.

.

Chapter 11

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Sunday, August 9, 2015


***

Hindi ako makatulog.

Pagtingin ko sa kabilang kama ay tulog na tulog si Lexi. Bumangon na lang ako dahil tatlong oras na yata akong nakapikit lang pero hindi naman ako inaantok. Dala na rin siguro ng mga nangyari kanina.

Lumabas ako sa cabin at napatigil ako nung nakita ko ang paligid. Sobrang ganda. Kahit na madilim ay kitang-kita ang lake dahil sa liwanag ng buwan. Full moon pala ngayon.

Mabagal akong naglakad papunta doon dahil tinitignan ko rin ang kabuuan ng Divine Camp. At gaya ng ginagawa ko dati noong sa bahay pa kami ni Master nakatira, umupo ako malapit sa lake. Pagtingin ko sa lake, hindi na ako nagtaka nung makakita ako ng
aquainas doon. Bigla ko tuloy namiss ang bahay ni Master kahit na maliit lang ‘yun at kaming tatlo lang ang nakatira doon.

I watched the
aquainas swim on the lake under the moonlight. Halos mag-illuminate din ang mga katawan nila kaya kitang-kita ko ang mga galaw nila. Napansin ko naman na napatigil sa paggalaw ang isang aquaina at nakatingin lang siya sa akin. Bigla ko naman ang pagform ng kakaibang liquid sa full black eyes niya and somehow, kahit nasa tubig siya, alam kong luha ang mga ‘yun. Hindi ko alam pero biglang bumigat ang pakiramdam ko. I extended my left arm to reach it but someone grabbed my right.

“Don’t.”

Nawala bigla ang urge ko sa pag-abot sa
aquaina nung marinig ko ang boses sa likuran ko. Lumingon ako at nakita ko si Ryleigh na hawak ang kanang braso ko dahil halos malalaglag na ako sa lake. Hinila niya ako at napaupo ulit ako sa lupa. Pagtingin ko ay wala na ang aquaina sa harapan ko.

“They can heal your wounds and induce sleep but they can also feel your emotions...especially the feelings that are connected to your loved ones.”

Pagkasabi nun ni Ryleigh ay naupo siya sa gilid ko, habang ako ay biglang napayakap sa buong katawan ko. Saka ko narealize na kaya pala kapag nasa lake kami ni Lexi dati, lagi kong naaalala sina Mama at Papa kapag malapit na akong mawalan ng malay. I never thought these
aquainas have this kind of ability.

Saka ko naman napansin na hindi siya tumitingin sa lake. Habang nakatingin ako sa kanya ay naha-highlight ang facial features niya dahil sa liwanag ng buwan. Kapag nakikita ko siya, lagi siyang confident at minsan ay seryoso. But right now, he looks so...peaceful and serene. Parang ibang tao siya.

Bigla ko namang naalala ang sinabi ni Yano kahapon.
“Pasensya ka na. Hayaan mo muna siyang matulog. Ito lang ang oras para matulog siya kaya mas mabuting pagpahingahin na lang natin siya.”

He said he doesn’t sleep at night, or more like he can’t. I wonder, why?

“Bakit hindi ka pa natutulog?” tanong ko pero nakatingin ako sa buwan at hindi sa kanya.

“I don’t sleep at night,” sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.

“Why?”

Ilang segundo na ang nakakalipas pero tahimik lang siya. Sabi na nga ba at hindi niya sasabihin. Sabagay, hindi naman kami ganun kaclose para sabihin sa akin ang dahilan. Pero nacucurious pa rin ako.

“Patay na ba ang mga magulang mo?”

I was caught off-guard by his question. Without any hint of hesitation and in the middle of silence, he asked it. Ito ang unang beses na may nagtanong sa akin ng diretso tungkol sa parents ko. Akala ko mao-offend ako but I found myself nodding.

“I thought so.”

“Paano mo nasabi?” tanong ko habang nakatingin sa kanya at tumingin din siya sa akin.

“You looked like her. Kamukha mo ang Mama mo.”

Mentioning that word made it harder to breathe. It felt like the air inside my lungs was sucked out. Nag-linger lang ako sa isip ko ang mga salitang binitiwan niya pero ayaw magsink-in. Ilang minuto pa ang nakalipas bago ako nakapagsalita.

“S-si Mama...k-kilala mo siya?”

Silence. A painful and deafening silence. Pero nung bumukas ang bibig niya ay hinanda ko ang sarili ko sa pwede kong marinig.

“She saved me during the Havoc.”

Another silence, but this time, it’s more painful because of the memories that flashed inside my head. Ang image nina Mama at Papa. Ang last birthday ko na nakasama ko sila. Ang huling araw na nakita ko sila. Pinigilan kong umiyak but my eyes betrayed me. Tuluy-tuloy ang pagpatak ng mga luha sa mata ko pero hindi ako humikbi...hindi ako humagulgol.

Habang tahimik akong umiiyak ay hindi ako tinignan ni Ryleigh at hindi rin siya nagsalita. I’m really thankful for that. Ilang minuto kaming tahimik at nung unti-unti na akong kumakalma ay pinunasan ko ang pisngi at mga mata ko. Huminga ako nang malalim at tumingin sa kanya.

“Can you tell me more about her? N-nakita mo rin ba ang Papa ko?” I asked. Kahit na alam kong masasaktan lang ako, gusto kong malaman ang nangyari sa kanila noong Havoc. Magsasalita na sana siya pero napatigil siya at naramdaman ko ang pagkatense ng buong katawan niya. Kahit ako ay kinilabutan din. Tumaas ang balahibo ko sa buong katawan and I sensed that I’m in danger.

Napatayo kami pareho at paglingon namin ay nakita namin si Lorgan na naglalakad palapit sa amin.

“Hindi ba sinabi ko kanina na kailangan ninyong matulog?” mahinang sabi niya pero rinig na rinig ko ang boses niya habang nakatayo siya a few meters away from us.

“I don’t sleep at night,” casual na sabi ni Ryleigh at biglang napahawak si Lorgan sa chin niya na parang nag-iisip.

“Oh. Ikaw pala ‘yun. The boy with unusual sleeping time, according to Gavin.” Bigla naman niyang nilipat ang tingin niya sa akin. “At ikaw?”

Kahit na kinakabahan ako ay pinilit kong hindi magcrack ang boses ko. “I can’t sleep. Sorry kung hindi ko nasunod ang order niyo.” I slightly bowed but I held my gaze at him.

Nakahawak pa rin siya sa chin niya pero mas lalong kumunot ang noo niya. Tinitigan niya ako and I instinctively backed away. It felt like he’s looking through my eyes. Nagulat naman ako nung parang nagliwanag ang mukha niya at ngumiti siya na parang may nalaman siyang kakaiba. After a few seconds ay napalitan ang ngiti niya ng pagtawa. Nagkatinginan kami ni Ryleigh at alam kong pareho kami ng iniisip.

He looks like a crazy man.

“This is more interesting than I thought,” sabi niya but more like sa sarili niya. Tumingin ulit siya sa amin at naramdaman ko ang pressure ng presence niya. “Tutal nandito na rin naman kayo at wala kayong balak matulog, sisimulan ko na ang training para sa inyong dalawa. Follow me.”

Tumalikod siya sa amin at nagsimulang maglakad. Agad naman kaming napasunod ni Ryleigh sa kanya at magkalong excitement, kaba at takot ang naramdaman ko. Nagpunta kami sa training area na nasa opposite side ng cabins at nakita namin siya sa area kung saan maraming nakatayong log post na halos kasingtangkad namin. Bigla naman siyang tumalon sa taas ng isa at hindi ko alam kung paano niya nababalance ang sarili niya doon kahit na isang paa niya niya lang ang kasya sa surface.

“How many guardians do you have?”

“Two.”

“Three.” Halos sabay kaming sumagot ni Ryleigh at nagnod lang siya sa amin.

“Can you summon them?”

“Yes,” sagot ni Ryleigh.

“Yung dalawa pa lang ang kaya kong tawagin under my control,” sabi ko naman. “The third one was recently Marked kaya hindi ko pa siya kayang kontrolin.”

“Yun ba ang main guardian mo?”

“Yes.”

Somehow, nakaramdam ako ng lungkot sa sarili kong sagot. She’s my main guardian but I can’t call her yet without getting weak and tired after a couple of minutes.

“That means you’re still weak to handle him or her.” His words stung a bit pero alam ko sa sarili ko na totoo ‘yun. I’m an amateur Divian and I’m weak but I want to be strong. Strong enough to protect the people I care about. Ayoko nang maramdaman ulit ang sakit na naramdaman ko nung nalaman kong namatay ang parents ko. Ayoko nang may mawala ulit sa akin.

“I know.”

“At least I can see the determination in your eyes.”

Bigla namang nagliwanag ang paligid niya at narealize ko na napapalibutan na siya ng spirit particles. Hindi ko narinig ang pagbanggit niya sa incantation pero gaya nga ng sinabi ni Master, ang matataas ang rank na Divians ay minsan hindi na gumagamit ng incantation para tawagin or idismiss ang guardians nila. Ilang saglit pa ay may nagmaterialize sa magkabilang gilid niya. Nung nakita ko ang physical form nila ay halos hindi ako nakahinga.

“These are my twin guardians, Romulus and Remus.”

After saying their names, his guardians howled while facing the full moon. His guardians were wolves, twice the size of a normal wolf; one black and one white. Sa pag-howl nila ay mas lalo akong kinilabutan.

“Your strength reflects on your guardians,” sabi ni Lorgan habang nakatayo pa rin sa post at nasa ibaba niya ang guardians niya. “I’m sure your previous masters told you about this. You need to improve your physical, mental and even emotional strengths if you want your guardians to be strong.”

“Anong kailangan naming gawin?” tanong agad ni Ryleigh at may hint ng excitement ang boses niya.

“Simple lang,” he said while smirking at alam kong magkaiba kami ng definition ng simple. This is not going to be simple, I’m sure of it.
“Kailangan niyo lang silang takasan sa loob ng isang oras. Pwede niyong tawagin ang guardians niyo o ‘di kaya naman gamitin ang buong Camp, basta hindi nila kayo maabutan.”

Nagkaroon ulit ng saglit na katahimikan sa pagitan naming tatlo at ang mahinang growl lang nina Romulus at Remus ang naririnig.

“What if...nahuli nila kami?” tanong ko and for a second, I thought I saw pair of pointed teeth when he smiled.

“Romulus and Remus do not fear humans but they see them as a threat. And when they are threatened, they attack with no mercy. Kaya naman kung ako sa inyo, huwag na huwag niyong iisipin na mahuhuli kayo dahil ‘yun ang magiging dahilan ng pagkamatay ninyo.”

He said it so casually na parang ‘yun ang normal na nangyayari kapag pinapagawa niya ‘yun kina Romulus at Remus. Alam ko rin na kailangan ko nang lumayo pero parang na-glue na ang paa ko sa lupa dahil naiintimidate ako sa tingin ng guardians niya.

C’mon Reika, move!
I told myself but their gazes are too petrifying.

“Run!” Nakagalaw lang ako nung hinatak ako ni Ryleigh palayo doon sa log posts at saka lang nagkaroon ng pakiramdam ang mga paa ko. Pero hindi pa kami nakakalayo ay narinig ko ang swift movements ng wolves at paglingon ko, ilang metro na lang ang layo nila sa amin.

When they are threatened, they attack with no mercy.

Adrenaline took over me and I immediately called Carlos, almost at the same time with Ryleigh while we’re running away from them.

“Bob,
sal-ve!”

“Carlos,
sal-ve!”

Nagmaterialize si Carlos sa harapan ko at tumalon agad ako sa kanya habang tumatakbo siya. Nakita ko sa peripheral vision ko na sumakay rin sa bear guardian niya. At dahil sa instincts ni Carlos, alam kong alam niya na kailangan naming makalayo. Lumingon ako sa likuran at nakita kong ang humahabol sa amin ay ‘yung white wolf samantalang ‘yung black naman ang kay Ryleigh, pero hindi ko alam kung sino si Romulus o Remus sa kanila.

One hour. I need to get away from this wolf for one hour. Last time, tumagal lang si Carlos for fifteen minutes sa physical form niya. I can summon Jerry...or even Phoebe afterwards pero hindi ko alam kung enough pa ang stamina ko para sa kanila. But right now, I need to think of a plan aside from running away.

‘Get stronger.’

Muntik na akong malaglag sa likod ni Carlos nung narinig ko ang boses ng babaen sa isip ko. Again. Just like in my dreams. But after hearing that, a surge of motivation rippled through my body.


***