umalis!”

“What did you expect? Si Tito ‘yun. Gustung-gusto niya na chinachallenge tayo.”

Nasanay na ako sa ugali ni Tito. Paano simula bata kami ay lagi na niya kaming dinadala sa gubat o kaya sa bundok doon sa baryo namin. Tapos kapag malayo na kami ay bigla na lang siyang mawawala at iiwan kami.
Kung saan-saan na kami napunta at kung anu-anong hayop na ang naencounter namin dahil sa kanya. Kapag naman nakabalik kami sa bahay ng ligtas, tatawa lang siya at sasabihing, “Alam kong makakabalik kayo. Kayo pa.”

“Tsk. No choice,” sabay huminga nang malalim si Lexi.

“Wait. Gagamitin mo siya?”

“Charlie,
sal-ve!

Spirit particles gathered in front of her. After a few seconds ay nasa harapan na namin si Charlie, a human-sized eagle, one of her guardians.

“Charlie, see this woman? Kapag nakita mo siya, i-alert mo kami. Okay?” then pinakita ni Lexi ‘yung picture na naka-attach doon sa papel. After that ay agad-agad na lumipad si Charlie at halos tangayin kaming dalawa dahil sa lakas ng pagaspas ng pakpak niya.

Meron kaming tig-tatlong spirit guardians ni Lexi. Actually, ang dami nga eh. Kasi normally, isa or dalawa lang ang guardian mo. Well, may main guardian naman ako pero hindi ko pa siya kayang i-control kaya ‘yung dalawang guardians ko muna ang ginagamit ko. Si Jerry, bigay ni Papa sa akin nung bata pa ako dahil nga lagi akong mag-isa kaya naisipan nilang bigyan na lang ako ng kasama. ‘Yung isa ko pang guardian ay bigay naman ni Tito nung first time naming nakabalik ni Lexi nung iniwan niya kami sa gitna ng gubat at sinabi niyang iniwan ‘yun ng parents ko sa kanya para ibigay sa akin. And then my main guardian, ‘yung huling regalo na natanggap ko mula sa parents ko.

“Ano? May lead na ba?”

“Wala pa. Puro buildings lang ‘yung nakikita ko. Charlie, babaan mo ‘yung lipad mo.”

Lexi can share with Charlie’s sight kapag ginagamit niya as guardian. Well, that’s actually one of the uses of having a guardian. Magkakaroon ka ng special ability na kayang gawin ng guardian mo and you can communicate and understand each other kahit malayo kayo sa isa’t isa.

Bigla naman kaming napatingin doon sa right side dahil nagtatakbuhan ‘yung mga tao.

“Ano kayang nangyayari?” tanong ko. Dahil curious kami ay tumango kami sa isa’t isa.

“Tara, tignan natin.”

“Wait. Jerry,
sal-ve!”

Tinawag ko si Jerry at iniwan ko muna sa kanya ‘yung mga gamit namin para bantayan. After that ay tumakbo kami papunta doon sa side kung saan nagtatakbuhan ‘yung mga tao. Pero agad kaming napahinto dahil sa nakita namin.

“Holy shit.”
Napahawak pa si Lexi sa akin dahil doon.

May isang sobrang laking gagamba na nakasabit sa building. Halos kalahati ng building ‘yung nasakop niya at sobrang nakakakilabot ‘yung itsura. Isa ang gagamba sa mga insektong ayaw ko dahil ang hideous ng itsura. Tapos biglang makakakita kami ng gigantic na gagamba rito. Pero ang mas nakakatakot ay nadudurog ‘yung sides ng buildings dahil sa gagamba. Kaya siguro tumatakbo ‘yung mga tao dahil nakita nilang bigla na lang may bumabagsak na debris doon sa building. Hindi nila alam na may malaking gagambang nakasabit doon.

“Give me the
ancient seal, fucking Spirit Masters, or I’ll destroy this place!”

Halos mag-echo ‘yung boses na ‘yun. Pagtingin ko, may babae pala doon sa likod ng malaking gagamba at nakapamewang pa siya. She’s wearing a long, fitted black dress na may mahabang slit sa side kaya exposed ang left leg niya. Ang curly, jet black niyang buhok ay halos macover na ang mukha niya pero ang mas nakakatakot ay ang mga mata niya na parang galit na galit.

“Lexi, tara na! Umalis na tayo rito!” sabay hatak ko sa kanya pero napatigil ako sa paggalaw dahil biglang tumingin sa direksyon namin ‘yung babae.

“Oh. Amateur Divians, huh?” then she smirked at us.

Nanlamig ako sa pwesto ko dahil hindi ko alam kung anong gagawin. Napakamalas naman namin! Ilang minuto pa lang kami sa Capital at nakaencounter agad kami ng ganito.

Nagulat ako nung biglang may lumabas doon sa gagamba. Saka ko narealize na webs pala at hindi lang basta-bastang sapot dahil kasingkapal sila ng isang tao!

“C-Charlie!
So-hai!

Biglang binuga nung gagamba ‘yung malalaking sapot sa direksyon namin. Akala ko ay mamamatay na kami pero bigla na lang dumating si Charlie at hinatak ako ni Lexi kaya napunta kami sa likod ni Charlie. Nasa ere na kami ngayon at halos atakihin ako sa puso nung narealize ko na natakasan namin si Kamatayan.

“Shit shit shit shit shit shit! Akala ko katapusan na natin! B-buti nagawa ko pang tawagin si Charlie!” Ramdam na ramdam ko ‘yung panginginig ni Lexi dahil ganun rin ang pakiramdam ko. Sobrang humanga nga ako sa kanya dahil nagawa niyang makaisip ng move bago pa kami tamaan ng webs.

“Lexi!” tapos tinuro ko ulit ‘yung gagamba pati na ‘yung babae. Nakangiti pa rin siya at nakatingin sa amin na para bang nag-eenjoy pa siya sa pinaggagawa niya. Bigla na namang nagbuga ng sapot ‘yung gagamba kaya bumilis na naman ‘yung tibok ng puso ko.

“Tortos!
Sensen barries!

Halos mapanganga ako nung biglang may lumitaw na malaking...turtle? Uhm, parang ganun, sa harap namin at may nakatayo sa likod niya na babae. Nakatalikod siya sa amin at parang may naka-enclose na barrier sa paligid namin.

“Okay lang ba kayo?” tapos humarap siya sa amin.

“Ahh!” sabay turo sa kanya ni Lexi.
“I-Ikaw si Ariah!”

“Hmm? Kilala niyo ako? Mamaya na tayo mag-usap. I need to teach this woman a lesson.”

After that ay tumalon siya mula doon sa likod ng guardian at bigla siyang lumutang. Bigla siyang nagkaroon ng pakpak...like the wings of a dove. Ni hindi ko nasundan ang movement niya dahil sa sobrang bilis. Basta ang alam ko lang ay bumagsak sa lupa ‘yung tatlong paa ng gagamba at pareho rin silang bumagsak nung babae.

Nung nasa lupa na sila ay sinuntok ni Ariah ‘yung mukha nung babae at nawalan na siya ng malay. My God. Gaano kalakas ang suntok na ‘yun para magkaroon ng dent sa pisngi niya at mawalan siya ng malay?

Pagtingin namin sa baba, may parang officers doon na naka-black uniform tapos sa gitna nila ay mas isang naka-white. Tumingin siya sa itaas kaya nakita niya kami.

“Are you girls, okay?” sabay ngiti ng lalaki sa amin.

“O-opo,” sagot ko naman.

“Pwede na kayong bumaba dyan.”

“P-pero, may barrier po,” then tinuro ni Lexi ‘yung almost transparent barrier na naka-enclose sa amin.

“It’ll follow the thing that it encloses, so don’t worry.”

Inutos naman ni Lexi kay Charlie na bumaba at gaya nung sinabi ng lalaki, sumunod nga sa amin ‘yung barrier na ginawa ni Ariah.

“Pasensya na at nadamay kayo sa gulo.”

“O-okay lang po.”

“Wag kayong mag-alala, sisiguraduhin namin na makukulong si Agnes dahil sa ginawa niya sa inyo at sa lugar na ‘to.”

“Heh. You’re always late, Gavin.”

“And you’re always early, Ariah.”

Napatingin naman ako doon kay Ariah na nasa harapan na namin habang ‘yung babae naman na sinuntok niya ay kagat-kagat sa bibig nung guardian niya.

“Ikaw pala ang nakahuli sa kanya. Good job.”

“Tss. Nagkataon lang na nandito ako,” sabay sindi niya sa sigarilyo niya.

“Bakit ba kasi ayaw mong—”

“Bye. See you not so soon,” then tumalikod siya at nilapag naman nung guardian niya ‘yung babae sa lupa at bigla na lang siyang nawala.

Wow. She can send her guardian back into the spirit dimension without using the incantation? That’s awesome!

“Oh, girls. Naalala ko na sinabi ni Leon na may maghahanap sa akin. Kayo ba ‘yun?”

“Opo,” sabay na sagot namin ni Lexi.

“Ano pang hinihintay niyo? Tara na.”

Napatakbo naman kami ni Lexi doon sa park kung saan namin iniwan ‘yung gamit namin. Pagtingin ko, nandoon pa rin si Jerry at nakabantay talaga siya.
Buti naman at walang masamang nangyari sa kanya.

“Jerry,
nés-sa!
“Charlie, nés-sa!

Pagkabalik ng guardians namin sa spirit dimension ay kinuha agad namin ‘yung mga gamit namin at pumunta kami kay Ariah. Pinasakay niya kami sa isang floating car at siya ang nagmaneho. After ilang minutes ay nakarating kami sa isang liblib na lugar at huminto siya sa tapat ng isang bahay.

Wow. Para lang kaming nasa baryo namin. Hindi ko akalaing may ganito pa palang place sa Capital.

“Welcome to my place, girls. I’m Ariah and I’ll be your Master.”


***