.

.

Chapter 10

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Monday, July 20, 2015


***

“My God! Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari! Ang sakit sa ulo!” sigaw ni Lexi habang nag-aayos ng gamit.

“You’re not alone. Hindi ko na nga rin naiintindihan ‘yung iba. Pero at least, babalik na si Master sa pagiging Spirit Master.”

“Oo nga. The Amazon Divian is back.”

Ngumiti kami sa isa’t isa dahil natutuwa kami para kay Master pero nakakalungkot lang na hindi na niya kami masusupervise sa training. Ni hindi man lang namin napakita sa kanya ‘yung improvement namin.

“Hindi pa ba kayo tapos?” Napatingin ako sa bintana at nakasilip mula sa labas si Ryleigh habang si Yano ay nakatalikod.

“Sandali lang.”

Sumama silang dalawa papunta rito dahil wala naman daw silang gagawin at may gamit naman daw sila doon sa Divine Camp since nagsstay sila doon once in a while. Ayos lang naman since pinagamit sa kanila ni Gavin ang isang
praevala kaya hindi na namin kailangang sumakay ng train at maglakad papunta sa Divine Camp.

Nung natapos na kami ay agad-agad kaming lumabas dala ang tig-isang maleta namin. Tinulungan nila kami na isakay ang mga ‘yun sa
praevala at pinaandar kaagad ‘yun ni Yano.

Nasa likuran ako at katabi ko si Ryleigh dahil pinili ni Lexi na umupo sa tabi ng driver’s seat. Tahimik lang ako dahil mukhang natutulog si Ryleigh. Nilabas ko mula sa bag ko ang wooden tablet na dating pinamamahayan ni Phoebe pero ngayon ay ordinaryong kahoy na lang. Hindi ko alam pero simula nung namarkahan ko si Phoebe, lagi ko nang nilalabas ‘to kapag nababother ako sa ilang bagay. Kahit papaano ay napapakalma ako nito. Siguro dahil dito ko nakita ang image nina Mama at Papa kahit hallucination ko lang ‘yun.

Nagulat naman ako nung biglang bumagsak ang ulo ni Ryleigh sa balikat ko. Hindi tuloy ako nakagalaw dahil natatakot akong baka magising siya, pero medyo inayos ko ang posisyon ko para hindi kami mangawit parehas. Saktong napalingon sina Yano at Lexi kaya nagpanic ako at nag-isip agad ng pwedeng sabihin.

“Pasensya ka na. Hayaan mo muna siyang matulog,” sabi ni Yano.

“O-okay.” Mukhang hindi ko na kailangang magsabi ng kung ano sa kanya pero si Lexi, iba ang tingin sa akin.
Inirapan ko na lang siya at narinig kong nagsnicker ang bruha.

“Ito lang ang oras para matulog siya kaya mas mabuting pagpahingahin na lang natin siya,” dagdag pa ni Yano habang tumingin na sa harapan at nagpatuloy sa pagdadrive.

“Bakit? Hindi ba siya natutulog sa gabi?” tanong ko.

“More like, he can’t sleep at night.”

“Bakit?”

“And I think I’m in no position to tell you the story. Sorry.”

“Oh. Okay lang.”

Naging tahimik ang buong byahe namin at hindi ako gumalaw masyado. Ilang minuto rin ang tinagal ng byahe at nung nakita ko na ang bukana ng gubat kung saan kami pumunta kanina. Tinusuk-tusok ko ang mukha ni Ryleigh para magising siya pero nung dinilat niya ang mga mata niya ay sumalubong sa akin ang matalim na tingin kaya napaatras ako. Bumuntung-hininga siya at lumabas bigla ng
praevala.

Tss. He’s really rude!

Lumabas na rin ako at dinala ang mga gamit ko. Dumaan kami sa gubat at nakita kami ng silvanias kaya ginuide nila kami papunta sa Camp. Pagdating namin doon ay naabutan namin si Lycus na tinetrain ang ilang bata na siguro ay nasa twelve or thirteen pa lang. Nakita niya kami at agad siyang tumakbo sa direksyon namin.

“Whoa. Sabi ko dumalaw ulit kayo pero hindi ko naman akalain na pagkatapos lang ng ilang oras!”

“Hindi ba sa’yo sinabi ni Ms. Adrielle?” tanong ni Yano. “Sabi ni Sir Gavin, ininform niya na raw ang Camp Director.”

“Ah. Kararating niya lang kasi at may kausap siya sa main cabin.”

Tinuro naman ni Lycus ang pinakamalaking cabin na nakahiwalay sa ibang cabins. Tingin pa lang ay alam ko na kaagad na importanteng tao ang nakatira doon.

“Sinong kausap niya?” tanong ulit ni Yano.

“‘Yung magiging temporary director.”

“So the Spirit Masters will really return to Hydra.”

“Yeah. ‘Yun kaagad ang bali-balita matapos ang meeting na nangyari kanina. Sa pagkakarinig ko, utos daw ng Divine General.”

After mag-usap ni Yano at Lycus ay nilead niya kami sa magkatabing cabin. ‘Yung number 14 ay sa amin ni Lexie habang ‘yung fifteen naman ay kina Yano at Ryleigh.

“Rei, sa tingin mo may tinatago si Papa?” tanong bigla ni Lexi habang nag-aayos kami ng gamit.

“Oo pero hindi niya naman sasabihin sa’tin ‘yun.”

“Nababother pa rin kasi ako sa sinabi ni Bridgette. ‘Yung magagamit nila ako dahil anak ako ni Papa…or ni Mama, I don’t know kung sino.”

Napatigil naman ako sa pag-aayos at naupo ako sa upuan na gawa sa kahoy.
Sa katunayan, lahat ng nasa loob ng cabin ay gawa sa kahoy pwera lang ang mga ilaw at interior ng banyo.

“Sabi nga ni Tito Leon, hindi natin kailangang malaman.
I’m sure inaasikaso niya na ‘yun.” Napabuntung-hininga naman si Lexi habang patuloy pa rin siya sa paglalagay ng mga gamit niya sa aparador.

“Ewan ko ba. Masama ang kutob ko.” Napaisip naman ako. Kapag kasi masama ang kutob ni Lexi, mataas ang chance na may masama talagang mangyayari. Siguro nakuha niya ‘yun dahil sa pagiging Seer ni Tita Aina.

“All Divians! Get out of your cabins! Now! 10! 9! 8!”

Nagulat naman kami ni Lexi at nagkatinginan kami dahil hindi namin alam ang gagawin namin. Dahil napressure kami sa pagbibilang na naririnig namin ay napalabas na rin kami ng cabin at nakita namin ang halos fifty Divians na nagmamadali papunta sa gitna kung nasaan si Lycus habang nagka-countdown.

“2! 1!”

“You’re late.” Nagulat kami nung nakita namin si Yano right side namin at katabi niya si Ryleigh.

“Hindi naman kasi namin alam ang gagawin,” sagot ni Lexi.

“Well, at least lumabas kayo.”

“Bakit? May mangyayari bang masama kapag hindi?”

“Yup. You’ll run three times around the lake behind us,” sabay turo ni Yano sa likuran namin kung saan kitang-kita ang lake.

Nagkatinginan naman kami ni Lexi dahil masyadong pamilyar ang routine na ‘yun. That was the training we did with Master to boost our endurance and stamina. Napaisip tuloy ako kung galing din ba si Master sa Divine Camp nung teenager siya.

“The Camp Director will announce something,” malakas na sabi ni Lycus at matapos nun ay gumilid siya.

Dahil nasa tapat lang namin ang main cabin ay nakatingin kaming lahat doon nung bumukas ang pinto at lumabas ang isang babae.

No. A
lady wouldn’t be enough to describe her. With her wavy, long, black hair; her soft facial features; and the white dress she’s wearing, she looks like an angel or a goddess. So this is Adrielle, the Camp Director and a Spirit Master.

“Good afternoon, Divians. And to the new campers,” sabay tingin niya sa amin ni Lexi at ngumiti. Kahit babae ako ay nagblush ako dahil sa ganda niya. “I am very sorry to inform you that as of today, I won’t be the director anymore.”

Nung sinabi niya ‘yun ay nagkaroon agad ng bulung-bulungan at umingay ang paligid.

“Alam kong biglaan ito pero kailangan kong iwan ang Divine Camp para bumalik sa Hydra.” More whispers. More buzzing sounds. “As one of the Spirit Masters, it is my duty to serve the Divine General and the people. The Spirit Masters are going back to Hydra because of some serious matters. As a Divian, this should be a warning to all of you. You should train more, be stronger, because this event may affect you. Understand?”

During that time ay naging tahimik ang lahat.

“Since I will be returning to Hydra, the temporary Camp Director will be him, until I return.”

Napatingin ulit kami sa pagbukas ng pinto at lumabas ang isang lalaki, na siguro ay kasing-edad ni Tito Leon. Naalala ko bigla sa kanya si Amos, the Exorcist that attacked us before dahil sa pagiging wild and beastly ng itsura niya. His facial hair makes him more masculine at idagdag pa ang laki ng katawan niya. Nagbow siya kay Adrielle at tumayo sa tabi niya habang nakatingin sa aming lahat.

“This is Lorgan, a friend of mine, and the temporary Camp Director.” Tumango lang si Lorgan habang nakacrossed arms at kahit wala siyang sinasabi o ginagawa ay ramdam ko ang malakas niyang presence.

“I want you to listen to him. I assure you that he’s more capable than I am when it comes to training Divians like you,” then Adrielle smiled to us. “Now that I explained everything, I must leave. Goodbye.” She bowed in front of us and the Divians bowed back so we did it too.

After that, may dumating na
praevala mula sa itaas, which was unique since the whole thing is white, at nagland malapit sa lake. Sinundan namin ng tingin si Adrielle habang nakasunod sa kanya sina Lorgan at Lycus papunta sa praevala, hanggang sa lumipad na ito ng tuluyan.

“Sobrang ganda niya,” rinig kong sabi ni Lexi at napatango na lang ako.

“They say that female Spirit Masters are beautiful,” dagdag ni Yano. “but they also said that Ms. Adrielle is breathtakingly gorgeous.”

“And they are right,” sagot ni Lexi.

“I am more interested with that Lorgan guy.”

Mabilis kaming napatingin sa direksyon ni Ryleigh dahil sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. So that means…

Mukhang nabasa niya naman ang expressions naming tatlo at gusto kong tumawa dahil sa horrified look niya.

“What the hell are you guys thinking?! Not romantically interested, dufus!”

Oh. Akala ko...nevermind. Mukhang mali ang iniisip namin.

“What I mean is he’s strong. He can train us perfectly just like Sir Gavin,” sabay smirk niya.

Napansin ko lang na masyadong interested si Ryleigh pagdating sa labanan o pagtetraining. I think he’s having fun when he’s challenged and his thirst for being stronger is high.

Bumalik naman sina Lorgan at Lycus sa harapan naming Divians. Pumosisyon si Lorgan sa gitna at naging alert agad ako dahil nakakapressure ang presence niya.

“As your new director, my first order to all of you is to rest.”

Huh? Rest? Is that really an order?

Katulad ko ay ganun din ang reaction ng karamihan. Nakita kong nagsmirk si Lorgan at nagpamaywang siya.

“Oo. Magpapahinga kayo hanggang madaling araw dahil bukas, sisimulan natin ang training sa paraan ko. I suggest you rest well because tomorrow, there’s no time to rest. Dismiss!” sabay talikod niya at pumasok na siya sa main cabin.

Nanatili lang kaming nakatayo lahat at shocked pa rin sa iniwan niyang mga salita. That was so scary. Idagdag pa ang ngiti niya na parang nag-iisip na siya ng ways para pahirapan kami. Isa-isa namang nagsialisan ang Divians doon at nagmadaling pumasok sa kanya-kanya nilang cabins at ang naiwan lang doon ay kaming apat pati na si Lycus. Bigla naman siyang tumawa kaya napatingin kami sa kanya.

“Di na talaga siya nagbago,” sabi niya habang tumatawa.

“Lorgan? You know him?” tanong ni Yano.

“Of course. He’s my father.”

At lalo akong nashock sa narinig ko.


***